Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

ISANG PAG-AARAL HINGGIL SA PREPERENSYA SA PAGPILI NG MUSIKA

No description
by

Nico Paolo Ebora

on 4 March 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ISANG PAG-AARAL HINGGIL SA PREPERENSYA SA PAGPILI NG MUSIKA

ISANG PAG-AARAL HINGGIL SA PREPERENSYA SA PAGPILI NG MUSIKA NG MGA MAG-AARAL SA SEKONDARYA NG PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT
KALIGIRAN NITO
INTRODUKSYON


Ang malaking bahagi ng ating musika ay bunga ng impluwensiya ng ating mga katutubo at mga mananakop na Kastila at Amerikano. Mula noon ay patuloy nang umunlad ang ating pagtingin sa larangang ito kasabay ang pagbabagong dulot ng pamamaraang likas sa kakayahan ng mga Pilipino. Bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ang musika at asahan na patuloy ang pag-usbong nito sa pagdaan ng panahon.



Ang sinaunang musika sa kabuuan ay sinasabing may katangiang nagpapahiwatig ng mga saloobin, pangarap, kahilingan, at gunita ng mga katutubo. Mahalaga na maintindihan na ang komunikasyon ay hindi lamang nangyayari sa ordinaryong usapan kung hindi maaaring idaan sa pagkanta. Ang musika sa panahong ito ay may impluwensiya ng tradisyong Islam. Mababanaagan ang bakas ng tribal music sa Mindoro sa pangunguna ng mga Mangyan.
Ang musika ay pinaniniwalaan na pinakaepektibong paraan upang makuha ang damdamin at isipan ng tao sa pag-unawa ng maka-Kristiyanong paniniwala at kaugalian, kasama ang paniniwala sa labas ng simbahang Katolika.
Sinasabing ang unang foreign influence na natangap ng mga Pilipino mula sa mga Kastila ay ang ‘Awit’ at ‘Corrido’. Isa itong musical show ng sayaw at pag awit, tungkol sa isang epiko. Ito ay nangyari ng mabinyagan ang mga Pilipino para maging Kristiyano. Ito ay naisalin din sa iba pang mga dayalektong Pilipino, tulad ng Pampango, Ilokano, Ilongo, Tagalog, at Bikolano.


Sa paglipas ng panahon ay mas lalo pang naimpluwensyahan ng musika mula sa ibang bansa ang ating sariling musika. May mga kanta mula sa isang bansa ang naging popular sa Pilipinas na mas ginagamit at pinapakinggan ng mga Pilipino.Sa kasalukuyan, ay mas makikita natin na ang mga kabataan ay mas nahihilig sa musikang banyaga at kadalasan ay mas pinipili nila ito kaysa sa mga OPM.
Mahalaga ang pagsasaliksik na gagawin sa pag-aaral na ito dahil ito ay makakatululong upang malaman ang mga uri ng kanta na nais pakinggan ng mga estudyante. Sa pag aaral na ito ay mas mauunawaan natin ang iba’t ibang salik na nakakaapekto sa kanila sa pakikinig ng mga kanta. Malalaman din natin kung anu-ano ang tingin o persepyon ng mga estudyante sa mga genre ng kanta gaya ng rock, rap, jazz, ballad at marami pang iba. Maaari rin itong makatulong sa mga iba’t ibang indibidwal at institusyon upang mas magkaroon sila ng ideya ukol sa mga dahilan ng estudyante sa mga pinakikinggan nilang musika.
(http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Musika_ng_Pilipinas:_Impluwensiya_at_Kaugalian)

Mga Layunin ng Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon tungkol sa opinyon ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng musika at naglalayong masagutan ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang mga uri ng musika na tinatangkilik ng mga mag-aaral sa Sekondarya ng Pambansang Pamantasan ng Batangas?
2. Anu-ano ang batayan ng mga mag-aaral sa Sekondarya ng Pambansang Pamantasan ng Batangas sa pagpili ng musikang pakikinggan?
3. Anu-ano ang dahilan ng mga respondanteng mag-aral sa Sekondarya ng Pambansang Pamantasan ng Batangas sa pakikinig ng musika?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Preperensya sa Pagpili ng Musika ng mga Mag-aaral sa Sekondarya ng Pambansang Pamantasan ng Batangas” ay naglalayong magbigay impormasyon ukol sa mga uri at dahilan ng mga kabataan sa pakikinig sa iba’t ibang uri ng musika. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaring makapag-isip ng iba’t ibang estratehiya upang mapaunlad ang musika ng ating bansa. Ito ay mahalaga sa mga sumusunod na indibidwal at institusyon:

Mang-aawit
.
Ito ay magagamit ng mga mang-aawit upang malaman nila ang mga kagustuhan ng mga makikinig sa kanila.
Kompanya o Industriya ng Musika.
Ang mga datos na makukuha sa pananaliksik ay makakatulong upang makabuo ng mga bagong kanta na hinahanap ng pandinig ng mga kabataan.
Mananaliksik.
Ang pananaliksik na ito ay magagamit ng mga estudyante o mananaliksik na nag-aaral ng katulad na paksa.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa iba’t ibang uri ng musika at dahilan ng mga estudyante sa pakikinig ng kanta. Saklaw ng pag-aaral na ito ang hilig ng mga kabataan at popularidad ng mga kanta.
Nililimitahan ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral ng sekondarya sapagkat sila ang mas bukas ang isipan.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Upang maging mas madali at ma
s
maunawaan ng mga mambabasa ang mga nakapaloob sa pamanahong – papel na ito, minabuti ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang ilang mga terminolohiyang maaaring magdulot ng pagkalito sa mga mambabasa. Ang mga sumusunod na depinisyon ng terminolohiya ay nababatay sa kontekstuwal na kahulugan at kung paano ang pagkakagamit sa kanila sa pag-aaral na ito. Ang mga terminolohiyang nagamit sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
Ang
Musika
ay isang uri ng pagpapahayag ng damdamin na gumagamit ng melody.
(http://tl.answers.com/Q/What_ang_kahulugan_at_kahalagahan_ng_musika)

Ang
awit at korido
ay mga patulang salaysay na paawit kung basahin.
(http://tagaloglang.com/Basic-Tagalog/Ano-ang/pagkakaiba-ng-awit-sa-kurido.html)

Ang
OPM
ay ang pinaikling tawag para sa Original Pilipino Music. Ito ang mga musikang Pilipino.
(http://www.studymode.com/essays/Original-Pinoy-Music-639515.html)


Persepyon
ang tawag sa proseso ng paggamit ng mga bahagi ng ating katawan(paningin, pang-amoy, panlasa, pandinig, at pakiramdam) upang makakuha ng impormasyon sa kapaligiran at maging sa iba’t ibang mga sitwasyon. Ito rin pagkilala sa simbolong nakalimbag.
(http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_persepsyon)

Full transcript