Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

MGA KULTURA AT TRADITION NG MGA PILIPINO

No description
by

Bee Huang

on 4 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MGA KULTURA AT TRADITION NG MGA PILIPINO

MGA KULTURA AT TRADISYON NG MGA PILIPINO
Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.
PAGMAMANO
Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng isang komunidad para sa isang layunin.
BAYANIHAN
Ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan. Ang panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga turista taun-taon.
PAGDIRIWANG NG PISTA
Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.
BAGONG TAON
Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan.
SIMBANG GABI
Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan.

FLORES DE MAYO
Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.


PO AT OPO
Ang Baro't Saya ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng manipis at binurdahang pang-itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan.
BARONG AT SAYA
Ang Cariñosa (o Karinyosa) ay isang magiliw na sayaw ng magkaparehang babae at lalake na animo'y nasa aktong nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang Tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.
CARIÑOSA
Ang Araw ng mga Kaluluwa, o All Souls' Day sa Ingles, ay ang pag-alaala sa mga mananampalayatang sumakabilangbuhay. Ang pagdiriwang ng mga Romano Katoliko ay nakabatay sa doktrina na ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya sa kanilang kamatayan ay hindi pa nalilinis sa mga kasalanang mortal.
ARAW NG PATAY/UNDAS
Full transcript