Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Untitled Prezi

No description
by

Caitlin Yap

on 26 May 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Untitled Prezi

DISKURSO
Ito ay ang pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa
Ang kahalagahan nito ay upang maging matagumpay tayo sa bawat pakikipag-usap natin sa mga kapwa, sa pamamagitan ng pasulat man o pasalita
Anyo ng Diskurso:
a. Pasalita
- dito ay magkaharap ang mga partisipant kaya't bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, mahalaga rin ang paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pa
b. Pasulat
- dito naman ay dapat maingat ang pagpili ng bawat salita at kinakailangan na makailang beses itong nirerebisa upang maging malinaw ang mensahe na gustong ipahatid sa mga mambabasa
Paglinang ng Ideya :
a. Paksa

b. Layunin

c. Pagsasawika ng Ideya

d. Tagatanggap
Uri ng Diskurso:
1. Paglalarawan/ Deskriptib

2. Pagsasalaysay/ Naratib

3. Paglalahad/ Ekspositori

4. Pangangatwiran/ Argumentatib
DISKURSO AT ANG MGA URI NITO
I. PAGLALARAWAN/ DESKRIPTIB
nagpapahayag ng sapat na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang ang isang mambabasa o tagapakinig ay makalikha ng isang larawang mental
gumagamit ng mga pang-uri at pang-abay upang mabigyang buhay ang anumang inilarawan
layunin nito ang makalikha ng imahe sa isipan ng mga mambabasa upang maranasan nila kung ano ang naranasan ng manunulat
Kahingian ng Epektibong Deskripsyon:
a. Wastong pagpili ng paksa
b. Pagbuo ng isang pangunahing larawan
c. Sariling pananaw o perspektib
> Iba't-ibang uri ng pananaw:
- ayon sa kinalalagyan ng naglalarawan:
malapit man o malayo
- ayon sa kanilang sariling palagay o
damdamin
- pagkatao ng mismong naglalarawan
- impormasyong kanyang nakalap o narinig
d. Kaisahan
e. Pagpili ng mga sangkap
f. Pagpili ng angkop na pananalita
g. Layunin ng Paglalarawan
Uri ng Deskripsyon:
a. Karaniwang deskripsyon
ordinaryo o palasak
yaong ang pangunahing layunin ay makapagpabatid o makapagbigay ng dagdag kaalaman
obhetibo ang paglalarawan na ito
b. Masining na deskripsyon
magarbo, grandyoso o makulay
pumipili ng mga salita na higit na magbibigay-buhay sa inilalarawan
salitang ginagamit ay yaong kikiliti sa guni-guni ng mga mambabasa o tagpakinig
nakakapukaw ng isipan at damdamin
gumagamit din ng mga tayutay at idyoma
II. PAGSASALAYSAY/ NARATIB
nagpapahayag ng mga magkakaugnay na pangyayaring may tiyak na pinagmulan tungo sa isang tiyak at makabuluhang wakas
layunin nito ay ang mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari sa isang maayos at sistematikong kaayusan
Kahingian ng Epektibong Naratib:
a. Orihinal
b. Mapanghikayat na pamagat
> Mga kahingian ng pamagat:
- maikli - angkop
- orihinal - sinaliksik
c. Mapangganyak na panimula
> Paraan kung paano simulain ang naratib:
- pagbuo ng nakakatawag-pansing pangungusap
- dayalogo
- paglalarawan ng tauhan o tagpuan
- pagtatanong
- sipi o kasabihan
d. Kapana-panabik, di maligoy at magkakaugnay-ugnay
na daloy ng pangyayari
e. Angkop at interesanteng wakas
f. Makabuluhang karanasang pantao
g. Angkop na bokabularyo o pananalita
h. Malinaw at tiyak na punto de bista sa pagsasalaysay o
paningin

Uri ng Naratib:
a. Maikli o mahabang kwento/nobela
- binubuo ng mga
magkakaugnay-ugnay na pangyayari na maaaring maikli
o mahaba at masalimuot
b. Talambuhay
- kwento tungkol sa buhay ng isang tao
c. Kasaysayan
- kwentong hindi bunga ng imahinasyon bagkus
ito ay mga kwento ng totoong pangyayari
d. Kwento ng paglalakbay
- binubuo ng pagpapahayag ng isang
manlalakbay ng kanyang pakikipagsapalaran habang siya ay
naglalakbay sa iba't ibang pook
e. Kwento ng pakikipagsapalaran
- binubuo ng mga detalye
kaugnay ng pakikipagsapalaran ng isang tauhan sa anumang
bagay na kaniyang tinatahak
f. Balita
- mga pagpapahayag ng mga mahahalagang pangyayari
sa araw-araw na ibinabahagi sa mga tao upang sila ay
magkaroon ng impormasyon tungkol sa mga nagaganap sa
kanilang paligid
g. Alamat, leyenda, epiko, at kwentong-bayan
- mga anyo ng
naratib na nabuo sa matandang panahon ng ating kasaysayan
at sumasalalim sa ating kabihasnan
Mga Elemento ng Naratib:
a. Banghay
- istruktura ng isang naratib
b. Tauhan
- mga gumaganap sa kwento, mapa-tao
man, hayop o bagay
c. Tagpuan
- tumutukoy sa pook na pinagganapan ng
mga pangyayari
d. Suliranin
- mga pagsubok na pinagdaraanan ng mga
tauhan
e. Himig o
mood
- tumutukoy sa damdamin ng may akda
f. Solusyon
- tumutukoy sa mga pangyayaring nagbigay-
daan sa pagwawakas ng sulirain ng naratib
g. Kasukdulan
- pinakamataas na pangyayari
h. Resolusyon
- nagbibigay-daan sa pagtatapos ng kwento
i. Wakas
- dito ay nabibigyan ng kalutasan ang lahat ng mga
pangyayari


III. PAGLALAHAD/ EKSPOSITORI
nagpapahayag ng mga ideya , kaisipan at impormasyon na inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago o dagdag na kaalaman
layunin nito ang makapagbigay ng impormasyon at maragdagan ang kaalaman ng tao
Kahingian ng Epektibong Eksposisyon:
a. Mayroong sapat na kaalaman sa paksa
b. Dapat maging mapanuri
c. Mayroong kakayahang ihanay ang kaisipan sa
pamamaraan na mauunawaan ng lahat
d. Kawalan ng pagkiling
e. Dapat maging mapagmasid
Katangian ng Epektibong Eksposisyon:
a. Malinaw

b. Tiyak

c. May Kohirens

d. Empasis
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon:
a. Pagbibigay-depinisyon
b. Pag-iisa-isa
c. Pagsusunod-sunod o order
d. Paghahambing at pagkokontrast
e. Problema at solusyon
f. Sanhi at bunga
Uri ng Eksposisyon:
a. Sanaysay
- pagpapahayag ng isang manunulat ng kanyang
mga ideya, kaisipan, pananaw o damdamin kaugnay ng
isang paksa
b. Paglalahad ng proseso
- naglalahad ng mga panuto kung
paano gamitin ng wasto ang isang bagay
c. Suring-basa o rebyu
- nagsasagawa ng maingat na
pagbubusisi ng isang likha upang tulungin ang mga
mambabasa o manonood
d. Editoryal
- naglalayong ipahayag ang pananaw ng isang
pahayagan o ng isang manunulat kaugnay ng isang isyu
e. Balita o ulat
- anyo ng pagpapaliwanag sa dahilang
nagbibigay ito ng mga tiyak at malinaw na detalye kaugnay
ng isang mahalagang pangyayari na madalas ay kagaganap
pa lamang
IV. PANGANGATWIRAN/ ARGUMENTATIB
nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig
naglalayong makahikayat ng tao sa isang isyu o panig
Ang mga dapat isaalang-alang upang makalikha ng Mabisang Argumentasyon:
a. Pagkilala ng paksa
b. Pagkilala sa mga proposisyon ukol sa paksa
c. Pagtukoy sa angkop na pamamaraan ng argumentasyon
d. Pagkalap ng impormasyon
e. Pag-iwas sa maling pangangatwiran
Ang mga dapat isaalang-alang para maging matagumpay ang argumentasyon:
a. Matibay na paniniwala

b. Mahatak na panghikayat
Uri ng Maling Pangangatwiran:
a
. Argumentum ad hominem
- nakahihiyang pag-atake sa personal na
katangian/ katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinalakay o
pinagtatalunan
b.
Argumentum ad baculum
- ginagamitan ang pwersa o awtoridad
upang maiwasan ang isyu at tuloy maiplano ang argumento
c
. Argumentum ad misericordiam
- ginagamitan ito sa paraang pumipili
ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan
d.
Non sequitur
- pagbibigay ng konklusyon sa kabila ng mga walang
kaugnayang batayan
e.
Ignoratio elenchi
- circular reasoning o paliguy-ligoy
f. Maling Paglalahat
- nagbibigay na agad ng isang konklusyong
sumasaklaw sa pangkalahatan dahil lamang sa ilang aytem/ sitwasyon
g. Maling Paghahambing
- sumasala sa matinong konklusyon ngunit
mayroon ngang hambingan
h. Maling Saligan
- nagsisimula sa maling akala hanggang magkaroon ng
kongklusyong wala sa katwiran
i. Maling Awtoridad
- naglalahad ng tao o sangguniang walang
kinalaman sa isyung kasangkot
j. Dilemma
- naghahandog lamang ng dalawang opsyon/ pagpipilian na
para bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo
Tekstong Argumentatib
Tatlong Bahagi na nagbubuo sa Isang Teksto:
Uri ng Argumentasyon:
a. Pabuod na pangatwiran
- Ito ay nagsisimula sa isang maliit at ispisipik na halimbawa o katotohanan at magtatapos sa isang panlahat na simulain

b. Pasaklaw na pangangatwiran
- Nagsisimula ito sa isang malaking kaisipan patungo sa paghahati-hati nito sa maliit na kaisipan
- Dito ay ang isang masaklaw na katotohanan ay ikinakapit sa isang tiyak na pangyayari
- naglalayong makahikayat ng mambabasa kaugnay ng isyung ipinapahayag n isang manunulat
a. Mapanghikayat na panimula
b. Katawan na naglalamn ng mga malamang impormasyon
c. Wakas na nagbibigay ng kabuuan sa teksto
Full transcript