Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Alamat ng Pinya

No description
by

Enrico Galang Jr.

on 20 June 2017

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Alamat ng Pinya

Ano ang pinakagusto mong bahagi ng kuwento at bakit?
Sa isang alamat, gaano kaya kahalaga ang wakas na bahagi nito?
Ano ang ALAMAT?
Alamat ng Pinya
May isang diwatang napakapangit! Ang mukha niya'y mapula at kulubot. Ang mga mata'y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulupot na basahan ang kamay. Siya'y pilay kaya pahingkud-hingkod kung lumakad. Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaakit-akit ang kanyang tahanan dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng bahag-hari. Ang looban ay natatamnan ng sari-saring halamanang namumulaklak. Ang mga taong dumaraan panay papuri ang bukambibig. Ang mga punong-kahoy ay may mga bungang nakakasilaw sa mata kung tamaan ng silahis ng araw.
Isang umaga, isang batang lalaki't isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan. Sila'y maralita at hindi napasok sa paaralan. Sila'y naging palaboy at walang tirahan. Sila'y nagpapasasa sa hirap upang may makain. Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa ay maligaya. Laging naibubulalas nila ang salitang, "Ang langit ay asul at ang bundok ay luntian." Sa pagtitig nila sa mga ibon at batis sila'y nakakapagsalita ng, “Mataas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip." Ang mga nakikita nilang tanawin araw-araw ay sapat nang magpatighaw sa pagnanasa nilang magkaroon ng magandang tirahan at perang panakip sa pangangailangan.
Sila'y naglibot at naakit ng bahay ng diwata. "Ligaya, masdan mo ang magandang bahay na iyon" sabi ng batang lalaki.
"Nakikita ko, Malakas," ang sagot. "May halamanan. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak. Nakatatakam ang mga bungang pinilakan at ginintuan na nangabitin sa sanga ng mga kahoy," ang dugtong pa.
"Tayo na pumasok sa hardin,"ang alok ni Malakas.
"Walang tumitira rito," ang sagot ni Ligaya.
Binuksan ng dalawa ang tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang sandali, sila,y hintatakot nguni't lumagay ang loob ng malaunan. Walang umiimik sa kanila. Sila'y namupol ng mga bulaklak. Si Malakas ay umakyat sa punong-kahoy. Nangain siya at pinakain si Ligaya ng matatamis na bunga.
"Walang nakatira rito!"
"Oo, noong ako'y bata pa, may isang mamang nagkuwento sa akin tungkol sa lunang katulad nito. Huwag na tayong umaalis," Sabi ni Ligaya.
"Ako'y ulila ng lubos. Walang maghahanap sakin," Sabi ni Malakas.
"Gayon din ako," sagot ni Ligaya.
"Ako'y palibot-libot upang humanap ng trabaho upag may makain. Huwag na nating lisanin ang loobang ito."
Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon. Sa darating ang diwatang galing sa dalampasigan. Siya'y hihingkod-hingkod. Siya'y langhap nang langhap pagka't may naaamoy na ibang tao. Lalo siyang pumangit sa kasisinghot.
"Bakit kayo nangahas pumasok dito?" ang bungad na tanong. "Ano ang ginagawa ninyo?" patuloy pa.
Natakot sina Malakas at Ligaya. Sila'y nanginig sa takot.
"Bakit ninyo pinupol ang aking mga halaman at kinain ang mga bunga? Sigaw ng matanda.
Naglakas loob na sumagot si Malakas, "Mawilihin po kami sa bulaklak. Gusto po naming...gusto ang...mga prutas..."
"Bakit hindi muna kayo humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas!"
"Inaamin po namin ang aming kasalanan. Kami po'y handang magbayad. Kami po'y mga ulila. Gawin po ninyo kaming alila! Handa kaming magsilbi!"
Pinagulong-gulong ng diwata ang kanyang mga mata. Piinakisay niya ang kanyang katawan, pinangiwi-ngiwi ang mga labi at nag-isip.
"Nauunawaan ko. Pakikinabangan ko kayo."
Siya'y bumulong ng mga salitang maysa-engkanto at namangha ang dalawang bata. Siya kapagkaraka ay naging isang magandang diwata. Siya'y may tangang mahiwagang baston na may nakakabit na bituin sa dulo.
Patakang nagsalita si Malakas, "Oh, magandang diwata!"
Ibinaba ni Ligaya ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga matang nasilaw sa liwanag. Nakita niya nang harapan aang diwata. Siya'y may tangang mga bagwis na yari sa bulaklak.
"Yayamang mawilihin kayo sa bulaklak, kayo'y gagawin kong hardinero. Mula ngayon mahahagkan ninyo ang aking mga bulaklak at maaari kayong magpasasa sa aking mga bunga!"
Dinantayan ng diwata ng kanyang mahiwagang baston ang dalawang bata at sa isang iglap sila'y nagkapakpak. Sila'y nagpadapo-dapo sa mga halaman.
"Ako ngayo'y magandang paru-paro!" sabi ni Malakas.
"Ako rin!" sang-ayon ni Ligaya. "Masdan mo ang aking mga pakpak. Ittim,asul,lunti at kulay kahel!"
"Sa halamanang ito tayo mabubuhay ng mahabang panahon!" sabi ni Malakas," sapagka't tayo ngayo'y mga paruparo ng diwata!"


Alamat ng Paruparo
Noong unang panahon ay may isang magandang dalaga mula sa malayong bayan ng Tarlac na Rosa ang pangalan. Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para mapatunayan ang tunay na pag-ibig. Ayon sa kwento nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang may malubhang sakit ang lalaki.
Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito. Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na baunin ang pag-ibig ng dalaga sa kabilang buhay. Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa pagtulog. Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan ng hininga.
Ang mga gniti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario at kahit nang dinadalaw ang puntod nito at pinagyayaman. Nang tanungin kung bakit hindi nawala ang ngiti sa mga labi ay ito ang sabi niya. "Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal. At alam ko rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami na hindi na maghihiwalay pa."
Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at pagmamahal ni Rosa sa katipan. Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing. Kakatwang may tumubong halaman sa kanyang puntod at kayganda ng naging mga bulaklak. Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo ng tunay ng pag-ibig.

Alamat ng Rosas
Noong unang panahon, may isang mag-asawa na biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Ang kanilang anak ay tinawag nilang Amba. Ang mag-asawa ay may hanapbuhay na paghahabi ng mga tela. Parehas na galing sa angkan ng mga mahuhusay humabi ang mag-asawa. Kaya’t tama lamang na ito rin ay kanyang ipapamana sa nag-iisang anak. Habang maliit pa ang bata ay itinuro na ng mag-asawa kung paano ang humabi. At habang lumalaki na nga ang bata ay unti-unti itong naging bihasa sa paghahabi ng mga tela. Maging ang mga mahihirap na disenyo ay kaya ng gawin ng bata sa murang edad. Nahigitan na nito ang kakayanan ng kanyang ama at ina.
Dahil sa kanyang natatanging kakayanan, naging tanyag ang bata sa iba’t ibang lupalop. Marami ang dumarayo hindi lamang para bumili ng mga disenyo kundi upang makita rin ang paggawa ng bata. Naging mayaman din ang mag-anak dahil sa mga bentang tela na ginagawa ng bata. Ngunit ang bata ay naging mayabang. Dahil sa alam nito na magaling siya sa kanyang kakayanang paghahabi hinamon nito ang sino man na magkipagtagisan sa kanya. Maraming mga mahuhusay na maghahabi ang tumaggap sa hamon ng batang si Amba. Gusto rin nilang patunayan kung siya nga ay magaling tulad ng napabalita. Nagtagisan ng galing ang mga maghahabi. Napakahusay nga ang bata. Lahat ng magagaling na maghahabi ay napakahanga sa kakayanan ni Amba. Nilaos sila ng bata at dahil dito, mas lalong yumabang ang bata. Ani niya, wala nang makakatalo sa kanyang kakayanan. Maging ang mga diyosa ay kanyang hinamak na wala na ngang makahihigit pa sa galing niya. Narinig ng mga diyosa ang kayabangan ng bata. Hindi na sila nasisiyahan sa nagiging asal ng bata. Isang araw, isang matanda ang nagpunta sa bahay ng bata at hinamon niya ito. Natawa ang bata ngunit pumayag din ito. Mukha namang pangkaraniwan lang ang matanda at baka nga hindi pa nito alam kung paano humabi. Sigurado na siyang walang panalo sa kanya ang matanda. Nag-umpisa ang paligsahan. Maraming tao ang dumalo upang manood kung mananalo ang matanda sa batang si Amba. Naging napakaganda ng telang hinabi ng matanda. Maging si Amba ay natulala sa mahirap na disenyong nagawa ng matanda. Ang pasya nang pagkapanalo ay sa tela ng matanda.
Nagngingit-ngit ang bata. Paano daw siya natalo ng isang matanda na mahina na ang mata at uugod-ugod pa. Pinagalitan niya ang matanda at tinulak-tulak ito. Igigiit nito na ang matanda ay nandaya at baka ipinalit lamang ang isang nagawa nang tela sa ginagawa nito. Baka nga si Amba pa gumawa ng tela aniya. Tangka na niyang pagbubuhatan ng kamay ang matanda nang biglang lumiwanag ang damit ng matanda at nagbago ang kanyang anyo. Iyon pala ay isang diyosa na nagpapanggap lamang. Hindi na maganda ang asal ng bata ayon sa diyosa. Naging masyadong mayabang ang bata at nararapat daw itong parusahan. Nagbago ang anyo ng bata. Lumiit ito at nagkaroon ng mga mahahabang paa. Umiiyak ang kanyang mga magulang ngunit alam nilang wala na silang magawa para sa bata. Simula noon ang batang si Amba ay naging unang gagamba. Sa ngayon, makikita pa rin ang kahusayan ng mga gagamba sa paghahabi ng kanilang mga bahay.


Alamat ng Gagamba
Alamat
Alamat ng Pinya
Si
Aling Rosa
ay isang balo. Siya ay may sampung taong gulang na anak na babae, si
Pinang
.
Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak.
Nais niyang lumaking bihasa sa gawaing bahay ang anak. Tinuturuan niya si Pinang sa mga gawaing-bahay.
Dahil sa nag-iisang anak, ayaw gumawa si Pinang lagi niyang ikinakatwiran na alam na niyang gawin ang anumang itinuturo ng kanyang ina.
Pinabayaan lang siya ng kanyang ina.

Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa.
Hindi siya makabangon at makagawa sa bahay. Napilitan si Pinang na gumawa ng gawaing-bahay. Inutusan siya ng ina niya na magluto siya ng lugaw. Kumuha si Pinang ng ilang dakot na bigas, inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig. Isinalang niya ito sa ibabaw ng apoy.
Iniwan niya ang niluluto at naglaro na.

Dahil sa kapabayaan, ang ilalim ng bahagi ng lugaw ay namuo at dumikit sa palayok.
Nagpasensiya na lang si Aling Rosa. Kahit papaano nga naman ay napagsilbihan siya ni Pinang. Nanatili sa higaan ang matandang babae ng ilang araw pa. Si Pinang ang napilitang gumawa ng mga gawaing-bahay.
Isang araw, sa paghahanda ng pagluluto, hindi makita ni Pinang ang sandok.
Lumapit siya sa ina at nagtanong.
Nasuya na ang ina sa katatanong ni Pinang. "Naku, Pinang sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang lahat ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong nang tanong!"
Dahil galit ang ina, hindi na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok.
Kinagabihan, nabahala si Aling Rosa nang hindi pa bumalik ang anak.
Nagpilit siyang bumangong upang kumain.
Tinawag niya ang anak nguni't walang lumalapit sa kanya.

Isang umaga, nagwawalis ng bakurang si Aling Rosa nang may makita siyang isang uri ng halaman na tumubo sa silong ng kanilang bahay.
Hindi niya alam kung anong uri ng halaman iyon. Binunot niya at itinanim sa kanyang halamanan.
Lumaki ang naturang halaman at di nagtagal ay namunga ito. Nagulat si Aling Rosa sa anyo ng bunga. Ito ay hugis ulo ng tao na napapalibutan ng mata. Biglang naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak na magkaroon sana siya ng maraming mata upang makita ang kanyang hinanap.
Tahimik na nanangis si Aling Rosa. Noon niya napagtanto na tumalab kay Pinang ang kanyang sinabi. Gayunpaman, inalagaang mabuti ni Aling Rosa ang halaman at tinawag niya itong Pinang bilang pag-alaala sa kanyang anak.
Nang maglaon ang bunga ito ay tinawag na "Pinya."

Alamat ng Paruparo
Alamat ng Gagamba
Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat?
Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay?
Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging mabuting mamamayan? Patunayan.
Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang pagtuturo ng mabuting asal? Patunayan.
Alamat ng Sibuyas
Ayon sa alamat, si Buyas ay anak ng manggagamot ng isang tribo na nakatira sa paanan ng bundok ng Sierra Madre. Maliit pang bata ay kapansin-pansin na ang pagiging sensitibo ni Buyas. Lalo siyang naging maramdamin nang isilang ang bunsong kapatid. Maganda ang kapatid kung ihahambing kay Buyas kaya agad napapansin ang kaibahan nila.
Palibhasa ay marami ang nagpapagamot sa ama, kadalasan ay maraming tao sa kanilang kubo. Hindi maialis na mapansin ang mag-kapatid dahil maliit lang ang kubo at doon mismo nanggagamot ang kanilang ama. "Kayganda ng inyong bunso," madalas ay sinasabi ng mga nagpupunta roon. "Maganda rin si Buyas," madalas ay maririnig ng kanyang ina. Ayaw na ayaw ni Buyas na maririnig ang ganyong usapan. Agad na siyang pupunta sa likod ng kubo at doon uubusin ang oras hanggang maubos ang kanyang mga luha.
Nang magdadalaga si Buyas ay umibig siya sa isang makisig na binata. Ang problema, ang bunso niyang kapatid ang gusto ng lalaki. Masakit na masakit sa loob ni Buyas tuwing aakyat ng ligaw ang binata sa kapatid. Ang gagawin niya ay magtatago sa kanilang likod-bahay at doon i-iiyak ang bigat ng damdamin. Alam ng kanyang ina ang nararamdaman ni Buyas ngunit wala itong magawa! Hindi nito mapanghihimasukan ang puso ng binata. Isa pa ay paano naman ang damdamin ng bunsong anak? Ilang buwan pa ay isinama na ng binata ang mga magulang upang hingin ang kamay ng kapatid ni Buyas. Nais raw pakasal ng dalawa sa ikalawang pagbilog ng buwan. Labis na dinamdam ni Buyas ang kamatayan ng pag-ibig. Kinabukasan ay hindi na nakita si Buyas. Naglaho siyang tila bula.
Sumapit at natapos ang araw ng kasal ng bunsong kapatid ay hindi na nakita si Buyas. Isang umaga, habang nagwa-walis sa likod-bahay ang ina ay napansin nito ang isang halamang tumubo roon. Nang bunutin iyon ng babae para itanim sa mas maayos na lugar ay nakita ang bilog nitong mga bunga. Natuklasan ng ina na maaaring ipanahog sa pagkain ang bunga. Pero higit sa lahat, natuklasan nitong nakapagpapaiyak ang bunga pag hinihiwa. Naalala tuloy ng ina ang anak na si Buyas. Pinangalanan nitong buyas ang bungang iyon. Ang buyas ay naging sibuyas makaraan ang maraming panahon.

Alamat ng Sibuyas
Alamat ng Rosas
Alamat ng Pagong
Nakakita na ba kayo ng pagong? Ito ay isang uri ng reptilyang nabubuhay sa mga pook na dalatan o katihan. Ang katawan nito ay nababalutan ng matigas na talukab na sa biglang-tingin ay tila munting plato o batingaw; may apat na paa, maikling buntot, mahabang leeg, at ulong sapad na lumabas-pumasok sa ilalim ng bao o pinakatalukab na nasa kanyang likod. Ayon sa paniniwala, nagiging malilimutin ang naglalarong pagong. Maaaring tama o mali ito, ngunit ang tiyak ay masarap ang atay at itlog nito, na kasing linamnam ng kanyang alamat.
Si Gat Urong-Sulong ay matanda na. Papalubog at patakip-silim na ang kanyang buhay, matapos niyang landasin ang rurok ng kaningningan. Laos na ang dating kilabot at pangunahing sandata ng Barangay Lumubog-Lumitaw.
Likas mandin na ang isang bagay ay mahalaga kung ito'y pinakikinabangan; ngunit kung lipas na at walang saysay, ano pa ang dahilan upang ito'y ingatan? At si Gat Urong-Sulong, na isa nang inutil, ay nalimutan na ng barangay na kay tagal niyang minahal at pinaglingkuran. Hindi marahil magkakagayon kung di maagang namayapa ang dating puno ng barangay na si Lakan Dupil. Nagmistula siyang palaboy ng tadhana na walang nais kumandili.
Isang maliwanag at napakaganda ng gabi, ang buong Barangay Lumubog-Lumitaw ay nagdiriwang. Ipinagbubunyi nila ang pag-iisang dibdib nina Lakan Alamid at Dayang Matampuhin. Tanging si Gat Urong-Sulong ang nagmumukmok sa kalungkutan. Ang babaing una at huli niyang minahal ay nagtaksil sa kanya at sumama kay Gat Alamid na ngayon ay bagong lakan ng barangay. Iyan palang lalaki, masugatan man ang puso at dibdib, ang lahat ay mababata at matitiis; ngunit kapag dangal niya ang siyang nagkadungis sasabog ang lupa, babagsak ang langit!
At tinungo ni Gat Urong-Sulong ang baybay-dagat. Matamlay na umupo sa ibabaw ng isang malapad na bato. Ang mga larawan ng nakalipas ay isa-isang nagdaan sa kanyang gunita, hanggang sa ang mga ito ay papanglabuin ng mga patak ng luha. Bigla siyang napabuntung-hininga nang madama ng sarili ang masaklap na kasalukuyan. At nabuo ang isangpasiyang mapait. Kung ang puso niya'y bigo at sawi sa pag-ibig, ang lunas ay kagyat na pananahimik...! Humahalakhak at bumubulong ang hangin at ang laot ng dagat ay kumakaway at nag-aanyaya ng kamatayan! "Patawarin mo ako Bathala...!" usal ni Gat Urong-Sulong, "Tanging ito lamang ang lunas!" At siya'y tumindig...lumakad! Kumalabusaw ang tinig... papalayo... papalayo... patungo sa laot ng karagatan! Subalit atas mandin ng tadhana, biglang umugong ang kapaligiran, yumanig ang lupa...! Lumindol...! "Ha-ha-ha...!" ani Gat Urong-Sulong, "Ilakas mo pa at nang mamamatay kaming lahat...!" Tinugon siya nang biglang pagkiwal ng tubig! Kamuntik na siyang bumaligtad nang siya'y bundulin ng isang nagsusumagsag na munting alon! At sa dako pa roon ng dagat ay nakita niya na gumugulong, ang nakasisindak at naglalakihang mga alon...patungo...patungo sa dako niya at sa Barangay Lumubog-Lumitaw!
Umalikabok at uilandang ang mga buhangin sa dalampasigan sa ginawang sagsag-takbo ni Gat Urong-Sulong! Parang ibininit ng palasong tinungo niya ang barangay...sa dakong kinalalagyan ng isang malaking gong. Sa nalalabi niyang lakas ay pinalo niya ang gong...sunod-sunod, hataw-tunog, pandalas...mabilis! Ang "Pag-gong" na iyon ang tanging lunas upang mapatalastasan ang lahat sa napipintong panganib.
Bawat lakbay-tunog ay umalingawngaw sa buong barangay; sinagap at ipinagsalin-salin ng mga tambuli sa lahat ang nakagigimbal nitong hatid-patalastas na nagbabayad ng "Madaling Paglikas sa Burol!" Ang "Pag-gong" ni Gat Urong-Sulong ay patuloy...at patuloy din ang paglikas sa burol ng libu-libong nilalang. Makalipas ang ilang saglit ay bahagi na ng karagatan ang buong barangay nang sakmalin ito ng mga rumaragasang dambuhalang alon! "Salamat kay Gat Urong-Sulong! Kung hindi sa kanyang "Pag-gong" ay wala sinumang makaliligtas sa atin!"
Humupa na ang baha at nagbalik na rin ang mga limikas. Subalit nawawala si Gat Urong-Sulong; nawawala rin ang malaking gong. Sila marahil ay kapwa tinangay ng baha.
Nalutas ang paghahanap ng mga tao nang isang araw ay makapansin sila ng mahiwagang hayop sa lugar na dating kinalalagyan ng ging at ni Gat Urong-Sulong. Kataka-taka ang anyo ng hayop na iyon na ang talukab sa likod ay mistulang larawan ng gong na nawala. Nagpasiya ang Pandita ng barangay. "Ang mahiwagang hayop na ito ay tatawagin nating 'Pagong' mula ngayon, bilang pagkilala sa isang ulirang pagpapakasakit ng isang dakilang puso."


Alamat ng Pagong
Alamat ng Lansones
Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang matindi at maaring nakamamatay na lason.
Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang "puno ng lason" ng may isang manlalakbay ang nagpahinga sa ilalim ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaayaayang kaanyuan ng bunga ay pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan ang manlalakbay sa pagkain nito ng nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos makain ang nakalalasong bunga.
Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at halaman ang matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding tagtuyot ang bayan. Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa... ang puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang matapos na ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init.
Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito ay pakanta kanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae, ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.
Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay babgsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari, sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae.
Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito. "Masarap at Malinamnam!" ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatidna wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang panalangin. Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang "lansones".



Alamat ng Lansones
Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging mabuting mamamayan? Patunayan.
Alamat ng Rosas
Alamat ng Pagong
Alamat ng Lansones
Pagmamahal at Katapatan
Pagbabago at Pagtulong
Pagkamaawain
Alamat
Mabuting Asal
Sa isang kuwento, pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang bahaging resolusyon o kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa o manonood kung ano ang maaaring mangyari sa pangunahin at iba pang sangkot na tauhan.
Paano nakatutulong ang wakas upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay?
Basahin ang mga halimbawa ng wakas sa ilang alamat. Suriin ang kinahinatnan ng mga pangunahing tauhan.Isulat ang sagot sa papel.
Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto niyang ibalik ang puso ng ina ngunit wala na itong buhay. Dahil sa ginawa niya ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI na gumagapang sa mga kisame at haligi. Ito ang parusa sa anak na walang utang na loob sa kanyang pinanggalingan.
Halaw sa Alamat ng Butiki
Puna: _______________________________________


Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging"wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging saging.
Halaw sa Alamat ng Saging
Puna: _________________________________

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.
Halaw sa Alamat ng Bulkang Mayon
Puna: ___________________________________

Kapanipaniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag.
Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng kaparusahan o pagkamatay ng pangunahing tauhan?
Kaligirang Pangkasaysayan
Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng Mga Pilipino bago pa dumating ang mga Español. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-paniwala o kaya‘y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa. Mababakas sa alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino. Layunin din ng alamat na manlibang. May tatlong bahagi ang alamat.
Simula
Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Gitna
Gitna: Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sa sarili , sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.
Wakas
Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Sinasabing ang ilang kaalaman natin ngayon ay kinuha ng mga mananaliksik sa saling-dila ng matatanda (Oral Tradition). Sa pag-usad ng panahon, maaaring nagbabago ang mga alamat gayunpaman hindi nawawala ang katangian nitong maglahad ng pinagmulan ng tao, bagay, lunan o pangyayari.

Ang aralin na ito ay magpapayaman ng iyong kaalaman upang mauunawaan mo kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa mga matatandang panitikan ng ating lahi.
Matapos nating pag-aralan ang mahahalagang konsepto sa aralin, ang bawat grupo ng mga mag-aaral ay gagawa ng infomercial (maikling video presentation) na nagsasalaysay ng alamat o urban legend patungkol sa pinagmulan ng katawagan ng isang lugar sa ating barangay.
Gayundin, mapagtitibay ninyo kung paano kasasalaminan ng kultura, tradisyon, kaugalian ang alamat tulad ng iba pang akda na lumaganap sa Panahon ng Katutubo.

Bago natin alamin ang mahahalagang konsepto sa araling ito, subukin muna natn ang iyong kabatiran sa ating paksa. Simulan natin sa pagbibigay ninyo ng buod ng mga alamat na aking ipakikita sa inyo.

Ang Alamat
Panayam ni G. Enrico C. Galang, Jr.
Full transcript