Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

stap el fili

No description
by

kira derp

on 22 January 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of stap el fili

MULAT SIMOUN - Dating Crisostomo Ibarra; tagapayo at tanungan ng Kapitan-Heneral; isang mayamang mag-aalahas
DON CUSTODIO - Mapagbalak na noo'y payapang natutulog
DONYA VICTORINA - Asawa ni Don Tiburcio; babaeng itinakwil ang pagka-Pilipina
BEN ZAYB - Manunulat na nagpapalagay sa sarili na siya lamang ang nag-iisip
PADRE IRENE - Kanonigong pari
PADRE CAMORRA - Paring mukhang artilyero
PADRE SIBYLA - Dominikong may magandang tindig
PADRE SALVI - Payat at gusgusing Pransiskano TALASALITAAN KUBYERTA - palapag ng barko; Ingles nito "DECK"
SILBATO - pito
SILYOSA - silyang pamahingahan
SALAMBAW - paraan ng paghuli ng isda
TIMON - ugit ng sasakyang-tubig
TIKIN - mahaba at payat na kawayang ginagamit na pantulak sa mga sasakyang-tubig
ULDOG - Pari / Prayle
NAGLIPANA - pagala-gala MGA TAUHAN Donya Victorina - Babaeng itinakwil ang pagka-Pilipina
Don Custodio - Mapagbalak na noo’y payapang natutulog;
Ben-Zayb - Manunulat na nagpapalagay sa sarili na siya lamang ang nag-iisip
Padre Irene - Kanonigong pari
Simoun - siya rin si Juan Crisostomo Ibarra; Isa siyang mayamang mag-aalahas
Padre Camorra - isang prayle na mukhang artilyero (taga singil ng buwis)
Padre Sibyla - Dominikong pari; may magandang tindig
Padre Salvi - Pransiskanong pari; payat at gusgusin BAPOR = STEAMBOAT

hango sa salitang Ingles na VAPOR, na ibig sabihin ay singaw; nakagawiang tawag sa malalaking sasakyang-tubig na gumagamit ng steam engine. TABO = WATER DIPPER

Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas, kape o ano man. Inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa GOMBURZA.

"To the memory of the priests, Don Mariano Gomez (85 years old), Don Jose Burgos (30 years old), and Don Jacinto Zamora (35 years old). Executed in the Bagumbayan Field on the 28th of February, 1872."

"The church, by refusing to degrade you, has placed in doubt the crime that has been imputed to you; the Government, by surrounding your trials with mystery and shadows causes the belief that there was some error, committed in fatal moments; and all the Philippines, by worshipping your memory and calling you martyrs, in no sense recognizes your culpability. In so far, therefore, as your complicity in the Cavite Mutiny is not clearly proved, as you may or may not have been patriots, and as you may or may not cherished sentiments for justice and for liberty, I have the right to dedicate my work to you as victims of the evil which I undertake to combat. And while we await expectantly upon Spain some day to restore your good name and cease to be answerable for your death, let these pages serve as a tardy wreath of dried leaves over one who without clear proofs attacks your memory stains his hands in your blood."

Ngunit tila binigo ata si Rizal ng memorya niya sapagkat ang edad ni Padre Gomez noon ay 73 hindi 85, Padre Burgos 35 hindi 30, Padre Zamora 37 hindi 35; at ang petsa ng pagbitay/pagkamatay ng GOMBURZA ay noong 17th hindi noong 28th. Kabanata 1 Umaga ng Disyembre. Sumasalunga ang Bapor Tabo sa Ilog Pasig. Naghahatid ito ng maraming manlalakbay na patungo sa lalawigan ng Laguna. Sa taas ng kubyerta ay nakaupo sa maginhawang silyosa ang mga prayle at mga mahahalagang tao. Ang mga Indiyo, Tsino, at mga mestiso naman ay nagsisikikan sa ilalim ng kubyerta. Nagkaroon ng diskusyon dahil sa reklamo ni Donya Victorina sa napakabagal na pag-usad ng Bapor Tabo. Ang sinisisi niya ay ang mga Indiyos na naglipana sa tubig at sa iba pang lugar. Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik.
Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Galit si Donya Victorina sa mga Indiyos. Sa tingin niya na mas bubuti ang pag-usad ng Bapor Tabo kung walang mga Indiyo sa daigdig. Sa totoo lang nagpapansin lang si Dona Victorina sa mga kasamahan niya na abala sa kani-kanilang mga pinag-uusapan. Inis na inis siya dahil iniiwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta. Ang Kapitan naman ay isinisisi ay kabagalan ng pag-usad ng bapor sa kakiputan ng ilog. Nakipagdebatehan sina Don Custodio at Simoun, at sila’y nagtalo kung ang mga Indiyo ay maghihimagsik o hindi. Walang takot si Simoun na sinabing pilitin ang Indiyo na magtrabaho ng walang bayad at kung sila ay magrereklamo sila ay parusahan. Binanggit niya ang mga ginawa sa ibang bansa kung saan ang mga nagtayo ng mga kilalang lugar kagaya ng sa Egypt ay gawa ng mga alipin. Nainis ang grupo kay Simoun. Iniwan ni Simoun ang grupo, at si Don Custodio naman ang nagbigay ngkanyang solusyon: Kumbinsehin ang mga taong mag-alaga ng mga itik. Kinakain ng mga itik ang mgasuso. Huhukayin ng mga tao ang ilalim ng ilog upang makakuha sila ng mga suso na ipapakain sa kanilang mga alagang itik. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng itik dahil darami ang balut na pinandidirihan niya. Si Padre Sibyla ay nag-aalala na baka magrebolusyon ang taumbayan tulad nung dati. Binalewala ito ni Simoun at sinabing para saan pa ba ang mga prayle kung kayang umalsa ang mga tao. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan? Ang bapor tabo ay may itaas at ibaba. Maihahalintulad ito sa pamahalaan noon at hanggang ngayon, sa paraan na mas maginhawa ang mga nasa taas (mayayaman at may katungkulan) kaysa sa mga nasa ibaba (mahihirap) Ang mabagal na pag-unlad dala ng kahinaan ng pamahalaan PAGKULAPOL NG PINTURANG PUTI - nagpapanggap na malinis at marangal ngunit’t makikita ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sa pamahalaan at simbahan. Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng pamahalaan. Bilog na anyo ng bapor - nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano ng pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon na walang yaring plano ng pagpapalakad. Kabanata 2 Kapitan Basilio - Isang mayamang kapitan sa bayan ng San Diego
Basilio - Ang mag-aaral ng medisina
Isagani - Ang makatang kasintahan ni Paulita Gomez
Padre Florentino - Amain ni Isagani APYAN - opium
TAO SA UNA - makaluma; konserbatibo
EMINENCIA NEGRA - Kardinal Moreno; Kamahal-mahalang Itim
SUMUSULAK - pagkulo o pagtaas ng tulak ng dugo ng tao dahil sa matinding galit
NAMUHI - galit or matinding pagkainis
MAPUSOK - mabangis, maalab, maningas ang loob
KATIPAN - kasintahan, nobyo o nobya Karamihan sa mga pasaherong nasa ilalim ng kubyerta ay mga Intsik na natutulog sa gitna ng kanilang mga produktong dala-dala. Naroon ang dalawang estudyate - si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay na manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila ni Kap. Basilio Ayon kay Basilio, si Kapitan Tiyago ay patuloy pa ring gumagamit ng opyo. Pinayuhan ni Padre Irene si Basilio na umuwi. Nabaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Nang lumayo si Kap. Basilio, napag-usapan ni magkaibigan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani. Dumating si Simoun at kinausap ang magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigan ito’y mahirap at di makabibili ng alahas na paninda niya. Matigas na tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino. Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa ngunit tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom sila ng tubig at di ng serbesa. Dagdag ni Isagani: "Lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan." Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio. Itinanong pa ni Simoun kung ano magiging sagot ng dalawa kung sakali itanong ni Padre Camorra: "Kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig?" Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa isang makina. Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina ay hahanapin pa. Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. Si Paulita ay ubod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ang tiyahin niya ay si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si Don Tiburcio De Espadaña. Pero ang doktor ay nagtatago pala sa bahay ng amain ni Isagani na si Padre Florentino. Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. Tugon ni Isagani: "Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao." May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t nakita ng kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta. SIMBOLISMO PILIPINO BILANG ISANG PARI NG BAYAN
Ayon kay Simoun, mahirap ang bayan kung Pilipino ang mga pari dito. SULAK NG TUBIG
Pag-init at pagkulo ng damdamin ng Pilipino sa pagkamit ng kalayaan MUMUNTI AT WATAK-WATAK NA ILOG
Kawalang kaisahan ng mga Pilipino PAGTUTULUNGAN NG TUBIG AT APOY SA MAKINA
Pagtutulungan ng Pilipino at Kastila para sa ikauunlad ng bansa. WAKAS
Full transcript