Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga Ambag ng Sinaunang Kabihasnan at Imperyo

No description
by

Kaiser Rod De Guzman

on 23 September 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Ambag ng Sinaunang Kabihasnan at Imperyo

Kabihasnang Sumer
Ano ang kabutihang
maidudulot ng
pagkaunawa sa mga ito?
Bakit pa nga ba kailangang
malaman ang mga ito?

Salamin ng kahapong nagbibigay Direksyon sa Kasalukuyan.....
Mga Ambag ng Sinaunang Kabihasnan at Imperyo
Halina at ating tuklasin!
Simulan na natin ang paglalakbay!
Dama pa rin ba ang epekto ng mga ambag na ito sa ating pamumuhay ngayon?
Ilan ang mga katanungang iyan sa ating mga susubukang sagutin.

Mabuhay at maligayang pag-aaral!


Babalik na tayo sa nakaraan
sa tulong ng mapanuring isip!
Mga Ambag
Sistema ng Pagsusulat: CUNEIFORM
= Ito ang nagbigay daan upang ang kasaysayan mismo ay maitala at gawing organisado ang lipunan.
Kaalaman sa Matematika at Astronomiya
- Sistemang Decimal
Unang Batas
Larangang Pang-Agrikultura
Kalipunan ito ng mga batas na ipinatupad ni Haring Ur-Nammu.
- Araro at gulong
Arkitektura at Paggawa
- Nippur Map o unang mapa
Ito ang unang kabihasnang umusbong sa mundo.
Naging Kanlungan nito ang Mespotamia sa dalawang ilog na Tigris at Euphrates.
- Sexagesimal na Numeral System at paghahati ng bilog sa 360 degrees
- Kalendaryong Lunar
- Potter's wheel
- Mga "leevee" o dam
- Ziggurats o mga templo
- Paggamit ng Bronse
Mga Ambag
Imprastrakturang Kagila - gilalas
- Sistematikong Drainage at Mga Imburnal
Arkitektura
- Grid - patterned na mga lansangan
Pictograms
Ito ang sistema ng pagsulat ng mga Dravidian.

Ginamit ito sa pangangalakal at inilalagay sa mga selyo.
Kahusayan sa Matematika at Astronomiya
- Iisang sistema ng pagtimbang at pagsukat ng mga inhinyero
at mangangalakal.
Kabihasnang Indus
Naitatag naman ito halos kasabay ang Sumer at naging sakop nito ang hilagang- kanlurang bahagi ng Indian Subcontinent.

Kaunti pa lamang ang kaalaman dito sapagkat hindi pa rin naiintindihan ang paraan nila ng pagsulat.
- Diretsong mga kalsada na alinsunod sa Astronomiya
- Isa o higit pang palikuran
- Patag at pantay na mga bubong
Kabihasnang Shang
Ito naman ang unang kabihasnan na umusbong silangang Asya sa may Ilog ng Huang Ho.
Naging pasimula ito sa mga dinastiyang maghahari sa lupain ng Tsina.
Mga Ambag
Calligraphy
Metalurhiyang Bronse
Paglikha gamit ang Jade, Kaolin at Ivory
- Ito ay isang paraan ng sining at gayun din ay isang sistema ng pagsusulat.
- Nakikita sila sa mga oracle bones na mga buto ng mga hayop at naging susi para maunawaan ang kanilang kasysayan.
Kasabay nila ang mga Sumerian sa pagtuklas sa metal na ito.
Tatlong Unang mga Sibilisasyon
- Lahat sila ay lumago malapit sa mga ilog na nagbibigay ng matatabang lupang mainam para sa mga pananim
- Bago ang mga Imperyo, ang mga lungsod- estado o di kaya nama'y mga simpleng mga baryo ang naging lugar ng paglinang.
Mga Imperyo at Kaharian
- Malalawak na mga lupain na sa ilang pagkakataon ay sakop ang humigit sa isang bahagi ng mga kontinente.
- Iisan lamang ang namununo rito at ang kapangyarihan niya ay absolute. Magiging ganito ang patakaran sa maraming mga bansa hanggang sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Katalinuhan sa Matematika
- Simpleng aritmatika
Astronomiya
Sistema ng Pagsusulat
- Inako nila ang mga naging kontribusyon ng mga Sumerian.
Mga Ambag
Akkadian Empire
- ito ang unang imperyo na itinatag ni Sargon the Great. Sinamantala niya ang kahinaan ng mga lungsod- estado ng Sumer kaya madali niyang nasakop ang mga ito ngunit hindi ito nagtagal sapagkat mahina ang mga pumalit sa kanya.
Babylonian Empire
- Ito ay isang dating lungsod- estado na nagsimulang umakyat sa kapangyarihan sa pamumuno ni Hammurabi.
Pagpapanatili sa Kaayusan
Kodigo ni Hammurabi
- kalipunan ng mga batas na naging gabay ng nasasakupan ng haring nasabi para mamuhay ng matiwasay.
Sining
- Paggamit ng mga alahas na ginamitan ng bato
Astronomiya
Matematika
Mga Ambag
- Unang abacus
- Nagkaroon sila ng mga mahahalagang obserbasyon sa mga bagay sa kalawakan.
- Mayroon silang mga cylinder seals ng bull - headed hero na nagpapakita sa kanilang mayamang kultura at maitala ang mahahalagang impormasyon sa kalakal o mga kasunduan.
- Sa kanyang pagkamatay, agad na bumagsak ang kanyang imperyo at tuluyang napasailalim sa mga banyaga.
Kontratang Pangkalakal
- Sila ang nagpasimulang gumamit ng mga ganito para gawing pormal ang mga transaksyon.
- Babylonian Calendar
- Enuma Elish
Literaturang nagpaunlad sa panitikan.
- Mga Tides
- Ammisaduqa Tablet of Venus
- Cosmology
Pinalawak nila ito sa tulong ng kanilang teknolohiyang angat sa mga kapanahunan nila.
- Place value System
- Numerong Zero
- Nahanap nila ang Volume at Area ng mga bagay.
- Algebra
nalutas nila ang mga komplikadong problema rito.
Assyrian Empire
- Ito ang di hamak na pinakamabangis at marahas na mga namuno sa "fertile crescent" at Egypt.
- Ginamit nila ang pananakot sa mga nasasakop nila upang maiwasan ang mga rebelyon na siyang lamat ng isang imperyo.
Library
- Ipinatayo ito noong namuno si Ashurbanipal at naging kanlungan ito ng mga mahahalagang clay tablets na naglalaman ng impormasyon mula pa sa ibang rehiyon.
Aqueduct
- Nagpatayo naman nito ay si Sennacherib na naging masaya at mapagmalaki sa kanyang naipagawa.
- Pinanatili nitong dumadaloy ang tubig.
Nimrud Lens
- Kauna-unahang magnifying glass sa buong daigdig.
Locks and Keys
- Natuklasan sa isang palasyong Assyrian sa Khorsavad na malapit sa kapitolyong Nineveh.
Electric Battery
- Ginawa galing sa clay jar at tinatawag ding Baghdad battery.
Mga Ambag
Chaldean Empire
- Kilala rin bilang Neo- babylonian Empire sa kadahilanang ang mga pinuno nito ay ninuno ang mga naunang mamamayan ng dating imperyo.
Pitong - araw sa Isang Linggo
Binase nila ito sa mga diyos nilang nagrerepresenta sa bawat araw.
Hanging gardens of Babylon
Ipinagawa raw ito ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa na nangungulila sa kanyang pinagmulang bayan.
Zodiac Signs
Nakabase ang mga ito sa astronomiya at astrolohiya. Sa tulong ng mga tala at ibang mga bagay sa kalangitan ay nakagawa sila ng mga ganito.
Sundial
Ito ang nagsilbi nilang orasan na sumusunod sa mga aninong nabubuo sa sikat ng araw.
Mga Ambag
Persian Empire
- Nagsimula ito bilang isang dinastiya ngunit noong naging hari si Cyrus the Great ay nagsimula silang magpalawak ng kanilang Imperyo.
- Kilala ito bilang isa sa mga pinakamakatarungang lugar noong sinaunang panahon.
Mga Ambag
Cyrus Cylinder
Nakaukit rito ang mga naging laban ni Cyrus the Great at ang kanyang mga nagawa bilang hari.
Court Etiquette
Ito ay kailngang sundin palagi at malaki ang paggalang nila rito dahil pinasa - pasa mula sa maraming henerasyon ng mga hari.
Zoroastrianism
Naging opisyal na relihiyon ito ng imperyo at ging malaki ang impluwensya nito sa ideyang may dalawang naglalabang puwersa- ang kabutihan at kasamaan.
Postal System
Naging mahalaga ito sa imperyo sapagkat mabilis na naihahatid ang mga bagong balita samga dakong nasasakupan.
Ang Mga Kaharian
Hittite Kingdom
Sila ang unang gumamit ng bakal bilang pamalit sa bronse. Ang mga imperyong sumunod sa kanilang kaharian ay gumamit ng kanilang mga paraan sa paggamit ng metal na iyon.
Walang mangyayaring pagtaas ng antas kung nanatili itong sikreto.

Sila rin ang unang mga nagsulat ng mga "narrative" na ginamitan ng cuneiform at ang mga batas nila ay iba sa Babylon.
Kingdom of Israel
Sila naman ang nagdala ng monotheism na hindi pa gaanong laganap sa mga panahong iyon. Nagsilbi itong inspirasyon para umusbong ang mga pinakamalalaking relihiyon ngayon katulad ng Kristyanismo at Islam.
Lydian Kingdom
Kingdom of Phoenicia
Ang pinakamahalaga nilang ambag sa mundo ay ang ALPHABET na hinango ng mga Griyego. Ito ang Ina ng makabagong pagsusulat. Mas madali kasi ito kaysa Cuneiform at ang bawat letra ay sumisimbolo sa isang bigkas kaya tuloy mabilis na naisasalin ang mga librong naglalaman ng kaalaman.

Naging bantog sila sa kanilang purple dye at mga magagandang mga bangka o sasakyang pandagat.
Sila ang nagsimulang gumamit ng mga "coins" bilang gamit pangkalakal.
Kung hindi nila ito naimbento ay hanggang ngayon ay kalakalang barter pa rin ang posibleng paraan para makakuha ng kailangan.
Ngayong nakita na natin ang kanilang mga ambag.......
Tanong Blg. 1
I
mportanteng magkaroon tayo ng kaalaman ukol sa kanilang naging ambag lalo na tayong mga kabataan ng makabagong henerasyon sa kadahilanang hindi natin kailanman lubusang mapapasalamatan at mamamalayang tunay na tayo'y pinagpala. Sabi nga nila, ang walang respeto sa nakaraan ay babagsak sa pighati ng kalupaan.
Tanong Blg. 2
Higit na makakapulot tayo ng mga mabubuting aral mula sa kanilang mga pagpupunyagi na nagdulot ng pagkasilang sa mga kamangha - manghang mga likhang kayang tumagal sa mahabang panahon.
Tanong Blg. 3
Sa aking mga pagkatuto, lahat sila ay nagsilbing giya sa ating masulong na teknolohiya. Hindi man sila gaanong bantog ay bakas pa rin ang epekto nila. Marikit na halimbawa ang sistema ng pagsusulat at wika na siyang nalinang ng mga kabihasnan at imperyong ito. Hanggang sa kasalukuyan ay makikita mo ang pagkakatulad ng noon at ngayon.
Tanong Blg. 3
Tanong Blg. 1
Tanong Blg. 2
Koneksyon sa atin Ngayon
"Sumerians"
Cuneiform ang nagpakita sa atin na ang pagsusulat ay isang kalamangan at kapakinabangan sa pamumuhay natin sa isang daigdig na mapangahas kung hindi natin kayang umangkop.
Ang gulong naman at ang ilan pang mga imbensyong
pang-agrikultural at paggawa ang "nagtulak" sa mga
tao na lalong mapagyabong ang mga lupain at
lumahok sa mga makabuluhang abentura.
Ang una namang batas at kaalaman sa astrnomiya at
matematika ang kumalinga sa mga makakamtan ng
mga susunod na imperyo't kaharian.
Koneksyon sa atin Ngayon
"Dravidians"
Sila naman ang nagpamalas sa atin ng mga imprastrakturang maituturing pa ring mahusay kahit pa sa kasalukuyan.

Ang mga drainage system nila at pagsasaayos sa mga daanan ay magiging gabay sa mga susunod pang mga panahon. Pinatunayan nila sa atin na ang marunong ang siyang makakatamasa ng kaginhawaang handog ng kalikasan.
Koneksyon sa atin Ngayon
"Shang"
Ang sining nila at pagpapalawig sa paggamit ng bronse ang mga siyang
nagbigay ng oportunidad para lalo pang umunlad ang mga sibilisasyon. Kahit ngayon ay ginagamit pa rin ang mga pamamaraan nila sa Tsina at ilan pang dako ng mundo kung saan nakaimpluwensya sila.
Koneksyon sa ating Ngayon
"Akkadians"
Ang mga naging kontribusyon nila sa larangan ng Matematika at Astronomiya lalo na ang abacus na
naging mahalagang kagamitan upang madaling magsagawa ng mga transaksyon.

Pinakita nila sa atin na ang pagyakap sa mga nakasanayan ng mga nauna ay makakabuti kung susuriin nang masinsinan at lalapatan ng tamang pagbabago kung nararapat.
Koneksyon sa atin Ngayon
"Babylonians"
Hindi natin maikakaila na sila ay napakatalino dahil sa kanilang mga nakamit na mga kaalaman sa Matematika, Astronomiya, Sining at pati na rin sa sistemang pampolitika.

Ang mga ideya nila ukol sa mga galaw ng mga bagay sa kalangitan at paghanap ng mga sagot sa mga mahihirap na tanong sa Algebra at konsepto ng kawalan o zero ang nagpatuloy sa pag-angat natin sa mga ibang nilalang sa mundo. Sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin natin ang mga kaisipang ito di lamang sa eskwelahan kungdi sa kalakalan.

Ang Kodigo naman ni Hammurabi ang nagpakita sa atin na ang batas ay ginawa upang sundin at mahalaga upang mapabuti ang samahan ng bawat isa.
Koneksyon sa atin Ngayon
" Assyrians"
Bagama't kilala sila bilang malupit na mga manlulupig, marami silang naiambag na kayang malampasan ang pagsubok ng panahon.

Isama mo na diyan ang aqueduct na maihahalili sa mga dam natin ngayon. Ito ang pumuksa sa kakulangan sa tubig sa mga parteng walang natural na daloy.

Ang silid- aklatan naman na itinindig nila ang naging kanlungan ng impormasyon mula sa mga naunang imperyo't kabihasnan na nagmulat sa atin na 'di tayo uunlad kung hindi sila naitala.

Ang mga imbensyon naman nila sa larangan ng Agham katulad ng mga susi't kandado ay makikita mo sa ating lipunan ngayon at katibayan sila ng mataas na antas ng pamumuhay.
Koneksyon sa atin Ngayon
"Chaldeans"
Katulad lamang sila ng mga naunang mga Babylonians. Sila rin kasi ay matatalas ang utak at may angking galing sa Astronomiya at Matematika.

Ang pinakamaganda nilang naimbento sa aking pananaw ay ang sundial sapagkat nagawa na nilang makapagsabi ng oras ng may katumpakan sa pamamagitan ng pag-ayon sa galaw ng araw. Ngayon, hindi man tayo gumagamit ng ganoon, tayo pa rin at tumitingala sa langit at sa ilang pagkakataon ay nakakahinuha ng oras.

Di natin dapat kaligtaan ang hanging gardens na sa taglay na alindog ay halos alamat na. Ang mahusay na irigasyong nagagawang umimbulog ay sa aking paningin ay sinubukan na nating gawin. Ipinakita nila ang pambihirang lakas ng sining, arkitektura at siyensya.
Koneksyon sa atin Ngayon
"Persians"

Maganda raw ang buhay noon sa imperyong ito ayon sa mga dalubhasa sapagkat halos lahat ay nakakatamasa ng pantay na karapatan.

Higit pang na napabuti ang tingin ko sa kanila dahil sa kanilang mga ambag.

Ang Cyrus Cylinder na sinasabing unag writ of Human Rights ang pumapasok agad sa aking isipan. Sa ating sitwasyon ngayon, mayroon na din tayong ganito at mahigpit itong isinasaalang - alang.

Sumunod naman ang postal system, na makatuturan sa isang panahon na wala pang teknolohiya na magpapadali sa pagpasa ng mga impormasyon. Ito ay ligtas at mainam na gamitin noon.

Ang huli naman ay ang pagkawala ng slavery na isang malaking kasalanan sa relihiyon nila - ang Zoroastrianism. Halos namamatay na ito ngayon pero ang pagkabasag sa tradiyon ng pang-aalipin ay napakalaki nang ambag sa atin ngayon.

Full transcript