Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

El Filibusterismo

No description
by

슬연 황

on 3 December 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of El Filibusterismo

El Filibusterismo
Kabanata 11: Los Baños
Mga Tauhan
Kapitan Heneral
Hindi makahuli ni isang hayop sa gubat. Pinipilit na gawin ang kanyang mga trabaho habang siya ay naglalaro ng baraha. Dahil dito, hindi niya napagtutuunan ng pansin ang kanyang trabaho. Hindi niya gaanong pinag-iisipan ang kanyang mga desisyon na ginagawa. Madali rin siyang mabuyo sa suhestiyon ng iba.
Padre Camorra
Maiinitin ang ulo at ayaw magpalamang sa kanyang mga kalaro. Hindi naiintindihan ang pagpapatalo nina Padre Sibyla at Padre Irene sa Kapitan Heneral.
Padre Irene
Katulad ni Padre Sibyla nagpapatalo rin siya sa Kapitan Heneral para gumanda ang imahe. Gahaman sa pera at kayamanan. Sang-ayon sa pagpapatayo ng Akademya dahil sinuhulan siya ng kabayo ng mga estudyante para panigan sila. Paborito niya ring mag-aaral si Macaraig.
Padre Sibyla
Simoun
Don Custodio
Padre Fernandez
Mataas Na Kawani
Laging nagpapatalo sa Kapitan Heneral upang mapanatili ang magandang samahan niya rito. Hindi sang-ayon sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila dahil ayaw niyang matuto ang mga Indio ng Kastila.
Sumali sa laro ng baraha ngunit iba ang hininging kapalit sa halip na pera. Mga pabor ang hiningi niya upang maiba naman daw ang gagawin ng kanyang mga kalaro. Pero ang totoo ay nais niya lang na mas maipakita ng mga kalaro ang kabuktutan nila.
Mataas ang pagtingin sa sarili at ang kanyang mga payo ay wala sa lugar. Ipinayo niya na ilipat ang paaralan sa sabungan dahil wala naman daw sabong tuwing lunes hanggang biyernes.
Matalino at iniisip ang makabubuti sa nakararami. Sumang-ayon siya sa pagtatayo ng Akademya dahil hindi lingid sa kanya na may kakayahang mag-aklas ang mga estudyante kung sakaling hindi nila papayagan na magbubunsod sa pagbagsak ng mga Kastila.
Sunud-sunuran sa Kapitan Heneral at walang boses. Kahit alam niyang mali ang ginagawa ay hindi siya nagsasalita.
Mahahalagang Pangyayari
Nangaso ang Kapitan Heneral sa Busubuso.
Walang nahuling kahit na ano ang Kapitan Heneral dahil sa napakarami niyang kasama.
Natakot ang mga pinuno ng bayan na baka may maalis o mapalipat ng katungkulan dahil sa pagkabigo sa pangangaso ng Kapitan Heneral.
Ikinuwento ng Kapitan Heneral ang mga naging karanasan niya sa pangangaso sa ibang lugar at pinintasan ang mga lugar pangasuhan sa Pilipinas.
Sinabi ng Kapitan Heneral na mas naibigan niya ang paliguan sa Pilipinas.
Sakit sa Lipunan:
Sitwasyon:
Naganap at napag-usapan:
Pagpapaimportante o labis na pagbibigay halaga sa sarili o sa tao
‘Di makatarungan pag-aalis o paglilipat sa trabaho
Pang-aabuso sa kapangyarihan
Pagmamalaki, pagyayabang, pagpapanggap upang maikubli ang kapintasan
Sitwasyon:
Pakikipaglaro ng baraha ng Kapitan Heneral.
Nganap at Napag-usapan:
Habang nagbabaraha ay tinutugunan ng Kapitan Heneral ang mga kanyang mga gawaing opisyal.
Nagalit at umayaw na si Padre Camorra sa paglalaro at ibinato sa ulo ni Padre Irene ang 2 baraha.
Niyaya si Padre Fernandez na pumalit sa puwesto ni Padre Camorra subalit tumanggi ito.
Sakit sa Lipunan:
Kawalang-pokus at di maayos na pagtupad sa tungkulin, papapakitang-tao, katamaran
Pagsusugal ng mga opisyal ng pamahalaan at mga alagad ng simbahan
Sitwasyon:
Pagsali ni Simoun sa larong baraha.
Naganap at Napag-usapan:
Humihingi si Simoun ng kakaibang pusta mula sa mga prayle at sa Kapitan Heneral.
Napag-usapan ang pagkahulog ni Simoun sa kamay ng mga tulisan at pangungumusta ng mga ito sa Kanyang Kamahalaan.
Sakit sa Lipunan:
Pag-udyok at pagpapalaganap ng kasamaan
Pagkagahaman sa kayamanan ng mga prayle
Sitwasyon:
Pagpapasya ng Kapitan Heneral sa mga Isyung Pambayan.
Naganap at Napag-usapan:
Pagkakaroon ng mahihinang kalibre ng sandata
Pagpapaayos ng paaralan sa Tiyani
Pagtatayo ng Akademiya ng Wikang Kastila
Pagpapalaya kay Tata Selo
Sakit sa Lipunan:
Pagpapalaganap ng karahasan
Pagkukulang o pagpapabaya sa edukasyon
Pang-aabuso sa kapangyarihan, kasakiman o ayaw palamang
Pagsupil sa pagkatuto
Karagdagang Impormasyon
Ang pangangaso ng Kapitan Heneral sa Los Baños ay bisperas ng Bagong Taon, ika-31 ng Disyembre.
Ang
armas de salon
ay sandatang pampalamuti sa salas, higit na pandekorasyon kaysa pamutok.
Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko. Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita.
Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak.
Mga Paksang Pang-unawa sa Kabanata

Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral?

May kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon.

1
2
3
4
Mga Kasunduan ni Simoun:
Kay Padre Sibyla
: tumanggi sa kahirapan, pagkamababang-loob at pagkamasunurin
Kay Padre Irene
: tatanggi sa pagtitimpi sa sarili at pagiging mapagbigay sa kapwa
Kay Kapitan Heneral
: limang-araw na pagpapakulong, pagkakapiit sa isang lugar sa loob ng limangbuwan, pagpapatapon ng dalawandaang bilanggo na walang natalang pangalan sa malayong lugar, pagpapabaril sa isang taong pipiliin ni Simoun at limang pagpatay sa bawat lalawigan sa loob ng limang buwan

Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral?

Ang paglalangis sa may kapangyarihan. Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang isang tao para may maipabaril lamang sa Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ng banda ay isa pa.

Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral?

Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo nito para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan.

Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na satirikong pamumuna ngunit dapat na matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba ito ngayon?

Ang sabong. Samantalang ang mga sabungan noon ay magagara’t malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki nguni’t ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay 'di maharap. Kung minsa’y maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila. Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang sadyang pangangailangan.

Alin ang tinatawag ni Rizal na mga pagnanasang balintuna sa kabanatang ito? Bakit?

Nais ng kabataang Pilipino na ipaturo sa kanila ang wikang Kastila na sukdulang ikaalipin ng kanilang lipi samantalang ang sadya namang mang-aaliping kastila ay napapakatanggi-tanggi sa hiling na ito.

Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa paaralang binabalak ng kabataan?

Si Padre Fernandez ay naiiba sapagka’t siya’y matalino. Sa kanyang pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng may katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng maraming prayle. Dilat ang mga mata niya sa katotohanan.

Tala Sa Kasaysayan
Si Heneral Izquierdo ay isang liberal na katulad ni Heneral De la Torre. Dagdag pa, siya ay isang mason na katulad ng marami sa mga Pilipinong propagandista.
Subalit sa kabila ng kanyang pagiging “liberal”, si Izquierdo ay nagpairal ng kamay na bakal at naging malamig ang kanyang pagtanggap sa adhikaing isinusulong ng mga Pilipino.
Si Heneral Izquierdo ang pumirma sa kautusan and pumirma sa kautusan na pagpapabitay sa tatlong paring sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora.
Bilang pagtatapos, ating mahihinuha sa kabanata ang mga sumusunod:
- Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle at ang pamahalaan, karaniwang nananaig pa ang pasiya ng mga prayle.

- Magkaiba ang pamamalakad ng mga Dominiko at mga Heswita.

- Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay kaugalian nating mga Pilipino.
Full transcript