Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Benepisyo ng Teknolohiya sa mga estudyante

No description
by

Christian Ric Angelo

on 18 March 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Benepisyo ng Teknolohiya sa mga estudyante

“research may be defined as a purposive, systematic, and specific process of gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting and interpreting data for the solution of a problem.” (Calderon & Gonzales)
Teknolohiya gamit sa pagtuturo
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Disenyo ng Pananaliksik

Ang uri ng pananaliksik na ginamit ay isang deskriptib. Sa tulong ng teknolohiya, ang pag-aaral ay gumamit ng iba’t ibang basehan at hanguan tulad ng mga artikulo na makikita sa internet at upang mapagtibay ang pnanaliksik ukol sa Benepisyo ng makabagong teknolohiya sa mga estudyante.

Ang metodong ginamit ng pananaliksik ay sistematik kung saan may sunod-sunod na proseso na dapat gawin.

Intrumento ng Pananaliksik

Ang mga instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos at impormasyon ay nalathalang thesis at libro. Ginagamit ng mga mananaliksik ang mga nalathalang thesis bilang batayan sa pagbuo ng kanilang pananaliksik. Ang libro naman ay nakakatulong upang magbigay ng karagdagang kaalaman kaugnay sa aming pag-aaral. Sa Internet, ang pinakamabilis at pinakamalawak na hanguan ng impormasyon na makakatulong sa pananaliksik. Karamihan sa mga datos na nalakap ay nagmula sa Internet.



Mga Kaugnay Na Literatura

Ayon kay Henry Thoreau (d.1862) sinasabi niya na ang patuloy na paglawak ng teknolohiya ay walang katapusan.
Ayon kay D. Chandler (2000) ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa.
P21.25
Thursday, March 19, 2015
Vol XCIII, No. 311
Cavite State University-Main Campus
Panimula

Sa patuloy na paglaganap ng modernisasyon sa kasalukuyang panahon tayo ay dapat makasabay upang magamit ang teknolohiya sa pinakamataas na antas ng limitasyon nito . Isang halimbawa nito ay mga naganap sa ating kolehiyo . Isang ebidensya nito ang nangyari sa atin dito sa Cavite State University lalo na sa College of Engineering and Information Technology . Sa pananaliksik na ito aming ihahayag ang mga benepisyo ng modernong panahon sa pag-aaral ng mga estudyante ng Bachelor of Science in Computer Science sa kasalukuyan at sa panghinaharap .

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Benepisyo ng Teknolohiya sa mga estudyante
Paraan ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, mayroon ang mga mananaliksik na iba’t ibang hakbanging ginagawa sa pangangalap ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay binigyan ng karampatang panahon upang makakalap ng mga datos para sa aming pananaliksik at ito ay mula Enero hanggang Marso. Ang mga mananaliksik ay nagpupunta sa Silid-Aklatan upang makahanap ng ideya at mga impormasyon para sa kanilang pananaliksik. Ngunit dahil limitado lamang ang mga impormasyong aming nakukuha sa Silid-Aklatan para sa aming paksa, kame ay kumukuha ng mga karagdagang datos sa Internet. Mas maraming datos ang aming nakukuha sa Internet dahil nakapokus ang aming paksa sa “Benepisyo ng Makabagong Teknolohiya sa mga estudyante.”

Interpretasyon ng nakalap na datos

Ang mga nakalap na datos ay makakatulong sa pagiinterpreta ng impluwensya ng makabagong teknolohiya sa academic performance ng mag-aaral ng Cavite State University Main Campus. Layunin nito na malaman kung mayroon ba itong mabuti o masamang maidudulot sa antas ng pagkatuto ng mga magaaral at sa nakasanayang pamamaraan ng mga guro. Lahat ng interpretasyon na nakasaad ay ayon lamang sa mga nakalap na datos sa naganap na sarbey. Ayon sa mga nakalap na datos mula sa mga tagatugon, hindi gaanong nakaiimpluwensya ang makabagong teknolohiya sa academic performance ng mga mag-aaral. Sa katunayan, hindi ito nagiging hadlang upang magbalik-aral ang isang estudyante at gumawa ng mga asignatura sa bahay. Bagama’t minsan ay pinaglalaanan ng mga mag-aaral ng mahabang oras ang paggamit ng teknolohiya, sinisiguro ng mga tumugon sa sarbey na makakatapos sila ng mga kailangan gawin sa paaralan. Karamihan sa mga mag-aaral ay pinipili pa rin ang makabagong gadget sa pagtuturo.

Ayon kay S. Kumar, S. Raghav, (2007) Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang internet, moblie phones( para sa pakikipag text), at iba pang makabagong teknolohiya? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhay gamit ang makabagong teknolohiya. Ang bagong henerasyon ngayon ay gusto ng pagbabago, gaya ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay nila sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable na walang anumang iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang pagbabago ngayon ay ang makabagong teknolohiya.
Ayon kay M. Underwood (2009) Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay may pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan ang mga estudyante.
Ayon kay Henry Thoreau (d.1862) sinasabi niya na ang patuloy na paglawak ng teknolohiya ay walang katapusan.
Ayon kay D. Chandler (2000) ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipag komunikasyon sa kapwa.
Ang kabanatang ito ay napapalooban ng ilang patunay na mga salitang direktang sinabi ng isang tao o parte ng isang artikulo na nagmula sa mga literatura at pag-aaral upang mas lalo pang pagtibayin ang nilalaman ng pananaliksik. Ang mga ito ay kapwa banyaga at lokal na literatura at pag-aaral na maaari pang magpaliwanag ng posibleng mabubuti at masasamang impluwensya ng makabagong teknolohiya partikular na sa kompyuter sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng isang mag-aaral.
Paglalagom
Aming natuklasan na:
Sa kabuuan ng pag-aaral, ang mag-aaral sa kursong Computer Science buhat sa Cavite State University Main Campus na may gulang na nasa pagitan ng 15-20. Karamihan sa mga ito ay mga kababaihan na masasabi natin na nasa tamang uri ng pamumuhay. Sapat lamang ang kinikita nang kanilang mga magulang upang masuportahan ang kanilang pangangailangan pinansyal. At dahil sa may sapat na kita ang mga ito, nabibigyang pansin din nila ang mga luho ng kanilang mga anak gaya na nga lang sa pagbili nila ng gadget na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Ayon naman sa oras ng paggamit ng gadget, ang mga mag-aaral ay binibigyang importansya pa rin ang kanilang pag-aaral. Karamihan sa kanila ay nagbabalik-aral o kaya ay gumagawa ng asignatura kapag nasa bahay at hindi sila naglalaan nang malaking oras sa paggamit ng gadget.

Ang mga mag-aaral na gumagamit ng gadget sa oras nang klase ay kadalasan hindi nawawala ang konsentrasyon sa kanilang talakayan, pinapakita dito na ang mag-aaral sa kursong Computer Science ay may sapat na kakayahan na pagsabayin ang paggamit ng gadget at pag-aaral.

Mga Konklusyon

Ipinapakita sa nakalap na datos, ang mag-aaral sa kursong Computer Science buhat sa Cavite State University Main Campus na may gulang na nasa pagitan ng 15-21. Mula dito ay mahihinuha na ang nasa ganitong edad ay may kakayahan nang gumamit at bumili nang kanilang sariling gadget.

Ang kasarian ay isa sa mga salik na nagpapakita nang kakayahan at kaibahan ng bawat mag-aaral pagdating sa paggamit nila ng teknolohiya.

Base sa datos ay karamihan sa mga mag-aaral ay mayroon nang sariling gadget na siyang ginagamit nila sa pag-aaral.

Ang kinkita ng mga magulang ay isa din sa salik na maaaring makaimpluwensya sa pag-aaral.


Rekomendasyon

Upang maging maganda at epektibo ang isang pananaliksik, narito ang ilan sa mga mungkahing ideya:

1. Mahalagang isaalang-alang ng mga mag-aaral kung paano nila gagamitin ang kanilang gadget na hindi makakaapekto sa pag-aaral.

2. Mahalagang bigyang pansin ng mga mag-aaral ang kanilang academic performance kaysa sa paggamit ng gadget.


3. Ang mga guro ay marapat lamang na guamamit ng makabagong gadget sa pagtuturo upang mas maging interasado ang mga mag-aaral sa talakayan.

4. Marapat lamang na bigyang pansin ng mga magulang ang pangangailangan ng mga mag-aaral upang mas maging maganda ang kanilang academic performance sa paaralan.

Axl Angcanan
Jan Marieny Sango
John Patrick Carreon
Christopher Lawrence Ventura
Christian Ric A. Angelo
Pagpapahayag ng Suliranin
Matukoy ang epekto at bepisyo ng Modernong Teknolohiya sa mga estudyante.

Sa patuloy na paglago ng Teknolohiya ang mga pag-uugali ng tao ay nagbabago rin, dahil na rin sa pagiging modernisasyon nito, kung ikukumpara mo ito sa mga nakaraang taon o dekadang nakalipas ang pag uugali at benipisyo ng mga tao ay tilla napakalayo. Maraming paliwanag sa pagiging modernisasyon n gating teknolohiya.

Upang magkaroon ng katangap-tangap na paliwanag sa pagiging modernong teknolohiya ukol sa benipisyo nito, sinikap ng mananaliksik na gumagawa ng masusing pag-aaral na sasagot sa suliranin.


1. Ano-ano ang benepisyo ng Modernong Teknolohiya sa estudyante at guro.
2. Talaga bang nakakatulong ito sa mga estudyante at bakit?
3. Paano makakaapekto sa mga estudyante ang Modernong Teknolohiya? May katapusan kaya ang pagiging modernisado?

A. Mga Tiyak na Suliranin

Ang mga palagay na mabuo ng mananaliksik mula sa mga layunin ay ang mga sumusunod:
1. Napapabilis ang mga Gawain ng mga estudyante.
2. Nakakatulong ito sapagkat marami tayong mga bagay na magagawa sa mga Modernong Teknolohiya at magagawa ito sa mabilis at medaling paraan.
3. Nakakaapekto ito sa mga estudyante sapagkat, napapadali at napapabilis nito ang mga gawain ng mga estudyante. Hangga’t merong mga taong may pagnanasang mapataas ang Antas ng kakayahan at pamumuhay hindi matatapos ang modernisasyon.

B. Mga Haypotesis

Layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman at matukoy ang Benepisyo at epekto sa mga estudyante at guro ng CEIT CvSU Main Campus.
Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng benepisyo at epekto sa mga sumusunod na indibidwal at pangkat ng mga estudyante at guro:
Estudyante.
Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay benepisyo at epekto sa kadahilanang mapapabilis nito at mapapadali ang mga gawain ng mga estudyante sa pamamagitan ng Modernong Teknolohiya.
Propesor.
Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay benepisyo at epekto sa kadahilanang mapapabilis nito at mapapadali ang mga gawain at pagtuturo ng mga guro sa pamamagitan ng Modernong Teknolohiya.
Komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay benepisyo at epekto sa kadahilanang mapapabilis nito at mapapadali ang komunikasyon sa kanilang mga anak na pasok sa eskwelahan.

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Saklaw ng saliksik na ito ang mga benepisyo ng mga estudyante at guro sa mga modernong teknolohiya sa CEIT ng CvSU Main Campus. Sa pamamagitan nito, malalaman natin ang kahalagahan nito sa ating pang-araw araw. Nakapaloob din dito ang mga dapat nating matutunan sa mga modernong teknolohiya na meron ang itong paaralan. Samantala, bukod sa benepisyo at kahalagahan ng modernong teknolohiya sa mga estudyante. Hindi na sasaklawin pa ng pag-aaral ang iba pang mga sakop ng modernong teknolohiya.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Full transcript