Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
like comment share
Subalit hindi lamang sarili ang tao. Bahagi rin ng kasarinlan ay ang pagiging nasa sa loob ako ng ugnayan. Salamat sa mga ugnayang ito dahil napupunan ng mga ugnayang kinapapalooban ng tao ang anumang pagkukulang at pangangailangan niyang hindi kayang likhain ng sarili.
isang katwang balik-ikot ng ugnayang tao at komunidad, kung wala ring katarungan sa lipunan, pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang sarili.
Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa, makabuo, at makalikha.
like comment share
alang-alang sa lipunan at alang-alang din sa sarili, utang na loob ng bawat isa na magkaroon ng katarungan sa sarili at sa komunidad dahil ang ikaaayos ng bawat isa ay nasa kamay ng bawat isa.
ang mga batas upang maingatan ang mga indibidwal na karapatan ng tao
ang pamahalaan upang masiguro ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bansa
ang pulis upang magbantay sa kalayaan ng mga tao.
Katarungan ang tumawid sa tamang tawiran.
Katarungan ang maging malinis sa itinitindang pagkain.
like comment share
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
6. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
a. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
b. Pagpapautang ng 5-6.
c. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
d. Wala sa nabanggit.
7. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
a. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
b. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
c. “Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.”
d. “Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”
8. Ang katarungang panlipunan ay:
a. ideyal lamang at hindi mangyayari sa talaga.
b. ukol sa parehong komunidad at sarili.
c. pinatutupad ng pamahalaan.
d. Wala sa nabanggit.
9. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:
a. sarili.
b. pamahalaan.
c. lipunan.
d. Diyos.
10. Nakapaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:
a. batas, kapwa, sarili.
b. Diyos, pamahalaan, komunidad.
c. baril, kapangyarihan, rehas.
d. batas, konsensya, parusa.
1. Ano ang katarungan?
a. Paggalang sa sarili.
b. Pagsunod sa batas.
c. Pagtrato sa tao bilang kapwa.
d. Lahat ng nabanggit.
2. Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?
a. Ikulong ang lumabag sa batas.
b. Patawarin ang humingi ng tawad.
c. Tumawid sa tamang tawiran.
d. Bigyan ng limos ang namamalimos.
3. Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
a. mamamayan
b. pamahalaan
c. pulis
d. Lahat ng nabanggit.
4. Bakit kailangan ng mga batas?
a. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
b. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
c. Upang parusahan ang mga nagkakamali.
d. Lahat ng nabanggit.
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?
a. Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mga
kakailanganin sa klase.
b. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
c. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye
d. Wala sa nabanggit.
Katarungan ang magbayad ng buwis.
Katarungan ang sumunod sa batas trapiko.
Katarungan ang maging tapat sa pagsusulit.
Katarungan ang sabihin sa kaibigan ang totoo.
Ikaw!
Katarungan ang aminin sa sarili ang totoo.
like comment share
Bigyang kasagutan ang tanong ni sister Stella L. sa pagkamit ng katarungan...
"Kung hindi ako, sino? Kung hindi ngayon, kailan?"
Ang katarungan ay hindi hinihingi o inaasahan mula sa labas. Bagaman iginagawad din ng panlabas na estruktura tulad ng pamahalaan, ang katarungan ay kailangang makita bilang isang kilos na nagmumula sa loob ng bawat isa. Hindi bilang karapatan ko lamang bilang miyembro ng lipunan kundi bilang kilos ng pagpapahalaga ng sarili dahil ako ay may halaga sa sarili at sa komunidad.
ang pinakasentro ng lahat ay ang mga malalalim na ugnayan ng tao sa loob ng komunidad. Kung wala at hindi mahigpit ang mga ugnayang ito, mauunawaan ang katarungang panlipunan bilang transaksiyon lamang ng pamahalaan at ng mga sakop nito.
like comment share
Ang katarungan, ang paghahangad at pagpapatupad nito, ay hindi hinihintay dumating sa akin. Ginagawa ito ngayon. Sabi nga ni Sister Stella L, "Kung hindi ako, sino? Kung hindi ngayon, kailan?"
TAKDANG ARALIN:
Sa kalhating bahagi ng kartolinang puti, gumawa ng slogan tungkol sa Katarungang Panlipunan.