Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Aralin 16:

No description
by

Zoe Lopez

on 28 February 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Aralin 16:

Mga Benepisyo Mula Sa Kalakalang Pandaigdigan
Pamantayan ng Pakikipagkalakalan at Paglilingkod
Pangunahing Samahan ng Kalakalang Internasyonal
Introduksiyon
Mga Negatibong Epekto ng Kalakalang Pandaigdigan
Ang kalakalan na nagbibigay-diin sa espesyalisasyon sa produksiyon ayon sa komparatibong kalamangan ng mga bansa ay maaaring mauwi sa pagkabalam at pagpapabaya sa industriyalisasyon ng isang ekonomiya.

Ang Pilipinas bilang isang ekonomiya na bukas sa kalakalang internasyonal ay kasapi ng iba't ibang organisasyon at kasunduan na naglalayong mapagaan ang pagdaloy ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa tulad ng World Trade Organization (WTO), Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), ASEAN Free Trade Area (AFTA), at East ASEAN Growth Area (EAGA).

Ang mga mamimili ay karaniwan ding nagbibigay ng halaga sa kalidad ng mga produkto sa kanilang binibili. Ngunit ang pagsusuri ng kalidad ng mga produkto at serbisyo ay nagiging suliranin dahil sa kakulangan ng impormasyon.

Dahil sa ganitong sitwasyon, minarapat ng pamahalaan at ilang sektor ng lipunan na magtatag ng mga institusyon at mga pamantayan upang masiguro ang kapakanan ng mamimili.
Dalawa ang pangunahing benepisyo o kabutihang naidudulot ng kalakalang pangdaigdigan sa mga bansang nagbubukas ng kanilang adwana sa kalakalan.

Ang una ay tinatawag na
benepisyo sa produksiyon
at ang ikalawa ay ang
benepisyo sa pagkonsumo
.
Batayan ng Kalakalang Pandaigdigan
Una, bumibili ang isang bansa ng mga produktong hindi niya magagawa o kung magagawa man ay hindi sapat upang tugunan ang demand sa loob ng bansa.
Ang isang bansa ay nakikipagkalakalan din sa ibang bansa at nagluluwas ng mga produkto dahil labis ang produksiyon nito
Sa araling ito, tatalakayin natin kung bakit ang mga bansa ay nakikipagkalakalan sa isa't isa. Malalaman din natin ang mga kondisyon ng kalakalan at kung ano ang mga benepisyo mula sa patakarang pandaigdigan.
Sa pagtatalakay natin ng papel ng sektor eksternal ay isasama rin natin ang pagsusuri ng mga isyung bumabalot sa pandaigdigang kalakalan tulad ng puhunang dayuhan, utang dayuhan, mga korporasyong multi-nasyonal, at patakaran sa palitan ng salapi.

Halimbawa:
Halimbawa
Aralin 16:
Pandaigdigang Kalakalan at Mga Patakaran sa Kalakalan at sa Palitan ng Salapi

Benepisyo Sa Produksiyon
Ito ay nagbubunga mula sa mabisa, episyente, at matipid na produksiyon dahil sa espesyalisasyon ng bansa sa mga produktong mayroon nitong komparatibong kalamangan.
Benepisyo Sa Pagkonsumo
Ito ay natutungkol sa pagbibigay sa mga mamamayan ng isang bansang nakikipagkalakalan ng kakayahang makukuha ng malaki at maraming bagay sa pamamagitan ng pandaigdigang kalakalan.

Ang di-pagtutmbas ng teknolohiyang inaangkat at kinakailangang teknolohiya ng isang bansang papaunlad.

Ang kalamangang na kumuha ng ating mga kapareha sa relasyong pangkalakalan.


Isa pang di kanais-nais na epekto ay ang epekto ng panggagaya.


World Trade Organization
Itinatag noong 1996 ng mga bansang sumang-ayon sa kasunduan na nakapaloob sa Uruguay Round ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT).

Ang pangunahing layunin ng organisasyon ay mapalawak ang kalakalang internasyonal sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga hadlang sa malayang kalakalan.
Asia-Pacific Economic Cooperation
ASEAN Free Trade Area
Ang ASEAN Free Trade Area (AFTA) ay isang kasunduan ng mga kasaping bansa ng ASEAN noong 1992 na naglalayong palawakin ang kalakalang rehiyonal sa pamamagitan ng pagbabawas ng taripa sa mga produktong kinakalakal sa rehiyon.

East ASEAN Growth Area
Ang East ASEAN Growth Area (EAGA) ay itinatag noong 1994 sa pagitan ng Brunei, Indonesia, Malaysia, at Pilipinas upang paunlarin at palawakin ang kalakalan sa pagitan ng malalapit na probinsya sa mga kasaping bansa ng ASEAN.

Mga Pangunahing Bansang Nakikipagkalakalan sa Pilipinas
Estados Unidos - itinuturing na isa sa pinakamahalagang bansang nakikipagkalakalan sa bansa noong ika-20 na siglo. Ang relasyong kolonyal ang humugis ng direksiyon ng pangkalakalan ng dalawang bansa. Pinaiiral ng Estados Unidos ang magaang pagpasok o palitan ng mga kalakal sa dalawang bansa.

Ang pagsikat ng ekonomiyang Japan ay nagbigay-daan sa pagpalawak at pagpapasigla ng relasyong pangkalakalan ng Pilipinas at Japan.


European Union (EU) - ay binubuo ng iba't-ibang bansa sa kanlurang Europa na nagkaisang tanggalin ang mga hadlang sa kalakalan sa pagitan nila at higpitan ang ugnayang ekonomiko at politikal.

Ibang bansa:

ASEAN - Brunei, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand, Vietnam, Laos, Burma, at Cambodia.

Mga Pangunahing Produktong Inaangkat Ng Pilipinas
Mga Pangunahing Produktong Iniluluwas Ng Pilipinas
Ang biyaya ng lupa, kagubatan, at minahan ang bumubuo ng mga produktong iniluluwas at nag-ambag nang halos 75% ng kabuoang eksport sa maraming taon.

Noong 2010 halos 5.7% na lamang sa ating iniluluwas ay ang mga produktong nakabatay sa agrikultura, 3.75% ang mga produktong mineral, at halos 87% ay mga produktong minanupaktura.


Malaking bahagi ang inaangkat ng bansa ay elektrikal at elektroniko. Ito ay ginagamit bilang hilaw na sangkap sa produksiyon ng mga nabuong produktong elektrikal na nangungunang produktong iniluluwas ng bansa sa kasalukuyan.

Dahil sa kakulangan sa langis, ang pag-aangkat ng krudong langis, gasolina, at iba't-ibang uri ng panggatong ay malaking bahagi rin ng ating inaangkat.

Malaki rin ang bahagi ng pag-aangkat ng mga bahagi ng transportasyon na ginagamit bilang sangkap sa produksiyon ng iba't-ibang uri ng kagamitang pangtransportasyon.

Patakaran Sa Kalakalan At Sa Palitan Ng Salapi
Ang patakarang pangkalakalan ay natutungkol sa mga regulasyon ng pamahalaan na nagpapagaan sa pagkontrol sa daloy ng kalakalang eksternal.


Taripa - ay isang uri ng buwis na ipinapataw sa mga produktong iniluluwas o inaangkat ng isang bansa.


Ang patakaran sa palitan sa salapi ay natutungkol sa mga regulasyon sa bilihan at pagtatakda ng presyo ng dayuhang salapi. Ang patakaran sa palitan ng salapi ay may epekto rin sa kalakalang eksternal.
Mga Problemang Pangkalakalan
Proteksiyonismo - ay isang pangyayari sa kasalukuyan kung saan ang mga produkto nating iniluluwas ay nahihirapang makapasok sa mga bansang pangkalakalan sa atin bunga ng sari-saring hadlang sa pandaigdigang kalakalan.

Sa Japan ay mahirap ding makapasok ang mga produktong agrikultural bunga ng maraming administratibong hadlang kahit mababa o halos walang taripang ipinapataw.


Sa Europa, ang mga produkto natin ay humaharap sa kanilang common agricultural policy na malakas ang ibinibigay na proteksiyon sa mga magsasaka at sektor agrikultura ng Europa.


Pagbubukas Ng Ekonomiya: Liberalisasyon At Deregulasyon
Ang liberalisasyon sa pagpasok ng dayuhang kapital. Sa pamamagitan ng Foreign Investment Act ng 1991 pinagaan ang mga kondisyon sa pagpasok ng mga dayuhang puhunan upang maging aktibo ang Pilipinas bilang pangunahing destinasyon ng mga dayuhang negosyo.


Ang ikatlong programa ay natutungkol sa liberalisasyon sa dayuhang salapi.



Ang ikalawa ay natutungkol sa liberalisasyon sa kalakalang internasyonal. Ito ay binubuo ng dalawang bahagi: liberalisasyon sa inaangkat at liberalisasyon sa taripa.



Pangkat 5
Liberalisasyon sa Pag-aangkat - ay natutungkol sa pagpagaan at pagtatanggal ng mga kontrol sa pagpasok.

Liberalisasyon sa Taripa - ay natutungkol sa pagbabawas sa apat na antas lamang ng tanto ng taripa (3%, 10%, 20%, at 30%) mula sa napakarami at napakalawak na saklaw mula 10 porsiyento hanggang 100 porsiyento na ipinapataw sa mga produktong inaangkat.


ASEAN Economic Community (AEC)
AEC – isang komunidad ekonomiko na naglalayong mapagaan at mapalawak ang relasyong ekonomiko sa mga bansa sa ASEAN.

Ang layunin dito ay maipatupad sa pamamagitan ng pagtatanggal sa mga hadlang at balakid sa kalakalan, sa paglilipat ng mga pondo, pagdaloy ng kapital at mga manggagawa sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon.

Unang Layunin:
Ang pagtatag sa rehiyon ng isang bilihan at production base na nagmumula sa malayang pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, pangangapital, pondo, at mga sangay na manggagawa.

Ikalawang Layunin:
Ang pagpapalaganap ng isang kompetitibong rehiyon na nakaugat sa pagpapatupad ng mga pangkalahatang patakaran pangkompetisyon, pangangalaga sa mamimili, pagtataguyod sa karapatang pag-aaring intelektwal, pagpapaunlad ng impraesktraktura, pamumuwis at pagpapalawak ng kalakalang elektroniko.

Ikatlong Layunin:
Ikatlo, pagtatayo ng isang rehiyong may mapagpantay na kaunlarang ekonomiko sa pamamagitan sa pagtataguyod ng maliliit at katamtamang-laking negosyo at mapagpalaganap na pag-unlad.

Ikaapat na Layunin:
Ikaapat, ang integrasyon ng rehiyon sa pandaigdigang ekonomiya sa pamamagitan ng pinag-isang tugon sa mga pangyayari sa relasyong ekonomikong internasyonal at matinding pakikilahok sa mga network ng produksiyon.

Ito ay isang asosasyon ng mga ekonomiya sa Asya-Pasipiko na naglalayong mapalawak ang kalakalan at pumumuhunan sa rehiyon sa pamamagitan ng liberalisasyon sa kalakalan, pagpapagaan sa daloy ng negosyo , pagpapaunlad ng yamang-tao, paglipat ng teknolohiya, pangangalaga sa kapaligiran, kooperasyong ekonomiya, at iba pa.
Full transcript