Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang Paglilitis kay Rizal at ang Hatol sa Kanya

No description
by

rain rangasan

on 31 August 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang Paglilitis kay Rizal at ang Hatol sa Kanya

Nobyembre 3, 1896
Dumating si Rizal sa Maynila sakay ng bapor na “Colon”

Nobyembre 20 at 21, 1896
Unang pagsisiyasat
Tumagal ng dalawang araw para matiyak na may matitibay na ebidensya laban kay Rizal.

Sinagot ni Rizal ang mga tanong sa kanyang ng walang abogado, bagaman, hindi siya binigyan ng pagkakataon na ipagtanggol sarili. Sa halip, inutusan siyang kumuha ng abogado

Luis Taviel de Andrade
Unang Tenyente ng Artilyera
Abogado ni Rizal
Disyembre 11, 1896
Ang pormal na pagbasa ng mga sakdal laban kay Rizal.

Si Rizal ay pangulong pandangal ng Katipunan at ang larawan niya ay napakalamuti sa bulwagan ng Konseho. (Pahayag ni Aguedo del Rosario, taga-Mindoro)

Ilan sa mga katibayan laban kay rizal
Layunin ng Katipunan ay lipulin ang mga Kastila para magkaroon ng kalayaan at si Rizal ang pinuno ng Katipunan. (Pahayag ni Martin Constantino)

Si Rizal ay isa sa mga kumikilos para sa kalayaan ng Pilipinas at umuwi raw sa bansa mula Espana at itinatag ang “La Liga Filipina” at si Rizal ang gumawa ng saligang-batas ng naturang samahan. (Pahayag ni Jose Reyes)

Disyembre 2, 1896
Ipinadala ni Gobernador Heneral Blanco ang naging bunga ng pagsisiyasat ni Koronel Francisco Olive kay Rafael Dominguez (Huwes-Panghukbo.

Kabuuang ibinigay ni Rafael Dominguez batay sa testimonia at dokumento , na si Rizal:
1. Ang bumuo at nagtatag ng samahan.
2. Ang kaluluwa ng himagsik.
3. Sumulat ng mga babasahin at mga aklat na may ideyang mang-akit sa mga tao upang maghimasik.
4. Supremo ng pambansang kilusan ng mga manghihimagsik.

Sumusunod na rekomendasyon ni Nicolas dela Peria (hukom ng hukbo):
1. Litisin
2. Ikulong
3. Samsamin ang kanyang mga ari-arian katumbas ng isang milyong multa
4. Ipagtanggol sa hukuman ng isang opisyal ng hukbo

Sumiklab pa rin ang himagsikan sa kabila ng kanyang pagtutol at mga paliwanag.
Kusang loob pa rin niyang inihain ang sarili sa kabila ng mga pangyayari para magamit siya sa paraang nais nila upang masawata ang himagsikan.

Tenyente Luis Taviel de Andrade
Piniling tagapagtanggol ni Rizal

Disyembre 11, 1896
Binasa kay Rizal ang mga sakdal laban sa kanya.

Tugon ni Rizal:
Hindi niya pinag-aalinlangan ang dyurisdiksyon ng hukuman, wala siyang idinagdag kundi mula ng siya’s ipatapon sa Dapitan ay hindi na siya nakialam sa politika.

Nasasaad doon ang pagkakagamit ng kanyang pangalan upang mahikayat ang iba sa paghihimagsik.

Gumawa ng isang pahayag si Rizal sa kanyang kababayan.

“Subalit hangad ko muna ang edukasyon ng mga mamayan upang sa pamamagitan ng karunungan at paggawa ay maging karapat-dapat sila sa nilulunggating kalayaan. .. Ang edukasyon at budhing sibiko ang kailangang-kailangan sangkap na ikatutubos ng bayan. Isinulat ko at ang mga pananalita ko’y paulit-ulit upang makapagbunga ng pagbabago ay kailangang magmula s itaas sapagkat ang mga pagbabagong maggagaling sa ibaba ay hindi matatag at pansamantala lamang.”

Hindi nalathala ang pahayag ni Rizal na inirekomenda ni Nicolas dela Pena kay Gobernador Camilo Polavieja. Kung nagkataon, hindi siya naunawaan ng kanyang mga kababayan.

Disyembre 25, 1896
Pinakamalungkot na Pasko ni Rizal

Pagpapatunay na ang paglilitis kay Rizal ay kawalang katarungan:
Binubuo ng mga dayuhang opisyal na militar ang naglitis sa kanya.
Nahatulan na siya bago pa man litisin.
Hindi pinakinggan ang kanyang panig kundi tinanggap ng hukuman ang lahat ng pahayag at laban sa kanya.


Cuartel de Espana
Gusaling militar kung saan nilitis si Rizal noong Disyembre 26, 1986, ika-8:00 ng umaga

7 miyembro ng hukumang militar:

1. Koronel Jose Togores Arjona (pangulo ng lupon)

2. Kapitan Ricardo M. Arias

3. Kapitan Santiago L. Osorio

4. Kapitan Braulio R. Nunez

5. Kapitan Manuel Reguera

6. Kapitan Fernando P. Rodriguez

7. Kapitan Manuel D. Escribano

Nanonood sa paglilitis:

1. Tenyente Luis Taviel de Andrade

2. Kapitan Rafael Dominguez (hukom ng hukbo)

3. Tenyente Enrique de Alcocer (piskal at tagausig
4. Josephine Bracken

5. Babaeng kapatid ni Rizal

6. Mga mamahayag
7. Mga kastila
8. Mga mamamayan

Ang Paglilitis kay Rizal at ang Hatol sa Kanya
Larawan ni Rizal habang nililitis:
1. Napapagitan ng 2 sundalo.
2. Gapos siya ng abot-siko
3. Itim na itim ang kanyang suot, puti ang kurbata at puti rin ang tsaleko.
4. Payapa at kagalang-galang ang kanyang kaanyuan
5. Mapapansin ang katinigan ng kanyang loob

Tatlo ang sakdal kay Rizal:
1. Pag-aalsa
2. Sedisyon
3. Pagbuo ng mga samahang illegal

Tatlo ang sakdal kay Rizal:
1. Pag-aalsa
2. Sedisyon
3. Pagbuo ng mga samahang illegal

Batay sa batas ng mga Kastila, ang parusa ay mula sa pagkabilanggo habambuhay hanggang kamatayan.

Parusa sa samahang illegal:
* Pagkabilanggong koreksyonal at pagmumulta ng mula tatlong 325 – 3250 peseta.

Pagtatanggol ni Tenyente Luis Taviel de Tavera:
“Ang mga hukom ay hindi dapat maging mapaghiganti manapa’y dapat maging makatarungan”.

Mga pahayag na pagtatanggol ni Rizal sa sarili:
1. Hindi siya maaring maging rebelde sapagkat siya pa ang nagsabi na kay Pio Valuenzela na huwag mag-alsa.
2. Idinadawit siya ng lingid sa kanyang kaalaman.
3. Maari siyang tumakas kung ninais niya
4. Hindi siya sinasangguni ng mga rebolusyonaryo kung siya ang Pinuno ng mga rebolusyonaryo.
5. Walang paghihimagsik na naglalaman sa La Liga Filipina
6. Ang mga liham na kanyang nagawa ay naglalaman ng mabibigat na salita sapagkat nagdaramdam siya dahil inuusig ang kanyang pamilya.
7. Tahimik ang pamumuhay niya sa Dapitan.
8. Nais niyang makaharap ang mga taong sumaksi laban sa kanya dahil walang katotohanan na siya ang nagudyuk ng pulong na magkaroon ng rebolusyon na ginanap sa bahay ni Doroteo Ongjunco.

Disyembre 26, 1986
Ibinigay ang hatol kay Rizal: KAMATAYAN
Sinang-ayunan ni Hukom Nicolas de la Pena
Disyembre 28, 1896
Nilagdaan ni Gobernador Polavieja ang hatol na kamatayan ni Rizal
Disyembre 30, 1896
Binaril si Rizal sa Bagumbayan (Luneta)
Full transcript