Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

PAGDATING NG MGA AMERIKANO

No description
by

Justine Faith Derla

on 9 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of PAGDATING NG MGA AMERIKANO

PAGDATING NG MGA AMERIKANO
Cuba
Espanya
Ang reyna ng Espanya at ang Pangulong Mckinley ng Estados Unidos ay kapwa nagsikap na maiwasan ang digmaan ng dalawang bansa.
Amerika
Noong ika-10 ng Abril, 1896, ang kalihim ng Amerika ay magmungkahi sa Espanya ng mapayapang kalutasan sa suliranin nila sa Cuba. Ngunit, mapitagang tinanggihan ito ng Espanya.
Ang Cuba ay lupaing matatagpuan sa Gitnang Amerika at tulad ng Pilipinas ay kolonya ito ng Espanya noong panahong iyon. Tulad ng mga Pilipino, hinangad ng mga Cubanong makalaya sa Espanya at magtatag ng sariling pamahalaan. Dahil dito, di mabilang ang naganap na mga paghihimagsik sa Cuba laban sa pananakop ng Kastila.
Ang ganitong sitwasyon ay pumukaw sa pampublikong opinyon sa Estados Unidos.
Noong ika-9 ng Pebrero,1898, ibinunyag ng pahayagang New York Journal ang isang pribadong sulat na di-umano'y katha ng Kastilang Ministro Enrique de Lome.Ang sulat ay ninakaw sa isang tanggapan ng koreo sa Havana, Cuba, at naglalaman ng hindi kanais-nais na bagay tungkol kay Pangulong Mckinley. Dahil dito, nagbitiw sa tungkulin si Ministro de Lome.
Ang pangyayaring ito ay sinundan pa ng pagsabog ng barkong pandigmang Maine ng Amerika noong nakadaong sa isang puwerto sa Havana. May 260 na katao ang binawian ng buhay sa insidenteng ito.
Hininala ng mga mamamayang Amerikano na ito ay kagagawan ng mga Kastila.
Dahil sa lumulubhang ugnayang Espanya at Amerika, binalaan ng pamahalaang Kastila ang gobernador-heneral na Kastila sa Pilipinas noong ika-4 na Abril, 1898, tungkol sa pagsalakay ng mga plotilya Amerkano sa arkipelago.
Iniulat na ang pandigmang Baltimore ng Amerika ay dumaong sa Yokohoma, Hapon (Yokohama,Japan).
Dahil dito, iniutos ni Gobernador-Heneral Basilio Augustin ang pag-uurong ng puwersa sa Mindanao at pagtutuon ng pansin sa pagtatanggol sa Luzon at Visayas.
Pilipinas
Isa pang dahilan kung bakit nasangkot ang Amerika sa digmaang Kastila-Cubano ay dahil sa panggigipit ng mga mangangalakal na Amerikano na may malaking pamumuhunan sa mga industriya sa Cuba.
Inihayag ng Amerika ang pakikipagdigma sa Espanya noong ika-25 ng Abril, 1898, at naging epektibo noong ika-21 ng Abril.
Noong ika-22 ng Abril, sinarhan ng hukbong Amerika ang lahat ng labasan at pasukan ng Hilagang Cuba. Pagkaraan ng dalawang araw, inihayag naman ng Espanya ang pakikidigma sa Amerika.
Labanan sa Look ng Maynila
Noong ika- 1 ng Mayo,1898, siyam na barkong pandigma ng Estados Unidos sa pamumuno ni Komandante George Dewey ang namataan sa Maynila. Iniutos ng Kastilang Almirante Montojo ang pagpipigil sa pagpapaputok hangga't hindi nagbubukang-liwayway.
Labanan sa Look ng Maynila
Ang plotilyang Kastila ay pinangunahan ng barkong Maria Cristina. Nagsimula ang labanan nang ika-5:30 ng umaga nang araw ring iyon. Makalipas ang dalawang oras, nagliyab ang Maria Cristina.
Labanan sa Look ng Maynila
Sa ganap na ika-12:30, ganap na tumigil ang hukbong Kastila. Apat na raang tauhan ni Almirante Montojo ang nasawi at nasugatan. Nawasak ang buong plotilya ng almiranteng Kastila. Samantalang 10 lamang ang nasugatan at maliit lamang ang kapinsalaan sa plotilya.
Nagpadala ng mensahe si Dewey sa bagong gobernador-heneral na si Fermin Jaudenes na humihingi ng pagsuko ng lahat ng bangkang torpedo at iba pang sasakyang pandigma ng Kastila. Inihayagng mga Amerikano na sila ay handang tumanggap sa mga emisaryong Kastila upang talakayin ang mga kondisyon sa pagsuko.

Noong ika- 13 ng Mayo opisyal na inihayag ni Pangulong Mckinley ang pagsasara sa Maynila na idineklara ni Komandante Dewey noong ika-1 ng Mayo. Dahil sa blockade, naputol ang anumang komunikasyon ng siyudad sa labas ng Maynila. Naging kritikal ang sitwasyon sa loob ng siyudad, ito ay napaligiran ng mga rebolusyonaryong Pilipino at hukbo ng mga Amerkano.
Nagkaroon ng kakulangan sa mga pangunahing bansa tulad ng pagkain at tubig, tumaas ang presyo ng lahat ng bilihiin. Ang mga nagugutom na mamamayan ay napilitang kumain ng kabayo, aso, pusa, at daga.
Ang Inang Pamahalaan ay hindi makapagpadala ng ano mang tulong dahil sa blockade. Nang sumapit ang ika- 27 ng Hulyo,1898, ang pamahalaang Kastila ay opisyal na humakbang para sa kapayapaan at inihayag nito ang pagkatalo sa kamay ng mga Pilipino at Amerikano.
Nilagdaan nina Gobernador-Heneral Jaudenes at Amerikanong Heneral Meritt ang pang- unang kasunduan sa pagsuko ng mga Kastila.
Ito ang naging simula ng makasaysayang pananakop at pamamahala ng mga Amerikano sa buong arkipelago.
Full transcript