Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Romulus at Remus

No description
by

John Kimuel Bello

on 21 August 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Romulus at Remus

Pagkilala sa may akda
Ang pangunahing layunin ng may akda ay ang mailahad ang pagsisimula at pagtatatag sa bansang Roma. Ito rin ay nagpapahiwatig na ang karaniwang simula ng mga tagumpay ay isang mahirap na pagsubok na kailangang paghandaan.
Uri ng Panitikan
Thank you!
Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari
Ang mga pangyayari ay naglalaman ng kasaysayan ng Roma at kung paano ito nagmula. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pagyayari ay nagkakaisa sa paraan na magkakapit ang mga ideya hanggang sa wakas.
Buod ng Kwento
Sina Romulus at Remus ay ang maalamat na mga tagapagtatag ng Roma. Sa mitolohiyang Romano, sila ay kambal na magkapatid, na mga anak na lalaki nina Rhea Silva at ng diyos na si Marte. Si Romulus at Remus ay ang kambal na tagapagtatag ng Roma na nasa loob ng tradisyunal na mito ng pagtatatag nito, bagaman paminsan-minsang sinasabi na si Romulus lamang ang nag-iisang tagapagtatag ng Roma. Ang kanilang lolo sa ina ay si Numitor, ang karapat-dapat na hari ng Alba Longa, isang kaapu-apuhan ng prinsipeng Troyanong si Aeneas, at ama ni Rhea Silvia (nakikilala rin bilang Ilia). Bago sila ipaglihi, tinanggal ni Amulius (kapatid na lalaki ni Numitor) si Numitor mula sa kanyang tungkulin bilang hari. Pinatay din ni Amulius ang mga anak ni Numitor at pinuwersa si Rhea na maging isang Birheng Malinis (Birheng Banal), na may intensiyong ipagkait kay Numitor ang pagkakaroon ng makabatas na mga tagapagmanan at kung gayon masiguro ang kanyang posisyon; subalit ipinagdalangtao ni Rhea sina Romulus at Remus sa pamamagitan ng diyos na si Marte, ngunit maaari ring sa pamamagitan ng demi-diyos na si Herkules. Nang ipanganak ang kambal, iniwan at pinabayaan sila ni Amulius sa isang pook upang mamatay subalit nailigtas sila sa pamamagitan ng magkakasunod na mahihimalang mga pamamagitan. Isang babaeng lobo ang nakatagpo sa kanila at pinasuso sila. Pagkaraan, isang pastol at asawa nito ang umampon sa kanila at inalagaan sila at pinalaki bilang mga pastol. Ang kambal ay napatunayang likas na mga pinuno at nagkamit ng maraming mga tagasunod. Nang ipaalam sa kanila ang kanilang tunay na mga katauhan, pinaslang nila si Amulius, at ibinalik si Numitor sa trono ng Alba Longa at nagpasyang itatag ang isang bagong lungsod para sa kanilang mga sarili.
"May mga tagumpay na nagmumula sa isang masalimuot na kaganapang hindi aasahan nino man."
Romulus at Remus
Group 2: 10 - Marlowe

Si Publius Vergilius Maro, na mas kilalá bílang Virgil o Vergil, ay isang sinaunang makatang Romano ng Panahong Augustan. Tinatawag din siyang Virgilius o Vergilius. Kilalá siya dahil sa kaniyang tatlong pangunahing akda sa panitikang Latin, ang Eclogues (o Buocolics), ang Georgics, at ang epikong Aeneid. Maraming mga tula, ang mga tinipon sa Appendix Vergiliana, ay inuugnay rin sa kaniya. Isa sa kaniyang mga nilikha ay ang Romulus at Remus, na kanyang isinulat upang ipahiwatig sa mambabasa ang kanyang nais at makapaghatid ng kaalaman. Nais niyang ipaalam sa mga mambabasa ang mga kasaysayan o nasimulan ng Roma.
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito. Ito ay mga kwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Ito ay tungkol din sa mga pinagmulan ng isang bagay o pangyayari. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kwentong-bayan.
Layunin ng may akda
Tema o Paksa ng Akda
Mga Tauhan
o Karakter
sa Akda
Romulus
- kakambal ni Remus - isa sa mga maalamat na tagapagtatag ng Rome
- isinamba bilang ang diyos na si Quirinus, ang
sagradong persona ng mga taong Romano

Remus
- isa rin sa mga maalamat na tagapagtatag ng Roma
- kakambal ni Romulus
- namatay dahil sa isang pagtatalo

Rhea Silva
- ina nina Romulus at Remus
Marte
- diyos na ama nila Romulus at Remus
Numitor
- lolo sa ina nila Romulus at Remus
- karapat-dapat na hari ng Alba Longa
- apo ng prinsipeng Troyanong si Aeneas
- ama ni Rhea Silva

Amulus
- kapatid na lalaki ni Numitor
Ovid
- nagpaimbento kay Romulus ng Kapistahan ng Lemuria
Tagpuan o Panahon
Noong kapanahunan ng Panghuling Republikano at maagang panahong Imperyal
Roma – lupang itinatag nina Romulus at Remus
Alba Longa – lupang pinaghaharian ni Numitor
Mga kaisipan/ Ideyang taglay ng akda
Ang ideyang taglay ng akda ay tungkol sa katotohanan sa buhay ng bawat tao. Bagaman ay ang ibang senaryo sa kuwento ay hindi kapakapaniwala, ang kabuuhan ng kuwento ay nagpapakita na kahit ano man ang ikait sa totoong nagmamay-ari ay hahanap at hahanap ng paraan ang tadhana upang mapunta ito sa tamang nag mamay-ari. Ito rin ay nagpapahiwatig at nagtataglay ng tiyak na paliwanag tungkol sa pinagmulan o kasaysayan ng lugar na nabanggit.
Istilo ng pagkakasulat ng akda
Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa mga kasaysayan na pinagmulan ng pagkakatuklas ng pangalang "Rome". Ang akda ay naaangkop sa pagbibigay kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Rome sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng kwento ng buhay nina Remus at Romulus.
Ninais ni Romulus na magtatag ng isang bagong lungsod sa Burol ng Palatino ngunit mas pinipili ni Remus ang Burol ng Aventino. Nagkasundo silang piliin ang lugar sa pamamagitan ng augurya, kung saan isang paring manghuhula o augur ang magpapasya. Tila si Romulus ang nakatanggap na mas mabiyayang mga tanda subalit ang bawat isa sa kambal ay nag-aangkin na ang mga resulta ay nasa kani-kaniyang pabor. Sa sumunod na mga pagtatalo, napatay si Remus. Pinaimbento ni Ovid kay Romulus ang kapistahan ng Lemuria upang payapain ang nagtatampong multo ni Remus. Pinangalanan ni Romulus ang bagong lungsod bilang Roma, na isang pagpapangalan magmula sa kanyang sariling pangalan. Nilikha ni Romulus ang Lehiyong Romano at ang Senadong Romano. Ang populasyon ng Roma ay pinakapal ng mga pumapasok dito, kabilang na ang mga nangangalong (repuhiyado o nangingibang bayan) na walang lupa at mga salarin, na karamihang mga lalaki. Pinaghandaan ni Romulus ang pang-aagaw ng mga babae magmula sa kanugnog na mga tribong Sabino, na kaagad na humantong sa digmaan subalit lumaong nagresulta sa pagsasanib ng mga Sabino at ng mga Romano bilang pinag-isang mga taong Romano. Mabilis na lumawak ang Roma bilang isang nangingibabaw na puwersa sa gitnang Italya, dahil sa banal na pagbibiyaya at kinasihan o inspiradong pamumunong pangpangangasiwa, pangmilitar, at pampolitika ni Romulus. Sa lumaong naging buhay ni Romulus, si Romulus ay naging mas awtokratiko, na nawawala dahil sa misteryosong mga pagkakataon, at sinamba bilang ang diyos na si Quirinus, ang sagradong persona ng mga taong Romano.
Full transcript