Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

KABANATA 10 UNANG PAG-UWI NI RIZAL SA PILIPINAS

No description
by

Ryan Martin Mariano

on 22 October 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of KABANATA 10 UNANG PAG-UWI NI RIZAL SA PILIPINAS

Unang Pag-uwi ni Rizal sa Pilipinas
Kabanata 10
Pagkaraan ng limang taonng di malilimutang paglalakbay sa Europa, bumalik siya sa Pilipinas noong Agosto 1887 at siya’y naging manggagamot sa Calamba. Tahimik siyang namuhay bilang doctor sa kanyang bayan. Ngunit ang kanyang mga kaaway, na kinamumuhian ang kanyang NOLI ay patuloy ang pag usig sa kanya, at pinagbantaan pa siyang papatayin siya.
Desisyong umuwi sa sariling Bayan
Dahil sa pagkakalathala ng kanyang NOLI ME TANGERE at idinulot nitong kaguluhan sa mga prayle, binalaan si Rizal na wag munang umuwi nina:
a. Paciano (kapatid)
b. Silvestre Ubaldo ( bayaw)
c. Chengoy ( Jose M. Cecilio)

Mga Dahilan ng Pagbabalik
a.) Ooperahan ang mata ng kanyang ina
b.) Mapagsilbihan ang mga kababayang malaon nang inaapi ng mga tiranong Espanyol
c.) Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli
d.) Magtanong tanong kung bakit wala siyang nababalitaan tungkol kay Leonor Rivera

> Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.


Magandang paglalakbay patungong Maynila
Hulyo 3, 1887 - lumulan si Rizal sa barkong Djemnah ang barkong kanyang sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan. Mayroong limangpung pasahero nito kabilang ang:

a.) Apat na Ingles
b.) Dalawang Aleman
c.) Tatlong Tsino
d.) Dalawang Hapon
e.) Maraming pranses
f.) Isang Pilipino (RIZAL)
Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haipong patungong Maynila
Pagdating sa Maynila
• Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.
• Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.
Maligayang Pag- Uwi
• Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba.
• Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid.
• Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod siya bilang manggagamot.
• Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi pa noon hinog.
• Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging bantog sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika.
• Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000.
• Nagtayo si Rizal ng isang himnasyo sa Calamba upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong.
• Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal.

Kaguluhang gawa ng Noli
• isang araw, nakatanggap si Rizal ng liham mula kay Gobernador Heneral Emilio Terrero (1885- 1888). Iniimbitahan sya nito sa palasyo ng Malacanang. May ngbulong kasi sa gobernador na ang NOLI ay nagtataglay ng mga subersibong ideya.
• Nagtungo si Rizal sa maynila at nagpakita sa Malacanang. Nang ipaalam sa kanyang godernador Heneral Terrro ang paratang sa kanya kaagad niyang pinabulaan nitoito. Ipinaliwanag ni Rizal na inihayag lamang niya ang katotohanan ngunit di siya nagtatagubilin ng mga subessibong ideya.

• Emilio Terrero - ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelang Noli Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.
• Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sina Padre Federico Faura,Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga kopya

• Para sa kaligtasan ni Rizal, inatasan ni gobernador Terrero si Espanyol Don Jose Taviel de Adrade na maging tagabantay ni Rizal.
• Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at nagpadala ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aralan ang nobela.
• Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere.

• Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang pampubliko.
• Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng UST dahilan sa alam niyang kalaban ni Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng simbahan.
• Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na ang Noli Me Tangere ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang pagbabawal ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela.
Mga umaatake sa Noli
• Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na naglabas ng walong polyeto na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba.
• Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere;

a.) Jose de Salamanca
b.) Luis M. de Pando
c.) Fernando Vida
d.) Vicente Barrantes- kanyang binatikos ang Noli Me Tangere sa kanyang inilathalang artikulo sa pahayagang La Espana Moderna.

Tagapagtanggol ng Noli
Marcelo H. del Pilar
Antonio Ma. Regidor
Graciano Lopez Jaena
Mariano Ponce
Segismundo Moret
Miguel Morayta
Ferdinand Blumentritt
Padre Vicente Garcia
Si Rizal mismo ay napaiyak dahil sa pagtatanggol sa Noli ni Padre Garcia labas sa panunuligsa ni Barrantes sa pamamagitan ng isang liham na isinulat sa Brussels, Belgium noong Pebrero 1880.
Sina Rizal at Taviel de Adrade
• Jose Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong Espanyol na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa mga lihim niyang kaaway
• Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may kultura naging ganap na magkaibigan sina Rizal at Andrade .
• Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal, iskrimahan, at pagbaril.
• Ang puminsala ng masasayang araw ni Rizal sa Calamba kasama si Te. Adrade ay:
a.) Ang pagkamatay ng kanyang ate Olimpia
b.) Walang basehan kuwentong ikinalat ng kanyang mga kaaway na isang raw siyang “espiya ng Alemanya” alagad ni Bismarck, isang protestante, mason, mangkukulam.

Problemang Agraryo ng Calamba
• Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng kanyang nabasa sa Noli Me Tangereat nagpasimula ng imbestigasyon sa mga hacienda na pag-aari ng mga prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis na nagaganap ditto.
• Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa Calamba sa pagkuha ng mahahalagang datos ukol sa suliraning agraryo sa kanyang bayan.

• Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod:
a.) ang hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop sa buong bayan ng Calamba.
b.) Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na tumataas dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng binabayarang upa sa lupa.
c.) Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura.
d.) Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa paggawa sa hacienda ay pinapaalis na lamang mula sa lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na kadahilanan.
e.) Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kung hindi nakapagbabayad ay kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang mga hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga kasama.
Pamamaalam sa Calamba
• Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng mga prayleng Dominikano.
• Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero na iligpit si Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya ngunit ang gobernador heneral ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga prayle.
• Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang mga magulang at pinaki-usapan siya ng kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas.
• Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at pinayuhan siya na umalis ng Pilipinas para sa kabutihan ng una.
•Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang pangunahing kadahilanan:
a.) Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at mga kaibigan.
b.) Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng byan kung siya ay magsusulat na malaya sa ibang bansa.

Isang tula para sa Lipa
Bago lisanin ni Rizal ang Calamba noong 1888, isang kaibigang taga lipa ang humiling sakanya ng isang tula para sa pag gunita sa pagiging Villa (Lungsod) ng bayan ng Lipa.naging Lungsod ito sa bias ng Batas Becera noong 1888. Malugod na pinagbigyan ni Rizal ang kahilingan at isinulat ang tulang “Himno Al Trabajo”(himno sa pag-gawa) bilang parangal sa masisipag na mamamayan ng Lipa.
Sa Hong Kong at Macao,1888
Kabanata 11
Ang biyahe sa hongkong
• Pebrero 3, 1888- Pagkaraan ng 6 buwan sa Calamba, Nilisan ni Rizal Maynila pa tungo ng Hong Kong lulan ng Zafiro
• Pebrero 8 – Dumating siya sa Hong Kong
Habang nasa Hongkong , Pebrero 16, 1888– Sumulat si Rizal kay blumentritt
• Otel Victoria- Dito siya malugod na sinalubong ng mga Pilipinong residente, Kabilang sina Jose, Maria Basa, Balbino Mauricio, at Manuel Yriate
• Jose Sainz de Veranda – Dating kalihim ng gobernador Heneral Terrero at na niktik habang ito’y nasa Hongkong

Ang Pagtatapos ng
Kabanata 10
“Ang Hong Kong”
Isinulat ni Rizal kay Blumentritt noong pebrero 16, 1888

Pagbisita sa Macao
• Pebrero 18 – Sinamahan si rizal ni Basa, ay Lulan ng barkong Kiu-Kiang patungong Macao
• Ang lungsod ng Macao – Isinulat ni Rizal sa kanyang talaarawan
• Sa macao, Sina Rizal at Basa ay tumuloy sa tahanan ni don Juan Francisco Lecaros
• Pebrero 20 – Bumalik sina Rizal at Basa sa Hong Kong muli’y Lulan ng Kiu Kiang

Mga karanasan sa Hong kong

• Maingay ng selebrasyon ng Bagong taon ng mga tsino ng nangyari mula ika 11 ng Pebrero
• Maingay na teatrong Tsino, na may maingay sa manonood at maingay na musika
• Ang salu-salong lauriat
• Ang Ordeng Dominiko
Paglisan sa Hong Kong
Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkongOceanic na pag-aari ng mga Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang Hapon.
Full transcript