Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Likas na Yaman sa Asya

project para sa AP
by

Judith Labay

on 28 February 2011

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Likas na Yaman sa Asya

Timog Asya Silangang Asya Hilagang Asya Timog Asya Timog Silangang Asya - Tanging India lamang ang biniyayaan ng humigit-kumulang na 54% ng lupa na maaaring bungkalin. Kayat't lupa ang itinuring na pinakamahalagang likas na yaman nito. Likas na Yaman sa Asya
- Samanatalang maliit lamang ang matabang lupa sa Afghanistan, Bangladesh, Maldives, Nepal, Pakistan at sa Sri Lanka na 30% lamang ang pangkalahatang lupa ang binubungkal.
- Sa matatabang lupa nagtatanim ng Barley, Mais, Palay, Trigo, Oilseed, Jute, Kape, Patatas, Kamote, Bulak, Kasuy at iba pang mga pampalasa tulad ng chili, cinnamon, pepper at cloves.

- Sinasakop ng yamang gubat ng Nepal ang humigit kumulang na 27% ng pangkalahatang lupain. Ang mga kagubatan ay matatagpuan sa mga gulod o matataas na pook ng bulubunduking Himalayas. Ang mga gubat bakawan ng pakistan ay matatagpuan sa mga baybaying dagat.
- Makapal ang mga rain forest sa maulang pook sa timog-kanlurang Sri Lanka. Ang mga puno na matatagpuan dito ay mahogany at iba't ibang uri ng palm tulad ng niyog, bunga at palmera. Sa matataas na lugar sa gitna ng pulo matatagpuan ang mga kagubatang evergreen. Ang mga punong ebony at satinwood ay matatagpuan sa hilaga at silangan. Ang alagang hayop sa afghanistan ay tupang karakol at sa Bangladesh ay baka.

Nahuhuli mula sa Indian ocean ang palos, tuna, dilis, at hipon. Ang mga dagat ay nagtataglay ng iba't ibang uri ng shellfish at isda tulad ng mackerel at salmon. Ang pangunahing tanim na iniluluwas ng Nepal ay oilseed, tubo, jute, at tabako at ang Sri Lanka ay tsaa, goma at niyog. Mayaman ang China, North Korea, at Tibet sa mga depositong mineral. Ang reserbang karbong ng China ay tinatayang 115 milyong metriko tonelada. Ito ay isa sa pinakamalaki sa buong daigdig. Ang Japan ay nangunguna sa Industriyalisasyon, salat naman ito sa yamang mineral. Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa mga talampas, kapatagan, bundok, lupaing prairie sa Mongolia, mga lambak tulad ng daluyan ng Yangtze River, Mongolian steppe, at iba pang mga lupang binubungkal. Sa Mongolia, may malaking bahagi ng lupain ang natatabunan ng buhangin o tigang na lupa. sakop ng china ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin. Ang pinakamahalagang pananim nito ay palay. Nangunguna ang China sa buong daigdig sa produksyon ng palay. Ang mga ibang pananim ay trigo, mais, oats, at kaoliang. Ang kaoliang ay ginagamit sa pagkain ng mga alagang hayop at ginagawang alak. ilan sa mga pananim ng ibang bansa sa Silangan Asya ay sugar beets, patatas, repolyo, mais, soybean, bawang, red beans, at prutas tulad ng ubas, peras at peach. Iba't ibang malaking hayop ang ginagamit ng China bilang katulong sa paghahanap buhay tulad ng kalabaw, kamelyo, kabayo, buriko at yak. ang timog-silangang baybaying dagat sa China ay mayaman sa pagkaing dagat tulad ng flounder, cod, tuna, cuttlefish, sea crab, at prawn. Ang mga ilog ay hitik sa carp, sturgeon, at hito. Kanlurang Asya Mayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya. Pangunahin dito ang langis, at petrolyo. Malawak ang mga deposito ng petrolyo at natural gas na matatagpuan sa timog-kanluran at sa paligid ng Persian Gulf. Ang natural gas ng Iran ang pangalawa sa pinakamalaking reserba sa daigdig. Tinatayang ang Iran ay may 10% na reserba ng petrolyo sa buong daigdig. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo ang Saudi Arabia. Sa Iran, sangkatlo ng lupain ay bukirin bagamat 8% lamang nito ang tinataniman. Habang sa Israel 20% ng lupa ang inuukol sa pagtatanim. Mataba naman ang lupa sa baybaying dagat ng Turkey. Sa ibang bansa, ang lupain ay tigang tulad ng sa Oman at mabuhangin gaya ng sa United Arab Emirates. Sa jordan, malaking bahagi ng lupain ay disyerto at steppe. Malaking bahagi ng Myanmar at Brunei ay kagubatan. Sa Brunei, sa halos 84% ng kagubatan nanirahan ang iba't ibang uri ng unggoy, ibon, at reptile. Matatagpuan sa kagubatan ng Myanmar ang pinakamaraming punong teak sa buong mundo. Iba pang mahalagang puno ang goma, cinchona, acacia, niyog at bunga. Sa kagubatan ng Pilipinas matatagpuan ang punong palm at matigas na kahoy tulad ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis, at iba pang species ng dapo. Ang pinakamatabang lupa sa Myanmar ay matatagpuan sa mga lambak ng Irrawaddy river, at Sittang river. Sa Cambodia, ito ay sa paligid ng Mekong River at Tonle Sap. May iba't ibang pananim sa rehiyon tulad ng palm oil, sesame, bulak, trigo, mani, soybean, niyog, cacao, kape, abaka, at mga prutas. Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra. karaniwan ding inaalagaang mga hayop sa rehiyon ang kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing, at manok. Matatagpuan sa Pilipinas ang Tamaraw. Sagana rin ang bansa sa iba't ibang uri ng reptilya at ibon. Ang Mekong river, Irrawaddy river, Sittang river, at Red river, gayundin ang iba't ibang lawa at look ay ilan sa mga anyong tubig ng rehiyon. Malaki ang deposito ng langis at natural gas sa Indonesia. Karamihan nito ay nasa silangang baybaying dagat ng Sumatra at sa Kalimantan. Ang mahigit sa 80% ng langis mula sa Timog-Silangang Asya ay nanggagaling sa Indonesia. Dito rin nanggagaling ang mahigit 35% ng liquefied gas sa buong daigdig. Ito rin ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman sa Pilipinas. Maraming yamang mineral ang mga bansa sa Hilagang Asya. Ang pinakamahalgang yamang mineral ng Kyrgyzstan ay ginto. Ang deposito ng ginto rito ay tinataya na isa sa pinakamalaki sa mundo. May tatlong uri naman ng mineral ang Tajikistan. Ito ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas, at ang industriyal na mineral tulad ng Phosphate. Ang paghango ng langis at natural gas ang pangunahing industriya ng Turkmenistan. Pangalawa ito sa Russia sa produksyon ng natural gas. Ang Uzbekistan naman ay isa sa mg nangunguna sa produksyon ng ginto sa buong mundo. Sa mga lambak-ilog at sa mga bundok nagtatanim ang mga taga-Hilagang Asya ng palay, trigo, bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas, at mansanas. Ang uzbekistan ay isa sa pinakamalaking tagaluwas ng cotton seed sa buong daigdig. Ang produksyon ng pagkaing butil ay nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay, at barley. Ang mga hayop tulad ng baka, at tupa, ay inaalagaan at pinararami sa mga ganitong gawain nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas. WAKAS! Presentasyon ni Judith Labay
Para kay Bb. Edna Lucañas Tanging India lamang ang biniyayaan ng humigit kumulang na 54% ng lupa na maaaring bungkalin. Kaya't lupa ang itinuturing na pinakamahalagang likas na yaman nito.Ang kapatagan ng Ganges ay isa sa pinakamatabang rehiyon sa India dahil sa Alluvial soil.
Full transcript