Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kabihasnang Indus

No description
by

Christine Lopez

on 27 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabihasnang Indus

Kabihasnang Indus
Nagsimula sa rehiyong Timog Asya
Nakasentro sa mga lambak ng Indus River.
Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng Kabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro.

Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nag-aalaga
rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula rito. Mayroon din silang masistemang
pamantayan para sa mga timbang at sukat ng butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang mga gawain.
Ang Panahong Vedic
Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European.
Harappa
Matatagpuan sa kasalukuyang
Punjab na bahagi ng Pakistan.
May 350 milya ang layo nito
mula sa Mohenjo Daro pahilaga.
Mohenjo-Daro
Ang Mohenjo-Daro ay nasa katimugang bahagi ng Indus River.
Natuklasan ang dalawang lungsod na ito sa lambak Indus at tinatayang umusbong ito noong 2700 B.C.E.
Sinasabing ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
Planado at malalapad ang mga kalsada nito.
Ang mga gusali ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo.
Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system.
Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng
Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak, mga butil, turquoise, at ivory. Natagpuan din sa Sumer ang selyong Harappan na may
pictogram
na representasyon ng isang bagay sa anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang kilalanin ang mga paninda.Patunay lamang ang kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnan noon pa mang 2300 B.C.E. Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.
Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit. Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay. Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic.

Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit unti-unti rin
silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran.Hindi na pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema ng pagsulat.
Pagsapit ng 1100 B.C.E.,tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India.

Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang
caste
sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang
casta
na nangangahulugang
”lahi”
o
”angkan"
.
Full transcript