Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang Kasaysayan at Mitolohiya ng Imperyong Persiyano

Isang presentasyon ng ika-apat na pangkat para sa asignaturang Filipino.
by

John Christian Bolivar

on 27 September 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang Kasaysayan at Mitolohiya ng Imperyong Persiyano

Ang Kasaysayan at
Mitolohiya ng Imperyong Persiyano Ulat ng ika-apat na
pangkat sa asignaturang Filipino. Ang Kasaysayan ng
Imperyong Persiyano Ang Mitolohiya ng
Imperyong Persiyano Ang Unang Yugto
ng Aklat ng Shahnameh Si Zal Si Sohrab Si Rostam Nagkaroon ng asawa si Rostam na si "Tahmina".
Umalis si Rostam upang maglakbay kaya nag-iwan ng
isang porselas si Rostam sa kaniyang asawa upang
ibigay sa kanilang magiging anak.
Nanganak si Tahmina at pinangalanan niyang Sohrab ang
kanyang anak. Sinabi ni Tahmina sa kaniyang anak na ang kaniyang ama ay si Rostam
ngunit kailangan niya itong gawing sikreto upang hindi siya isama sa mga giyera.
Nalaman ng karamihan ang kahusayan ni Sohrab sa pakikidigma nang mabigyan siya
ng isang kabayo, kaya't isinama si Sohrab sa
giyera upang malimutan ang pagka-ulila sa kanyang ama.
Pinilit ni Sohrab si Rostam na wag siya lumaban pero naisip lamang
ni Rostam na niloloko lamang siya nito. Natalo si Sohrab
sa labanan at ipinakita kay Rostam
ang porselas at ikinuwento ang paghahanap
niya sa kaniyang nawawalang ama.
Nalungkot si Rostam nang malaman niya na ang
anak niya ang napatay niya.
Nagsisi siya sa kaniyang nagawa at binigyan ng
isang burol ang kaniyang anak. Napangasawa ni Zal si Rudabeh at ang asawa niya ay nabuntis.
Alam ng asawa niya na hindi niya kayang manganak.
Nang maalala ni Zal ang tungkol sa pluma ni Simorgh ay agad niya itong sinunog at lumitaw si Simorgh.
Si Simorgh ang nangasiwa sa pinaka-unang caesarean na klase ng panganganak.
Binigyan niya ng mga halamang gamot si Rudabeh upang mapabilis ang paghilom ng sugat.
Ipinanganak niya ang isang batang leon, si "Rostam".
Si Rostam ay isang sanggol, at dulot ng milagro, naging isang bata siya sa loob lamang ng limang araw.
Sa loob lamang ng ilang linggo ay naging ganap na binata sa pisikal na kaanyuan at pisikal na lakas.
Siya pa lamang ang bata na nakapatay sa isang puting elepante na hindi kayang pigilan ng kahit na sinuman.
Siya ay ipinadala sa Bundok na Puti upang mapaalis at magapi ang mga rebelde. Nagbalat-kayo siya bilang isang mangangalakal na nagbebenta ng asin.
Di nagtagal ay nagapi niyang lahat ang mga rebelde at hinirang na kampyon.
Bilang isang magiting na mandirigma ay kinakailangan niyang magkaroon ng kabayong pandigma.
Isa lamang ang nakapukaw ng kaniyang pansin, isang kasing tapang ng leon, kasing taas ng kamelyo, at kasing lakas ng elepante. Iyon ay si Rakhsh.
Muli siyang ipinadala sa isang misyon kung saan kailangan niyang iligtas ang haring si "Kay Kavus" mula sa mga demonyo.
Sa kaniyang paglalakbay ay dumaan siya sa pagsubok.
Ang pagsubok ay ang pagsasagupa ni Rakhsh at ng isang leon.
Natalo ito ni Rakhsh habang tulog at nagpapahinga si Rostam mula sa isang araw na walang tigil na paglalakbay.
Sa kanilang paglalakbay ay naligaw sila sa isang disyerto kung saan ay malapit na silang mamatay dahil sa uhaw.
Ngunit sa tulong ng isang tupa ay makainom sila ng tubig mula sa bukal at mapayapang nakaalis sa disyerto.
Habang natutulog si Rostam ay may lumitaw ang isang dragon.
Tuwing ihahampas ni Rakhsh ang kaniyang paa sa lupa ay mawawala ang dragon at magigising si Rostam.
Nangyari ito nang dalawa pang beses.
Sa wakas ay nakita ni Rostam ang dragon at inatake nila ito ni Rakhsh. Napugot niya ang ulo ng dragon. Ang koleksiyon ng mitolohiyang Persiyano ay matatagpuan sa
librong "Shahnameh" ng isang manunulat na nagngangalang "Ferdowsi".
Ito ay may impluwensiyang "Mazdaism" at "Zoroastrianism".
Nahahati sa dalawa ang mga tauhan sa mitolohiyang Persiyano,
ang kasamaan at kabutihan.
Si Ahura Mazda ang tagalikha ng daigdig.
Sinisimbolo ni Spenta Mainyu ang pagkalikha,
habang sinisimbolo ni
Angra Mainyu naman ang kadiliman,
delubyo, pagkabaog, at kamatayan. Ang Kabutihan at
Ang Kasamaan Sa mga epiko ng Imperyong Persiya, kilalang-kilala ang
bayaning nagngangalang "Rostam".
Si "Zahhak" na sumisimbolo sa despotismo
ay natalo ni "Kaveh" na isang panday.
Binabantayan si Zahhak ng dalawang ahas na
nanggagaling sa kanyang mga balikat.
Kahit ilang beses pugutan ang mga ahas, kusang tumutubo
ang mga ulo nito dahil ang ahas ay sumisimbolo rin sa kasamaan.
Ang mga ibon naman ay sumisimbolo sa swerte.
Sa mga ibon sa mitolohiyang Persiyano, kilalang-kilala sina
"Simorgh" at si "Homa", na malalaki at magagandang ibon. Ang mitolohiyang Persiyano ay kwento
ng mga lipunang Persyano.
Tulad sa mitolohiyang Griyego at iba pa,
ang sinaunang pananampalatayang
Indo-Europeo ang pinagmulan nito. Ang Imperyong Persiyano Ang Imperyong Persyano ay isang makasaysayang imperyo sa Asya.
Sakop ng imperyong ito ang lahat ng bahagi ng makabagong Iran, Turkiya, Iraq, Sirya, Israel, Hordan, Lebanon, Armenia, Heyorhiya, Aserbayan, Egipto, Apganistan, Uzbekistan, Turkmenistan, Pakistan, at ilang bahagi ng Rusya, Gresya, Ethiopia, India, at Saudi Arabia.
Ilan sa naging pinuno nito ay sina Ciro ang Dakila, Dario I, at Jerjes, ang tatlo sa pinakamahusay na hari ng imperyo.
Naging isang tahanan ng mga katangi-tanging sibilisasyon ang napakalawak na imperyong ito at tumagal hanggang sa pananakop ng Griyego-Masedonyang hari na si Alejandro ang Dakila. Ang mga katutubong 'Indo-Aryan' ang nanirahan sa lugar,
na ngayon ay bansang Iran noong 3000 BCE.
Sila ay nahahati sa dalawang nasyonalidad:
ang mga Persiyano at mga Mediyano.
Noong 625 BCE, nakapaggawa na ang huli ng isang imperyo na
pinakamalaki sa lahat ng kaharian ng kanyang panahon.
Bagaman nagsimulang itinatag ang Imperyong Akemenida sa pamumuno
ng haring si "Ciro ang Dakila", ang naturang pangalang
"Akemenida" ay nanggaling sa isang datu na pinangalanang si
"Akemenyo" na namuno sa mga katutubong Persiyano
noong 705 BCE hanggang 675 BCE.
Si Akemenyo ang itinuturing bilang ninuno ng
mga hari ng Imperyong Persiyano. Nagsimula nang itatag ni Ciro ang Dakila ang Imperyong Akemenida noong 550 BCE nang naghasik siya ng rebolusyon ng mga katutubong Persiyano laban sa Imperyong Mediyano dahil sa hindi maayos na pamamahala ng haring si Astyages sa kanila.
Nilupig ng una ang huli at sinakop ang imperyo, pero napagisipan naman ni Ciro na ang mga Persiyano at Mediyano ay iisang lahi, kaya pinag-isang lahi niya ang dalawang nasyonalidad sa pangalang "Persiyano".
Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, ang kaharian ng Neo-Babylonia sa pamumuno ng haring si Nabonido, kaalyado ng nawasak na imperyo, ay naghasik ng digmaan laban sa bagong imperyong itinatag ni Ciro, gayun rin ang ginawa ng kahariang Lydia sa pamumuno ng haring si Creso; subalit, walang makakatalo sa husay ng haring Persiyano sa digmaan, at napasali rin ang dalawang kaharian sa mga lupain ng Imperyong Persiyano.
Noong natapos nang sakupin ni Ciro ang mga kahariang ito, ang kanyang imperyo ay tinawag bilang pinakamalaki sa lahat ng kaharia't imperyo sa sinaunang mundo na nasasaksihan ng mundo. Ang Mitolohiya ng Persiya Ang Shahnameh Sa isang kaharian, ang si Haring "Sam" at ang kanyang reyna ay may anak na si "Zal". Si Zal ay ipinanganak na mayroong puting buhok kaya naisip ng kanyang ama na isang demonyo ang kanyang anak kaya inutusan ni Haring Sam na iwan ang kanyang anak sa ibaba ng Bundok Alborz na gawa sa dyamante.
Nakita ng isang magandang ibon na nagngangalang "Simorgh" ang bata at dinala ito sa tuktok ng bundok kung saan naroroon ang kanyang pugad. Inalagaan ni Simorgh si Zal hanggang sa lumaki itong malakas at gwapong lalaki.
Makalipas ang ilang taon, nanaginip si Haring Sam, nagsisi siya sa ginawa niya sa kanyang anak, at sumugod sa Bundok Alborz upang hanapin at humingi ng tawad sa kanyang anak. Ngunit nang makita niya ang kaniyang anak, naisip niya na maayos at mabuting pinalaki ng ibong si Simorgh ang kanyang anak kaya niyaya niya itong bumalik sa palasyo. Umaayaw si Zal sapagkat gusto niya manirahan sa Bundok Alborz kasama si Simorgh kaya nag bigay ng isang pluma si Simorgh kay Zal. Sinabihan ni Simorgh si Zal na sunugin ang pluma kung siya man ay nanganganib o nangangailangan ng tulong. Ang Shahnameh ay isang Persiyanong
epiko na isinulat at iginawa
ng makatang si Ferdowsi.
Ito rin ay kinikilalang nasyonal
na epiko ng Persia.
Full transcript