Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Tula

No description
by

Johnxis Siat

on 5 January 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Tula

Tula sa Kasalukuyang Panahon
Surbey
Mga Elemento ng Tula
1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona
9. Simbolismo
10. Kondisyon
Mga Uri ng Tula
Tulang Liriko
Tulang Pasalaysay
Tulang Patnigan
Tulang Pantanghalan o Padula
Ang Tula
Mga Elemento ng Tula
Mga uri ng Tula
Tula
Masining na Panitikan
Ang pagsulat ng tula ay isang hamon sa mga makata sa dahilang matimpi ang paggamit ng mga salita, may bilang ang mga pantig at may kahirapan ang pagpili ng mga magkakatugmang salita bagama't sa ngayon ay hindi gaanong kinikilala ng mga makabagong makata ang bilang ng mga pantig o sukat at tugma.
Ang Tula
Ang Tula
Ang tula, may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa rito. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.
May iba't ibang pagpapakahulugan kung ano ang tula.
Ayon kay
Julian Cruz Balmaceda
, "Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na kailangang magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula."
Ayon kay
Inigo Ed. Regalado
, "Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tanang kariktang makikita sa silong ng alinmang langit."
Ayon kay
Fernando B. Monleon
, mula kay
Lord Macaulay
, "Ang pagtula'y panggagagad, at ito'y kahawig ng sining, ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal. Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa alin man sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man ang mga iyon."
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:

isda – is/da – 2 pantig
is/da ko sa Ma/ri/ve/les – 8 pantig
Sukat
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).

2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
Saknong
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga-ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

2 Uri ng Tugma

Hindi buong rima (assonance)-paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Kaanyuan (consonance)-paraan ng pagtutugma ay nagtatapos sa katinig.
Tugma
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Kariktan
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula.
Talinhaga
Porma ng tula.
Anyo
Diwa ng tula. Nagbibigay ng isang saloobin tungo sa paksa o tema.
Tono/Indayog
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.
Persona
Isang bagay, tao, o lugar na nangangahulugan ng higit pa sa kung ano ito.
Simbolismo
Kapaligiran o pakiramdam sa isang pampanitikang gawain.
Kondisyon
Tulang Liriko
Ito'y nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba't ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ang uring ito ay maikli at payak.
Awit
Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
Soneto
Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing-apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda
Pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
Elehiya
Tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit
Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.
Tulang Pasalaysay
Ito'y naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigi at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
Epiko
Nagsasalaysay ito ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitungali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapanipaniwala ang ibang pangyayari at maituturing na kababalaghan.
Awit at Kurido
Tungkol ito sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.
Karaniwang Tulang Pasalaysay
Ang mga paksa ay tungkol sa mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay.
Tulang Patnigan
Joustic Poetry; kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.
Tulang Pantanghalan
Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan nga lamang ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
'Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Simili (Pagtutulad)
Metapora (Pagwawangis)
Tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
Personipikasyon (Pagsasatao)
Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
Apostrope (Pagtawag)
Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Hayperbole (Pagmamalabis)
Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Onomatopeya (Panghihimig)
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Senekdoke (Pagpapalit-saklaw)
Isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Tanong Retorikal
Hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Pang-uyam
Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Paglilipat-wika
Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
"Dahilan at Epekto"

Bulag Ka, Juan
ni: Ariana Trinidad


Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.

Sa eleksyon lang nakita,
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.
...

Ang Aking Pangarap
ni: Kiko Manalo
Pangarap kong magbakasyon
Kapiling ang hanging Habagat
At kami’y maglilimayon
Sa mga ilog at dagat.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.
...
Bangon
ni: Rico Blanco
Pinaluhod tayo,
Sa isang hagupit
Niragasa, sinalanta,
Pinaluha

Humupa ang unos, isang bahaghari!
Dala ng bukang liwayway-
Pag-ibig
Pagkakaisa
...


Surbey #1
Sa anong wika ang madalas na gusto mo kapag nagbabasa ka ng tula?
Resulta
Bilang ng mga Rumesponde: 73
Tagalog
8
Ingles
65
11%
Tagalog
89%
Ingles
Surbey #2
Gaano ka kadalas magbasa ng ng tula sa isang linngo?
Resulta
0 beses
31
1 beses
22
2 beses
12
3 beses
3
4 beses
1
Bibihira
2
Depende
1
6 beses
1
Surbey #3
Nagbabasa ka lang ba kung kinakailangan?
Resulta
Oo
44
Hindi
29
Bilang ng mga Rumesponde: 73
60.27%
Oo
39.73%
Hindi
Pinaghandaan ng ika-4 na Grupo
Johnxis
Siat
Ighie
Palis
Angelo
Castillo
Maya
Angeles
Kyle
Natividad
Meg
Domingo
Paul
Asumen
Carmela
Maloles
Rhane
Tambalo
Keruin
Quizon
Ano ang Panulaan sa Kasalukuyang Panahon?
Full transcript