Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Untitled Prezi

No description
by

Karen Bulan

on 13 September 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Untitled Prezi

FILIPINO BILANG
WIKANG AKADEMIKO

Ang Maling Pagtingin sa Wikang Filipino
ANO ANG PINAGKAIBA NG PILIPINONG DALUBHASA SA PAGSASALITA NG INGLES AT PILIPINONG DALUBHASA NAMAN SA WIKANG TAGALOG?
Saan nga ba nagmula ang ganitong mababang pagtingin natin sa kakayahan ng wikang Filipino bilang wikang akademiko?
Sa kadalasan, ang nagsasabing di sapat ang Filipino bilang wikang pangkalinangan ay nagpapahiwatig lamang na siya ang talagang kapos. O dili kaya, kulang ang kaniyang kasanayan sa wikang ito sa larangan ng kultura at karunungan, sa kitang-kitang dahilan na ang mga huli'y kanyang natutunan sa Ingles na pinag-ukulan sa panahong kasintagal ng panahong ipinagkait sa Pilipino. (Salazar,1997)
PARAAN NG PAGLINANG NG WIKANG AKADEMIKO
* Magagawa nating linangin ang wikang akademiko kung mayroong pag-unlad ng kaalaman at karanasang luwal ng buhay-lipunan.
* Hindi na dapat pagtalunan pa ang bisa ng sarili nating wika sa pagkakanlong ng larangang akademiko.
Napatunayang may mahigit na mataas na marka ang mga mag-aaral na gumagamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalakayan sa klase ayon sa survey ng Third International Math and Sciences Study (TIMSS)
MGA PAHAYAG NA KATUNAYAN:
Ang pagkakakuha ng mataas na marka, ayon sa maraming pag-aaral ay naiuugnay sa higit na kakayahang makaunawa at makapagpahayag ng mga bata sa isang wikang kilala nila. (Almario,2001)
Gayundin, marami nang mga guro sa kolehiyo at kursong gwadgado ang gumagamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sa kanilang klase sa iba't ibang larangan- siningm agham, agham-pantao atbp. (Naval, 2001)
Pinasinayaan na ni Huwes Cesar Peralejo ang halaga ng gamit ng wikang Filipino sa batas-politika. (Paralejo,1997)
At ang mga gurong sina Yanga, Bermujo, Hafalla at iba pang mga guro na tumangkilik sa wikang Filipino ay sinambit ni Zafra, Ed. noong 2001
Ayon kay Salazar, mainam na tanggapin muna ang Filipino at saka pag-ukulan ng sikap ang pagpapayaman nito, upang lubos na makilala ang lawak at lalim ng wika
MGA KAILANGANIN SA PAGLINANG NG FILIPINO
Mahalaga ang patuloy-tuloy na paggamit ng wika upang ito'y mapino, mapagyaman, madagdagan at manatiling buhay na wikang patuloy na umiinog at yumayaman kasabay ng pag-unlad ng lipunan.
* Kilalanin natin ng pantay ang kakayahan ng wika bilang pantay na pagkilala sa pantay na halaga ng mga kultura at karanasang panlipunang nagbigay-daan sa paglinang ng wikang ito.
* Walang dapat ipagkumpetensya sa pag-aaral ng wika. (Halimbawa na ay ang pagkukumpara ng Wikang Filipino sa Ingles)
PAGPAPLANONG PANGWIKA, ELABORASYON at INTELEKTWALISASYON
Languange planning is deliberate
Delibereyt
* Hindi ito maaaring iasa sa panahon

*Sinasadya ito.

PAGPLAPLANONG PANGWIKA
*Language planning is deliberate language change.

*Language planning is focused on problem-solving
ELABORASYON
Kaugnay sa konsepto
ng pagplaplanong
pangwika.
PROSESO NG PAG-UNLAD
AT PAGBABAGO NG ISTRAKTURA AT GAMIT NG WIKA
(Pagbabago ng ispel
ing
o pagbaybay)
* Ayon kay Fishman (1974), ang pagplaplanong pangwika ay nakadepende nang malaki sa elaborasyon leksikal.
Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelektwalisasyon ng mga terminolohiya.
* Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga dating di-kilalang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon, sinonim, antonim at hayperonim ng mga bagong terminolohiya.
*Malaki ang ginagampanang tungkulin ng pagplaplanong pangwika at elaborasyon.
*Konstitusyon ang nagtatakda ng pangangailangang patuloy na paunlarin at payabungin ang wikang pambansa. Tunguhan ng prosesong ito ay ang INTELEKTWALISASYON.
Intelektwalisasyon
Ito ay pagpapayaman sa bokabularyo ng wika upang magamit itong kasangkapan at talakayang intelektwal o sa matatayog na larangan ng karunungan at kaalaman. (Pineda, sa Catacataca,2004)
* Ang wikang Filipino ay kailangang maging bukas sa panghihiram sa mga wikang dayuhan, lalo na ang Ingles
* Ayon kay Pineda, ang panghihiram ay may tatlong kaantasan.
PONETIK - Panghihiram ng TUNOG
MORPEMIK - Panghihiram ng PANTIG AT SALITA
SINTAKTIK -Panghihiram ng PARIRALA AT PANGUNGUSAP
Naisasagawa ang panghihiram sa pamamagitan ng isa o kumbinayon ng sumusunod:
* PAGSASALIN
* LUBUSANG PANGHIHIRAM
* TRANSLITERASYON
Pagsasalin
* East -----> Silangan
* Fever-----> Lagnat
* Ability____> Kakayahan

Lubusang Panghihiram
* Xerox----> Xerox
* Joules----> Joules
* Enzyme--> Enzyme

Tranliterasyon
* Computer--> Kompyuter
*Nurse--------> Nars
*Domain------> Domeyn
Ang proseso ng intelektwailisasyon ng Wikang Filipino ay matagal nang napasimulan. Marami nang hakbang ang naisagawa kaugnay nito. Kailangan sa prosesong ito ang puspusang pakikilahok ng lahat ng uri ng midya. Ang lahat kabilang na ang gobyerno, pribadong sektor, paaralan, guro at mag-aaral ay kailangng makiisa sa prosesong ito.
Kung tutuusin ay maaaring may batayang pang-ekonomiya ang bagay na ito. Totoo namang bago ka matutong mag-Ingles ay kinakailangan mong magkapera upang makamit mo ang pagkakataong mag-aral sa sistemang pang-edukasyong minana natin sa Amerikano.
Totoo ring dahil ang wikang sarili ay higit na abot-kamay ng karaniwang tao, nagmumuka itong WALANG CLASS sapagkat hindi na kinakailangan pang pag-aralan ang wikang tagalog.
Dahil dito, nagkakaroon ng kalinawan sa pagkakaiba ng mga gamit ng wika. Nahahati ang mga tao sa WALA at MERON.
* Kaalaman at karanasang intelektwal ang nilalaman ng bawat wikang nililinang saan mang lipunan kung lahat ng wika ay may kakayahang maging wikang akademiko.
* May kakayahan ang wikang Filipinong maging midyum ng talastasan at pamamahayag mula sa pinakapalasak hanggang sa pinakamatatatayog na kaalaman, karanasan at pangarap.
* sa patuloy na pagbabagi ng panahon, 'wag nating kalimutan na bigyan ng pagkakataong ipahayag ng ating wika ang kanyang taal na kaalaman at napaunlad na pag-angkop at pagbabanyuhay upang kumatawan sa yaman ng karanasan at kaalamang iniluluwal ng lipunang Pilipino.
Full transcript