Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Miracle in Cell No. 7

No description
by

SaJ Maknae

on 1 March 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Miracle in Cell No. 7

Kabuuang Pananaw
Sa mga makakapanuod ng pelikulang ito, paniguradong hindi mo ito matatapos ng wala kang naipatak na mga luha. Sa bawat eksena ng mag-ama ay talagang damang dama mo. Hindi mo rin maiiwasan na makaramdam ng inis sa panunuod nito dahil sa kahit alam na ng lahat na inosente si Yong-guk at hindi niya magagawa ang mga kasong inihabla sa kanya ay nagbulag-bulagan ang lahat dahil sa ang kalaban niya ay ang pinaka pinuno ng pulisya sa lugar nila. Ipinakita ng pelikulang ito ang reyalidad na walang magagawa ang isang ordinaryo, lalo na’t mahirap na tao laban sa mga taong may kapit sa pamahalaan. Pero kung malakas ang iyong loob at wala kang takot sa sino mang makakaharap mo, syempre makakamit mo din ang iyong hinahangad na hustisya.

Sa pagtatapos ng pelikula baon ko ang mga aral na mula dito. Una ang kahalagahan ng hustisya at karapatang pantao. Mahalaga na alam at kaya nating ipaglaban ang mga ito. Pangalawa ay ang pagpaparamdam ng ating pagmamahal sa ating mga magulang. Dahil hindi natin masasabi kung hanggang kalian sila nandyan para sa atin.

Ang pelikulang ito ay hindi lamang mag-iiwan ng mga magandang aral, kundi ito ay magmumulat sa atin ng mga maaaring mangyari sa hinaharap.

Miracle in Cell No. 7

Lara Sophia M. Sajul

Tema ng Pelikula
Ang Miracle in cell no. 7 ay isang pelikula na siguradong mapapaiyak kayo. Pinagtuunan ng pansin sa pelikula ang pagmamahal ng ama sa anak at ng anak sa ama. Ipinakita dito na hindi hadlang ang kapansanan upang maipakita ang pagmamahal nakanyang ama sa kaniyang anak at gayundin naman ang anak. Nagsikap siya upang sa pagdating ng panahon ay mabigyan ng hustisya ang kanyang ama.
Buod ng Pelikula
Mga Aspektong Teknikal
A. Musika

Ang musika ay isang mahalagang sangkap sa pagbubuo ng pelikula. Akmang akma ang mga ginamit na musika sa pelikulang ito. Bawat eksena na mga kahabag-habag ay lalong nagiging malungkot dahil sa bawat kantang ginamit.

Mga Aral
Lumipas man ang mahabang panahon hindi nawala ang pagmamahal ni Yesung sa kanyang ama. Nagpursigi siyang makatapos upang mapatunayan ang pagka-inosente ng kanyang ama.
Ipinakita sa pelikulang ito na kaya paring maging masaya ng kahit sino basta't kasama ang mga mahal sa buhay.
Ipinalabas din ng pelikulang ito ang kahalagahan ng TIWALA. Isa itong mabuting halimbawa para sa kasabihan na Don’t judge the book by its cover. Hindi lahat ng mga dating bilanggo ay masasama at wala ng pag-asang mamuhay ng mabuti

Direktor:

Prodyuser: - Kim Min-Ki
- Lee Sang-Hun




Tungkol sa Pelikula
- Lee Hwan-Kyung
Pangunahing Tauhan
- Lee Yong-gu (Ryu Seung-ryeong)
o Isang lalaki na ang kapasidad ng pag-iisip ay kahalintulad lamang ng isang anim na taong gulang na bata na siyang edad ng kanyang anak na babae. Isa siyang mapagmahal na ama na ang tanging iniisip lamang ay ang kalagayan ng kanyang anak.

- Yesung (Park Shin-hye)
o Anak ni Yong-gu na siyang nagsikap upang makapagtapos ng pag-aaral upang maging isang magaling na abogado at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pinakamamahal niyang ama.

- So Yang-ho (Oh Dal Su)
- Choi Choon ho
- Shin Bong sik
- Man-Bum
- Old man Seo
Ang pelikula ay naganap sa isang kulungan kung saan karamihan ng mga karakter ay mga bilanggo sa ika-pitong selda na siyang pinagkuhanan ng titulo ng pelikula. Si Yong-gu ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Ryu Seung-ryeong. Meron siyang sakit sa pag-iisip at walang kakayahang makapag-salita ng tuwid, ngunit isa siyang mapagmahal na ama kay Ye-sung. Si Yong-gu ay nagtratrabaho sa isang paradahan ng mga sasakyan bilang isang enforcer.Siya at si Ye-sung ay mahirap lamang, ni hindi nga nila magawang makabili ng Sailor Moon na bag na inaasam asam ni Yesung, pero kahit ganun, masaya sila.
Isang malamig na araw, nagyelo ang mga daan sa bayan. At nadulas ang anak na babae ng hepe ng mga pulis sa nagyeyelong kalsada at nabagok ang ulo. Nakita ni Yong-gu ang aksidente at sinubukang tulungan ang bata. Sa kasamaang palad, namatay ang batang babae at inakusahan siya ng kasong pagpatay, at dahil sa pagkakaroon ng kapansanan hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili.

Hindi naglaon nakulong si Yong-gu at sinentensyahan ng parusang kamatayan, at sa ika-pitong selda siya nailagay kung saan minamaltrato siya ng kanyang mga kasamahan dahil nalaman nila na ang kaso niya ay may kinalaman sa pagpatay sa isang bata. Ngunit sa paglipas ng panahon nalaman ng kanyang mga kasamahan na hindi nya magagawa ang ganung krimen dahil nga siya ay may kapansanan. Noong bumisita si Yesung sa bilangguan upang magtanghal bilang mang-aawit, itinakas siya ng mga kasamahan ng kanyang ama upang makapiling niyang muli ang ama.
Ang mga naging kaibigan ni Yong-gu ang tumulong sa kanya sa nalalapit na huling paglilitis sa korte. At nang sumapit ang araw ng paglilitis pinuntahan ng hepe si Yong-gu at tinakot na papatayin din niya si Ye-sung kung hindi aakuin ni Yong-gu ang kasalanan. Walang nagawa si Yong-gu kundi akuin ang mga ibinibintang sa kanya. Kahit na may pagkukulang sa isip, alam nyang kayang saktan ng Hepe ang kanyang mahal na anak.
Nasayang ang lahat ng paghahansa nila dahil na sentinsyahan parin si Yong gu ng parusang kamatayan. Sa kabila nito, naging masaya parin ang pagsasama ng mag-ama. Nuong nahatulan na siya ng kamatayan naging kahabag-habag ang mga pangyayari. Ang pelikulang ito ay may pinaghalong malungkot at masayang katapusan, lumaki si Yesung at naging isang abogado na siyang nakapaglinis ng pangalan ng kanyang ama.
B. Sinematograpiya

Maayos ang pagkakakuha ng bawat eksena. Maliwang at maaliwalas ang kabuuang kulay at mga visual effects ng pelikula.

C. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari

Maayos ang daloy ng mga pangyayari, na lahat ng mga katanungan nabubuo sa iyong isip ay masasagutan ng mga susunod na pangyayari. Ginamit ng director ang istilong flashback o pagbabalik- tanaw sa paglalahad ng istorya. Ang pagbabalik tanaw ay isang paraan ng pagkukwento na pabalik. Inaalalang muli ng pangunahing tauhan ang mga nangyari noong siya ay bata pa.

D. Pag-ganap ng artista

Napakahusay ng mga artistang gumanap dito lalo na iyong gumanap na batang Yesung. Kahit bata pa lamang ay nagawa niyang ipakita ang mga karapat dapat na mga emosyon na sobrang nakakadala na kahit sinong manunuod ay talagang maiiyak. Nakakahanga rin ang pag-ganap ng artista sa karakter na si Yong-gu. Naipakita niya ng maayos ang pagiging may kapansanan sa pag-iisip.



E. Tagpuan

Ang tagpuang ginamit sa pelikula ay angkop sa istoryang gusto
nilang ipakita. Maayos ang ginamit nilang tagpuan upang maging makatotohanan ang bawat pangyayari.
Full transcript