Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

HINILAWOD

No description
by

on 20 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of HINILAWOD

Mula sa bibig ng Ilog ng Halawod
Mga Tauhan
Datu Paubari
Mabuting pinuno ng Halawod
Kabiyak ni Alunsina
Ama ng tatlong prinsipe
Alunsina
Ang bathalang babaing napangasawa ni Datu Paubari
Ina ng tatlong prinsipe
Lubos na mahal ang kanyang pamilya at handang magsakripisyo
Labaw Donggon, Humadapnon at Dumalapdap
Ang tatlong anak na prinsipe ng mag-asawang Paubari at Alunsina.
Haharap sa iba't ibang pakikipagsapalaran.
Haring Kaptan
Ang hari ng mga bathala
Ang nagnanais na magpakasal na si Alunsina
Iba Pang Mga Tauhan
Suklang Malayon
ang kapatid ni Alunsina na tumulong sa kanilang mag-asawa.
Uyutang
Isang halimaw na nakatunggali ng isa sa mga prinsipe.
Manalintad
Ang halimaw ng Handug na ginapi ni Labaw Donggon bilang kapalit ng pagpapakasal kay Angoy Gibintinan na anak ng pinuno ng Handug.
BUOD NG EPIKO
Nagsimula ang kuwento sa dalagang si Alunsina. Isa siyang maganda, makapangyarihan at mabuting dalaga. Nangyaring nasa tamang edad na si Alunsina para magpakasal.
Maraming sumubok makuha ang kamay niya ngunit pinili ni Alunsina na magpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang datu ng Halawod. Hinarap ni Datu Paubari ang maraming mahuhusay na mandirigma upang makuha ang kamay ng kanyang minamahal.
Ang mga nagalit na makapangyarihang nilalang ay nagpasya na wasakin ang pagmamahalan nila Alunsina at Paubari sa pamamagitan ng isang malaking baha.
Sa tulong ni Suklang Malayon, ang dalawa ay nagpasamantala muna sa mas mataas na lugar. Pagkatapos ng pagbaha, sila ay nanirahan malapit sa bibig ng Ilog ng Halawod.

Hindi nagtagal si Alunsina ay nagkaroon ng tatlong sanggol --- tatlong prinsipe. Ang tatlong sanggol ay naging malulusog, magigiting at matatapang na mandirigma.
Si Labaw Donggon, ang pinakamatanda sa tatlo. Siya ang unang naglakbay sa magkakapatid. Sa Handug, ginamit niya ang kanyang katapangan at kakayanan upang talunin ang halimaw na si Manalintad. Sa isa sa mga paglalakbay niya ay nahuli siya at binihag nang matagal.
Si Humadapnon ang pangalawang anak. Siya naman ay naglakbay patungong Tulogmatian kung saan nakulong si Labaw Donggon. Minsan sa kanyang paglalakbay, nalinlang siya ng ilang kalaban. Salamat sa tulong ni Buyong Matanayon, isang mabuting kaibigan, nagbalik sa tamang pag-iisip si Humadapnon. Gamit ang katalinuhan, tuluyan niyang tinalo ang mga kalaban. Sa mga sumunod niyang lakbayin ay hindi na siya nalinlang pa.
Si Dumalapdap ang pinakabata sa tatlong prinsipe. Siya ay tumungo sa Tarambaun-ka-banwa at doon hinarap ang iba pang mga halimaw tulad ng isang malaking paniki. Kinalaban niya si Uyutang, isang halimaw na may dalawang ulo. Tagumpay siya sa kanyang mga misyon dahil hindi siya sumuko sa mga hamon.
Tuwang-tuwa si Datu Paubari sa pagbalik ng matatagumpay niyang mga anak. Pagkatapos ng kasiyahan, tumungo si Labaw Donggon sa hilaga, si Humadapnon naman ay tumungo sa timog, at si Dumalapdap ay tumungo sa kanluran habang si Datu Paubari ay nanatili sa silangan.
WAKAS...
Full transcript