Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

FILL 11

No description
by

Rey Juan Landicho

on 10 February 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of FILL 11

ARALIN 8 AT ARALIN 9 NOBELA
Mang- uulat: Lemuel Levi Lim Mga Sangkap ng Nobela
Mang - uulat: Ellaine Lumawig ARALIN 9 :
Mga Panahon Panahon ng Kastila
Mang - Uulat : Jerome Juan Panahon ng Amerikano
Mang - Uulat : Crestell Lacsina •Isang kuwento o kasaysayan
•Isang pag-aaral
•Paggamit ng malikhaing guniguni ? ` ARALIN 8 : Mga Nobelang Pilipino

1.1 Mga Uri ng Nobela
1.2 Mga Sangkap ng Nobela
1.3 Mga Katangian ng Nobela Ang nobela ay naglalahad ng isang kawil ng kawili-wiling mga pangyayari na pinaghabi-habi sa isang mahusay na balangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang paglalaban ng hangarin ng bayani sa isang dako at hangarin naman ng kanyang mga katunggali. NOBELA Mga Uri Ng Nobela Nobela ng Banghay - Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayaring ikinawiwili ng mga mambabasa. Nobela ng Tauhan - Isang akdang nasa mga hangarin, pangangailangan at kalagayan ng mga tauhan ang ikinawiwili ng mga mambabasa. Bukod sa mga uri ng nobelang nabanggit na, ang akda ay maaari ring tawaging nobela ng romansa, nobela ng kasaysayan, nobelang layunin at nobelang sining.Itong huli ay tinatawag na gayon sapagka’t mahusay ang pagkakatalakay , pagkakahanay ng mga pangyayari at pagkakalarawan mg pagkatao ng mga tauhan bukod sa it0’y makatwirang umaantig sa damdamin ng mga mambabasa. Balangkas – ang pangunahing sangkap nito ay ang paglalaban ng hangarin ng pangunahing tauhan o bayani ng nobela Ano ba nilalaman ng mahusay na nobela? •Nararapat na pasulong ang mga pangyayari hanggang matapos sa pananagumpay.
•Naglalarawan ng pagkatao.
•Ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw nang may akda.
•Ang mga kilos ay may katutubong ugali at pangyayaring inilalarawan ng kumakatha.
•Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay Katangian ng Nobela
Mang - Uulat: Rey Juan Carlos J. Landicho maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
maraming ligaw na tagpo at kaganapan ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
malinis at maayos ang pagkakasulat
.maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan Kastila Amerikano Kalayaan Bagong Lipunan Kontemporaryo Barlaan at Josaphat
Barlaan at Josaphat (1708) ang una't pinakamakabuluhang salin sa Tagalog ng prosang umiinog sa buhay ng dalawang santo. Ang buong pamagat ng aklat ay Aral na tunay na totoong pag aacay sa tauo, nang manga cabanalang gaua nang manga maloualhating santos na si Barlaan ni Josafat na ipinalaman sa sulat ni S. Juan Damaceno na salin sa Tagalog ni Fray Antonio de Borja. Inilathala ng Lacompania de Jesus ang akda at may pahintulot ni Pablo Clain, ang pinunong probinsiyal ng Kompaya ni Hesus sa Filipinas, at ni Arsobispo Arebalo, matapos suriin ni Padre Fray Nicolas De San Pedro na priyor sa bayan ng Pasig. Umabot sa 553 pahina ang salin sa Tagalog ni Fray de Borja. Samantala, ang bersiyong inilahok ni Virgilio S. Almario sa bagong edisyon ay may kasamang modernisadong Filipino ang orihinal na tekstong Tagalog upang maging gabay sa pagbabasa ng bagong henerasyon. Ayon sa pag-aaral ni Almario, ang Barlaan at Josaphat ay hango lamang isang sagradong kuwentong Buddhista na isinalin sa Latin at Espanyol mulang Griyego. Ipinaliwanag naman ni Resil Mojares na sa pagitan nina San Juan Damaseno na pinagmulan ng Griyegong teksto at ni Borja na nagsalin sa Tagalog ay maaaring ginamit din ni Borja ang saling Espanyol ng bersiyong Latin ng Barlaam at Josafat na sinulat ni Jocobo Biblio. Ngunit may pasubali si Almario na ang tekstong pinagbatayan ni Fray de Borja ay Espanyol imbes na Griyego. Sumang-ayon din si Almario sa mga saliksik na Balavariani na ang kuwento ng Barlaan at Josaphat ay hindi orihinal na akda ni San Juan Damaseno, bagkus “sinulat ng isang monghe sa monasteryo ng Sabbas na malapit sa Jerusalem.”
Ang tagasalin
Si Fray de Borja ay isinilang sa Valencia, Espanya noong 1644. Naging misyonero siya at ipinadala sa Filipinas sa edad 27. Iba't ibang matataas na tungkulin ang hinawakan niya bago naging prokurador ng mga Heswita. Namatay siya noong 27 Enero 1711, tatlong taon pagkatapos payagan ng Simbahang Katoliko na ilathala ang kaniyang salin sa Tagalog. Halaga ng akda
Para kay Almario, “makabuluhang mohon” ang Barlaan at Josaphat sa pormalisasyon ng wikang Tagalog. Napatunayan umano ng salin na may kakayahan ang Tagalog na magamit para sa sopistikadong paksaing panrelihiyon at pampolitika. Nalahukan din ang Tagalog ng Espanyol, at ito ang nagpayaman sa Tagalog bilang makabagong wika sa matataas na larang.
Ngunit higit pa rito, nagamit sa salin ang mga dalumat [konsepto] na Tagalog at inilangkap sa kaisipang Espanyol. Sa ganitong paraan, naging talaan ng wika't kaisipang Tagalog ang salin ni Borja na hindi na lamang makabuluhan noon para sa mga frayleng Espanyol bagkus maging sa kasalukuyang mag-aaral ngayon ng Tagalog na naghahanap na bagong bukal ng katutubong dalumat. Dr. José Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda y Quintos

DALAWANG PAG UUSAPANG AKDA:

Noli Me Tangere - Don't touch me - Wag mo akong hawakan
El Filibusterismo -The Reign of Greed - Ang Paghahari ng Kasakiman Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Ang nobela ni rizal ay tumatalakay sa mga kingisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:
“ Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... ” Mga Pangunahing Tauhan
Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.


Maria Clara
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso. Padre Damaso
Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.

Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Si Sisa, Crispin, at Basilio
Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Si Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Pilosopo Tasio
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadanya o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Mga tauhan
Ito ang mga tauhan sa El filibusterismo ni Jose Rizal
•Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
•Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
•Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. •Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
•Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
•Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
•Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
•Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
•Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
•Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
•Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
•Padre Florentino - ang amain ni Isagani •Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
•Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
•Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
•Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
•Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
•Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
•Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. •Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
•Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
•Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
•Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
•Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
•Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
•Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
•Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. •Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
•Gertrude - mang-aawit sa palabas.
•Paciano Gomez - kapatid ni Paulita. •Nagsimula ang Aklatang Bayan(1990)
•Kapansin-pansin ang pagpasok ng nobelang Tagalog
•Maraming manunulat na Pilipino ang sumikat sa panahong ito:
Lope K. Santos (Salawahang Pag-ibig)
Valeriano H. Pena (Unang Bulaklak)
Modesto Santiago (Pagsintang Naluoy)
•Lumabas sa Ang Aklatang Bayan ang isa pang nobela ni Valeriano H. Pena na pinamagatang “Si Rosa at si Valerio”. •Sinimulang ilathala ng payugto-yugto noong 1903 sa pahayagang “Muling Pagsilang” ang dalawang nobela ni Valeriano H. Pena ang “Nena at Nenang at ang “Mag-inang Mahirap”.
•Noong 1905, nang simulang ilathala nang paputol-putol ang “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos.
•Lumabas din ng putol-putol na paglalathala ang “Anino ng Kahapon” ni Francisco Lacsamana.
•Ang mga sumunod na taon ay itinuring na “Panahong Ginto” ng nobelang tagalong at nagpatuloy sa paglalathala ang mga nobelista sa lingguhang Liwayway.
•Noong 1921 at sumunod pang mga taon ay itinuring na panahon ng paglubog paglubog ng araw sa nobelang Tagalog. MGA NOBELISTANG NAPATANYAG •Valeriano Hernandez-Pena(1852-1922)

Sagisag: Kintin Kulirat
Isang makata, mandudula at higit sa lahat mandudula
Isinilang sa San Jose, Bulacan noong ika-12 ng Disyembre 1858.
Kinagiliwan niya ang pagbabasa ng katesismo sa gulang pa lamang na sampung taon.
Manunulat ng pitak na “Buhay Maynila” sa pahayagang Muling Pagsilang.
Kilala sa kanyang obra na “Nena at Neneng”.
Napangasawa niya si Victoria Laktwa sa gulang na apatnapu’t lima. •Lope K. Santos(1879-1963)

Isinilang sa Pasig, Rizal noong Setyembre 15, 1879
Isang Impresor sa palimbagan ang kaniyang amang si Ladislao Santos.
Isang batikang nobelista, mamamahayag, makata, pantas-wika, mananalumpati at mananalaysay.
Naging gobernador din siya sa Rizal at Nueva Vizcaya, Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa at nagturo sa UP, CEU, Cosmopolitan College at Union College.
Kilala sa kanyang akda na “Banaag at Sikat”. •IÑIGO ED. REGALADO(1888-1974)
Batikang makata, peryodista, pulitiko at haligi ng wika sa panitikang Tagalog ngunit higit siyang kilala bilang nobelista.
Nagtapos siya ng Batsiler en Artes sa Liceo de Manila(1907) at pagkamambabasa sa Academia dela Jurisprudencia(1913).
Manunulat siya ng Taliba at patnugot ng Ang Mithi, lingguhang Ilang-ilang at Liwayway.
May sariling pitak sa Taliban na may pamagat na “Tilamsik” noong 1964.
Tula: Damdamin(1941) ay ipinagwagi niya ng gantimpala.
Maituturing na isang suhay ng Panahong Ginto ng Nobelang Tagalog.
Mahigit sa 26 na nobela na ang kanyang naisulat, ang isa dito ay ang “Prinsesa Urduja” na itinanghal sa CCP.
Naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa, naging puno ng kagawaran ng Pilipino sa Centro Escolar at Konsehal ng Maynila.
Namatay sa sakit na kanser sa baga noong Hulyo 24, 1974 sa Lourdes Hospital sa gulang na 86 na taon. Dr.Fausto Galauran

Kilalang tagapaghatid ng mga romantikong nobela.
Nakilala sa kanyang akda na “Dr. Kuba” noong 1920, isang adaptasyon ng “The Hunchback of Notre Dame”.
Sumulat ng “Anak ng Kriminal”, “Ang Monghita”, “Ang Lihim ng Kumpisalan.”
Gayon din ay nakatawag-pansin ang kanyang naka-aaliw na pakikipagsapalaran at makabagong nobelang “Musikong Bumbong.” Panahon ng Kalayaan
Mang - Uulat : Charley Mayne Jose -Ang nobela ay napapalamanan ng kultura’t lipunang Pilipino
-Unang lumabas nang paserye sa mga unang pahaygan tulad ng:
Ang Kapatid ng Bayan
Ang kaliwanagan – 1900 ng magsimulang mag sulat si Lope K. Santos sa pahayagang ito.
Muling Pagsilang
Si Lope K. Santos ang Ama ng Pambansang Wika at Balarila
-Mula sa unang dekada ng ikadalawampung taon, ang nobela o kathambuhay ay tinatangkilik na ng mambabasa -Paniniwalang Kristiyano na ang buhay ay nakatakda at nakaguhit and romantikong sangkap na matatagpuan natin sa mga tauhang palasunod at palatiis.
-Dahil sa ang tauhang naniniwala sa konseptong sa bawat paghihirap ay may katapat na kaligayahan para sa mga taong mabubuti.
-Halmibawa: mga tauhang naghahanap ng kapayapaan ng sarili sa pamamagitan ng pagbaling sa kalikasan upang makadama ng kalayaan sa sarili. Panahon ng Bagong Lipunan
Mang - Uulat : Kurt Manapul
Sa panahong ito ay meron apat na nobela ang natangi.

-Una , Ang nobelang “May Tibok ang Puso ng Lupa” na sinulat ni Bienvenido Ramos noong 1977 at ito’y naging patnugot ng “Liwayway”.
Sa nobelang ito ay inilarawan ng may-akda ang isang anak mayamang propitaryo na nagsikap wakasan ang piyudalismo sa lupain ng kanyang ama.

-Pangalawa, naisulat ang nobelang “Ginto ang Kayumangging Lupa” na sinulat ni Dominador Mirasol na nalathala nang seryehan sa magasing “Sagisag”. Ang paksa ng kuwentong ito ay ang isang magbubukid na nabigo sa kanyang panaginip na magkaroon ng sariling lupa.

- Pangatlo, Itong nobelang ito ay nagwagi sa Palanca Memorial Awards noong 1980. Ang titolo nito ay “Gapo”, na sinulat ni Lualhati Bautista. Sinasalaysay nito ang pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino sa base military ng mga Amerikano sa Olongapo upang sila ay tingnan at tratuhin bilang kapantay nila ditto sa ating bayan.



- Noong 1978 naman ay lumabas ang nobelang “Friccion” na sinulat ni Edel Cancellano. Ang nobelang ito ay inilarawan ang buhay ng tatlong pamilyang may magkakaibang pananaw,paninindigan, at katayuan sa buhay. Naging alaking suliranin sa nobela ang kamahalan ng pagpapalimbag. Ang mga mambabasa ay nasisiyahan na lamang na mabasa ang mga ito sa serye ng mga lingguhang babasahin. Walang sapat na salapi ang mga may-akda upang ang kani kanilang mga nobela ay mailimbag o maisaaklat. Panahon ng Kontemporaryo
Mang - Uulat : Gail Dominique Guerzon •Naipalimbag ang mga nobela ng sinundang panahon sa layuning makilala at maunawaan ng mga Pilipino sa bagong panahon ang nilalaman ng mga klasikong ito.
•Pagdagsa sa mga bookstores ng mga nobela sa mga unang panahong natalakay
•Nagpatuloy pa rin ang Carlos Palanca Memorial Awards sa pagbibigay ng gantimpala sa mga natatanigng nobela Lualhati Bautista •Nagningning lalo sa larangan ng nobela
•“Gapo”, “Dekada ’70”, “Bata, Bata, Paano ka ginawa?”

-Sa kasalukuyan, patuloy ang oag-unlad ng nobela dahil nagkaroon na ng pagkakataon na mailimbag ang mga obra-maestra ng mga dakilang nobelista sa bansa. TARA LARO Hulaan mo Henyo ?
1. Mahahati sa dalawang grupo
2. Bubunutin ang manghuhula
3. Naka Blind Fold si Manghuhula
4. Oo , Hindi , pwede (ang ka grupo ng manghuhula)
5. tatlong minuto
7. Kada grupo may tatlong larawan so pwede mag pass
6. Kung sino mas mabilis mahulaan ang sagot ay panalo .
7. Panalo = Prize
8. Talo = C. Prize HINT: Protacio Mercado Alonzo
Full transcript