Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Buod ng Noli Me Tangere

No description
by

christian andrew bacarro

on 12 March 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Buod ng Noli Me Tangere

Buod ng Noli Me Tangere
Pagkalipas ng pitong taon ay bumalik si Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Nagdaos ng isang piging si Kapitan Tiyago sa kanyang tahanan bilang handog sa pagdating ng binata na siyang kasintahan ng kanyang anak na si Maria Clara. Habang idinaraos ang pagsasalo ay hinamak siya ng dating kura ng San Diego na si Padre Damaso. Kahit na siya ay nakaranas ng panghahamak, naging magalang pa rin ang binata. Maaga itong umalis sa piging dahil may mahalaga pa umano itong aasikasuhin.
Pabalik na sa tinutuluyan sa Binundok si Ibarra nang magkausap sila ni Tinyente Guevarra. Dito niya nalaman ang sinapit ng kanyang ama na si Don Rafael Ibarra, ang pinakamayaman sa San Diego. Dahil nakaaway nito si Padre Damaso, ibinintang sa kanya ang pagkamatay ng isang kubrador na Kastila. Unti-unting nadagdagan ang mga paratang kay Don Rafael at ang pinakamabigat sa lahat ay ang paratang na siya ay isang erehe at pilibustero. Nang malapit nang mapatunayang walang sala ang nasasakdal, nagkasakit at namatay ito sa loob ng bilangguan.
Kinabukasan ay dinalaw ni Crisostomo ang kasintahan. Sa kanilang pag-uusap ay bumalik sa kanilang alala ang kamusmusan. Binasa rin ni Maria Clara ang liham ni Ibarra sa kanya bago sila nagkahiwalay. Hindi rin nagtagal si Ibarra sapagkat may mahalaga pa siyang pupuntahan. Pinuntahan ng binata ang puntod ng kanyang ama, ngunit wala na siyang natunghayan sa kanyang pagdating. Ipinagtanung niya ito sa isang supultorero at ayon sa kanya, ipinahukay ni Padre Damaso ang bangkay ni Don Rafael at ipinalilipat ito sa libingan ng mga Intsik ngunit dahil malakas ang ulan noon, itinapon na lamang ng tagapaglibing ang bangkay sa ilog. Hindi gumanti sa pari si Ibarra, bagkus ay itinuloy niya ang panukalang makapagtayo ng paaralan.
Sa araw ng pagbabasbas ng gusaling paaralan ay iniligtas ni Elias si Ibarra sa tiyak na kapahamakan. Ang unang bato ay bumagsak, hindi kay Ibarra kundi sa taong binayaran ng mga lihim niyang kaaway. Nagdaos ng pagdiriwang si Ibarra matapos ang pagbabasbas ng unang bato. Siya at ang ala-ala ng kanyang ama ay hinamak ni Padre Damaso. Hindi na napigilan ni ibarra ang sarili at tinangkang saksakin ang pari. Ngunit hindi ito natuloy dahil pinigil siya ni Maria Clara. Sinamantala ni Padre Damaso ang pagpataw ng simbahan kay Ibarra ng pagiging excumulgado. Hiniling nito kay Kapitan Tiyago na huwag na ipakasal si Maria Clara sa binata. Isang binatang kastila ang nais ni Padre Damaso na maging nobyo at asawa nito. Ito ay si Alfonso Linares na noo'y kararating pa lamang sa Pilipinas. Pinatawad si Ibarra ng Arsobispo dahil na rin sa tulong ng Kapitan Heneral.
Biglang sumalakay sa kwartel ni Ibarra ang taumbayan at si Ibarra ang pinagbintangang namumuno sa paghihimagsik ng mga tao, kaya't siya ay hinuli at binilanggo. Nagkaroon ng piging sa bahay ni Kapitan Tiyago, ito ay upang ipaalam ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares. Nang mga oras na iyon nakatakas si Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias. Bago tuluyang makatakas si Ibarra ay kinausap niya si Maria Clara. Dito inamin ng dalaga ang kanyang pagkapahamak ay dahil sa sulat ng katipang ibinigay niya kay Padre Salvi, kapalit ng dalawang sulat ng kanyang ina na nakuha ng kura sa kumbento, na sinasabi na ang ama niyang tunay ay si Padre Damaso. Sinabi rin ng dalaga na siya ay pakakasal kay Linares ngunit ang pag-ibig niya kay Ibarra ay hindi mawawala sa kanyang puso kailanman.
At naghiwalay ng landas ang dating magkasintahan. Tumakas si Ibarra, sakay ng isang bangka na tinatapakan ng damo ni Elias. Binagtas nila ang Ilog Pasig. Inabutan sila ng mga gwardiya sibil sa lawa ng Bai. Tumalon si Elias sa lawa upang mailigaw ang mga humahabol. Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon, pinagbabaril si Elias ng mga humahabol at tumutugis sa kanila. Kumalat ang balitang namatay si Ibarra, kaya't nawalan ng pag-asa si Maria Clara. Pinili na lang ng dalaga magmongha kaysa pakasal kay Linares. Nakiusap siya kay Padre Damaso na ipasok sa kumbento. Tumutol ang kura ngunit tahasang pinapili ng dalaga ang pari: ang kumbento o ang kamatayan nito. Walang katotohanan ang balitang nakarating kay Maria Clara na patay na si Ibarra sapagkat ang tinamaan ng bala ng gwardiya sibil ay si Elias.
IPAPASA KAY : Ginoong Rogelio Gavina II
IPAPASA NI : James Dio Gutierez
Full transcript