Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang pagsilang ng mga Imperyo sa India

No description
by

Russel Kurt

on 7 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang pagsilang ng mga Imperyo sa India


Ang Kabihasnan sa India

Ang pagsilang ng mga Imperyo sa India
Kaylanman ay hindi nagkaisa ang mga sinaunang estado sa india. Mula sa serye ng pagsasakupan ng malayang estado, isang estado ang nagtagumpay na nakasakop sa kanyang mga karatig-estado. Dahil dito, nabuo at sinilang sa kasaysayan ng india ang imperyo.
Pananakop ng mga Persian
Panahon pa lamang ni Cyrus na Dakila ng Persia, tinangka na ng mga Persian na sakupin ang Hilagang India.

Nagtagumpay lamang ito sa panahon ng pamumuno ni Darius l sa Imperyong Persiano nang masakop nito ang Magadha. Napasailalim ito sa kapangyarihan ng mga Persiano sa halos 200 taon.

Dahil sa sentralisadong pamamahala na ipinatupad ng imperyo, nagging sentro ng kultura, ekonomiya, pulitika at edukasyon ang Persia ng lahat ng mga lupainng nasakop nito kabilang ang Magadha.
PANANAKOD NI ALEXANDER, ANG DAKILA
Nagwakas ang paghahari ng Persia sa India nang sakupin ito ni Alexander. Ilang serye ng digmaan ang nilabanan ni Alexander sa mga Persiano na lahat ay kanyang napagtagumpayan. Napakalawak ng sankop na lupain ng kanyang imperyo na halos kalahati ng mundo.



Nang mapabagsak niya ang imperyong Persiano, sumunod ang India na kanyang sinakop. Hindi na ipinagpatuloy ni Alexander ang pananakop nang makuha niya ang Ilog Indus dahil sa pagtanggi at pagbabantang paghihimagsik ng kanyang mga kawal kapag ipinagpatuloy nila ang pananakop.



Sa kanilang pagbabalik, nagging biglaan ang pagkamatay ni Alexander dahil sa labis na pagkahapo at sakit.
PAGLAKAS NG KAHARIAN NG MAGADHA
Ang kaharian ng Magadha ang pinakamayaman at pinakamalakas na kaharian sa maraming kahariang itinatag sa Ilog Ganges. Mayaman sa yamang likas ang kaharian kung kaya umunlad ang kalakalan dito.


Ang paglakas ng Magadha ay dahil sa kanilang mabuting pinuno na binibigyang halaga ang kapayapaan – si Haring Bimbisara. Nagawa niyang palakasin at palawakin ang mga lupaing sakop sa Magadha sa pamamagitan ng pagpapakasal at minsang pakikidigma. Nagging epektibo sa pakikipag-ugnayan ng bawat ang ipinagawa niyang mga kalsada.


Nang mamatay si Haring Bimbisara, ipinagpatuloy ng sumusunod na mga hari ang pagpapalaks at pagpapalawak sa imperyo. Nagawa nilang sakupin ang buong kapatagang Ganges at Hilagang India kabilang ang Punjab. Dahil ditto, sumilang ang magha bilang pinakamalakas at pinakamalawak na kaharian sa India nh mga panahong iyon.

PAGSIBOL NG IMPERYONG MAURYAN
Nang mamatay si Alexander, nagging hari ng Magadha si Chandragupta Maurya. Ang kaguluhan sa bahaging hilagang India at lupaing nasa hilagang silangan (Labas ng India na Afganistan ngayon).



Isang sentralisadong pamamahala ang ipinatupad Imperyong mauryan. Nahahati ang mga lupaing sakop ng imperyo sa iba’t-iabng distrito na ang pinanggagalingan ng lahat ng kapangyarihan ay ang emperador. Upang maiwsan ang paghihimagsik at masiguro ang pagiging tapat ng kanyang mga opisyal, nagtalaga si Chandragupta ng mga espiya. Nagging epektibo ang mga pinagawa niyang kalasada at patubig para sa kalakalan at pagsasaka. Isinasaalang-alang niya ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan, malupit namn ang kanyang pamumuno.



Nang mamatay si Chandragupta, humalili sa kanya ang apong si Asoka. Itinuturing si Asoka na pinakadakilang pinuno ng Mauryan. Nagawa niyang sakupin ang buong India maliban sa bahaging timog na nagging sanhi ng kamatayan ng maraming mamamayan. Ang pangyayaring ito ang nagpabago sa pananaw ni Asoka sa pamamahala. Pinili niya ang maging Budista, na nagpapahalaga sa isang buhay at kapayapaan. Itinaguyod niya ang Ahimsasa pamamagitan ng hindi paggamit dahas at pakikidigma. Maituturing siyang isang mabait at makataong pinuno batay sa paraan ng pamumuno at sa mga basta na ipinapatutupad nito sa kanyang nasasakupan.


Pinalaganap ni Asoka ang kanyang relihiyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga templong Budista at pagpapadala ng mga misyonero sa iba’t-ibang Asyano. Pinakamahalaga sa kanya ang kapakanan ng kanyang mga mamamayan. Nagpahukay siya ng mga balon para sa uplay ng mga tubg, ngapatanim ng mga puno sa daang upang magsilbing lilim, nagbigay ng tulong pangkalusugan at mga halamang mapapakikinabangan at nagtayo ng bahay-pahingahan para sa mga manlalakbay. Hinkayat niya ang kanyang mga mamamayan na magpakabuti, maging maalalahanin, mapagbigay, mapagkakanggawa at igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay.


Naging hudyat ng pagkakawatak-watak ng malaking imperyo ang kamatayn ni Asoka. Mga mahihinang hari ang sumusunod sa kanya. Nagging sunod-sunod ang pananakop ng mga dayuhan sa imperyo. Bunga nito, sumulpot sa Hilaga at Gitnang India ang maliliit nakaharian at estado.

PAGAKAKAHATI-HATI NG IMPERYO
ANG PAGIGING SENTRO NG KALAKALAN NG INDIA
Tinatayang ikaunang siglo CE, sinakop ng mga tribong nomakidong Hushwa ang Kushan na nasa Hilagang Kanlurang India. Mula sa Gitnang Asya ang tribong ito.



Nagging pinakamakapangyarihang hari ng Kushan si Kanishka na nagpalawak ng teritoryo hanggang sa hangganan ng Imperyong Tsino. Bumabagtas ito sa Gitnang Asya na sumakop sa ilang mahahalagang daang pangkalakalan maging ang Silk Road.



Dahil ditto, naging sentro ng kalakalan ng silangan at kanluran ang india sa mga panahong iyon. Itinaguyod rin niya ang pagkakaroon ng bagong anyo ng Budismo-ang Mahayana Buddhism.

ANG PAGSIBOL NG IMPERYONG GUPTA

Nagkawatak-watak ang Hilagang India sa maliit na estado na tumagal ng halos isangdaang (100) taon nang bumagsak ang mga kushan. Isang bagong dinastiya ang nagging makapangyarihan sa pagsapit ng siglo AD-ang Imperyonh Gupta.

Si Haring Chandragupta ll ang itinuturing na pinakadakilang pinuno ng Imperyong Gupta. Nagawa niyang pag-isahin ang buong halagang India.
ANG GINITUANG PANAHONG NG INDIA
Maituturing na “ginituang panahon” ng India ang pamumuno ng Imperyong Gupta na tumagal ng 200 taon. Umunlad at yumaman ang kultura, ekonomiya, pulitika, agham, teknolohiya, medisina, matematika, sining at panitikan. Nagging sentro ng maningning na kultura ang India.

Ang Gupta ang huling imperyong Hindu na namayani sa India. Pinahalagahan nila ang pagpapalaganag ng Hinduismo. Malaki ang nagging implikasyon ng Hinduismo sa buhay ng mga Hindu ang Panchatantra na na kalipunan ng mga kwentong Indian. Karamihan sa mga nilalaman nito ay mga hayop bilang mga pangunahing tauhan. Sa panahon ding ito , sinimulan ang paggamit ng algebra, decimal system, pi at zero. Namaituturin na pinakamahalaga sa larangan ng matematika.


Bahagya humina ang impluwensya ng Budismo dahil sa pagtataguyod ng Gupta sa Hinduismo, nagpatuloy parin ang pagpapalaganap dito. Nagging paaralang Budista ang mga monastery. Ang malaking aklatan nito ay dinayo ng mga Budistang intelektwal mula sa ibang bansa.


Katulad din ng mga naunang imperyo at kaharian, hindi rin nakaiwas ang imperyong Gupta sa pananakop ng taga Gitnang Asya. Humina at tulungang bumagsak ang imperyo na nagresulta sa muling paghahati ng Hilagang India sa iba’t-ibang kaharian at estado. Nasaksihan na kasi ang ganitong pangyayari na tumagal na mahabang panahon. Ang mahinang pamamahala sa mga ito ang nagbigay daan sa matagumpay na pananakop ng mga Muslim noong ika-11 hanngang ika-15 siglo.

MGA MUSLIM NA MANANAKOP
Ang lambak Indus sa India ang unang sinalakay ng mga muslim na udlot ang pananakop nito dahil sa pakikipaglaban sa mga hindung Rajput. Napigil naman ang panankop nito, nakontrol pa rin ng mga Muslim ang mga lupaing nasa pagitan ng lambak Indus at Hilagang Kanluran.

Unang panankop ng mga Muslim
Matagumpay na nasakop ng ikalawang pangkat ng mga Muslim ang Hilaga. Sila ay mula sa kahariang Turkong Ghanzi. Nasakop din nila ang Punjab ang pagnanais ng kanilang Hari si Mahmud namapalawak ang teritoryo ng kanyang kaharian ay nagdulot ng kamatayn ng mga maraming Hindu at Budistang Monghe at Pari.

IKALAWANG PANANAKOP NG MGA MUSLIM
Isa pang pangkat ng mananakop na Muslim ang pinamunuan ni Muhammad Ghori matagumpay nilang nasakop ang India kabilang ang Deccan humalili kay Muhammad Ghori ang mga heneral na namuno sa mga lalawigan.


Aybek-isang heneral mula sa pinlayang alipin ang nag-udyok sa kanya upang ipahayag ang kanyang nasasakupanbilang isang hiwalay na kaharianng Islamik. Tinawag itong Sultanato Delhi na binansagang “ dinatiyang alipin” dahil sa pinamulan ang pagtatag nito.


Namuno ang mga Muslim bilang mga sultanng India sa mahigit na 300 taon nagmula ang kanilang kapangyarihan at tungkulin sa Caliph ng Baghdad. Gayunpaman, ang pagakakaroon ng suliraning panloob at palabas ang nagpahina at nagpabagsak sa mga sultanato. Samantala, ang pananakop ng mga mongol ang tinuturing ang kadahilang panlabas ng pagbagsak nang tuluyan sa sultanato.


PAGSILANG NG MGA SULTANONG DELHI
1. Ito ang pinakamayaman at pinakamalakas na kaharian sa maraming kahariang itinatag sa Ilog Ganges.

2.Sino ang dakilang Hari ng Persia.

3.Sino ang dakilang lumaban at tumalo sa Persia.

4.Sino ang humalili kay Alexander nang namatay ito.

5.Sino ang apong humalili kay Chandragupta.

6.Ano ang tawag sa pinakamahalagang ruta o daan ng mga mangangalakal.

7-10. Magbigay ng ambag ng mga Gupta sa panahon ng " Ginintuang Panahaon"

Magikling Pagsususlit
1. Magadha
2. Cyrus ang Dakila/Haring Cyrus/Cyrus
3. Alexander ang Dakila/ Alexander
4. Chandragupta
5. Asoka
6. Silk Road
7-10. Algebra, Decimal point system, pi, at Zero

Magbaliktanaw sa mga Tinalakay (5 minuto)
Maghanda ng 1/4 na papel at panulat
Full transcript