Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Paano nakakaapekto ang diskriminasyon sa pag-aaral ng mga es

No description
by

Jose Marie Borbe

on 21 November 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Paano nakakaapekto ang diskriminasyon sa pag-aaral ng mga es

KABANATA 1
Introduksyon
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

KABANATA II
Image by Tom Mooring
KABANATA III
Paano nakakaapekto ang diskriminasyon sa pag-aaral ng mga estudyante ng SHS HUMSS ng MIT, UST, at UPHSD
Disenyo ng Pananaliksik
Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Ang deskriptibong pananaliksik ay kinabibilangan ng lahat ng mga pag-aaral na magpapakahulugan sa kasalukuyang katotohanan na may kinalaman sa kaligiran at kalagayan ng anumang paksa.
Respondente
Ang mga respondenteng nagbigay parte sa pananaliksik ay nagmula sa mga SHS HUMSS ng MIT, UST, at UPHSD. Ang napiling bilang ng mga mananaliksik na lumahok sa pagsasagot ng sarbey o talatanungan ay hinding bababa sa dalawampu ngunit hindi sosobra sa tatlumpu. Ang napiling bilang ng mga mananaliksik na lumahok sa pagsasagot ng sarbey o talatanungan ay hinding bababa sa dalawampu ngunit hindi sosobra sa tatlumpu.
Layunin ng pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay may mga sumusunod na pangunahing layunin:
Malaman kung paano nga ba nakakaapekto ang diskriminasyon sa mga nasabing paaralan lalo na’t isa ito sa mga isyung kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan.
Malaman kung ano ang mga isinaalang alang ng mga mag-aaral ng HUMSS sa pagpili ng akademikong kursong ito
Malaman kung saan nanggagaling ang diskriminasyon natatanggap ng mga mag-aaral
Malaman ang mga epekto ng diskriminasyon sa sarili at pag-aaral ng mga mag-aaral ng HUMSS at kung ano naman ang mga pananaw ng mga hindi nakakaranas nito hinggil sa isyu.
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga kalahok sa pananaliksik, mga instrumenting ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos
Ang Pilipinas bilang isang kilalang demokratikong bansa ay nagbibigay karapatan sa mga mamamayan na maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin hinggil sa isang paksa, ngunit may ilang pagkakataon na ito labis na naaabuso at nawawalan ng pagrespeto sa kaibahan ng bawat tao. Sa pagpapatupad ng K12 kurikulum ay umusbong ang napakaraming mga pagbabago. Kamakailan lamang ay lumutang ang isyu hinggil sa hindi patas na pagtingin sa mga mag-aaral na kabilang sa track na HUMSS Ang pag-aaral na ito na may paksang paano nakakaapekto ang diskriminasyon sa pag-aaral ng SHS HUMSS ng MIT, UST, at UPHSD
Kahalagahan ng pag-aaral
Ang paksang ito ay mahalaga sapagkat:
Ito ay magbibigay ng bagong impomasyon sa mga mambabasa nang mas maintindihan nila ang kaibahan ng akademikong kursong HUMSS.
Ito ay may layong maiparating sa mga mambabasa kung bakit mayroong nagaganap na diskriminasyon sa HUMSS at kung paano ito maiiwasan.
Matutulungan nito ang mga papasok pa lamang sa SHS na magkaroon ng paunang kaalaman sa mga maaari nilang maranasan sa SHS.
Maipaliwanag kung anong klaseng diskrimansyon ang kanilang dinaranas upang magawan ng kaangkop na aksyon.
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw lamang sa kung paano nakakaapekto ang diskriminasyon sa pag-aaral ng mga SHS HUMSS ng MIT, UST, at UPSHD. Sasaklaw rin ito sa tunay
na kahulugan ng diskriminasyon. Sa isang sitwasyon. Subalit, hindi na sakop ng mananaliksik ang iba
pang Strand.

Ayon sa Republic Act 10627 o “The Anti-Bullying Act”, ang 'bullying' ay binibigyang kahulugan sa ilalim ng batas bilang anumang labis o paulit ulit na paggamit ng isa o grupo ng mga estudyante ng pasulat, pasalita, o padagisik na ekspresyon, ang pisikal na kilos o galaw, o ang anumang kombinasyon nito patungo sa isa pang estudyante na may epektong nagsasanhi kalaunan ng takot nito sa pisikal, emosyonal o pagkasira ng kanyang ari-arian. Ang Republic Act 10627 ay naglalayon na protektahan ang mga batang nasa kindergarten, elementarya, at mga sekondaryang ekwelahan at paaralan laban sa pagkaranas na mabully. Inoobliga nito ang mga ekwelahan na sumunod sa mga polisiya upang maipakita ang nagaganap na bullying sa loob ng kani-kanilang mga institusyon.
Una sa lahat, ang terminong HUMSS ay nangangahulugang "HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCE" na ang ibig sabihin ay
hindi lang ito tungkol sa agham panlipunan kundi' tinatalakay din ang literaturang anthropolohiya, philosopiya, lingguwistiks, pakikipag-usap, sikolohiya. Ang pag kuha ng HUMSS ay hindi gabay sa pagiging isang politiko. Halos kaparehas lang ng mga kumuka ng STEM okaya isang siyensang kurso ay mapupunta sa isang medikal na paaralan o walang balak maging isang inhinyero. Itong pag iisip na ito ay sobrang limitado at gagawa ng mga sangkatutak na opportunidad na pwedeng maibigay sa mga estudyante.
Ang Humanities at agham panlipunan ay mga pundasyon din ng lipunan tulad ng matematiko at siyensiya. Matematiko at siyensiya, habang sila ay nagpapabuti at nagpapaunlad ng ating mundo, wala silang kaparehas na epekto sa kultura at tradisyon hindi kagaya ng Humanities at social sciences; siyensiya ang tumatrato sa mga tao ng organismo, ngunit ang agham panlipunan lang ang magtuturing sa tao na isang ganap na tao.
Ang bullying ay maaaring mahati sa iba’t ibang uri o klase, isa sa mga pinakaraniwang halimbawa nito ay ang emosyonal na bullying. Emosyonal na pang aapi ay hindi lang nakikita sa palaruan; emosyonal na pang aapi, bagamat katulad ng su, ay nakikita sa mga relasyon ng matatanda at lugar ng trabaho rin. Ang emosyonal na pang api ay maaari ng tawagin sa pangalan, asarin sa trabaho, paggamit ng uyam, takutin, maliitin, huwag pansinin o ibukod mula sa pangkat, magsinungaling, pagpapahirap ng mabuti, pagtulungan sa iba, at pahiyain
ang iba.
Ang paksang paano nakakaapekto ang diskriminasyon sa pag-aaral ng mga estudyanteng nabibilang sa SHS HUMSS ng MIT, UST, at UPHSD ay napapanahon at ang mga sangkot o dawit na mga indibidwal ay pawang mga kabataan. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang deskriptib-sarbey na pananaliksik kung saan nagpamahagi ang mga mananaliksik ng sarbey sa mga mag-aaral na HUMSS ng tatlong kabilang na mga paaralan. Ang uri ng sarbey o talatanungan na ito ay naglalaman ng mga katanungan na kung saan mayroong mga pagpipilian. Ang disenyong ito ng pananaliksik ay naglalayon na magkamit ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang disenyong ito ay makapagbibigay ng angkop, nararapat, at wastong mga impormasyon at kaalaman.
Instrumento ng
Pananaliksik
Ang instrumento ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ito ay kwestyoner o talatanungan. Ito ay ipinamahagi sa pagitan ng dalawampu hanggang tatlumpung mag-aaral ng SHS HUMSS mula sa MIT, UST, at UPHSD. Ang nabanggit na sarbey-kwestyoneyr ay naglalaman ng limang panimulang katanungan patungkol sa mga respondente at walong pangunahing katanungan hinggil sa paksa na kung saan ang huling tanong ay nahahati sa dalawang seksyon na kinabibilangan ng pito at tatlong mga katanungan depende sa kung ano ang sagot ng respondente. Sa bawat katanungan ay mayroong pagpipilian at ang mga ito ang magbibigay daan sa mga mananaliksik upang malaman ang mga salik na nakakaapekto sa paksa at makakalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa pag-aaral.
Ang bilog na grap na nasa itaas ay nagpapakita ng resulta ng isa sa mga pangunahing katanungan patungkol sa mga respondente. Ipinapakita nito kung ilan ang bilang ng mga babaeng respondente at mga lalaking respondente.
Ayon sa bilog na grap na ito, tatlumpu’t isa o 83.8 % sa mga respondente ay babae samantalang anim naman o 16.2% sa mga ito ay mga lalaki. Sa kabuuan mayroong tatlumpu’t pitong mga respondente ang nagsagot ng sarbey.
Ang bar grap na nasa itaas ay nagpapakita ng bilang ng mga respondente na nasa labing anim na taong gulang at nasa labing pitong taong gulang. Ayon sa bar graph na ito, ang bilang ng mga respondente na nasa labing anim na taong gulang ay 14 o nasa 37.8 na porsyento, samantalang ang bilang naman ng mga respondent na nasa labing pitong taong gulang ay 23 at ito ay 62.3 porsyento ng kabuuang bilang.
Ang bilog na grap na nasa itaas ay nagpapakita ng bilang ng mga respondente na nagsagot ng sarbey mula sa tatlong iba’t ibang paaralan na kabilang sa paksa. Ayon sa grap na ito, ang anim sa mga respondente at bumubuo sa 16.2 porsyento ng kabuuang bilang ng mga nagsagot ng sarbey ay nagmula sa Mapua Institute of Technology. Ito ang pinakamaliit na bilang ng mga respondente kung ikukumpara sa mga nagsagot mula sa dalawa pang mga Unibersidad. Nagmula naman sa University of Santo Tomas ang labing tatlo sa mga respondente at bumubuo ng 35.1 porsyento ng kabuuang bilang ng mga respondente ay nagmula sa University of Santo Tomas. Mayroon namang labing walong respondente na mula sa University of Perpetual Help System Dalta at ang kanilang bilang ay bumubuo sa 48.6 porsyento ng kabuuang bilang ng mga respondente.
Ang bar grap na nasa itaas ay nagpapakita ng kasagutan ng mga respondente sa unang katanungan kung ano ang kanilang naging batayan sa pagpili ng kanilang kasalukuyang paaralan. Mayroong anim na mga pagpipilian at ipinapakita ng bar grap na ito kung ilang mga respondente ang kabilang sa bawat isa sa mga pagpipilian. Ayon dito, ang bilang ng mga respondente na pinili ang sariling desisyon bilang kanilang batayan sa pagpili ng kanilang paaralan ay labing lima at ito rin ang pagpipilian na mayroong pinakamaraming bilang ng mga sumagot na respondente. Ang mga respondente naman na mayroong sagot na kalidad ng edukasyon bilang kanilang batayan ay labing dalawa at ito ang pumapangalawa sa mayroong pinakamaraming mga sumagot na respondente. Lima naman sa mga respondente ang pumili sa desisyon ng mga magulang bilang kanilang batayan.Ang kaakibat na tuition fee naman ang siyang naging sagot ng tatlo sa mga respondente. Pantay naman na may isang bilang ang mga sumagot na ang kanilang naging batayan ay ang mga kaibigan at bukod sa mga pagpipilian ay mayroon pa silang naging ibang batayan sa pagpili ng paaralan.
Ang bilog na grap na nasa itaas ay nagpapakita ng bilang ng mga respondente na sang-ayon at hindi sang-ayon na nakakaapekto ang paaralang kanilang pinapasukan sa anumang trato na kanilang nararanasan batay sa kanilang sariling palagay. Ipinapakita ng grap na ito na 70.3 porsyento o may bilang na 26 respondente ang sumagot ng oo nakakaapekto ang paaralang kanilang pinapasukan sa trato na kanilang nararanasan, samantalang ang bumubuo naman sa 29. 7 porsyento o 11 na bilang ng mga respondente ang mayroong sagot na hindi nakakaapekto ang paaralang kanilang pinapasukan sa trato na kanilang nararanasan.
Ang bar grap na nasa itaas ay nagpapakita ng bilang ng mga respondente na nagsasabi kung sarili ba nilang desisyon ang pagpili ng HUMSS bilang kanilang strand sa Senior High School. Mayroong 37 na respondente at bumubuo sa 97.3 na porsyento ang nagsasabing oo, sariling desisyon nila ang pagpili ng HUMSS bilang strand sa SHS samantalang mayroon namang 1 respondente at bumubuo ng 2.7 na porsyento ang nagsasabing hindi niya sariling desisyon ang pagpili ng HUMSS bilang strand sa SHS.

Ang bilog na grap na nasa itaas ay nagpapakita ng bilang ng mga respondente na nagpakita at nagsagot ng kung ano ang kanilang naramdaman sa kanilang desisyon na piliin ang HUMSS bilang kanilang strand sa Senior High School. Tinatayang 54.1 porsyento o 20 sa mga respondente ang nagsabi at sumagot na sila ay masaya sa kanilang naging desisyon, samantalang ang natitirang 45.9 na porsyento naman o 17 sa mga respondente ang sumagot at nagsasabing ang kanilang naramdaman sa kanilang desisyon ay tama lang.
Ipinapakita ng bilog na grap sa itaas ang kabuuang gradong nakuha ng mga respondente noong sila ay nasa ika-10 baitang. Ayon sa grap, ang 56.8 porsyento o 21 sa mga respondente ang mayroong nakuhang grado na 81-90. Ang 15 naman sa mga respondente o 40.5 porsyento ng kabuuang nagsagot ay mayroong grado na 91 and above. Ang mayroon naman pinakaunting bilang na isa at bumubuo ng 2.7 na porsyento ang nagsagot na ang kanyang gradong nakuha noong siya ay nasa ika-10 na baitang ay 80 and below.
Ang bilog na grap na nasa itaas ay nagpapakita naman ng kabuuang gradong nakuha ng mga respondente para sa unang kwarter ng Senior High School sa kanilang paaralan. Ayon sa grap, nakakuha ng grado na 81-90 sa unang kwarter ng SHS sa kanilang paaralan ang 73 porsyento o ang 27 na mga respondente. Ang mga respondente naman na nakakuha ng 91 and above na grado sa unang kwarte ng Senior High School sa kanilang paaralan ay 27 porsyento o mayrong 10 bilang.
Ang bilog na grap na nasa itaas ay nagpapakita ng bilang ng mga respondente na sumagot kung sa kanilang bang palagay ay mayroong nagaganap na diskriminasyon sa akademikong kursong HUMSS. Ayon sa grap na ito, mayroong bilang na 31 respodente o 83.8 porsyento ang nagsagot na batay sa kanilang palagay ay mayroong nagaganap na diskriminasyon sa HUMSS. Ang natitira namang 6 na mga respondente na siya bumubuo ng 16.2 porsyento ay nagsagot na sa kanilang palagay ay wala namang nagaganap na diskriminasyon sa akademikong kursong HUMSS.
Oo
Hindi
Ang resulta unang katanungan para sa parteng ito ng sarbey ay nagpapakita ng kung sino ang nagparanas sa mga respondente ng ibang trato. Ayon sa grap na ito, pantay na mayroong 28.6 porsyento ang mga respondente na nagsabing naranasan nila ang ibang pagtrato mula sa kanilang mga kamag-aral at kakilala. Pantay rin at mayroong 1 porsyento ang mga respondente na nagsagot ng kamag-anak nila at guro ang nagparanas ng ibang pagtrato. Samantala, ang 33.3 porsyento naman ay nagsabing bukod sa mga nasa pagpipilian ay mayroong ibang mga tao ang nagparanas sa kanila ng ibang trato.

Ang resulta pangalawang katanungan para sa parteng ito naman ay nagpapakita ng porsyento ng mga respondente na nagsagot ng kung ano ang kanilang naramdaman matapos ang diskriminasyon. Ayon sa bilog na grap na nasa itaas, 47.6 porsyento ng mga respondente ang nagsagot na sila ay nalungkot matapos ang diskriminasyon, 42.9 na porsyento ng mga respondente ang nagsagot na sila naman ay nagalit matapos ang diskriminasyon, at ang natitirang 9.5 porsyento ng mga respondente ay mayroong sagot na sila ay walang naramdaman matapos ang diskriminasyon.

Ang resulta para sa ikatlong katanungan ay nagpapakita ng porsyento ng mga respondente na sumagot sa katanungan kung bumaba ba ang tingin nila sa kanilang mga kakayaha at sarili. Ayon sa bilog na grap na nasa itaas, 95.2 porsyento ng mga respondente ay nagsabing hindi bumaba ang tingin nila sa kanilang mga kakayahan at sarili samantalang 4.8 porsyento naman ang nagsabing oo bumaba ang tingnin nila sa kanilang kakayahan o sa sarili.

Ang bilog na grap na nasa itaas ay nagpapakita ng resulta para sa ikaapat na katanungan patungkol sa kung ano ang naging epekto ng diskriminasyon sa mga grado ng respondente kung ikukumparaang grado nilang noong sila’y Grade 10 at grado nila sa unang kwarter ng Grade 11. Ayon sa grap, 61.9 porsyento ng mga respondente ang nagsabing walang nagbago sa kanilang mga grado, 23.8 porsyento naman ang nagsabing ang kanilang grado ay bumaba, at 14.3 porsyento naman ang nagsabing ang kanilang grado ay tumaas.
Ang bilog na grap para sa ikalimang katanungan naman ay nagpapakita ng porsyento ng kasagutan ng mga respondente para sa katanungan kung nawala ba ang pokus nila sa kanilang pag-aaral dahil sa diskriminasyon na naranasan. Ayon sa grap na nasa itaas, ang mga respondente na sumagot ng hindi nawala ang pokus nila sa kanilang pag-aaral ay 95.3 porsyento samantalang ang mga 4.8 porsyento naman ay sumagot ng oo, nawala ang kanilang pokus sa pag-aaral matapos ang diskriminasyon na kanilang naranasan.
Ang bilog na grap para sa ikaanim na katanungan ay nagpapakita ng resulta o porsyento ng mga respondente na sumagot sa katanungan kung sa kabuuan ay malaki ba ang naging epekto ng ibang trato sa kanila sa kanilang pag-aaral. Ayon sa grap na ito, 81 porsyento ng mga respondente ang nagsabing hindi malaki ang naging epekto ng ibang trato sa kanilang pag-aaral at 19 posyento naman ang nagsabing naging malaki ang epekto ng ibang trato na kanilang naranasan sa kanilang pag-aaral.
Ang huling bilog na grap para sa parteng ito ng sarbey ay nagpapakita ng porsyento ng mga respondente na sumagot sa katanungan kung nais pa rin ba nilang manatili sa HUMSS matapos ang diskriminasyon. Ang 100 porsyento ng mga respodente ay nagsagot na matapos ang diskriminasyon ay nais pa rin nilang manatili sa HUMSS.

Ang bilog na grap na nasa itaas ay nagpapakita ng resulta para sa unang katanungan para sa ikahuling parte ng sarbey kung sa kanilang palagay ba ay mayroong mga estudyanteng HUMSS ang nakakaranas ng diskriminasyon. Ayon sa grap na nasa itaas, 86.7 porsyento ang nagsagot na mayrnong nakakaranas ng diskriminasyon sa HUMSS samantalang 13.3 posyento naman ang nagsabing para sa kanila ay walang estudyanteng HUMSS ang nakakaranas ng diskriminasyon.
Ang bilog na grap na nasa itaas naman ay nagpapakita ng porsyento ng mga respondente na sumagot ng oo at hindi para sa katanungan na kung sa kanilang palagay ba ay malaki ang epekto ng ibang pagtrato sa isang mag-aaral sa kanyang pag-aaral. Ang porsyentong 86.2 ng mga respondente ay nagsabing malaki ang epekto ng ibang pagtrato sa pag-aaral samantalang 13.8 porsyento naman ang nagsabing hindi malaki ang epekto ng ibang pagtrato sa isang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
Ang huling bilog na grap ay nagpapakita ng porsyento ng mga respondente na sumagot ng oo at hindi para sa katanungan kung masasabi ba nilang mas lalong nadagdagan ang kanilang kaalaman matapos ang lahat ng kanilang naranasan sa pananatili sa HUMSS. Ang 96.8 porsyento ay nagsabing nadagdagan ang kanilang kaalaman samanatalang ang 3.2 porsyento naman ay nagsabing hindi nadagdagan ang kanilang mga kaalaman.
Kabanata V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
LAGOM
KONKLUSYON
Batay sa mga datos at estadistika na nakalap sa ikaapat na kabanata, humantong sa ilang mga konklusyon ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito.
Ang mga mananaliksik ay humantong sa konklusyon na ang akademikong kursong HUMSS ay mayroong mas malaking bilang ng kababaihang mag-aaral at mas madami ang nasa edad 17.
Bilang konklusyon, masasabi ng mga mananaliksik na sariling desisyon ng mga mag-aaral ng HUMSS ang pagpili sa akademikong kursong ito at pagpili ng kanilang paaralan na siya namang at tunay na nakakaapekto sa trato na kanilang nararanasan. Marami man ang nasiyahan sa kanilang mga naging desisyon, mayroon naman itong maliit lamang na ikinataas sa mga tama lang ang naramdaman.
Humantong din ang mga mananaliksik sa konklusyon na mas mataas ang nakuhang grado ng mga mag-aaral ng HUMSS noong sila ay nasa ika-10 baitang kaysa sa grado nila sa unang kwarter ng kanilang pagiging Senior High.
Masasabi ng mga mananaliksik na tunay ngang mayroong nagaganap na diskriminasyon sa akademikong kursong HUMSS.
Nagmumula sa mga kamag-aral, kakilala, at ibang tao ang diskriminasyon na nararanasan ng mga HUMSS at kalungkutan ang hatid nito sa mga mag-aaral. Sa kabila nito ay hindi bumaba ang tingin ng mga mag-aaral sa kanilang mga sarili at kakayahan kaya’t wala itong naging epekto sa kanilang mga grado at hindi rin nawala ang pokus nila sa kanilang pag-aaral kahit na ang paniniwala ng mga hindi nakakaranas ng diskriminasyon na parte rin ng track na HUMSS ay mayroon itong malaking epekto.
Gayunpaman, malinaw na mayroong nagaganap na diskriminasyon sa mga mag-aaral na kabilang sa akademikong kursong HUMSS, ngunit mas pinipili nila ang hindi magpaapekto sa anumang hindi magandang trato ang naibibigay sa kanila ng mga kapwa kamag-aral, kakilala, at ibang tao.
Rekomendasyon
Inirerekomenda ng mananaliksik para sa Kawani ng kagawaran ng edukasyon na pag-igihin ang mga seminar patungkol sa kaibahan ng bawat akademikong kurso.
Inirerekomenda ng mananaliksik para sa SHS HUMSS na ipagpatuloy ang hindi pagpapaapekto sa anumang nararanasang ibang pagtrato
Inirerekomenda ng mananaliksik para sa mga hindi parte ng akademikong HUMSS na unawain ang kursong ito bago mag bigay ng opinyon patungkol dito
Inirerekomenda ng mananaliksik sa mga guro na maging mabuting halimbawa at mahusay na ipaliwanag ang iba't ibang kursong akademiko upang maiwasan ang diskriminsyon dito.
Inirerekomenda ng mananaliksik para sa mga mananaliksik sa hinaharap na magkakaroon ng paksang kaugnay sa pag-aaral na ito na dagdagan ang bilang ng mga respondente at bilang ng mga paaralan an pagkukuhanan nito.
Inirerekomenda ng mananaliksik para sa hinaharap na mga mananaliksik na mas palawakin at pag-igihin ang pag-aaral hinggil sa paksang paano nakakaapekto ang diskriminasyon sa pag-aaral ng mga SHS HUMSS.
Ang tatlumpu’t isa o 83.8 % sa mga respondente ng pag-aaral na ito ay babae samantalang anim naman o 16.2% sa mga ito ay mga lalaki. Ang bilang ng mga respondente na nasa labing anim na taong gulang ay 14 o nasa 37.8 na porsyento, samantalang ang bilang naman ng mga respondente na nasa labing pitong taong gulang ay 23 at ito ay 62.3 porsyento. Ang 16.2 porsyento o anim sa bilang ng mga respondente ay nagmula sa Mapua Institute of Technology, labing tatlo naman at bumubuo sa 32.1 porsyento ang mula sa University of Santo Tomas, at walo o 48.6 porsyento ng mga respondente ay mula sa University of Perpetual Help System Dalta.


Ayon sa mga datos sa ikaapat na kabanata, ang bilang ng mga respondente na pinili ang sariling desisyon bilang kanilang batayan sa pagpili ng kanilang paaralan ay labing lima, labing dalawa ang mayroong sagot na kalidad ng edukasyon, lima naman sa mga respondente na pumili sa desisyon ng mga magulang, tatlo ang dahil sa kaakibat na tuition fee, at pantay naman na may isang bilang ang mga sumagot na ang kanilang naging batayan ay ang mga kaibigan at bukod sa mga pagpipilian ay mayroon pa silang naging ibang batayan sa pagpili ng paaralan. Ang nagsabing nakakaapekto ang paaralang kanilang pinapasukan sa trato na kanilang nararanasan ay 26 respondente o 70.3 porsyento samantalang ang sumagot naman na hindi ito nakakaapekto ay 11 na respondente o 29.7 na porsyento. Mayroong 37 na respondente at bumubuo sa 97.3 na porsyento ang may sagot na sariling desisyon nila ang pagpili ng HUMSS bilang strand sa SHS samantalang mayroon namang 1 respondente at bumubuo ng 2.7 na porsyento ang nagsasabing hindi ito sariling desisyon. Tinatayang 54.1 porsyento o 20 sa mga respondente ang sumagot na sila ay masaya sa kanilang naging desisyon, samantalang ang natitirang 45.9 na porsyento naman o 17 sa mga respondente ang sumagot ng tama lang. Ang mga respondente na nakakuha ng 81-90 na grado noong sila ay nasa ika-10 baitang ay may bilang na 21 o 56.8 porsyento, 15 naman sa mga respondente o 40.5 porsyento ang mayroong grado na 91 and above, at ang bumubuo ng 2.7 na porsyento ang nagsagot na 80 and below. Samantala ang mga respondente na nakakuha ng 81-90 na grado sa unang kwarter ng SHS ay 73 porsyento o may bilang na 27 at 27 porsyento o mayrong 10 bilang ang nakakuha ng 90 and above. Mayroong bilang na 31 respodente o 83.8 porsyento ang nagsagot na batay sa kanilang palagay ay mayroong nagaganap na diskriminasyon sa HUMSS at 6 na mga respondente o 16.2 porsyento ang nagsabing wala.
Ang bilang ng mga respondente na nakaranas ng diskriminasyon ay 22 o 59.6 porsyento samantalang ang mga hindi naman ay 40.5 na porsyento o may 15 na bilang.
Para sa mga nakaranas ng diskriminasyon, pantay na mayroong 28.6 porsyento ang mga respondente na nagsabing naranasan nila ang ibang pagtrato mula sa kanilang mga kamag-aral at kakilala. Pantay rin at mayroong 1 porsyento ang mga respondente na nagsagot na ito ay nagmula sa mga kamag-anak nila at guro. Samantala, ang 33.3 porsyento naman ay nagsabing bukod sa mga nasa pagpipilian ay mayroong ibang mga tao ang nagparanas sa kanila ng ibang trato. Ang 47.6 porsyento ng mga respondente ang nagsagot na sila ay nalungkot matapos ang diskriminasyon, 42.9 na porsyento ng mga respondente ang nagsagot na sila naman ay nagalit, at ang natitirang 9.5 porsyento ng mga respondente ay mayroong sagot na sila ay walang naramdaman. Ang nagsabing bumaba ang tingin nila sa kanilang mga kakayahan at sarili ay 4.8 porsyento at ang nagsabi namang hindi ay 95.2 porsyento. Patungkol sa grado, 61.9 porsyento ng mga respondente ang nagsabing walang nagbago sa kanilang mga grado, 23.8 porsyento naman ang nagsabing ang kanilang grado ay bumaba, at 14.3 porsyento naman ang nagsabing ang kanilang grado ay tumaas. Hindi nawala ang pokus sa pag-aaral ng 95.3 posyento ng mga mag-aaral at ang nawalan ng pokus ay 4.8 porsyento. Ang 81 porsyento ng mga respondente ang nagsabing hindi malaki ang naging epekto ng ibang trato sa kanilang pag-aaral at 19 posyento naman ang nagsabing malaki ang epekto nito. Ang 100 porsyento ng mga respodente ay nagsagot na matapos ang diskriminasyon ay nais pa rin nilang manatili sa HUMSS.

Para sa mga mag-aaral na hindi nakaranas ng diskriminasyon 86.7 porsyento ang nagsagot na sa kanilang pagay ay mayroong nakakaranas ng diskriminasyon sa HUMSS samantalang 13.3 posyento naman ang nagsabing para sa kanila ay walang diskriminasyon. Ang porsyentong 86.2 ng mga respondente ay nagsabing malaki ang epekto ng ibang pagtrato sa pag-aaral samantalang 13.8 porsyento naman ang nagsabing hindi malaki ang epekto nito. Ang 96.8 porsyento ay nagsabing nadagdagan ang kanilang kaalaman sa mga naranasan sa pagiging HUMSS, samanatalang ang 3.2 porsyento naman ay nagsabing hindi ito nadagdagan.
mga miyembro:

Randolph jayson
"rj" Casiano

Mark Bryan "mark2" cruz
Flora mae "~seksi"
Sibayan
Jose Marie "Boooooorbsss"
Borbe
Full transcript