Loading presentation...
Prezi is an interactive zooming presentation

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

PANAHON NG MGA AMERIKANO

No description
by

Micha Ella

on 26 June 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of PANAHON NG MGA AMERIKANO

DAHILAN SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
MGA MISYON TUNGO SA PAGSASARILI
Professor Sherenne
De Amboy
Saturday, May 2016
GROUP 4
PAGTATATAG NG KAPANGYARIHAN NG AMERIKA
PANAHON NG MGA AMERIKANO
ANG KOMONWELT NG PILIPINAS
BATAS PILIPINAS 1902 AT BATAS JONES
PAMAHALAANG MILITAR AT SIBIL
AMBAG NG MGA AMERIKANO
PAMAHALAANG MILITAR
Itinatag ang pamahalaang militar sa Pilipinas noong Agosto 14, 1898 sa utos ni Pangulong Mckinley. Ipinahayag din ito ni George Dewey
Pangulong William Mckinley

George Dewey

Unang Gobernador Militar si Heneral Wesley Meritt, komandante heneral ng Hukbong Amerikano.

Wesley Meritt

Mayo 1, 1899, nakapagdaos ng unang halalan sa Baliwag, Bulacan.

Naitatag ang Korte Suprema na binubuo ng anim na Pilipino at tatlong Amerikano. Nahirang bilang Punong Mahistrado si Cayetano Arellano.

Cayetano Arellano
Pagkatapos ng panunungkulan ni Heneral Meritt, sumunod sa kaniya bilang Gobernador Militar si Heneral Elwell Otis. Ang huling nanungkulan bilang Gobernador Militar ay si Heneral Arthur MacArthur.

Naitatag ang mga pamahalaang local sa mga tahimik na lugar sa Pilipinas.
Sistema ng pampublikong paaralan
Nagtapos noong Hulyo 4, 1901
Elwell Otis

Arthur MacArthur

PAMAHALAANG SIBIL
Noong Hulyo 4, 1901, ay itinatag ang pamahalaang sibil.
Unang nanungkulan bilang Gobernador Sibil si William H. Taft

“Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino.”

William H. Taft

Suliranin
Pagpapairal ng ganap na katahimikan sa buong Pilipinas
Suliranin sa kalusugan sanhi ng maruming kapaligiran
Kawalan ng pondo sa pagsasaayos ng mga nasirang daan, tulay at gusali dahil sa digmaan.

BATAS PILIPINAS 1902
Henry Allen Cooper, kinatawan ng Estados Unidos mula sa Wisconsin, America ang naghain sa Batas Pilipinas noong 1902 (Philippine Bill 1902).

Henry Allen Cooper
Kilala rin ito sa tawag na Batas Cooper at kauna-unahang Batas Organiko ng Pilipinas.

Ito ay nagbigay daaan upang mabuksan sa mga Pilipino ang maraming pagkakataon upang makapanungkulan sa pamahalaan.. Nagbigay rin ito ng maraming karapatan sa mga Pilipino.

Nilagdaan ni Pangulong Theodore Roosevelt noong Hulyo 2, 1902.

Ang ilan sa mahahalagang probisyon ng Batas Pilipinas 1902 ay:

1. Pagkakaloob ng isang kalipunan ng mga karapatan sa mga Pilipino.

2. Pagpapatibay sa mga pagbabagong itinakda ng Pangulo sa pamahalaan ng Pilipinas tulad ng pagtatatag ng mga tanggapan ng Komisyon ng Pilipinas, Gobernador Sibil at Korte Suprema.

3. Paglikha ng Lehislatura ng Pilipinas na may dalawang kapulungan. Ang Komisyon ang magiging mataas na kapulungan at ang Asembleya ng Pilipinas ang magiging mababang kapulungan na bubuuin ng mga kagawad ng ihalal ng mga mamamayan.

4. Pagpapanatili sa kapangyarihan tagapaganap ng Gobernador Sibil na siya ring Pangulo.

Ang ilan sa mahahalagang probisyon ng Batas Pilipinas 1902 ay:

Ang ilan sa mahahalagang probisyon ng Batas Pilipinas 1902 ay:

Ang ilan sa mahahalagang probisyon ng Batas Pilipinas 1902 ay:

5. Pagtatalaga sa Komisyon ng karapatan at kapangyarihang magsabatas para sa mga di-kristyanong tribu.

6. Pagpapanatili ng kapangyarihang maghukom sa Korte Suprema at iba pang mababang hukuman.

7. Paggagawad ng karapatang magkaroon ng dalawang residente komisyoner na ihahalal ng Asembleya upang kumatawan sa Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos ngunit walang karapatang bumoto.

8. Pagtatakda ng ilang tuntunin upang mapangalagahan ang likas na yaman ng bansa.

Ang dalawang unang mga kinatawan na inihalal ng Asembleya ng Pilipinas ay sina Pablo Ocampo at Benito Legarda.

Isa rin si Manuel L. Quezon bilang kinatawang ipadala sa Kongreso ng Estados Unidos bilang kinatawan mula 1909 hanggang 1916. Ilan sa iba pang Kinatawan na ipinadala sa Kongreso ng Estados Unidos ay sina Manuel Earnshaw, Jaime C. De Veyra, Teodore R. Yangco, Isauro Gabaldon, Camilo Osias, Pedro Guevarra at Francisco Delgado.

ANG ASEMBLEYA NG PILIPINAS
Pinasinayaan ang Asembleya ng Pilipinas noong Oktubre 16, 1907 sa Manila Grand Opera House.

Tatlong kondisyon ang itinadhana ng Batas ng Pilipinas 1902 bago itatag ang Asembleya ng Pilipinas:

1. Ang pag-iral ng kapayapaan sa bansa.
2. Pagsasagawa ng Pambansang sensus
3. Pagpapatuloy ng kapayapaan sa loob ng dalawang taon, matapos isagawa ang sensus.

Isinagawa ang halalan para sa mga kasapi ng Asembleya (Hulyo 30, 1907). Ang mga partidong pulitikal na naitatag ay:

na naghahangad ng maging estado ng Amerika ang Pilipinas. Kalaunan ay pinalitan ang pangalan bilang Partido Progresibo.
Partido Federal
na ang hangarin ay ang pagsasarili ng Pilipinas. Ito ay ang kombinasyon ng dalawang partidong makabayan, ang Partido Independista Immediata at ang Union Nacionalista.
Partido Nacionalista

BATAS JONES 1916
Nilagdaan ito ni Pangulong Wilson noong Agosto 29, 1916 at kinikilala rin bilang Batas Autonomo ng Pilipinas na ang ama ay si Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia.
Ang Batas Jones ng 1916 ay nangangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong medaling panahon kapag nagkaroon ang bansa ng isang matatag na pamahalaan.

Sa ilalim ng Batas Jones, itinakda din ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan:


Sa ilalim ng Batas Jones, ang kapangyarihang ehekutibo ay nasa kamay parin ng Amerikanong Gobernador-Heneral na tutulungan ng mga Kalihim ng mga departamento.

Ehekutibo
Sa ilalim ng Batas Jones, itinakda din ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan:

Ang kapangyarihang lehislatibo ay nasa batasang bicameral na bubuuin ng Mataas ng Kapulungan (Senado) at Mababang Kapulungan. Mayroong 24 na miyembro ang Mataas na Kapulungan na bubuuin ng 24 na Senador, 22 ang ihahalal ng bayan at dalawa ang hihirangin ng gobernador bilang kinatawan ng mga di-kristyanong lalawigan. Sila ay maglilingkod ng anim na taon. Ang Mababang Kapulungan ay mayroong 90 miyembro na lahat ay ihahalal ng bayan bukod sa siyam na hihirangin ng gobernador bilang kinatawan ng mga di- kristyanong lalawigan. Sila ay maglilingkod ng tatlong taon.

Lehislatibo
Sa ilalim ng Batas Jones, itinakda din ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan:


Ang kapangyarihan ng hudikatibo sa ilalim ng Batas Jones ay nasa kamay ng Korte Suprema at iba pang mga hukumang likha ng batas. Ang Korte Suprema ay bubuuin ng Pilipinong Punong Mahistrado at mga katulong na Pilipino at Amerikanong hukom. Sila ay nombrahan ng Pangulo ng Estados Unidos sa pahintulot ng Senado ng nasabing bansa.

Hudikatibo
Nagtataglay din ng Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) ang Batas Jones.

Isang halalan ang ginawa noong Oktubre 3, 1916 para sa bagong Lehislatura ng Pilipinas. Nagwagi ang Partidong Nacionalista laban sa Partido Progresista.

Nilikha ni Gobernador Harrison ang Sangguniang Estado na binubuo ng Gobernador, mga puno ng kagawaran, Ispiker ng Mababang Kapulungan at Pangulo ng Senado.

Ang pangakong independensiya ng Batas Jones ay nagpaigting din sa mga Pilipino upang sila ay maglunsad ng tinatawag nilang “independence missions”:

a. Komisyong Pangkalayaan
b. Wood-Forbes
c. Fairfield Bill

MISYONG WOOD-FORBES(MISYONG AMERIKANO)
Pinamunuan nina Gobernador-Heneral William Cameron Forbes at Medyor-Heneral Leonard Wood ang misyon noong ika-4 ng Mayo, 1921
Iniulat ng misyong Wood Forbes na hindi pa sapat ang napakaikling panahon upang ipagkaloob sa mga Pilipino ang hinihingi nilang kalayaan at bumaba raw ang uri ng gawaing pampubliko ng bansa dahil sa maling pangangasiwa ni Francis Burton Harrison.

MISYONG PILIPINO
Maraming misyon ang sunud-sunod na ipinadala sa United States upang hilinging ipagkaloob na ang kasarinlan ng bansa. Noong 1924, ipinadala ang pangalawang misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa United States. Pinamunuan ito ni Isauro Gabaldon at ipinagpatuloy nina Claro M. Recto at Manuel L. Quezon ngunit hindi rin ito nagtagumpay. Hindi rin ito sinang-ayunan ng susunod na Pangulo ng United States na si Pangulong Coolidge. Ang ibang misyon ay ipinadala noong 1925, 1927, 1928, 1930 at 1931. Bigong lahat ang mga misyong ito dahil nangamba ang mga Americanong mawala ang Pilipinas bilang mamimili ng kanilang kalakal at hindi na nila magagamit ang estratehikong lugar na ito sa Asia na magsisilbing depensa para sa kanilang sariling kapakanan.
MISYONG OS-ROX
(Osmeña-Roxas)
Ipinadala sa Estados Unidos noong Dec. 5 1931 na pinamunuan nina Sergio Osmeña Sr. at Manuel Roxas.
Pinakamatagal na misyong nanitili sa Estados Unidos (1931-1933).
Bumalik sila sa bansa dala ang BATAS HARE-HAWES-CUTTING.

BATAS HARE-HAWES-CUTTING
Binuo nina Senador Harry B. Hawes, Bronson Cutting at Butler Hare.
Ang Batas Hare-Hawes-Cutting ay ipinatupad noong Enero 17, 1933.
Ang Batas Hare-Hawes-Cutting ay nagtatadhana ng sampung taon ng Malasariling Pamahalaan o Komonwelt sa Pilipinas at pagkatapos ng taning na itoy pagkakalooban ang kasarinlan ng Pilipinas.
Nakatadhana din ang paghihiwalay sa Mindanao upang gawin itong base military,
Pagtatatag ng taunang kota ang 50 Pilipinong dayo sa United States sa loob ng 10 taon ng Malasariling Pamahalaan,
Ang pahintulot na makapasok ang mga kalakal ng bansang America sa Pilipinas nang walang bayad na buwis at pagkalipas lamang ng limang taong ipinagkaloob ang kalayaan ng Pilipinas saka lamang magbabayad ng buwis ang United States.

MISYONG QUEZON
Pinamunuan ni Manuel L. Quezon upang kumuha ng bagong batas sa Estados Unidos para sa pagsasarili ng Pilipinas..
Nagpasa ang Kongreso nh bagong batas na ang mga aetor ay sina Senador Milliard Tydings at kinatawan John McDuffie.
Ang batas Tydings-McDuffie ay nilagdaan ng Pangulong Franklin D. Roosevelt noong Mar. 24, 1934.
BATAS TYDINGS-McDUFFIE
Inaprubahan ng Lehislatura ng Pilipinas ang Batas Tydings-Mcduffie noong Mayo 1, 1934
Ang Batas Tydings McDuffie ay halos katulad sa probisyong gagawing base military ay pinalitan ng pagkakaroon ng base para sa hukbong pandagat at fuel station ang Mindanao. Para maihanda ang bansa ay gagawin ito:

1) Ang pagtatatag ng Malasariling Pamahalaan sa Pilipinas na tatagal ng sampung taon;
2) Ang pagkakaroon ng kumbensyong maghahanda ng saligang-batas
3) Ang pagkakaroon ng plebesitong magpapatibay sa saligang-batas;
4) Ang paghahalal ng mga mamumuno sa Malasariling Pamahalaan; at
5) Ang pagtatakda ng araw ng pagpapahayag sa Kasarinlan ng Pilipinas sa ika-4 ng Hulyo na kasunod ng huling taon ng 24 ng Marso, 1934, nilagdaan ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng United States ang Batas Tydings McDuffie

Kumbensyong Konstitusyonal
Nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado sa Kumbensyon sa Maynila para sa paghahanda ng Saligang-Batas noong ika 10 ng Hulyo, 1934.
Dalawang da’at dalawang(202) delegado ang nahalal na bubuo sa Kumbensyon. Nahalal na Pangulo ng Kumbensyon si Claro M. Recto, Ruperto Montinola bilang pangalawang pangulo, Teodoro Sandiko bilang ikalawang pangalawang pangulo, Narciso Pimentel bilang kalihim at Narciso Diokno bilang tagaayos.
Pinagtibay ang saligang batas noong ika-8 ng Pebrero, 1935 (Saligang Batas ng 1935)

SALIGANG BATAS NG 1935
Ang mga sumusunod ang mahahalagang itinatadhana ng Saligang Batas ng 1935.
Tatlo ang sangay ng pamahalaan na may magkakapantay na kapangyarihan, ang ehekutibo, ang lehislatibo at ang hudisyal.
Ang Pangulo at ang pangalawang pangulo ay halal ng bayan. Maglilingkod sila sa loob ng anim na taon at hindi na maihahalal uli.
Ang kapangyarihang lehislatibo o tagapagbatas ay nasa Asamblea na bubuuin ng 98 kagawad na ihahalal ng mga mamamayang may karapatang bumoto at manunungkulan sa loob ng talong taon.
Ang kapangyarihang hudisyal o panghukuman ay nasa Kataas-taasang Hukuman at iba pang hukuman;
Ang pagkakaroon ng “talaan ng mga karapatan” ng mga mamamayan tulad ng kalayaan sa pagsulat, paglalathala, pagsasalita, pagsamba sa anumang relihiyon at iba pa.
Noong ika-14 ng Mayo, 1935, pinagtibay ang nasabing Saligang Batas sa pamamagitan ng isang Plebesito

mga gawain sa ilalim ng komonwelt
KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN
Pinagtuunan ng pansin ang suliranin ng Hukbong Sandatahan.
Pagkakaroon ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Paglulunsad ng ROTC (Reserved Officers Training Corps) sa mga paaralan.
Pagpasa ng National Defense Act.

REORGANISASYON NG PAMAHALAAN
Pagpapaalis sa mga tanggapang akala niya ay hindi kailangan.
Pagsasanib ng ilang mga tanggapan at paglikha ng mga bago na kailangan ng bansa.
Pag-alis ng kapangyarihan ang Kagawarang Panloob sa Konstabularya ng Pilipinas at sa mga ingat yaman ng lalawigan.

PAGTATALAGA NG MGA PILIPINONG HUKOM SA LAHAT NG HUKUMAN
Hukuman ng Paghahabaol
Pagsasamahang Industriyal

KAPAKANANG PANG-EDUKASYON
Pambansang Konseho sa Edukasyon
1936
Dr. Rafael Palma

PAMBANSANG WIKA
Pambansang Surian sa Wika
Disyembre 30, 1937 – Kautusang Ehekutibo Blg. 34 na nagsasaad na ang Tagalog ang basehan ng pambansang wika.
Hulyo 4, 1946 – sa bisa ng Acta Komonwelt Blg. 570, ang Wikang Pambansa ay naging opisyal na wika ng bansa.

iba pang mga pagbabago
KULTURA
Ang pagtutuon ng pansin sa programang gawa-sa-Pilipinas (made in the Philippines).
NEPA (National Economic Protectionism Association) – itinatag noong 1934 ng ilang grupo ng mga negosyante.
Paggamit ng islogang Buy Philippines.

KAUGALIANG PILIPINO

Kodigo ng Kabutihang Asal (Code of Ethics)

ipinalabas ni Quezon upang mapalakas ang hibla ng moralidad at pagmamahal sa bansa ng mga Pilipino.

EDUKASYON
Actang Pang-edukasyon ng 1940
Mula sa pitong taong pag-aaral sa elementarya, ito ay ginawang anim na lamang.

Single-double session
Pitong taon ang edad ng bata bago siya tanggapin sa Unang Grado ng mababang paaralan.
Ang dating mula Hulyo hanggang Abril ay ginawang mula Hunyo hanggang Marso.

KATARUNGANG PANLIPUNAN

Hukuman ng Ugnayang Pang-industriya
Acta Komonwelt Blg. 20
Public Defender’s Act
Tenancey Act

Hukuman ng Ugnayang Pang-industriya
Tungkuling mangasiwa sa alitan ng manggagawa at mga may-ari ng kumpanya.
Acta Komonwelt Blg. 20
Pagbibigay kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas na bilhin ang malalaking lupain sa bansa at ipamahagi ang mga ito sa mga mahihirap sa murang halaga
Public Defender’s Act
Ang mga mahihirap ay nabigyan ng libreng serbisyo ng abugado.
Tenancey Act
Nagbibigay proteksyon sa interes ng mga inklinong magsasaka.

MANGGAGAWA

Eight-hour Labor Law
Pagtatakda ng walong oras na paggawa sa isang araw ng mga manggagawa.
Minimum Wage Law
Nagsasaad ng piso bilang pinakamababang pasahod sa mga manggagawa sa isang araw.

KALAGAYAN NG KABABAIHAN

Carmen Planas

Unang babaeng nahalal na Konsehal ng Maynila.


Elisa K. Ochoa

Unang babaeng nahalal na Kinatawan ng lalawigan ng Agusan.

KALAGAYANG PANGKABUHAYAN

National Economic Council
National Rice and Corn Company (NARIC)
Agricultural and Industrial Bank
Pasilidad sa transportasyon at komunikasyon
Pagkakaroon ng mas maraming patubig
Higit na maraming alagaan ng mga halaman
Pagsasagawa ng pagsusuri ng mga lupa
Acta Komonwelt Blg. 141 (Public Land Law)

MGA HAMON SA PAMAHALAANG KOMONWELT

Suliranin sa pambansang kaligtasan.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay naging depende sa Estados Unidos.

Probisyon sa Batas Tydings-Mcduffie – ang Pilipinas ay magbabayad ng taripa sa Estados Unidos pagkaraan ng limang taon ng pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Tydings-Kowalkowski – ang ilang produkto ng Pilipinas ay mailuluwas sa Estados Unidos ng walang taripa subali’t ayon sa itinakdang kota.

Ang
Demokratikong
paraan ng pamamahala – sinasabing pinakadakilang ambag ng Amerika sa sangkatauhan.

Edukasyon para sa lahat
ginamit ang edukasyon upang baguhin ang pagkatao, pagpapahalaga at ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Napadala ng 600 na boluntaryong amerikanong guro noong 1901 na tinawag na “thomasites”

Makinaryang Panlipunan
(midya, burukrasya at libangan)

Transportasyon at komunikasyon
(tulay, railway system, telepono, radio, wireless telegraph, air transportation)

Relihiyong Protestantismo
(Iglesia Filipina Independiente – na itinatag ni Padre Gregorio Aglipay)

(Benevolent Assimilation Proclamation) Makataong Asimilasyon
Inihayag ni Pang. William McKinley ng Amerika.
Nakasaad dito na ang layunin ng Amerika sa Pilipinas ay hindi upang ito ay alipin, kundi upang ito ay paunlarin , tulungan bumuo ang pamumuhay at maturuan ang mga Pilipino sa pagtatag ng isang pamahalaan para sa mga Pilipino.

Psychological Warfare
psychological warfare lamang ito upang kunin ang tiwala ng mga pilipino.

Manifest Destiny
Manifest Destiny ang tawag paniniwala ng mga amerikano na sila ay itinadhanang lahi na magpapalaganap ng kanilang sibilisaysyon sa mundo. Ito ay tinatawag rin na "white man's burden" .

Ang Batas Pensionado
(Pensionado Act)

isang batas na nagpapahintulot sa mga mahuhusay at kwalipikadong Filipino na makapag-aral sa Estados Unidos. Ipinasa noong 26 Agosto 1903, sa ilalim ng pamamahala ni Theodore Roosevelt at sa tulong ng Komisyon ng Pilipinas, ang batas na ito ay naglalaan ng kaukulang pondo para sa pag-aaral ng mga Filipino sa Amerika.

Bunga ng Digmaang Kastila-Amerikano
Dulot ng Himagsikan sa Cuba laban sa Espanya
Ang cuba ay isang kolonya ng Espanya simula pa noong ika-15 siglo nang ito ay matuklasaan ni Christopher Martin.
Mapaniil na pananakop ng Kastila
Sa Panahong ito ang Estados Unidos ay isa sa makapanyarihang bansa.
Sa pagsisimula pa lamang ng himagsikan ay halata na ang malaking simpatiya ng Estados Unidos sa Cuba.
Ang pagiging makiling ng Estados Unidos sa Cuba ay sanhi ng mga sumusunod:
1. Napakalapit ng Cuba sa Estados Unidos
2. Mula 30 hanggang 50 milyong dolyar ang puhunang amerikano sa iba’t ibang negosyo sa Cuba.

3. Pagkakabunyag ng lihim na panlilibak ng Embahador ng Cuba kay Pangulong William McKinley.

4. Malakas na impluwensiya ng Media mga pinunong military, negosyante at asensadong amerikano na humikayat ng simpatiya para sa mga cubano.

Sumabog ang barpor Maine.
Ibinintang sa EspanyaNang hindi umamin at sumunod ang Espanya sa banta ng Amerikano

Nagdeklara ng digmaan laban sa Espanya ang Estado Unidos

Di naglaon sinakop ng Estados Unidos and Puerto Rico, Hawai, Guam at ang Pipilinas.
Matindi ang Hangarin ng Estado Unidos na makuha ang Pilipinas dahil sa mga sumusunod na dahilan:
Estratehiyong kinaroroonan ito ng Timog-Silangang Asya na magbibigay daan Estadong Unidos upang mapalaganap and kanyang kapangyarihan sa lugar na ito.

Mayaman ang Pilipinas sa mga hilaw na kagamitan na kinakailangan sa kaninlang pabrika at pamilihan para sa kanilang mga yari na produkto.

Maraming maiinam na base at daungan na kailangang-kailangan ng Estados Unidos para sa kanilang panghukbong dagat.

Kailangan ng Estados Unidos ng base upang makapagragsa ng krudo, kumpunihan at tustusan ang malaking hukbong pang-dagat at mga barkong pangkomersyo.

Ang paniniwala na kailangan nilang gawing sibilisado ang mga Pilipino, tulungan sila at sanayin para sa demokrasya ata gawin silang higit na mabubuting kristiyano.

Komisyong Schurman
Upang palawakin ang kapangyarihan ng Estados Unidos sa buong Pilipinas, lumikha si Pangulong Mckinley ng isang Komisyon.

Tagapangulo ay si Jacob Shurman at mga kasaping sina Almirante George Dewey, Heneral Elwell Otis, G. Charles Demby at Propesor Dean C. Worcester.

Jacob Schurman

George Dewey

Elwell Otis

Dean C. Worcester

Marso 4, 1899, dumating ang Komisyong Schurman sa Pilipinas.

Ang layunin nito ay siyasatin ang kalagayan ng Pilipinas at magrekomenda kung anong uri ng pamamahala ang dapat itatag dito.

Pebrero 4, 1899, sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano.

Nagsagawa ang komisyon ng pag-iimbestiga at pakikipagkumperensiya sa mga pinunong Pilipino sa Maynila. Naghain ang komisyon ng mga rekomendasyon kay Pangulong Mckinley nang sila ay bumalik sa Estados Unidos.
1. Pananatili ng Estados Unidos sa Pilipinas dahil sa hindi pa handing magsarili ng mga Pilipino.
2. Pagtatatag ng isang pamahalaang sibil sa mga pook na tahimik na.
3. Pagbuo ng isang pamahalaang teritoryal na may sangay pambatasang dalawa ang kapulungan.
4. Pagtatag ng pamahalaang local sa mga bayan at lalawigan.
5. Pangangalaga sa mga karapatang sibil at kagalingan ng mga Pilipino.

Komisyong Taft

Tagapangulo ay si Hukom William Howard Taft at mga kasapi sina Luke E. Wright, Henry C. Ide, Dean C. Worcester at Bernard Moses.

Ang komisyong ito ay pinahintulutan na manatili sa Pilipinas at magtalaga ng isang pamahalaang sibil at sanayin ang mga Pilipino para sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.

Luke E. Wright

Henry C. Ide

Sa panuntunan na isinulat ni Kalihim Elihu Root ay tinagubilinan ni McKinley ang Komisyong Taft na ang layunin ng pamahalaang sibil ay kaligayahan, kapayapaan, at kasaganaan para sa mga Pilipino.

Hulyo 3, 1900, dumating ang Komisyong Taft sa bansa.

Upang malutas ang suliranin sa kabuhayan dala ng kawalan ng sariling lupa, nagtungo si Taft sa Roma at kinausap ang Papa upang mabili ng pamahalaan ang ilang malalawak na lupain ng pag-aari ng Simabahang Katoliko.

Setyembre 1901, pinalawak ang kasapi sa paglalagay ng tatlong Pilipinong maka-Amerikano. Ito ay sina Trinidad Pardo de Tavera, Benito Legarda at Jose Luzuriaga.

Trinidad Pardo de Tavera

Benito Legarda

Jose Luzuriaga

PRESENTED BY:
Tejada, Camille
Paulite, Renz
Nimo, Antonio
Adizas, Joe Daniel
Julve, Michaella
Sumaoang, Jinky
BSBA-MM 3-4
S401
Monday & WEdNEsDAy
7:30AM-12:00PM
Presented to:
Professor Sherenne de Amboy
hist 1013
ang pamahalaang komonwelt
Noong Setyembre 17, 1935, ginanap ang unang halalan para sa pangulo at pangalawang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt. Nagwagi sa halalang ito sina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña

Noong Nobyembre 15, 1935, pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt bilang pangulo at pangalawang pangulo sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña.


Isang panalangin ang inihandog ni Arsobispo Gabriel Reyes ng Cebu. Nagbigay ng pananalita si Kalihim Dern at ipinahayag ang pagtatapos ng pamahalaang itinatag sa ilalim ng Batas Jones. Nanumpa sina Quezon at Osmeña sa harap ni Ramon Avancena, Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Matapos ang seremonya, nagtungo si Quezon sa Palasyo ng Malacañang na siyang simbolo ng kapangyarihan ng Pangulo ng bansa.
Sa larangan ng Arkitektura
(pag gamit ng bakal at simento, attic, disenyong Neoclassical)


Sining at panitikan
( mga babasahin ukol sa kasaysayan ng Amerika, pagsulat ng nobela at tula)


Transportasyon at komunikasyon
(tulay at daan, telepono, redyo, telegrama)

Full transcript