Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Untitled Prezi

No description
by

Nizza Butiu

on 14 July 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Untitled Prezi

Ano nga ba ang Likas Kayang Paggamit?
Wastong Pagpapahalaga sa mga Pinagkukunang-yaman.
Ang Pilipinas ay sagana sa mga pinagkukunang-yaman. Subalit huwag kalimutang ito ay may
limitasyon
. Ito ay may
kakapusan
. Dapat nating bigyang pansin ang
pangangalaga
at
pagpapahalaga
sa mga ito upang matiyak na mapapakinabangan ito ng susunod na henerasyon.
Ang Konsepto ng Likas-Kayang Paggamit
Ang paggamit ng mga yamang likas ay
hindi dapat
nakabatay sa paniniwala na ang sistemang ekolohikal ay matatag at ang likas na yaman ay hindi maaaring maiba anumang paraan ang pagkonsumo sapagkat ang yamang likas ay napapalitan.
Aralin 4
Likas-kayang Paggamit
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng "renewable" na yamang likas sa paraang ang mga ito ay hindi manganganib maubos.
Ito ay isang pandaigdigang organisasyon na nagpapahayag ng pagkilala na ang
kultura
,
ekonomiya
at
kapakanan ng tao
ay nakadepende sa kalikasan. 181 bansa ang tumugon sa ganitong pagkilala. Layunin nitong matulungan ang iba't ibang bansa na mapangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng likas-kayang paggamit o sustainable use.
Ang World Conservation Union
Problema:
Ang tao ay gumagamit at patuloy na gagamit ng mga yamang likas. Habang lumalaki ang populasyon at bumababa ang produksiyon, nanganganib ang mga wild species na maaaring maglaho bunga ng pangangaso, pangingisda, at iba pang gawaing pang-ekonomiya.
Solusyon:
Naniniwala ang mga eksperto na kailangang magkaroon ng insentibo ang tao upang sila ay maganyak na gamitin ang kanilang yamang-likas ng
likas-kaya.
Resulta:
Parehong makinabang ang tao at kalikasan.
1. Hikayatin ang paggamit ng mga
biological resource
ayon sa nakasanayang tradisyon at paniniwala na naaayon sa konserbasyon at likas-kayang pamamaraan.
2. Suportahan ang lokal na populasyon sa pagpapaunlad at pagsasagawa ng mga pamamaraan ng konserbasyon sa mga lugar na nababawasan ang
biological diversity
.
3. Hikayatin ang pakikipagtulungan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagpapaunlad ng mga paraan ng likas-kayang paggamit ng mga
biological resource
.
4. Ipaloob ang konserbasyon at likas-kayang paggamit ng biological diversity sa mga programa, plano, at mga patakaran ng pamahalaan at pribadong sektor.
Layunin ng Likas-kayang Paggamit
Mga Pamantayan sa Likas-kayang Paggamit
Paano ba maituturing na likas kaya ang ating paggamit sa mga yamang likas?
1. Ang biological diversity at
ecological function
ay napapanatili sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman. Nangangahulugan na sa kabila ng patuloy na paggamit ng iba't ibang uri ng hayop at halaman, hindi pa rin nasisira and kapaligiran.
2. Ang bilang ng iba't ibang uri ng hayop at halaman ay hindi nababawasan at ang buhay nito ay tumatagal.
3. Ang yamang-likas ay nananatiling mahalagang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao.
Pagkawasak ng kalikasan at pagkaubos ng mga yamang likas
Pagkasira ng Kagubatan
Ang mga pagbaha ay naging mas madalas sa iba't ibang panig ng bansa sa mga nagdaang panahon.
1990- Nagkaroon ng pagbaha sa Rehiyon 9 at Zamboanga del Sur.
1991- Pagbaha sa Ormoc City sa Leyte na kumitilsa halos 8,000 katao.
1994- May naitalang 9 na malawakang pagbaha at ang karamihan ay naganap sa Rehiyon 10, 11 at 12.
2004- Ang mga lalawigan ng Quezon, Aurora, Bulacan at Nueva Ecija ay nakaranas ng biglang pagbaha at mga landslide.
Sa mga lugar na malawakan ang pagbaha (Partikular na sa Samar, Leyte, Camiguin, Surigao, Isabela at Quezon), matinding pagkasira ng mga kagubatan ang pangunahing dahilan.
Nakakalungkot isipin na ang mga natitirang kagubatan sa Pilipinas ay patuloy pa ring winawasak ng mga ilegal na magtotroso. Gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng kagubatan.
(Department of Environment and Natural Resources)
DENR
Layunin nitong maprotektahan ang kalikasan mula sa kamay ng mga mapagsamantalang indibidwal at korporasyon.
Noon
Ang Pilipinas ay may 20 milyong ektarya ng kagubatan
Ngayon
Sa kabuuang lawak ng Pilipinas na 30 milyong ektarya, 18% na lamang o 5.4 milyong ektarya ang natitirang kagubatan.
Kung iisiping mabuti, sinasabi ng mga dalubhasa na kailangan ilaan ang 54% bahagi ng lupa sa kagubatan ng mga bansang may mayamang lupaing agrikultural.
Sa 1 taon, halos 550,000 ektarya ng kagubatan ang nasisira. Ibig sabihin 63 ektarya ng kagubatan ang nasisira bawat oras.
Pagmimina vs. Yamang Tubig
Nabiyayaan ang Pilipnas ng mga yamang mineral. Ang mga mineral na metal at di-metal ay matatagpuan sa mga kabundukan, kapatagan at maging sa mga baybayin.
2005- ang industriya ng pagmimina sa Pilipinas ay nagrehistro ng 15.5% na pagtaas sa halaga ng produksiyon ng mineral na may katumbas na P50.18 billion.
2004- P43.44 billion ang nairehistro ng industriya ng pagmimina sa Pilipinas.
Suliranin:
Isang pangunahing nagdurumi sa kapaligiran.
Ang duming dulot ng pagmimina o mine tailings ay nagdadala ng burak at lason sa mga ilog at dagat.
Halimbawa:
1996- Ang aksidenteng pagtatapon ng Marcopper Mining Company ng halos 4.2 tonelada ng mine tailings sa Boac River sa Marinduque. Nagdulot ito ng pagkamatay ng mga isda at halaman; pagkawala ng mapagkukunan ng malinis na tubig; at perwisyo sa kabuhayan ng mga mamamayan, residente, magsasaka at mangingisda ng lugar. Nagkaroon ng 80 kaso ng leukemia na naitala na sinasabing dulot ng kemikal na nagmula sa minahan.

Polusyon sa Yamang Tubig
Matinding suliranin ng yamang tubig ang pinsalang dulot ng polusyon partikular na ang dumi, toxins at basurang itinatapon ng mga kabahayan, pabrika at minahan.
Ang mga penomenong tulad ng
red tide
at
fish kill
ay mga manipestasyon lamang ng mabilis na pagkawasak ng yamang tubig.
Halos kalahati na ng mga itinuturing na pangunahing ilog sa bansa ay idineklara ng biologically dead o hindi na kayang sumuporta ng anumang uri ng buhay dahil sa matinding polusyon.
Ang mga epekto nito ay nararamdaman sa tuwing nakakaranas ng mga pagbaha sa iba't ibang panig ng kapuluan.
Halimabawa:
Paggamit ng dinamita,
cyanide
, at
muro-ami
sa pangingisda ay mapaminsala sa yamang dagat.
Muro-ami- sistema sa paggamit ng lambat na may habang umaabot ng halos isang kilometro. Ang lambat ay ikinakabit sa pusod ng dagat ng 20 batang maninisid. Ang lambat ay may pabigat sa magkabilang dulo na bumabangga sa mg coral reef na nagiging dahilan upang mabulabog ang mga isda at maitaboy papunta sa lambat.
Ang sistemang ito ay lubhang mapaminsala dahil sa nawawasak ang mga coral reef na kanlungan ng mga isda. Bunga ng pagkawasak ng mga ito ang pag-unti ng mga species sa dagat. Nagiging banta rin ito sa kabuhayan ng mga mangingisda at pagkasira ng biodiversity ng mga pangisdaan.
Mga Suliraning Dulot ng Tao
May ilang lugar sa Pilipinas ang napipinsala bunga ng ilang gawain ng tao.
Halimbawa:
Pagmimina sa palawan na nakapaminsala sa kalikasan.
Sa Surigao at Quezon, patuloy pa rin ang mga ilegal na pagtotroso.
Ang mga coral reef ng bansa ay patuloy namang nasisira dahil sa paggamit ng dinamita at cyanide sa pangingisda.

Ayon sa isang ulat, noong 2002, 98% ng kabuuang coral reef ng Pilipinas ay nanganganib nang masira. Sa katunayan, sa kabuuang coral reef sa bansa, 70% nito ay malawak na ang pagkasira. Tanging 5.3% na lamang ng mga ito ang nasa mabuting kalagayan.
Full transcript