Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ma fil

No description
by

grace lim

on 7 September 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ma fil


Mula sa may katagalan na ring pag-oobserba ko sa mga paaralan na nahahati sa dalawa ang papel ng panitikan sa sili-aralan:
1. Ang panitikan bilang paitikan at paksa ng pag-aaral
a. Pag-aanalisa tungo sa pag-unawa at pagpapahalaga sa kasiningan ng panitikan
b. Paglikha ng panitikan ANG PANITIKAN, ANG GURO, AT ANG BANSA
Ang makabagong guro ay dapat higit na manedyer kaysa “nagtuturo”. Higit na mahalaga ang mahasa (psycho-motor) kaysa maturuan (kognitibo) lamang ang mag-aaral.
Ang kaalaman na hindi nagbubunga ng kabihasnan ay baog.
Dahil sa ang lenggwahe – na kinabiblangan ng literatura – ay panlipunan, walang tunay na silbi ang literaturang nakalagak lamang sa utak.
Mayroon ding iskrip kung tawagin sa higit na malawak na pananalita tulad ng
A. Balangkas ng kuwento na ginagamit na batayan ng pagtatanghal na comedia dell arte
B. Kuwento o nobela na binago ang anyo upang gawing dula, o palabas, pantelebisyon, pang-video, o pangsinema. Ang Literatura bilang iskrip
Mga kasangkapang metaporiko – ang mga ginagamit na tayutay na nagpapayaman sa kabuluhan at kahulugan ng akda.
Tono – napakahalaga nito sapagkat ang anumang pangungusap ay maaaring bumaligtad ang kahulugan kapag nagbago ang tono nito.
Estruktura – ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay ng mga bahagi n iang akda.
Nilalaman – tumutukoy sa tauhan, tagpuan, suliranin, aksyon, tema
Denotasyon – karaniwan at likas o “literal” na kahulugan ng salita o pangungusap. Ito ang kahulugang madaling mahanap sa diksyunaryo.
Konotasyon – tawag sa mga implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita.
Diksyon – tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit ng manlilikha upang makamit niya ang pinakamabisang paraan ng pagpapatalastas ng kanyang nais ipabatid.
Malaki rin ang kinalaman ng literatura sa siyensiya (pangkalikasan at panlipunan) sapagkat walang anumang disiplinang akademiko na hindi nasasaklaw ng mga akdang literaryo.
Sa pamamagitan ng lieratura, natutuklasan ng mambabasa ang mga huwarang paraan ng pagpapahayag. Ang mga pangungusap sa literatura ay sadyang pinakinis ng may-akdaayon sa mabisanganyo at diksiyon nito.
Dahil dito, ang mga akdang literaryo ay kapaki- pakinabang na lapitan bilang

1. Pamamaraan ng pagpapahayag ng tema
2. Likhang estetiko
3. Iskrip para sa isang pagtatanghal
4. Rekord ng kasaysayan Tinaguriang pormalismo ang pananaw (teorya) na ito sapagkat ipinalalagay na ang pagkapanitikan ng panitikan ay salig sa porma o anyo o pinagsasangkap na mga porma katulad ng

Paksa
Tema
Diksyon
Indayog
Tugma
Tayutay o talinghaga
Retorika
Tono
Punto de bista
Persona
Istraktura 2. Bilang kasangkapan sa pagtuturo ng ibang mga paksang hindi pampanitikan.

a. Paggamitng panitikan bilang kasangkapan sa pagtuturo ng mga kaisipan at pagpapahalaga

b. Ang paggamit ng panitikan bilang saksi at dokumentong pangkasaysayan.  
“ Ang paglinang ng Bayan muna bago ang sarili sa Pagtuturo ng Panitikan”
Ang bawat may-akdaay may kasaysayan sapagkat siya ay akda ng kasaysayan.
May minana siya mula sa kasaysayan, at ang kanyang mga akda ay ipamamana niya sa kasaysayan.
Dahil dito, hindi maiwawasan ng may-akda ang paggamit ng mga salita at kaisipang minana sa lumipas.  
Ito ang dahilan kung bakit ang malinaw at mayamang pagpapakilala sa daigdig ng may-akda ay makapagpapayaman ng pag-unawa at pagpapahalaga sa isang akda.
Ang mga bagay na may tiyak na katatagpuan sa pook at panahon na maaaring damhin ng alinman sa mga sentido ng tao ay may kasaysayan.
Dahil ito ay nasa tiyak o espesipikong lokasyon, tiyak din ang mga katangian nito.
Dahil din ito sa umiiral sa panahon, taglay nito ang mga bakas ng espesipikong panahon ng kanyangpag-iral o pangyayari.  
Ang literatura bilang likha ng kasaysayan
May iskrip na sadyang ginawang tahasang batayan ng pagtatanghal. Ito ang kalagayan ng mga sadyang isinulat bilang pandulaan tulad ng dula, liberetto ng opera, at mga iskrip na pantelebisyon at pansinematograpiya.
Ang mga talumpati na ginagawa ng “Ghost writer” ay iskrip din. Mga ksangkapang panretorika – tumutukoy sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda upang makamtan ang pinakamabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at ang mga sangkap nito.
Mga kasangkapang pansukat at pang-musika – tawag sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang tula, upang bigyan ng angkop at kaaya-ayang daloy at indayog ang mga salita at pangungusap kapag ito ay binibigkas.
Sa sinaunang panahon, nagkaroon ng paniniwiala na ang arte ay dapat magdulot ng “tamis at liwanag” at hinati ang mga manlilikha sa hanay ng dalawang simbolikong kulisap – ang pulot-pukyutan at ang gagamba.
Ang pulot-pukyutan ay lumikha ng pulot (tamis), at pagkit (na ginagawang kandila, kaya “liwanag”.
Nililikha niya ito sa pamamagitan ng tiyaga sa paghahanap at pagkalap ng mga sangkap sa paggawa ng pulot at pagkit.
Depende sa antas at layunin ng asignatura

Sa karaniwang pagkakataonsa ating pagtuturo at pagpapahalaga sa literatura sa mga klaseng pambakalawriyado, interpretasyon ang kakailanganin natin.
Hindi laging tiyak ng isang akda.
Ito ay dahil sa

May-akda, at sa

Mambabasa 1. Ano ang tema?

Mahirap tiyakin ang wastong bilang ng mga tipo ng literatura kung ang pag-uusapan ay kung ano ang dapat na paksain ng akdang literataryo.
Tiyak din na may mga akda na nakasentro sa tema, na kung alisin ang tema ay mawawala na rin ang akda. MGA KUWADRONG KONSEPTWAL PARA SA PAGTUTURO NG LITERATURA Kaya lagi siyang handang mapagkukunan ng ideya o impormasyon na magagamit sa anumang pagkakataon.
Waring nagiging mayamang aklatan ang isipang pantas.  
Natatangi ang mga pantas sa lawak ng kaalaman at yaman ng pag-unawa
Ang lawak ng kaalaman ay nakakamtan sa pamamagitan ng malawak na paglalakbay ng isipan sa mga larangan ng kaalaman at impormasyon
Ngunit hindi lamang impormasyon ang mahalaga. Kinakailangang maiugnay ang bawat impormasyon sa ibang impormasyon upang makalikha o makatuklas ng mga bagong kaisipan.
Ang nilalayon ng kurikulum dito ay makikita sa tinatawag na programang E.S.S.
Ang “E” ay para sa eloquentia ( kahusayan sa pakikipagtalastasan)
Ang “S” ay sa scientia (agham, kaalaman)
Ang “S” ay sa sapientia (karunungan)
Ang pagkilala sa ilang masaklaw at pinakamahalagapng larangan ng kaalaman at kasanayan na makikita sa lahat ng mga makabuluhang programa ng pedagohya.
Priyoridad at hindi ekslusyon ang punto nito, lalo na kapag ang pinag-uusapan ay ang edukasyong panlahat (general education) sapagkat ang literatura ay isa sa mga mabisang ekspresyon ng lipunan, isa ito sa pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipunan.
Hindi salamanin o repleksyon ang literatura kundi institusyon at kasangkapan na nakatudla sa pagkakamit ng enkulturatibong pag-unlad ng pag-iisip at kakayahan ng mga bata sa loob ng isang lipunan.  Enkulturasyon – tinuturuan at sinasanay ang mga batang Pilipino upang sa gayon ay magiging lubos at ganap na Pilipino.

Ekskulturasyon – tinutukoy nito ang edukasyon ng mga bata tungo sa pagkakaroon ng pag-iisip, pananaw, pag-uugali at mga saloobing ibang – iba o dili kaya’y taliwas sa kultura ng mga magulang at lipunang iniiralan nito. - Usbong ng bulaklak, at bunga ng kultura ang oratura na siyang kalipunan ng mga ekspresyong pasalita ng isang lipunan.
- Oratura ang tawag dito sapagkat “bunga ng bibig” ang mga ito. Sinasabi nito na orihinal na anyo ng mga sining ng salita ay pabigkas at hindi pasulat.
- Ang oratura ay “performing arts”
- Ang Literatura ang oraturang itinala sa pamamagitan ng mga letra upang magkaroon ito ng di-magbabagong rekord. Marupok kasi ang memorya ng tao, at upang mabigyan ng pagkakataong humab ang buhay ng isang akda, inimbento ang mga letra ang mga salita.
Isa sa mga istratehiyang pedagohika upang magkaroon ng katiyakan at linaw ang tuon ng pagtuturo ay ang katiyakan ng kuwadro ng realidad (reality frame) na ginagamit sa pagtanaw sa akdang literaryo na pinakpaksa ng pagtuturo.
Ang “kuwadro ng realidad” ay parang bintana kung saan tinutunghayan ang isang aspekto ng isang akdang literaryo; o dili kaya’y iskrin ng telebisyon, video o sinehan. KUWADRONG KONSEPTWAL
Sa pamamaraang humanistiko, itinuturing ang panitikan bilang akdang – sining.
Sa pakahulugang minana natin sa tradisyong Kanluranin, ang sining ay porma o anyong estetiko na salig sa mga prinsipyong likas at bukod-tangi sa estetika o pakiramdam at pag-unawa ng tao.
Ang mga prinsipyong ito, ayon sa tradisyon, ay katotohanang panlahat at maaaring pahalagahan ng sinuman.
Karaniwang ginagamit lamang ang mga impormasyon mula sa kasaysayan bilang pantulong sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kaisipan at tema na isinasaad ng tekstong literaryo.
Samakatuwid sa pamamagitan ng pag-aaral ng tekstong liraryo sa pananaw ng kasaysayan ay maaaring makilala ang naging papel ng akda sa galaw at landasin ng kasaysayang ginagalawan ng naging may-akda.
May iba pang makakasaysayang teksto sa mga dokumento ng kasaysayan ng Pilipinas ang matagal nang pinakikialaman.
Ang mga hindi makasaysayang pagpapalit sa teksto ay makalilikha ng pader na magiging sanhi ng maling pag-unawa sa mensaheng orihinal.
Kabilang din dito ang mga salita o diksyon na ginagamit ng may-akda sa kanyang pagpapahayag.
Nasa pilosopiya ng edukasyon ang problema.
Sinisikap ng maraming eskwelahan na gawing makina ng produksyon ang mga estudyante at hindi upang magpakatao muna.
Sandatang may dalawang talim ang literatura. Maaari itong sandata na nagtatanggol, o patalim na sumusugat sa sarili.
Pinalalaya ng literatura ang tinig, katawan, damdamin at isipan ng tao sa pamamagitan ng literatura bilang iskrip. Walang pera
Kulang sa pasilidad
At kagamitan
Salat sa suporta ng mga administrador
Tamad ang mga estudyante
Walang motibasyon ang mga estudyante
Gahol sa oras para sa paghahanda at pagtatanghal.
Layunin ng pagtuturo ng bawat aralin
a. Apektibo
b. Kognitibo
c. Psycho-motor
nililikha ng lipunan ang wika upang likhain ng wika ang lipunan. Kaya kung saan may lipunan, may wika, at ang bawat wika ay bunga ng isang lipunan.
Marami ang uri at anyo ng wika na ginagamit ng bawat lipunan o kalipunan ng mga tao para likhain at mapanatili ang maaayos na kaisahan, ekwilibriyo, at pagsulong nito

Ayon sa pananaw ng estetisismo, walang ibang kailangan upang mapahalagahan at mapakinabangan ang anumang maidudulot ng isang akda maliban sa teksto at teksto lamang.
Nanggaling sa salitang Griyego na aesthesis na nangangahulugang “Pakiramdam” o “dating ng anumang persepsyon sa mga sentido (panlabas o panloob) ng tao.

Ito ay isang uri ng pakiramdam at reaksyon ng tao na nakakakita.

Ito ang karaniwang mga kategorya ng mga kasangkapang estetiko na bumubuo sa anyong artistiko:
Para sa mga naniniwala na higit na mahalaga ang karunungan kaysa sa emosyon, ang mga ideya kaysa mga damdami, pinahahalagahan ng maraming sinaunang pantas ang “pangangaral na nakakaaliw”.
Ang tawag sa pananaw na ito sa arte ay “estetisimo”. Kamag-anak nito ang mga salitang pormalismo at “art for art’s sake”. Ito ang naging landasin ng literatura sa panahon ng “New Criticism”.
Sa panahong ito, naging isolasyonista ang pananaw sa literatura kaya binale-walang halaga ng intensyon ng manlilikha, at nga kaligiran niyang kasaysayan. Ang Literatura Bilang Likhang Estetika
Hindi limitado s amga naunang nabanggit na pananaw at paglapit sa literatura ang identipikasyon ng tema ng isang akda. Bawat teoryang panliteratura ay may masasabi tungkol sa kung ano ang mensahe ng isang akda.
Ang literatura y sumasailalim na rin sa pagsisiyasat at pagpapakahulugan ng ibang larangan tulad ng kasaysayan, pilosopiya, mga agham panlipunan, linggwistika, komunikasyon, sikolohiya.
Dahil dito, marami ang poseibleng tema ng bawat akda.
Dahil likas na hinahanap ng pag-iisip ng tao ang katiyakan, may ibang paraan ng paglapit sa teksto na tinatawag na exegesis. Ito ang ginagamit kapag mahalaga ang pagkilala sa orihinal na mensahe.

Sapagkat hindi maiiwasan ng tao ang kanyang sarili.
Ang mga paraan ng pagpapahayag ng tema ay hindi pare-pareho.
Ngunit lahat ng mga uri ng literatura ay maaaring gamitin bilang halimbawa ng literatura bilang tema.
Dahil ang ibang mga akdang higit na mahahaba ay likas lamang na nagiging higit na komplikado/ masalimuot, higit na mahirap hanapin ang tema.
Kadalasan, ang hayag na tema ay nasa anyo ng isang pangungusap na makikita mismo sa akda, na maaaring tawaging tesis nito. Ito ang tinatawag na “topic sentence” sa Ingles.
Sa tradisyunal na oratura ng ating bayan, itinuturo sa atin ng ating mga ninunoang natipon nilang mga kaisipan mula sa karanasan sa pamamagitan ng mga salawikain, at kasabihan.
Ang mga adhikain at pangarap ng bayan ay nakatitik sa mga lamat at epiko.
Sa panitikan nakasaad ang katotohanan ng buhay para sa isang bansa.
 
- Wikang griyego ang pingmulan ng salitang pedagohya.
- Tinutukoy nito ang paglinang sa pag-iisisp at pag-uugali ng mga bata.
- May dalawang landasin ang pedagohya A. Ang Literatura, Kultura at Pedagohya
a. Kultura
- Makikilala ang uri ng pag-iisip ng tao sa depinisyong ibinibigay niya sa salitang Kultura. Sa panahong klasiko na ang pananaw sa daigdig ay aristokratiko, aristokratiko rin ang mga pamantayang ginagamit na panukatan sa konsepto ng kultura.
B.Ang Panitikan bilang Dokumento ng Kaisipan.

C.Para sa gurong interesado lamang sa nilalamang ideya ng tula “gitnang kaisipan” o paksang-diwa lamang ang hinahanap.
Hindi pinapansin ang mga elementong estetiko tulad ng sukat, tugma, aliterasyon, asonansiya at iba pag kasangkapan pang-estetika

-Dahil dito, sa tema siya nagsisimula at nagtatapos
-At pagtuklas sa tema, paglalahad atpaghahalimbawa tungkol sa ideyang natuklasan ang isusunod.
-Bilang dokumento ng kaisipan, dapat iugnay sa panahon.
-Mayroon ding isa pag uri ng paggamit ng panitikan bilang dokumento – dokumento ng kasaysayan.
"Maraming Salamat po!!!
Full transcript