Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Kabanata 55: Ang Sabwatan

No description
by

Ira Rapirap

on 8 December 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabanata 55: Ang Sabwatan

Kabanata 55: Ang Sabwatan
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.
Kabanata 56: Ang Kapahamakan
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinang sa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si Linares at isinadasal nilang umalis na ang “multong” si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na ‘tulisan…tulisan…Si Tiya Isabel ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan at silbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ang binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.
Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasulatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakip siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal.
Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng umalis siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nag-ipon siya ng mga damit at papel, binuhusan niya ito ng mga gas at saka sinilaban.
Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-aring pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.
Full transcript