Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Panitikan sa Panahon ng Republika (1946-1971)

No description
by

John Michael Serenilla Rpt

on 29 April 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Panitikan sa Panahon ng Republika (1946-1971)

Masalimoot na pangyayari ang mga naganap sa panahong ito. Sa simula’y pagtatayong muli ng nawasak na moog. Ang mga nasalantang nilikha ng digmaan at ang alaala ng mga nasawing mahal sa buhay ay mga pangitaing nagpapabuntung-hininga. Ang mga kabiguan ng pangarap, ang kalupitan ng nagdaang sigwa, at iba pang masasaklap na karanasan, ang namalasak sa katha.
Kaligirang Pangkasaysayan
Tumatalakay sa masasamang karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Hapon
1. Tungkol sa kalupitan ng mga Hapones
2. Kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones
3. Kabayanihan ng mga gerilya
Kaligirang Pangkasaysayan
Natupad ang pangakong pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas noong 1945. At sa ika-apat ng Hulyo taong 1946 isinauli ng mga Amerikano ang kalayaan ng mga Pilipino. Sa mga panahong ito, naging balakid ng Pilipinas sa kaniyang pagsasarili ang Ekonomiyang naapektuhan ng digmaan.
John Michael C. Serenilla
Panitikan sa Panahon ng Republika (1946-1971)
At dahil sa kalayaang natamo, higit ding
sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa...
Naisulat ng panandalian lamang upang maihabol sa palimbagan at mabayaran agad.
KOMERSYAL
URI NG PANITIKAN
Pinag-isipang mabuti ang pagkasulat, maayos ang pagbabalangkas ng mga pangyayari.
PAMPANITIKAN
Nabuksang muli ang palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin tulad ng:
-Liwayway - Malaya
-Bulaklak - Tagumpay
-Ilang-ilang
-Sinag-tala
-Kayumanggi
Timpalak at Parangal Pampanitikan

- Don Carlos Palanca
- Gawad Balagtas
- Republic Cultural Award
- Surian ng Wikang Pambansa/ Talaang Ginto
Mga akdang namalasak sa
Panahon ng Republika
- Maikling Katha/
Maikling Kuwento
- Nobela
-Tula
-Dula
-Sanaysay
Ilan sa mga ito ay ang:
Ako’y Isang Tinig – mga tula at sanaysay ni Genoveva Edroza-Matute
Parnasong Tagalog – mga piling tulang Tagalog

Maikling Kuwento (Gawad Palanca)
Unang Gantimpala – “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute
Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na Kamay…Maamong Kamay” ni Pedro S. Dandan
Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan at Mga Bituin”




Dula
-“Hulyo 4, 1954 A.D.” ni Dionisio Salazar

NOBELA
-Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco
-Pagkamulat ni Magdalena nina Elpidio Kapulong at Alejandro G. Abadilla
-Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
-Tundo Man Ay May Langit Din ni Andres Cristobal-Cruz

TULA
- Ako Ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla

Maikling Kwento/ Maikling Katha
- binaybay ring maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Namayani ang maikling Katha o maikling kuwento dahil sa mga praktikal na kadahilanan.

Una, malaki ang pang-akit sa mambabasa upang bumili ng mga babasahing may ilang kuwentong tapos sapagkat hindi ito nagbibigay ng pangangailangang bumili ng susunod na labas ng magasin di tulad kung may nobelang dugtungang sinusubaybayan.
Ikalawa, sa mga taong abala, ang pagbabasa ay kailangang panandalian lamang- iyong maaaring isingit sa isang oras na pamamahinga pagkatapos ng tanghalian kung nag-uupisina o iyong matatapos basahin bago bumaba sa sinasakyang bus o dyip sa mga kalahating oras na paglalakbay patungo sa pook ng hanapbuhay. Bukod pa rito, naroon na ang kasiyahan sa pagtatapos ng kuwento, di tulad sa nobelang mabibitin pa sa pananabik ang bumasa at kahit paano'y iisip-isipin din niya kung ano kaya ang mangyayari sa mga tauhang kanyang sinusubaybayan.
Full transcript