Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Pisikal Na Istraktura Ng Daigdig

No description
by

Jem Quizon

on 15 March 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Pisikal Na Istraktura Ng Daigdig

Katangiang Pisikal ng Daigdig
Ang mga panahon sa daigdig ay nilikha ng 23* 27’ na pagtikwas (tilt) ng aksis ng daigdig na nagaganap sa halinhinang pagharap at paglayo sa araw ng Hilagang Polo (North Pole) at Timog Polo (South Pole).
Malaking bahagi ng atmospera ay binubuo ng nitrogen na sumasaklaw 78 porsyento. Samantala, 20 porsyento ang oxygen, 1.3 porsyento ang argon at 0.7 porsyento ang kumakatawan sa iba pang mga gas.
Kung walang atmospera ay masusunog ang mundo sa radyasyon mula sa init ng araw at magyeyelo kung gabi dahil sa tindi ng lamig.
Ang mga gas na lumulukob sa ating planeta ay sumasaklaw sa tinatawag na atmospera. Kapag nawala ang bahaging ito ay hindi magtatagal ang mga tao, mga hayop at mga halamang nabubuhay sa lupa at tubig.
Ang haydrospera o likido ay kumakatawan sa 75 porsyento ng ibabaw ng mundo. Karaniwang matatagpuan ang tubig sa mababang lugar sa balat ng lupa na binubuo ng mga karagatan, dagat, ilog, lawa at look.
Ang latay o mantle na may kapal na humigit-kumulang na 1,800 milya ay ipinalalagay na binubuo ng isang komposisyong mineral na tinatawag na iron silicate.
Ang mga elementong ito ay nasa anyong compound na nasa crystalline state kaya sa depinisyon, itinuturing ang mga ito na mineral.
Ang mga bato sa litospera ay tinatayang may 2.7 densidad at halos binubuo ng labing-isang elemento kung saan pinakamarami ang oxygen (46.60%), silicon (27.72%), aluminum (8.23%), iron (5.0%), calcium (3.63%), sodium (2.83%), potassium (2.59%), magnesium (2.09%), titanium, hydrogen at phosporus (1.0%).
Istruktura ng Daigdig
Sa kabuuan, ang daigdig ay may diametrong humigit-kumulang sa 12,762 kilometro sa ekwador at 12,740 kilometro sa polo (poles).
Sa praktikal na pag-aaral, itinuturing na oblate spheroid ang hugis ng mundo. Nakaumbok ito ng kaunti sa bahaging ekwador at malapad naman sa makabilang polo (poles). Sa layong 93 milyong milya, umiikot ang mundo sa paligid ng araw sa bilis na 67,000 milya bawat oras.
Magkasingahaba ang gabi at araw. Nangyayari ito tuwing Marso na tinatawag na vernal equinox at tuwing Setyembre na tinatawag na autumnal equinox.
Ngunit ang aksis ng daigdig ay nasa isang anggulo kaya tumatama nang tuwiran ang sikat ng araw sa ekwador nang dalawang beses sa loob ng isang taon. Equinox ang tawag dito.
Wala nang mga panahon at ang mga araw ay magiging makasinghaba kung ang aksis ng daigdig ay patayo o perpendikular sa kapantayan ng orbit o pag-inog ng daigdig sa paligid ng araw.
Mga Panahon (Seasons) ng Daigdig
Crust, Mantle & Core
Pinakamabigat ang komposisyon ng core o pusod sa lahat ng mga bahagi. Nagtataglay ito ng mga lusaw na abakal at nickel. Ayon sa teorya, ang pusod ang pinakamainit na bahagi ng mundo.
Nahahati ang litospera sa tatlong dibisyon: ang balat o crust na siyang pinakalabas na bahagi ay elementong silicon at magnesium. Tinataya na may kapal itong 30 milya.
Dagdag pa rito ang iba pang elemento na may 0.1-0.2 porsyento tulad ng carbon manganese, sulfur, barium, chlorine, chromium, fluorine, zirconium, nickel, stronium at vanadium.
Binubuo ng tatlong pangunahing elemento ang daigdig; solido, likido, at gas. Tinatawag na litospera ang solidong bahagi ng sumasakop sa pinakaloob na parte ng mundo at siya ring tuwirang panirahan ng tao.
Mayroon itong sirkumperensyang 40,232 kilometro at kabuuang sukat na 510 milyon kilometro kwadrado. May timabang ito na 6,600,000,000,000,000,000 (6.6 sextillion) tonelada. Ang isang tonelada ay katumabas ng 1000 kilo.
Katumabas nito ang isang rebolusyon na binubuo ng 365 araw, 5 oras, 48 minuto at 45.1 segundo. Ang katamtamang distansya ng mundo sa araw ay isa sa mga dahilan kung bakit sa planetang ito lamang maaaring magkaroon ng buhay.
Bagamat ang pinakamatandang mga bato sa mundo ay hindi gaanong tumutugma sa edad na ito, ang kristalisasyon ng core at meteorites ay tinatayang naganap may 150 milyong taon na ang nakalilipas bago pa nabuo and mundo sa sistemang solar.
Sa pamamagitan ng radiometric dating nagawa ng mga siyentipikong estimahin ang edad ng daigdig sa 4.65 bilyong taon.

Edad, Hugis at Sukat
Isa ang daigdig sa mga planeta sa sistemang solar, ikatlo ito mula sa araw at ikalima sa pinaka maliking planeta pagdating sa diyametro
core
5
Full transcript