Loading presentation...
Prezi is an interactive zooming presentation

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Kabanata 1

No description
by

Grace Branzuela

on 12 May 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Kabanata 1

Panimula Balangkas Konseptwal Ayon sa mga nakuhang impormasyon ng mga mananaliksik mula sa aklat at internet, ang mga makabagong teknolohiya daw ay may maganda at hindi magandang epekto sa mga mag-aaral. Ang halimbawa ng hindi magandang epekto ng teknolohiya ay mas madalas mas inuuna nila ang pag kokompyuter, pag lalaro, pag gamit ng internet kaysa sa pag- aaral. Ngunit nagagamit din naman nila ito sa mabuting paraan gaya ng paggawa ng mga takdang aralin, mga gawain sa paaralan na mas mapapadali kung gagamit ng mga teknolohiya. Kaya lamang, may mga mag aaral talaga na hindi tama ang pag gamit ng mga makabagong teknolohiya at nakasisira ito sa kanilang pag aaral. Batayang Teoretikal Kahalagahan ng Pag-aaral Paglalahad ng Suliranin 1. Ano ang epekto ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral mga mag-aaral ng Manila Tytana Colleges sa kursong Business Management and Accountancy?

2. Ano ang mga positibo at negatibong naidudulot ng mga makabagong teknolohiya sa mga nasabing mag-aaral?

3. Ano ang kayang itulong ng mga makabagong teknolihiya para mas mapaganda at mapaayos ang pag-aaral ng mga nasabing mag-aaral?

4. Gaano kadalas gumagamit ng mga teknolohiya ang mga napiling respondente?

5. Makakatulong ba ang mga makabagong teknolohiya sa mga mag-aaral ng Manila Tytana Colleges sa kursong Business Management and Accountancy?
Para sa mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito, mahalaga ang isinagawang pag-aaral dahil maaaring maging karagdagang impormasyon ito para sa mga mag-aaral na kumukuha sa kursong Business Management and Accountancy at ang mga impormasyon na nakasaad dito ay maaring maiapply at magamit sa kasalukuyang panahon.

Ang mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik ay napakahalaga din dahil napakalaking tulong ito hindi lamang sa mga mag_aaral sa kursong Business Management and Accountancy kung hindi sa mga mambabasang lubha ring naapektuhan ng patuloy na paglaganap ng Makabagong Teknolohiya. Maaring magsilbi ito bilang gabay upang mamulat tayo sa katotohanan na sa paglaganap ng Makabagong Teknolohiya ay may kaakibat itong mabuti at masamang epekto sa mga mamamayan. At para din malaman natin kung anu-ano ang maaari nating gawing hakbang para maiwasan ang masamang epekto nito. Ang teknolohiya ay hindi na bago sa pandinig at kaalaman ng mga mag-aaral. Ayon na din sa mga respondenteng aming kinapanayam ang mga kaalaman nila sa makabagong teknolohiya ay mas nanggagaling sa kanilang mga kaibigan. Sa tuwing nababanggit ang salitang teknolohiya madaming mga bagay ang naiisip ng mga mambabasa. Ilan sa mga halimbawa ng teknolohiyang ito ay ang kompyuter, cellular phone at ipad. Ang mga makabagong teknolohiyang ito ay nakatutulong sa mga mag-aaral upang mapataas ang kanilang marka sa klase. At sa panahon ngayon, mas pinipili nang mga mag-aaral na gumamit ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang kurso dahil para sa kanila sobrang nakatutulong ang mga teknolohiyang ito sa kanilang kaalaman. “Ang Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa mga mag-aaral na may kursong Business Management at Accountancy” Ang makabagong teknolohiya ang isa sa mga napapanahong bagay na siyang may naiaambag na malaking epekto sa buhay at pag-aaral ng mga kabataan ngayon. Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo.

Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng internet.

Masasabi rin na malaking tulong ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.

Saklaw at Delimitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng epekto ng makabagong teknolohiya pag-aaral ng mga mag-aaral ng Manila Tytana Colleges sa departamento ng College of Accountancy and Management sa unang taon ng ikalawang semester ng akademikong 2012-2013.

Nalimitahan ang pag-aaral sa mga mag-aaral sa unang at ikalawang taon ng mga Accountancy at Management dahil ang pag-aaral na ito ay nauugnay sa kanila at kursong kanilang kinukuha. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ang mainam na pag-aaral ukol dito sapagkat ang mga kabataan ang mas naapektuhan ng makabagong teknolohiya. Kahulugan ng mga Katawagan High Tech - mga makabagong kagamitan.

Teknolohiya - isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Alternatibo - ang alinman sa mga posibilidad

Kompyuter - ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal.

Software - ay katagang tumutukoy sa kalipunan ng mga panuto, pamamaraan at dokumentasyon na may mga layuning isinasagawa sa isang sistemang pang-kompyuter.

Radiation- ay isang proseso kung saan ang mga partikulong may enerhiya o mga along masisigla ay naglalakbay na lumalagos sa isang bakyum (paghitit o paghigop), o kaya ay sa pamamagitan ng midya na naglalaman ng materya na kailangan para sa kanilang propagasyon (paglaganap o pagkalat).

E-books – maaari mong basahin gamit ang PC, mobile o tablet. Kailangan mo lamang ng PDF reader upang mabuksan ito.

Cellphone – o teleponong selular ay isang uri ng teleponong walang kawad na gumagamit ng mga sityong selular para sa pakikipagtalastasan.

Edukasyon- ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.
Full transcript