Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ANG REBOLUSYON AMERIKANO

No description
by

elizabeth bacar

on 4 December 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ANG REBOLUSYON AMERIKANO

ANG REBOLUSYON AMERIKANO
Ito ay tumutukoy sa serye ng mga pangyayari ideya at pagbabago ng naging resulta ng pagdedeklara ng kalayaan ng 13 kolonya sa North Amerika mula sa imperyong britain Noong 1776 ng ipahayag ng 13 kolonya ang Declaration of Independence noong 1781, natalo ang puwersa ng mga Britain sa Yorktown at naging Malaya sa America Mga Kondisyon sa 13 Kolonya Relihiyon – Ang mga Britain ay sangayon sa Anglicanismo Anglican ang mga ameriano naman ay salungat dito dahil angAnglicanism ay tumutukoy sa simbahan ng England kung saan nagugat ang paghiwalay ni King Henry VIII sa Simbahang katoliko noong panahon ng Repormasyon
MGA PATAKARAN TINUTULAN
SugarAct-ipinatupad noong 1764 bilang Buwis sa pang-angkat ng asukal
StampAct-ipinatupad noong 1765.Lahat ng opisyal ng dokumento artikulo kasulatan,pahayangan,at iba pang dokumento ay sa espesyal nanasel unang papel lamang maaring isulat o ilimbag
TownshendAct–ipinatupad noong 1767. Si Charles Townshend na layuning itaasang regular na buwis sa kolonya upang suportahan ang mga gobernador na kolonyal.
Boston Tea Party Boston Massacare – kung saan limang Amerikano ang namatay at marami ang nasugatan nang barilin sila ng mag British .
ANG LABINGTATLONG KOLONYA
Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagpasimula nang lumipat at manirahan sa Hilagang Amerika noong pang ika-17 siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas ng mga persekyusyon dahil sa kanilang mga bagong pananamplataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europa. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa Hilaga ay ang Massachusetts at sa Timog ay ang Georgia. Bawa’t isa sa kolonya ay may mga sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napalaking halaga ang Britanya laban sa Pransiya upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya. Ito ang dahilan kung bakit nais ng Britanya na ang mga kolonya ay mag-ambag sa naging gastusin ng Britanya at ito’y nais nilang kunin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis
“WALANG PAGBUBUWIS KUNG WALANG REPRESENTASYON”
Ang mga kolonya ay walang representante sa Parliamento ng Britanya sa London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa malabis na buwis na ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang” walang pagbubuwis kung walang representasyon”. Noong 1773 ay isang grupo ng mga kolonista ang nagsuot ng katutubong kasuotan ng mga Katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party. Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng kaparusahan sa mga kolonista na naging kabahagi ng nabanggit na insidente. Tinawag ang mga batas na ito sa Amerika bilang Intolerable Acts
Ang Digmaan para sa kalayaan sa Amerika ay lalong kilala sa katawagang Himagsikan sa Amerika. Nagpasimula ang himagsikan nang ang mga Ingles nanaging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa malabis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles nguni’t wala naman silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776 at pagkatapos sila’y nagbuo ng isang malakas na hukbo na magiging tagapagtanggol nila sa mga hinaharap na alitan o sigalot sa Britanya. Ang Digmaan para sa kalayaan ay naging dahilan sa pagbubuo ng Estados Unidos ng Amerika
STAMP ACT
Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya
ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL
Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Britanya sa Amerika ay dagling sumaklolo sa naging kahinatnan ng Insidente sa Massachusetts. Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga representante ng bawa’t isang kolonya maliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila. Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito at binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kialalng kinatawan na si Patrick Henry, na wala ng dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York at New England. Dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang kolonya. Pinagkaisahan nila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Britanya at ito’y nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Britanya. Sa bawa’t kolonya ay bumuo 12 sila ng magiging kabilang ng kanilang boluntaryong army at handang makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan.
AMERIKANONG SUNDALO
Ang mga Amerikanong sundalo noong ika-18 siglo
ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN
Noong Abril 1775 nagpadala ang Britanya ng tropa ng mga sundalo sa Boston upang kunin puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord. Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging kasangkapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang sa mga sundalong Brtish na papalapit sa bayan ng Lexington. Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano.
Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-organisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito na nila tuluyang nakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad.
Ang mapa na nagpapakita ng digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano laban sa mga mananakop na British
ANG IKALAWANG KONGRESONG KONTINENTAL
Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo, 1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang “United Colonies of America” ( Pinagbuklod na mga kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na “Continental Army” at ang naatasan na commander-in-chief ay si George Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston nguni’t natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill. Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa sapagka’t tuluyang napaalis nila ang mga sundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso, 1776.
ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN
Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Britanya sa Atlantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson,
isang manananggol at binigyang diin ng dokumento na ang dating mga kolonya ay di na sa kasalukuyan teritoryo ng Britanya. Sila sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika.
SI Thomas Jefferson ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika
Buwan na ng Agosto ng tuluyang nakadaong ang hukbo ng Britanya at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang puwersa ni George Washington na magretreat sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa 30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000 sundalo lamang ang bilang. Nagkaroon ng pag-aaral at pag-plaplano si Washington kaya noong ika-25 ng Disyembre,1776 ay naglunsad siya at ang kanyang hukbo ng isang sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng hukbo ni Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kanyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nila napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa Nueba York.
PAGLUSOB MULA SA CANADA
Simula noong 1777 ay pinasimulan ng mga British ang pag-atake sa Amerika mula sa Canada, nguni’t sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga hukbong Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki na sa bilang at umaabot na sa halos 20,000 sundalo ang bumubuo nito. Noong Oktubre 1777 ay nanalo sa Labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pagatake ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates.
Ang makasaysayang pagsuko ng mga British sa Saratoga, New York
PAGTULONG NG MGA PRANSES SA LABANAN
Ang bansang Pransiya ay tradisyunal na kalaban ng Britanya at ang mga Pranses ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng labanan. Noon pang 1778 ay pinasimulan ng bigyan ng rekognisyon ng pamahalaang Pranses ang Estados Unidos ng Amerika bilang isang malayang estado. Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban sa mga British. 16 Kaya dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Britanya na sakupin ang timugang bahagi ng kolonya isa-isa. Noong Diyembre, 1778 ay nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito ay naging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit may tulong na nagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang Continental Army sa daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan ng britanya
ANG LABANAN SA YORKTOWN
Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay tinangkang sakupin ng Britanya ang Timog Carolina. Nguni’t sa pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan sa Cowpens ng mga unang bahagi ng 1781. Nag-ipon ng lakas sa kanyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin ng lubusan ang mga British. Kaya noong Okrubre 19,1781 ay minabuti ng sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan.
PAGHAHANGAD NG KAPAYAPAAN
Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha sa mga British sa mundo. Ang Britanya ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay na sinanay na mga sundalo subali’t tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban. Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap ng Britanya ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantalang ang
mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng Inglaterra ay lumipat sa Canada nanatiling kolonya ng Britanya. Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging dahilan ng pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses. Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad ng pagpapabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa Pransiya noong 1789 at nagbuo ng isang republika ng lumaon.
Isang simbolo na binuo ni Benjamin Franklin sa panahon ng Digmaan para sa kalyaan ng Amerika na nagpapakita ng kailangang pagkakaisa ng 13 kolonya upang makamit ang tunay na kalayaan laban sa mga British
Full transcript