Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga Uri ng Klima sa Pilipinas

No description
by

Karla Louisse Barnachea

on 22 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Uri ng Klima sa Pilipinas

Mga Uri ng Klima sa Pilipinas
Ikatlong Uri
Ito ang uri ng klima na walang matatawag na tunay na tag-ulan, dahil hindi madalas at hindi rin marami ang pag-ulan at halos walang pagbabago sa panahon. Nararanasan ito sa Hilagang-silangang Leyte, Hilagang Cebu, Hilagang Negros, at gitna at Timog Mindanao. Nahaharang ng matataas na lugar sa mga lalawigang ito ang hanging nagdadala ng madalas na pag-ulan. Hindi rin ito karaniwang daanan ng bagyo
Ikaapat na Uri
Ito ang uri ng klima na may ulan halos sa buong taon. Halos walang tuyong panahon dito. Dito nabibilang ang Batanes, Polillo, timog-sentral ng Quezon, Catanduan, Hilagang-silangan at Silangang Bicol, Samar, malaking bahagi ng Silangang Leyte at Silangang Mindanao. Nasa silangang mga baybayin ang mga lugar na ito. Nakalantad ang mga ito sa hanging amihan at sa Karagatang Pasipiko, na madalas panggalingan ng mga bagyo.
Direksiyon ng Hangin Kung May Bagyo
Unang Uri

Ito ang uri ng klima na may madalas at maraming pag-ulan mula Hunyo hanggang oktubre at tag-araw sa ibang buwan, May ganitong uri ngklima ang nasa kanlurang bahagi ng Luzon, Mindoro, Palawan, at Negros. Nakakanlungan ang mga lugar na ito ng matataas na serye ng bundok. Dahil dito, hindi deretsong tinatamaan ng hanging amihan ang mga ito ngunit nakalantad naman sa hanging habagat.
Batay sa temperatura, may dalawang pangkalahatang uri ng klima ang pilipinas: tag-ulan at tag-araw. Ngunit batay sa distribusyon ng ulan, apat ang natiyak na uri.

Mga Bagyo sa Pilipinas
Daanan ng bagyo ang Pilipinas. Sa buong taon, humigit-kumulang sa dalawampu ang mga bagyong dumadaan dito. Ang iba ay malalakas ngunit mayroon ding mahihina. May bagyong lumilihis at mayroong nakaalis na ay bumabalik pa.
Karamihan ng bagyo sa Pilipinas ay nanggagaling sa mga pulo ng Caroline at Marianas sa Karagatang Pasipiko. Kapag may low pressure area dito, ang malakas na hangin ay umiihip sa mga lugar na malapit tulad ng Pilipinas. Kapag ang hanging ito ay patuloy na lumakas, ito ay nagiging isang bagyo.

Bawat bagyo ay may Ingles na pangalan. Ngunit pagpasok nito sa Pilipinas, binibigyan ito ng pangalang Pilipino tulad ng Azon, Dading o Toyang. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalang napipili ay batay sa alpabetong Filipino
Ikalawang Uri
Ito ang uri ng klima na walang matinding tag-ulan at maigsi lamang ang tag init. Sakop nito ang Lambak ng Cagayan, silangang bahagi ng Kalinga, Apayao, Ifugao, at Mauntain Province, Timog Quezon, Masbate, Romblon, hilagang-silangan ng Panay, Silangang Negros, Gitna at Timog Cebu, bahagi ng Hilagang Mindanao, at Silangang Palawan. Ang mga lugar na ito ay bahagyang nakakanlungan kaya di gaanong tinatamaan ng hanging amihan, na nagdadala ng malakas na ulan
Ang hanging kasama ng bagyo ay kumikilos sa direksyong pakanan. Papunta ito sa gitna. Ito ang tinatawag na MATA ng bagyo.
Higit na matindi ang lakas ng hanging nasa pinakalabas na bahagi ng bagyo. Papahina ang lakas nito habang papalapit sa pinakamata. Sa pinakagitna ng bagyo, ang hangin ay halos payapa. Ang unahan at buntot na hangin ang siyang kadalasang mapanganib at mapaminsala.
Full transcript