Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ipinatupad nina Macapagal, Marcos, C. Aquino, Ramos, Estrada at Arroyo

No description
by

Roy Gonzalez

on 26 July 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ipinatupad nina Macapagal, Marcos, C. Aquino, Ramos, Estrada at Arroyo

Patakarang pangkabuhayan na Ipinatupad nina Macapagal,
Marcos, C. Aquino, Ramos,
Estrada at Arroyo

Corazon C. Aquino (1986-1992).
Gloria Macapagal-Arroyo ang ika-14 na presidente ng Pilipinas.
Diosdado Macapagal (1961-1965).
Kahit siya ay kilala bilang "poor boy" mula sa Lubao, siya ay isang bar topnotcher, isang respetadong abogado at manunulat at epektibong manunulat. Kanyang pinangako ang "New Era" sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod: paggamit ng pambansang lengwage (Filipino) sa mga passport, selyo, traffic signs, pangalan ng bagyo, diploma ng eskuwela at iba pang diplomatic credentials; paglipat ng Independence Day ng Pilipinas sa 12 Hunyo mula 4 Hulyo; pag-fifile ng opisyal na pagaari ng Pilipinas sa Sabah noong 22 Hulyo 1962; ang pagkakalikha ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia) Organization na isang pagkakaisang pangekonomiya at ang pagpasa sa kongreso ng Agricultural Land Reform Code noong 1963. Humalili din siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971 para sa pagpapabago ng saligang batas. Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia at sakit sa kidney sa Ospital ng Makati noon 21 Abril 1997 makaraan ang isang taon, ang kanyang anak na si Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinoklamang ikaapat na presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas dahil sa EDSA 2.
Mga Statistiko ng Pilipinas noong panahon ni Macapagal: Population: 29.2 million (1962), GDP Php 234,828 million (1962)Php 273,769 million (1965), GDP Growth Rate: 5.15 % (1962-65 average), Income Per Capita: Php 8,042 (1962) Php 8,617 (1965), Total Exports: Php 46,177 million (1962); Php 66,216 million (1965), Unemployment Rate: 8.00 % (1962);7.2 % (1965), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 3.80 to $1 (1962)Php 3.90 to $1 (1965)
Ang mga patakarang pang-ekonomiya na naganap sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Aquino ay ang pagsasapribado ng korporasyong dating pagmamay-ari ng pamahalaan, pagtatayo ng Presidential Commission on Good Government na kung saan layunin na makuha ang mga ninakaw na yaman ng bayan. Ipinasa din ang Comprehensive Agrarian Reform Law, at ang Local Government Code. Nanumbalik ang institusyong pangdemokrasya at malayang kalakalan ang pakikisangkot ng pamahalaan sa pandaigdigang kalakalan. Ngunit dahil sa maraming pagtatangka na pabagsakin ang pamahalaan ni Pang. Aquino, naging mahina pa rin ang ekonomiya ng bansa.
Fidel V. Ramos (1992-1998)
Nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Sa pamumuno ni Pang. Ramos nagkaroon ng aktibong paggalaw ng ekonomiya ng Pilipinas. Naipatupad ang patakarang nagtanggal sa mga monopolyo sa telekomunikasyon, pananalapi, at iba pang sector ng pamahalaan. Binigyang-pansin ng pamahalaan ang pagtatamo ng katayuan ng bansa na maging Newly Industrialized Country (NIC). Pinagbuti ang pakikipagkalakalan sa labas ng bansa at rag-anyaya ng mga dayuhang mamumuhunan. Naging sentro rin ng ating bansa ng pagpupulong ng mga lider ng mga bansang nasa rehiyong Asia-Pacific. Ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ang isa sa mga naging matagumpay na kumperensiyang idinaos dito sa bansa. Nagtipun-tipon ang mga pinuno ng 18 bansang kaanib ng APEC upang magbalangkas ng mga hakbangin tungo sa pagpapaunlad ng kalakalan sa rehiyon.
Joseph Estrada ang ika-13 pangulo ng Pilipinas.
Inihalal ng mahihirap at isang idolo ng pelikula. Nakilala ang administrasyong Estrada sa programang "Erap Para sa Mahirap." Sa kaniyang State of the Nation Address na "A Challenge of Unity for the Filipino Nation" noong July 1998, ipinahayag ni Pang. Estrada ang mga programa sa ilalim ng kaniyang administrasyon. Ang mga sumusunod ay ang: (1) pagtatanggal ng pork barrel, (2) pagpapalawak ng GNP ng 2-3%, (3) paggamit ng badyet ng pamahalaan ng tama at pagpapatupad ng mga proyekto na makatutulong upang mapaunlad ang ipon ng bansa, (4) pagtulong sa mga mamamayan mula sa kahirapan, (5) pagpapatupad ng Visiting Forces Agreement. Sa ilalim ng kaniyang administrasyon ay nagkaroon ng pandaigdigang pagbulusok at ang bansa ay nalugmok sa matinding kurapsiyon at katiwalian, pagsusugal, droga, at iba pang krimen. Si Estrada ang kauna-unahang pangulong pinatalsik ng Kongreso, nilitis, at humarap sa parusang kamatayan. Noong Enero 2001, pinatalsik siya ng People Power Two Movement.
Sa ilalim ng kaniyang administrasyon nakilala siya sa mga programa na (1) paghihikayat sa mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa, at nakilala din siya sa "OFW-Bagong mga Bayani," (2) pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga iba't ibang rehiyon lalo na ang mga probinsiya, (3) pagdadala ng produktong probinsiya sa lungsod upang, mapataas ang GDP ng bansa. Sa ilalim panunungkulan ni Pang. Arroyonaganap ang mga pandaigdigang pagpupulong ng mga bansa sa Asya tulad ng ASEAN Summit sa Cebu. Nangako din si Pang. Macapagal-Arroyo na tutulungan ang mahihirap, paunlarin ang ekonomiya, at lalabanan ang krimen.
Pangulong Ferdinand E. Marcos
Ang may pinakamahabang panununungkulan bilang pangulo ng bansa. Umabot ng dalawampung taon ang kaniyang panununungkulan (1966-1986). Sa administrasyon ni Pangulong Marcos napagtibay ang Atas ng Pangulo Blg. 27 na nagtatakda ng pag-aari sa pitong ektarya ngpalayan at maisan. Ang programang "Masagana 99" ang naglunsad ng bagong paraan sa pagsasaka at pag-unlad ng agrikultura. Pinagbuti din niya ang proyektong turismo at pangkultura sa Pilipinas. Sa panahon din niya napagbuti ang pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, at proyektong imprastraktura. Ngunit sa panahon din niya lumaki ang pagkakautang ng malaking halaga ang ating bansa na umabot sa $25 bilyon noong 1984 at lumaganap ang katiwalian at ang pagkontrol ng mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ni Marcos sa iba't ibang produkto at serbisyo at mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan. Kasabay ng pagbagsak ng pamahalaan ni Marcos ang hindi paglaki ng pambansang kita ng Pilipinas at pagkaranas natin ng krisis pang-ekonomiya.
Full transcript