Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Noli Me Tangere

No description
by

Jesselda Kianna Crudo

on 4 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Noli Me Tangere

Noli Me Tangere
kabanata 16-18
Kabanata 16
Si Sisa
Mga Tauhan:
Sisa
- isang mapagmahal na ina na ang naging tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin
- magkapatid na anak ni sisa, sakristan at taga-tugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopong Tasyo
- maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Buod ng Kabanata 16
Pedro
- mabisyong asawa ni Sisa.
“Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing ina nila Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na ganda nito ay pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa lansangan. Wala itong pakialam sa buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong bugbugin kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos. Naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na hindi nila madalas matikman sa kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga bata: tuyong tawilis at sariwang kamatis para kay Crispin; at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman para kay Basilio, mula sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo. Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay ang kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang mga anak. Hindi man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa kanyang mga anghel. Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata pagdating nito mula sa simbahan. Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay ay nakarinig siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio.”
Layunin ng Kabanata:
-Sa kabanatang ito, pinakita ang pagiging biktima ng mga asawang babae sa paniniwalang panrelihiyon na dapat sila ay maging sunod-sunuran lamang sa kanilang mga asawa at tagatanggap din ng kapalaran ng kanilang asawa.
Kanser ng Lipunan:
> Kahinaan ng kababaihan
>Katamaran
>Pagkahilig sa bisyo
Kabanata 17
Si Basilio
Mga Tauhan:
Basilio at Crispin- magkapatid na anak ni Sisa, sakristan at tagatugtog nga kampana sa simbahan ng San Diego.
Sisa- mapagmahal na ina kina basilio at crispin.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.
Buod: Kabanata 17- Basilio
Buod: Kabanata 17- Si Basilio
Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.
Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali.
Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.
Buod: Kabanata 17- Si Basilio
Layunin ng Kabanata:
Ipinapakita sa kabanatang ito ang paghihirap ng mga kapos palad sa ilalim ng pamumuno ng mga kastila. Ang pagmamaltrato sa mga kabataang sakristan na nagsisilbi sa simbahan.
Ang pagiging positibo ang maaaring mag angat sa kahirap kung magkakaroon lang kasipagan at kumpiyansa sa sarili.
Kabanata 18:
Mga
Kaluluwang Naghihirap
Padre Damaso: isang kurang pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.
Padre Salvi: kurang pumalit kay padre Damaso na may lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Sisa: isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya
Crispin: anak ni sisa, sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Mga Tauhan:
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Parde Damaso ng magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan.Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.
Buod: Kabanata 18
Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang mga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.
Buod: Kabanata 18
Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.
Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.
Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.
Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

Buod: Kabanata 18
Layunin ng Kabanata:
Pinuna niya ang mga Pilipinong nagwawalang bahala sa mga huwad na turong simbahan.

Ipinakita niya rito ang pagkakaroon ng matigas na puso ng mga alagad ng simbahan lalo na kung mahirap ang nakikiusap sa kanila.
end
Full transcript