Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

LIHAM PANGANGALAKAL

No description
by

Kanixia Pagaduan

on 30 November 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of LIHAM PANGANGALAKAL

PAMUHATAN
PATUNGUHAN
BATING PANGBUNGAD
KATAWAN NG LIHAM
Panimula
Katawan
Dulong Bahagi
PAMITAGANG PANGWAKAS
LAGDA

Mga bahagi ng Liham Pangangalakal
HUWARANG ANYO NG LIHAM PANGANGALAKAL
ANYONG BLAK

URI NG LIHAM PANGANGALAKAL
- Kanixia Pagaduan
LIHAM PANGANGALAKAL
Pamuhatan
nasusulat dito kung saan nanggaling
at kailan isinulat ang liham
210 Camia Street
San Vicente, Tarlac City
Hunyo 3, 2013

Patunguhan
matutunghayan naman ang pangalan,
katungkulan, at tanggapan ng tao o
kompanyang sinusulatan.
Bating Pambungad
naglalaman ng unang bati sa sinusulatan
Mahal na G.:
Mahal kong Ginang:
Mga Ginoo:

Katawan ng Liham
nakapaloob ang buong nilalaman ng liham.
Panimula
naglalaman ng maikling pahayag ukol sa layon o pakay ng liham

Katawan
naglalaman naman ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa pakay

Dulong Bahagi
huling talata na nagsasaad ng hinggil sa maasahang aksyon sa ipinadalang liham
Pamigatang Pangwakas
nasasaad sa bahaging ito ang pamamaalam ng sumusulat sa sinusulatan
Lagda
pangalan ng sumulat
ANYONG
BLAK

ANYONG
SEMI-BLAK

BINAGONG
BLAK

ANYONG SEMI-BLAK

BINAGONG BLAK

LIHAM - APLIKASYON
LIHAM - PAANYAYA
LIHAM
PAGSANG - AYON
LIHAM - PASASALAMAT
LIHAM APLIKASYON
Ang liham na ito ay ipinapadala ng isang taong nagnanais na makapaasok sa isang tanggapan upang doon ay makapagtrabaho
LIHAM - PAANYAYA
Naglalaman ito ng imibitasyon na dumalo o makipagdiwang o kaya ay gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon at pagdiriwang
LIHAM PAGSANG - AYON
Ang liham na ito ay sumasang-ayon sa kahilingan o panukala na makabubuti sa takbo ng isang tanggapan
LIHAM PASASALAMAT
Ag liham na ito ay naglalaman ng pagpapasalamat ng taong pinadadalhan ng sulat dahil sa maarig ito'y mayroong naihandog na tulong, bagay, paglilingkod, mahalagang impormasyon at pakikibahagi ng anumang kapakipakinabang na ideya
G. William G. Cruz
Manager
Philippine Textile Corporation
Quezon City
Ako po ay isang mag-aaral ng Tarlac State University at kasalukuyang nagsasaliksik at gumagawa ng tesis tungkol sa "dying effect" ng iba't ibang halaman sa aming lugar. Nais ko po sanang isangguni sa inyong tanggapan ang resulta ng aking tesis.
Hindi ko po alam paano at anong paraan para maisangguni ko ito sa inyo. Ano po ba ang papeles na kailangan asikasuhin at sinu-sino po ba ang mga taong dapat kausapin ukol sa bagay na ito?
Umaasa po akong mabibigyan inyo ng katugunan ang aking liham. Maraming salamat po sa tulong na inyong maipagkakaloob.
Maapat na sumasainyo,

Lubos na gumagalang,

Mamimitagan,
Kanixia Camille Pagaduan
210 Camia Street
San Vicente, Tarlac City
Hunyo 3, 2013

G. William G. Cruz
Manager
Philippine Textile Corporation
Quezon City

Mahal na G,:

Ako po ay isang mag-aaral ng Tarlac State University at kasalukuyang nagsasaliksik at gumagawa ng tesis tungkol sa "dying effect" ng iba't ibang halaman sa aming lugar. Nais ko po sanang isangguni sa inyong tanggapan ang resulta ng aking tesis.

Hindi ko po alam paano at anong paraan para maisangguni ko ito sa inyo. Ano po ba ang papeles na kailangan asikasuhin at sinu-sino po ba ang mga taong dapat kausapin ukol sa bagay na ito?

Umaasa po akong mabibigyan inyo ng katugunan ang aking liham. Maraming salamat po sa tulong na inyong maipagkakaloob.


Lubos na gumagalang,
Kanixia Camille Pagaduan




Setyembre 30, 2010

Mahal Naming Mamimili:

Magandang Araw!

Ang layunin ng sulat na ito ay maimbitahan ka sa aming Shoppe Extravaganza Sale sa darating na Sabado 2 Setyembre 2010 sa AIXSHOPAVENUE  Boutique.

Ang lahat ng aming stock, kabilang MTO shoes, bags at vintage accessories ay mayroong 50-90% diskuwento. Bukas ang mga pinto ng aming Boutique sa 09:00 ngumaga. Mayroon ding libreng pagkain katulad ng kape at keyk.

Inaasahan naming ang iyong pagdalo sa Shoppe Extravaganza Sale. Mangyari po lamang dalhin ang imbitasyong ito at ibigay sa tauhan sa pintuan ng Boutique.

Matapat na sumasainyo,
Bernadette C. Bregania
Store Manager
#66 Kalye Andres Castro
Brgy. 15, Lungsod ng Laoag
Abril 20, 2014

GNG. LIGAYA I. MENOR
Store Manager
Jollibee Foods Corporation
Laoag-Bacarra Branch

Mahal na Gng. Menor:

Nabasa ko po sa pahayagang Philippine Star petsang Abril 17, 2014, na nangangailangan ng isang cashier ang inyong fast food chain. Naniniwala ako na ang mga katangian at mga kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag -aaplay sa naturang trabaho.

Ako po ay isang binata, labing anim na taong gulang, at nagtapos po ako ng sekundarya sa Ilocos Norte National High School Special Science Class noong Marso 31, 2014. Ako po’y masipag, matiyaga at marunong makihalubilo sa kapwa.

Isa akong aktibong mag-aaral sa sekundarya. Magaling ako sa matematika, agham at wika. Marunong din akong humawak ng kompyuter. Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito, naniniwala akong magiging isa akong produktibong manggagawa ng inyong kompanya.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan parasa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin.Maraming salamat!

Sumasainyo,
MARK VINCENT P. DELA CRUZ
Aplikante
Setyembre 30, 2010

Gng. Flory Misa
B-7G Royal Palm Condo.,
Las Pinas City

Gng. Flory Misa:

Magandang Araw!

Nais po naming magpasalamat sa inyong pamimili sa AIXSHOPAVENUE. Sinisigurado kopo ang mataaas na kalidad ng aming mga produkto. Kung mayroon mang depektibo okahit anong sira ito ay maaring ibalik sa amin at aming papalitan.

Kasama ng liham na ito ang kahon na nag lalaman ng 2MTO Shoes, Sling Bag, 5Earings.Muli, maraming salamat sa inyong pagtitiwala sa AIXSHOPAVENUE.

Lubos na gumagalang,
Bernadette C. Bregania
Store Manager

Hunyo 10 2003,

Dr. Dexter L. Manzano
Propesor, TSU
Tarlac City

Dr. Manzano:

Aking pinauunlakan ang inyong paanyaya na ako ay maging panauhing pandangal para sa pagdiiwang ng inyong taunang anibersaryo. Isang karangalan para sa akin na maging parte ng inyong pagdiriwang na gaganapin sa Hunyo 12 ng taong kasalukuyan.

Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo sa pagsasagawa ng mga aktibidad para sa inyong anibersayo. Umasa kayo na ako ay darating sa araw na iyon. Muli maraming salamat.

Sumasainyo,
Kgwd. Alain Sawit
MARAMING
SALAMAT :)
Full transcript