Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Tulang Liriko

No description
by

Ave Maligalig

on 2 August 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Tulang Liriko

Tulang Liriko
Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)
Uri ng Tulang Liriko
a. Pastoral
- ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na “pastor.” Ang tulang ito ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
B. Elehiya-
Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa. Maaaring ito’y pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o nag-aagaw-buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan ay nagnanais na ang maliligayang sandali ay agad lumipas. Isang halimbawa nito ay "Ang Pamana" ni Jose Corazon de Jesus.
C. Soneto
- Ito’y tulang liriko na binubuo ng labing-apat (14) na taludturan na hinggil sa damdamin at kaisipan. Ito’y nakikilala sa matinding kaisahan ng sukat at kalawakan sa nilalaman. Ang soneto ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat na taludturan. Ito’y kailangang may malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan. Ito ay naghahatid ng aral sa mga mambabasa. Sa unang walong taludtod ay inilalahad ang diwa, paghanga man o talinghaga, at sa huli naman ang karagdagan o anumang kapupunan sa ikabubuo ng tula. Halimbawa nito ay ang Soneto ng buhay ni Fernando B. Monleon at Soneto ng Pag-ibig ni Rey Tamayo Jr.

F. Dalit
– Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang dalitsamba at dalitbansa ay itinuturing nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos,
samantalang ang dalitbansa ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan. Halimbawa nito ay "Halika sa Bukirin" ni Milagros Macaraig
Ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.
Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.
Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao. Maaaring pagaralan ang tulang pastoral bilang:
a.Isang alegorya na gumagamit ng simbolismo.
b.Panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c.Paglagay ng komplikado sa simple
Sa Pilipinas ito’y tulang naglalahad ng buhay-buhay at pagpapahalaga sa gawain at pamumuhay sa bukid. Ang ganitong uri ng pamumuhay ang karaniwang kinagigiliwang paksa sa tulang liriko. Isang halimbawa nito ay ang "Bayani ng Bukid" na sinulat ni Alejandrino Q. Perez at "Halika sa Bukirin" ni Milagros B. Macaraig
Bayani ng Bukid
Ako’y magsasakang bayani ng bukid.
Sandata’y araro matapang sa init.
Hindi natatakot kahit na sa lamig.
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

Ang kaibigan ko ay si Kalakian.
Laging nakahanda maging araw-araw.
Sa pag-aararo at sa paglilinang.
Upang maihanda ang lupang mayaman

Ang haring araw di pa sumisikat.
Ako’y pupunta na sa napakalawak.
Na aking bukiring laging nasa hagap.
At tanging pag-asa ng taong masipag.
Sa aking lupain doon nagmumula.
Lahat ng pagkain nitong aking bansa.
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha.
Sila’y umaasa sa pawis ko't gawa.

Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
ang ani’y dumami na para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y magagalak

At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan

Ang Pamana
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
Soneto ng Pag-ibig

Batid kong paglisan / sa huli’y iiwan.
Ang pusong luhaan / labis na nagdamdam.
Bakit ka nasuklam / ang tanong ko, Mahal?
Sa pangakong banal / ikaw ay nalumbay.

Diwa ko’y hinimlay / animo’y pumanaw.
Sa sigwang lumitaw / lungkot itong buhay.
At ang tanging alay / sa pusong naligaw
Ay ang luhang halaw / sa matang luhaan

Ngayo’y kailangan / imulat ang malay
Ibaling ang alay / sa ibang pananaw
Sa isang pagdalaw/ nitong pusong tunay
At bigyan ng saysay / ang mundong mapanglaw

Nawa’y mangibabaw / ligaya’y itangan
Gunita’y ilaan / pagsintang dalisay
D. Oda
– Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng matayog na damdamin at kaisipan ng makata. Sa matandang panulaan, karaniwang ito’y isang awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o anumang bagay (buhay man o patay) na maaaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula. Halimbawa nito ay ang 'Tumangis si Raquel" at "Oda para kay Inay"
Oda Para Kay Inay
muli, inaasam-asam ko
ang pagkakataon
gaya no'ng minsan
isang maaliwalas na hapon
sa may dalampasigan
dahan-dahang huminahon
ang iyong kalooban
tulad ng mga alon
at ako na nasa iyong tabi
ay tila anak ng dagat
na nakasisid ng perlas
nang ika'y mangusap.
E. Awit
- Ang karaniwang mga paksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito’y nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punong-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang sinisinta. Halimbawa ay ang "Isang pangarap" ni Teodoro Gener.
Isang Pangarap

May isang pangarap akong ninanais,
Sana ay buhay ko’y mangyaring sumapit
Gagawin ang lahat nang ito’y makamit
Ningning ng buhay kong siyang nilalangit
Sa palad na ito huwag ipagkait.
Panaho’y nagdaan at sa aking palad,
Pangarap na ito na aking hinangad;
Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat
Nang dadamputin na umisod napadpad
Lumayo sa kamay, nagwaglit…umalpas.
Full transcript