Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Suklang Malayon
Uyutang
Manalintad
Si Labaw Donggon, ang pinakamatanda sa tatlo. Siya ang unang naglakbay sa magkakapatid. Sa Handug, ginamit niya ang kanyang katapangan at kakayanan upang talunin ang halimaw na si Manalintad. Sa isa sa mga paglalakbay niya ay nahuli siya at binihag nang matagal.
Si Humadapnon ang pangalawang anak. Siya naman ay naglakbay patungong Tulogmatian kung saan nakulong si Labaw Donggon. Minsan sa kanyang paglalakbay, nalinlang siya ng ilang kalaban. Salamat sa tulong ni Buyong Matanayon, isang mabuting kaibigan, nagbalik sa tamang pag-iisip si Humadapnon. Gamit ang katalinuhan, tuluyan niyang tinalo ang mga kalaban. Sa mga sumunod niyang lakbayin ay hindi na siya nalinlang pa.
Si Dumalapdap ang pinakabata sa tatlong prinsipe. Siya ay tumungo sa Tarambaun-ka-banwa at doon hinarap ang iba pang mga halimaw tulad ng isang malaking paniki. Kinalaban niya si Uyutang, isang halimaw na may dalawang ulo. Tagumpay siya sa kanyang mga misyon dahil hindi siya sumuko sa mga hamon.
Tuwang-tuwa si Datu Paubari sa pagbalik ng matatagumpay niyang mga anak. Pagkatapos ng kasiyahan, tumungo si Labaw Donggon sa hilaga, si Humadapnon naman ay tumungo sa timog, at si Dumalapdap ay tumungo sa kanluran habang si Datu Paubari ay nanatili sa silangan.
Hindi nagtagal si Alunsina ay nagkaroon ng tatlong sanggol --- tatlong prinsipe. Ang tatlong sanggol ay naging malulusog, magigiting at matatapang na mandirigma.
Sa tulong ni Suklang Malayon, ang dalawa ay nagpasamantala muna sa mas mataas na lugar. Pagkatapos ng pagbaha, sila ay nanirahan malapit sa bibig ng Ilog ng Halawod.
Ang mga nagalit na makapangyarihang nilalang ay nagpasya na wasakin ang pagmamahalan nila Alunsina at Paubari sa pamamagitan ng isang malaking baha.
Maraming sumubok makuha ang kamay niya ngunit pinili ni Alunsina na magpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang datu ng Halawod. Hinarap ni Datu Paubari ang maraming mahuhusay na mandirigma upang makuha ang kamay ng kanyang minamahal.
Nagsimula ang kuwento sa dalagang si Alunsina. Isa siyang maganda, makapangyarihan at mabuting dalaga. Nangyaring nasa tamang edad na si Alunsina para magpakasal.