Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Sabayang Pagbigkas

No description
by

Zachinorga Gomencielaman

on 10 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Sabayang Pagbigkas

Ano ang sabayang pagbigkas?
>Sabayang pagbigkas ang tawag sa sabay-sabay na pagbigkas sa tanghalan ng isang pangkat ng anumang akdang pampanitikan.
Maaaring ang bigkasin ng pangkat ay isang tula, sanaysay, talumpati, o alamat. Tulad ng dula at talumpati, ito ay may galaw o aksyon ng mga bumibigkas upang maliwanag ba mailarawan ang nais na ipahiwatig ng binigkas. Ang galaw o aksyon ay maaaring sa anyo ng sayaw at awit. Madalas tuloy, kapag abg tula ang siyang sinasamahan ng sayaw at awit, ito ay tinatawag na tulasawit ( tula, sayaw at awit).
Mga kailangang gawin sa paghahanda ng Sabayang Pagbigkas...
1. Piliin ang akda (maaaring tula, sanaysay, talumpati, o alamat) na angkop sa pampanitikang pagpapahalaga ng bata: sa damdamin, kaisipan, kaugalian.
2. Pagpangkat-pangkatin ang klase ayon sa tinig: sa babae ay -soprano, kontraalto, alto; sa lalaki naman ay -tenor, baho (bass).
3. Basahin nang malakas at pabigkas ang akda. Bigyan ng pansin ang mga kamalian sa pagbigkas at iwasto ang mga ito.
4. Unawain ang nilalaman ng akda at isaayos ito para sa panabayang pagbigkas sa tulong ng pangkat.
5. Bigyang-laya ang bawat nagnanais na magpasok ng mga mungkahi sa pagsasaayos ng akda.
6. Kung kailangan ng mga soloista, pumili sa pamamagitan ng pagsubok upang mas mapaganda ang pagtatanghal.
Maraming salamat sa panonood!
Sabayang Pagbigkas
Isinagawa ng IX-SSC
7. Gawing magaan at natural ang tinig. Maaaring palakasin ang tinig ngunit hindi pahiyaw; hindi dapat pilit ang pagpapalabas nito.
Mga Uri ng Pagsasaayos para sa Sabayang Pagbasa...
1.
Antiponal -
Ang pangkat sa uring antiponal ay hinahati sa dalawa ayon sa tinig: mataas at mababa o malaki at mallit o lalaki at babae. Angkop ang uring ito sa akdang may usapan. Ang usapan ay maaaring anyong tanong-sagot o pakiusap. Ang unang pangkat ang nagtatanong o nakikiusap at ang ikalawa ang sumasagot.
2.
Refrain -
Pinakapayak ang uring refrain sa pagsasaayos at angkop para sa mga nagsisimulang bumigkas nang panabayan. Ang akda ay pinaghati-hati. May mga taludtod o pahayag para sa isa o mahigit pang soloista at mayroon ding para sa koro. Kadalasan, ang taludtod/pahayag para sa koro ay inuulit na taludtod/pahayag.
3.
Line-A-Child -
Gumagamit ang uring line-a-child ng maraming soloista na ang bawat isa ay may kanya-kanyang bibigkasin. Kadalasan, ang paraang ito ay itinatambal sa unison.

4.
Part Arrangement -
Ang uring part arrangement ang pinakamahirap isaayos ngunit ito ang pinakakawili-wiling pakinggan. Ang bawat tinig ng korista ay inuuri ayon sa taas o baba (pitch) at laki o liit (timbre) gaya ng halimbawang sumusunod: lalaki-tenor, baho; babae-soprano, kontraalto, atbp. Kadalasan ang mga taludtod/pahayag na katatagpuan ng maraming patinig i ay para sa mga soprano at yaong may a at o ay para sa may mababa o malaking tinig. Isinasaalang-alang din ang kalagayan (mood) at pinapaksa ng akda.

5.
Unison -
Sabayang binibigkas ng buong pangkat ang akda. Angkop itong gamitin sa mga tulang hindi na kailangang pagbaha-bahaginin para sa iba’t-ibang mambibigkas, tulad ng mga tula o akdang walang usapan o diyalogo. Ang uring ito ay nangangailangan ng maingat at maselang pamamatnubay. Ang buong pangkat ay dapat bumigkas nang parang isang tao.

Sa malaking tulong nina: Ivan,Zach,Renato at Noriel
Full transcript