Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang Dula

No description
by

Mary Rose Suliguin

on 16 February 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang Dula

Ang Dula
mga dulang pantanghalan
Ang mga kilalang personalidad noong panahon ng Amerikano na naging haligi ng dulaan at kapuluan
Nang pumasok ang panahon ng romantisismo ay nagkaroon ng pagbabago sa paksa/tema ng dula.
dula - mga uri, katangian, at mahahalagang sangkap
MAIKLING KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD
Ang dula ay nag-ugat sa salitang griyego na ayon sa diksyunaryo, ang ibig sabihin ay akdang pampanitikan na inilalahad sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga tauhang gumaganap.
Panahong Pre-Kolonyal
Noon, ang dula ay pinagsama-samang tugtog, sayaw at tula. Walang kulay at hindi ganap ang pagdiriwang kung wala ang tatlong ito.

Mga katangian ng dula noon:
Walang entablado o tanghalan
Hindi nagsusuot ng angkop na damit ang mga tauhan
Karaniwang paksa ay digmaan, pag-iibigan, mga alamat patungkol sa bathala at mga espiritung kanilang sinasamba, pagpuri sa mga nabubuhay, pangangaso at pag-aalaala sa mga yumao.
Uri
Karilyo
Bayok o Embayoka
Panahong Kolonyal
Ang panahong ito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Piipinas.

Sa panahong ito, sinamantala ng mga kastila ang kahiligan ng mga Pilipino sa dula at ginamit ito sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.

Ang mga dula sa panahong ito ay nauuri ayon sa pook na pinagtatanghalan.


Panahon ng Kalayaan
Ang panahong ito ay nagumpisa noong matapos ang maakling digmaan at pagsakop ng mga hapon sa Pilipinas.
Nagsimula ang kahirapan ng pagyari sa pelikulang Tagalog.
Nawalan ng mga trabaho ang mga aktor at manunulat.
Panahong Kontemporaryo
Sa panahong ito, naging sentro ang dula ng panitikan sa wikang Filipino.
Patuloy ang pag-unlad ng dula sa panahon ng Bagong Demokrasya at ang mga kabataang manunulat ang nanguna dito.
Ngunit sa panahong din na ito ay dumami ang magagandang programa sa telebisyon at pelikula kaya naman hindi pa rin nabigyan ng ganap na atensyon ng mga Pilipino ang kahalahan ng dula.
Mga Dulang Panlansangan
Pangangaluluwa
Ito ay sinasabing isang ritwal na Kristiyano.
Tibag
Pagsasadula sa pagahahanap ni Reyna Elena sa nawawalang krus na pinagpakuan kay Jesus.
Alay
Ito ay kilala sa tawag na Flores de Mayo o sagala.
Salubong
Ito ay ginagawa tuwing pasko ng pagkabuhay.
Panunuluyan
Ito ay ang pagsasadula ng kuwento sa bibliya patungkol sa pagsilang sa banal na sanggol na si Jesus.
Ang tatlong uri ng dula noong panahon ng Kastila
Paraan ng paggawa:
Ang mga kabataan ay pangkat-pangkat na nagbabahay-bahay sa pag-awit hingil sa mga daing ng kaluluwa ng mga namatay. Bilang kapalit, ang mga maybahay ay nagbibigay ng salapi o mga kakanin.
Paraan ng paggawa:
Ito ay nagaganap tuwing disperas ng pasko. Sa pamamagitan ng pag-awit, ang gaganap ay hihingi ng pahintulot na makatuloy sa mga bahay. Ngunit ang mga maybahay na kanilang pupuntahan ay tatanggi at itataboy sila hanggang sa makakita sila ng matutuluyan at iyon ay ang sabsaban.
Paraan ng paggawa:
Magkakaroon ng isang prusisyon ng madaling araw sa Linggo ng Pagkabuhay. Sa prusisyong ito ay nakalagay ang imahen ni Kristo at Birheng Maria sa magkaibang karosa. Nasa magkaibang lugar ang kanilang mga karosa at magtatagpo ito sa patyo ng simbahan. Sa pagtatagpong ito, may isang batang anghel na ibababa sa isang plataporma sa itaas at mag-aalis sa belo ng Birheng Maria.
Paraan ng paggawa:
Ginagawa ito mula unang araw ng Mayo hanggang sa katapusan ng buwan. Ito ay prusisyon ng mga dalaga mula sa isang lugar patungo sa altar ng Birheng Maria sa simbahan upang mag-alay ng bulaklak. Habang nag-aalay, kumakanta sila ng papuri sa Birhen. Ang awit na ito ay tinatawag na dalit.
Paraan ng paggawa:
Patula ang pagsasalita ng mga gaganap na tauhan.
ANG MGA DULANG PANTAHANAN
Pamanhikan
Ang pagbisita ng magulang o partido ng lalake sa partido ng babae upang pag-usapan ang kanilang kasal.
Duplo
Isang laro na ang layunin ay pasayahin ang mga naulila o mga taong nawalan ng minamahal sa buhay.
Ginaganap tuwing ika-9 ng gabi
Patula ang mga salitang ginagamit
Paligsahan sa tula
Kinakailangan ng maraming tauhan
Karagatan
Patulang laro na batay sa alamat ng singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat. Kung sino man ang makakuha ng sing-sing ay pakakasalan ng dalagang nagmamay-ari nito.
Huego de Prenda
Panubong o Putong
Tinatawag ding panunuyo
Bulong
Ito ay ginagawa ng palihim ng isang pangkat na kakatawan sa binatang umiibig. Ang kanilang gagawin ay awitan ang magulang ng dalagita sa paraan na maipaparamdam nila dito ang matapat na layunin ng lalaki.
Kayari
Ito ay ang pagdalaw at pagbigay ng mga pagkain at bagay ng pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae.
Mga dapat isaalang-alang ng pamilya ng lalaki:
Isang pangkat ng mang-aawit
Tuwing Miyerkoles at Sabado lamang ang pagdalaw
Bawal pumasok, umupo at kumain hangga't walang pahintulot ng pamilya ng babae
Ang simula ng tagayan ay sa ama ng lalaki
Dulog
Ang pagtatakda ng araw o oras ng kasal
TATLONG BAHAGI NG PAMANHIKAN
Desposoryo
Nagaganap sa bisperas ng araw ng kasal.
Ang paglipat ng kasangkapan ng handa mula sa bahay ng lalaki patungo sa bahay ng babae.

Mga tauhan:
Belyaka - kababaihan
Belyako - kalalakihan
Hari - nagpapanimula ng laro
Berdugo - nagsasakatuparan ng parusa
Duke
Gatpayo
Piskal
Nananawagan
Ito ay nilalaro sa lamayan sa pamamagitan ng isang pinaikling pahayag na kawili-wili. Sa tuwing nagkakamali ang mga kasali sa pagbigkas ay magbibigay sila ng isang bagay at ang paraan ng pagkuha ng bagay na iyon ay sa pamamagitan ng pagtula o pag-awit.
Ito ay paraan ng pagsalubong sa mga taong paparangalan o may kaarawan. Ang pinakatampok na ginagawa sa dulang ito ay ang pagpapatong ng koronang bulaklak sa pinararangalan.
Aninong Gumagalaw
Komedya
Ito ay mga awit at kurido na itinatanghal sa entablado at nasusulat sa berso.
Ang paksa ay ang paglalaban ng moro at kristiyano
Ang kuwento ay nagsisimula sa pagiging lamang ng mga di-binyagan ngunit sa huli ay ang mga kristiyano pa din ang magtatagumpay.
Mga Tauhan:
Hari
Reyna
Mandirigma
Senakulo
Ito ay ang pagsasadula ng buhay ng panginoong Hesukristo mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang kamatayan. Ngunit ang binibigyang-diin sa dulang ito ay ang pagpapahirap at pagpapakasakit ni Hesus para matubos ang sangkatauhan sa kasalanan.
Ito ay ang pag-akto at pagsasalita a diyalogo ng mga aninong repleksiyon ng mga tau-tauhang yari sa karton sa isang puting tabing.
Moro-moro
Ito ay ang laging paglalaban ng Kristiyanismo at Muslim na ang katapusan ay pagkagapi at pagbibinyag ng mga Muslim.
Laging balakid sa larong ito ang pagkakaiba ng relihiyon ng bawat isa.
Ipinapalabas tuwing gabi.
Karaniwang pagkatapos ng anihan
Ang mga tauhan ay mga karton na ginupit tulad ng puppet show o karilyo
Ang pananalita ay karaniwang kinukua sa mga awit at kurido
Karilyo
Panahon ng Amerikano
Sa panahong ito, kalimita'y ginagawa na lamang ang mga dulang gaya ng kapaskuhan at Mahal na Araw. Nagkaroon ng bagong uri ng dula, ito ay ang sarsuwela. Nang dahil dito, tuluyan na ang pagkawala sa mga tanghalan ang dulang komedya at moro-moro.
Ang Sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ito rin ay tinatawag na zarzuela, sarsuela, dulang inawitan, dulang hinonihan, drama-lirico at operetta.
Mga kilalang Personalidad
Severino Reyes
Kilala bilang "Don Binoy"
Ama ng dulang tagalog
Ina: Andrea Rivera
Ama: Rufino Reyes
Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila
Nag-aral sa San Juan de Letran
Nag-aral ng pilosopiya sa UST
Naging tagapagsalin ng mga akdang kastila sa tagalog
Aurelio Tolentino
Isinilang sa Guagua Pampanga
Kaarawan: Oktubre 15, 1868
Mandudulang Katipunero
Hermogenes Ilagan
Isinilang sa Bulacan
Kaarawan: Abril 19, 1875
Obre Maestra: Dalagang Bukid
Sa kanya ng galing ang kahulugan ng dula bilang drama at dulaan bilang tanghalan. Siyam na beses ng nakulong sa kasalanang sedisyon.
Ang Dalagang Bukid ay sumasalamin sa buhay ni Angelita na isang tagalalawigan na naging mang-aawit sa isang kabaret. Naging matatag si Angelita at ipinaglaban ang pagiibigan nila ng kanyang katipan.

Dahil dito, nagkaroon ng iba't ibang samahan at bumuo sila ng mga maiikling dula. Ang mga dulang ito ay karaniwang naglalarawan sa buhay ng mga Pilipino.

Mga dulang tinanghal ng Dramatic Philippines
Sino Ba Kayo?
isang yugtong dula sa panulat ni Julian Balmaseda sa Ingles at isinalin sa Tagalog ni Francisco Soc Rodrigo sa direksyon ni Narciso Pimentel Jr. Ito ay ibinasi sa dulang "Sangkuwaltang Abaka".
Cyrano de Bergerac
Ito ay patungkol sa kilalang makatang pranses na si Hector Savinien de Cyrano de Bergerac
Ang dramatic Philippines ay isa sa mga samahang nagtatanghal ng dula.
philippine educational theater association (Peta)
Nagsimula noong 1967
Samahang nagtaguyod sa mga dulang sarili hindi lamang pantanghalan kundi maging pantelebisyon man.
Kilusang gumagamit ng mga pamamaraang makasining upang mapalaganap sa bansa ang pagkakaisa.
Iba't ibang kagawaran:
PETA-Manila Secretariat
PETA Kalinangan Ensemble
CITASA
MTTL
Mga kabataang mandudula
Mga naging pangunahing paksa ng dula
Aktibismo
Hinggil sa kahirapan
Kasamaang dulot ng mga bawal na gamot
pagkakaiba-iba ng paniniwala
Ideolohiya
Mga tanghalan
Mga samahang sibiko at pribadong sektor na tumulong sa panitikang Pilipino
San Miguel Corporation
PLDT
Meralco
Insular Life
Paul Dumol
Renato delos Reyes
Jose Dalisay Jr.
Reynaldo Duque
Ruel Aguila
Nonilo V. Quejano
Jose Y. Dalisay
Edgar Maranan
Isagani Cruz
Ding delos Reyes
Tony Perez
Ang dulang "Kanser" ay isa sa mga pinakilalang dula na itinanghal ng CCP Outreach Program. Ang dulang ito ay adaptasyon mula sa "Noli Me Tangere" ni Jose Rizal.
Metropolitan Theater
Raja Sulayman
Puerta Real
ANG DULA
Ito ay isang uri ng panitikan na may kakaibang katangian dahil ang dula ay hindi lamang dapat basahin o ilimbag sa aklat ngunit kailangang matunghayan at mapanood. Sa madaling sabi, ang dula ay kailangang i-arte sa isang tanghalan at nangangailangan ng mga masining na taga-pagsalin tulad nalang ng direktor, mga artista, manunugtog at taga-disenyo ng tanghalan.
MGA URI
komedya
Mayroon ding dalawang uri ng komedya ang panunuyang komedya(satiric comedy) at maromansang komedya (romantic comedy).
Mga Katangian ng Dula
Pagkakaayos ng mga Pangyayari sa Dula
KASUNDUAN NG DULA
Panahon
Ikaapat na palarindingan
Pananalita at wika
Pagsasalita sa sarili
THE END
trahedya
Trahedya
Komedya
isinasadula nito ang pagkakasalungat ng kasiglahan ng isang buhay labas sa batas o hangganan ng buhay.
Isinasadula dito ang pagpapakasakit sa labis na karanasan ng ibang tao, kahit makitil ang kanyang buhay ng isang bayani.
dito naman binibigyang diin ang kasiglaan ng mga batas ng kabuhayan sa isang lipunan.
Ang mabuting buhay ay matatamo sa pagtatakwil ng pagiging makasarili.
Trahekomedya

Ito ay gumagamit ng mga mararangyang nakatatawang eksena upang ilarawan ang isang di-totoo o kakatuwa at mga walang katuturan.
Ang Trahedya ay may dalawang uri ng kabaligtaran
Gawang di-namamalayang kabaliktaran
-Ang bayani ay babagsak dahil sa kanyang malubhang pagkakamali.
-Ang pagpapalaya ng kaigtingan ng isang tauhan ay tinatawag na katarsis ng isang trahedya.
Salitang di-namamalayang kabaligtaran
Panunuyang Komedya
Maromansang Komedya
Binibigyang pansin ang mga taong mahilig humadlang sa anumang gawain.
Binibigyang pansin ang dalawang nagmamahalan sa kanilang pakikibaka sa mga hahadlang sa kanilang pag-iisang dibdib
URI
TRAHEKOMDYA
dulang may kaunting trahedya hanggang dumating ang maligayang katapusan
dulang may pinaghahalo ng mga yugtong trahedya at komedya
dulang pinaghahalo ang dalamhati ng trahedyang may mga di-akalaing pangyayari at bayaning tauhan.
Ang paksa ay ang kaisipang ipinahihiwatig ng dula. Kailangang maunawaan ang paksa nang madali nating maintindihan ang tuntunin ng banghay(plot).
Ang ilang mamumunang pampanitikan ay gumagamit ng kilos bilang katumbas ng paksa.
Naniniwala sila kay Aristotle na ang isang dula ay isang pagpaparis ng kilos.
Sa ganitong pananaw, ang mandudula ay lumilikha ng kilos at inilulunsad ito sa pamamagitan ng isang banghay at mga tauhan, at sa paggamit ng wika, kumpas, tugtugin at dakilang palabas
Ang banghay(plot) ay malimit itumbas sa "salaysay" nguni't malimit ito'y inihahambing sa tanging pagsasaayos ng dula ng mandudula.
Ang paglalahad(explosion) ay isang bahaging nagsasaad sa mga tagapanood(audience) kung ano ang dapat nilang malaman sa mga nakalipas na kilos(antecedent action).
pataas na kilos
paglalahad
kasukdulan
pababang kilos
KALUTASAN
KUMPAS
TAGPUAN
Ang usapan ng mga tauhan sa isang dula ay may kahalong mga kumpas
Ang tagpuan ay isang sagisag na tumutulong upang malaman ng mga nanunuod kung kailan nangyari ang dula at upang bigyan kahulugan ang dula.
Ang Pagganap at Karakterisasyon
Ang pagganap sa dula ng isang tauhan ay nababakas sa mga kilos at mga uri ng pagsasalita niya ganuon din sa mga pinagsasabi ng ibang tauhan tungkol sa kanya.
Maraming nagaganap sapagkat iba-iba ang katauhan ng bawat tao tungkol sa kabutihang asal, karunungan at damdamin.
Full transcript