Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Sa mga bulaklak ng Heidelberg by Jose Rizal

by Carlo C., Donna L, Kat T., John Paul C
by

Ellen Letonada

on 21 August 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Sa mga bulaklak ng Heidelberg by Jose Rizal

Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg
To The Flowers of Heidelberg
A las flores de Heidelberg
By : Jose Rizal
Presented by:
Carlo Canquin
Donna Lua
Kat Tembrevilla
John Paul Cabigon
Coleen Vidal
Heidelberg, Germany
UNIVERSITÄTSPLATZ 12
Isinulat ni Jose Rizal ang tulang ito noong siya ay may 25 na taong gulang.
Bakit?
Forget-me-nots
Isinulat noong Abril 24, 1886
Pumaroon kayo sa mutya kong bayang pinakamamahal,
O mga bulaklak na hasik sa landas niyong manlalakbay,
At doon, sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw,
Sa mga mahal ko'y di nagpapabaya't laging nagbabantay,
Inyong ibalita itong pananalig na sa puso'y taglay
Ng abang lagalag na di lumilimot sa nilisang bayan.
Para sa mga Bulaklak Heidelberg
Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa,
Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad na,
Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon siya,
At sa inyong tabi'y inyong namamasid na parang estatuwa,
Ang Tagsibol doong hindi nagbabago'y binubulay niya.
Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwayway
Ang buwis na bango ng inyong talulot pag ngiti ng araw,
Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang kasabay ng "Kung inyo lamang nababatid sana yaring pagmamahal!"
Siya'y may bulong ding inaawit-awit sa katahimikan,
Kundiman ng puso na sa kanyang wika'y inyong napakinggan.
At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik na
Ang mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga,
At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niya
Sa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga,
Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligaya
Sa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga.
At ibalita rin na nang minsang siya'y naglalakad-lakad
Sa pampang ng Neckar ay pinupol kayo sa gilid ng landas,
Doon sa ang tanod ay ang mga guhong bakas ng lumipas,
Na nalililiman ng maraming punong doo'y naggugubat.
Ibalita ninyo kung paanong kayo'y marahang pinupol,
Pinakaingatang huwag masisira ang sariwang dahon,
At sa kanyang aklat ay ipinaloob at doon kinuyom,
Aklat ay luma na, datapuwa't kayo'y naroon pa ngayon.
Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,
Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw,
Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling,
Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim;
Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin
Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin.
At pagsapit ninyo sa dalampasigan ng bayan kong irog,
Bawa't halik sanang idinarampi ko sa inyong talulot
Ay inyong isakay sa pakpak ng hanging doo'y lumilibot,
Upang sa lahat nang iginagalang ko't sinisitang lubos
Nawa'y makasapit ang halik ng aking pag-ibig na taos.
Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay,
Subali't ang bango'y wala na marahil at kusang pumanaw,
Wala na ang samyong sa talulot ninyo'y iningatang yaman,
Pagka't malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng buhay;
Iwing halimuyak ang inyong kaluluwa, at di malilisan
Ni malilimot pa ang langit na saksi nang kayo'y isilang.
Gustong dalhin ni Rizal ang bulaklak sa ating bayan.
Nais ipamahagi ni Rizal ang kanyang mga magagandang nakikita sa ating bansa.
Pagmamahal sa bayan
Interpretasyon
Inilarawan ni Rizal ang kanyang bayan na may napakagandang asul na langit na nagpapahiwatig ng kapayapaan at magandang klima.
Gusto niyang gamitin ang mga bulaklak upang iparating sa atin ang kanyang mensaheng patungkol sa kanyang pangungulila sa kanyang bayan at gaano niya ito kamahal.
Sa pangalawang saknong, makikita na si Rizal daw ay nasanay na sa tuwing "sun rise" ay dito na magsisimula ang pagsisipag sa trabaho ng mga tao na kultura nila sa Calamba.
Filipino Attidude = Industrious
Naipakita rin dito kung gaano talaga kamahal ni Rizal ang kalikasan at habang pinagmamasdan niya ang kagandahan ng Heidelberg mas lalo siyang nasasabik makita muli ang kanyang bayan.
Naipikita rin ang kanyang walang hanggang pagmamahal niya para sa kanyang pamilya, kapwa Filipino, at sa kanyang bayan.
Sa tulang ito, lagi niya rin pinaalalahan ang mga babae na maging malakas at matapang sa mga pagsubok sa dadating sa kanila
Ang tulang ito ay tunay na repleksyon na sa ibang bansa, namimiss niya talaga ang kanyang pamilya at hinahanap hanap niya sila.
Sa katapusan, sinabi ni Rizal na kung dadalhin niya ang bulaklak ng Heidelberg sa ating bansa ay mawawala ang halimuyak nito.
Inilalarawan lamang ni Rizal ang kanyang katayuan sa ibang bansa na kahit ang katawan niya ay nandoon sa Heidelberg, ang kanyang kaluluwa o pagkatao ay mananatiling nakatanim sa kanyang Inang Bayan, ang Pilipinas.
Konklusyon
Ang mga bulaklak ng Heidelberg ay nagpapahiwatig ng kapayapaan, pag-ibig, at karangalan na nais ibigay ni Rizal sa ating bayan.
Full transcript