Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES

No description
by

Kyla Salenga

on 18 November 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES

Samantala, sa pamamagitan ng
income per capita
ay masusukat kung hahatiin ang Gross Domestic Product sa kabuuang populasyon ng bansa. Sinusukat nito ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan. Tinataya rin ng
income per capita
kung sasapat ang kabuuang halaga ng produksiyon ng bansa upang tustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito.
Ang Gross National Income sa kasalukuyang presyo (c
urrent o nominal GNI
) ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
Sa pagsukat ng nominal at real GNI, kailangan munang malaman ang Price Index. Sinusukat ng Price Index ang average ng pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo. Malalaman kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng Price Index. Halimbawa sa ibaba,
Mahalagang malaman ang
real/constant prices
GNI dahil may pagkakataon na tumataas ang presyo ng mga bilihin na maaaring makaapekto sa pagsukat sa GNI. Dahil pampamilihang halaga ang ginagamit sa pagsukat ng GNI, lalabas na mataas ito kung nagkaroon ng pagtaas sa pesyo kahit walang pagbabago sa dami ng produksiyon. Sa pagkakataong ito, mas mainam na gamitin ang
real o constant prices
GNI. Ginagamit ang
real/constant prices
GNI upang masukat kung talagang may pagbabago o paglago sa kabuuang produksiyon ng bansa nang hindi naapektuhan ng pagtaas ng presyo. Malalaman ito sa pamamagitan ng pormula upang masukat ang real GNI.
Ang
growth rate
ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon. Kapag positibo ang
growth rate
masasabi na may pag-angat sa ekonomiya ng bansa. Samantala, kapag negatibo ang
growth rate
, ay masasabing walang naganap na pag-angat sa ekonomiya ng bansa at maipalalagay na naging matamlay ito. Ang mahalagang datos na ito naman ang gagamitin ng mga nagpaplano ng ekonomiya ng bansa upang magawa at bumuo ng mga patakaran upang matugunan ang mga suliraning may kinalaman sa pagbaba ng
economic performance
ng bansa.
CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES
GROSS NATIONAL INCOME
Sa kabilang banda naman, ang
real
GNI o GNI at
constant prices
ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisiyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o
base year
.
Taon Current/Nominal GNI Price Index Real/Constant Price GNI
2006 7,883,088 133.36 5,911,313
2007 8,634,132 137.57 6,276,013
2008 9,776,785 148.35 6,590,009
2009 10,652,466 152.42 6,988,767
2010 11,996,077 158.65 7,561, 386
Kung ating susuriin, mas mababa ang real/constant prices GNI kompara sa nominal/current price GNI dahil gumamit ng batayang taon upang hindi maapektuhan ng pagtaas ng presyo ang pagsukat sa Gross National Income ng bansa. Mas kapanipaniwala ang ganitong pagsukat dahil ito ang tunay na kumakatawan sa kabuuang produksiyon ng bansa na tinanggal ang insidente ng epekto ng pagtaas ng presyo.
Real GNI = ______________________ x Current GNI

Price Index base year
Price Index current year
Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng growth rate. Gamit ang pormula sa ibaba upang masukat ang
growth rate
ng Gross National Income.
Growth Rate = ___________________________________ x 100

GNI sa kasalukuyang taon - GNI sa nakaraang taon
GNI sa nakaraang taon
Ang halimbawa sa ibaba ay nagpapakita ng pag-angat ng gawaing pangkabuhayan ng bansa sa paglipas na panahon.
Taon
Current/Nominal
GNI
Growth rate ng nominal GNI
Real/Constant Prices GNI
Growth Rate
2006 7,883,088 - 5,911,313 -
2007 8,634,132 9.53% 6,276,013 6.17%
2008 9,776,185 13.28% 6,590,009 5.00%
2009 10,652,466 8.96% 6,988,767 6.05%
2010 11,996,077 12.61% 7,561,386 8.19%
Kalimitan, ang maliit na populasyon at malaking
income per capita
ay nangangahulugan ng malaking kakayahan ng ekonomiya na matustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Kapag mas mabilis ang paglaki ng populasyon kompara sa
income per capita
, magiging mahirap para sa ekonomiya na tustusan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan ng bansa. Isa itong batayan upang malaman ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan.
Full transcript