Loading presentation...
Prezi is an interactive zooming presentation

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Ang mga babae sa buhay ni Rizal

No description
by

Daniel Almazan

on 20 August 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ang mga babae sa buhay ni Rizal

Ang mga babae sa buhay ni Rizal
likha ni Racquel Espanto
Segunda Katigbak
Ang unang pag-ibig ni Rizal. Sa gulang na 16 na taon, pagkaraan ng pag-aaral sa Ateneo, nagsimulang umibig si Rizal sa isang dalagang 14 na taong gulang taga-Lipa, Batangas. Ang dalaga ay kaibigan at kasama sa inuupahang bahay ng kapatid ni Rizal na si Olimpia na ang-aaral sa kalehiyo ng La Concordia. Ito ang pag-ibig sa unang pagkikita at ito rin ang kauna-unahang pagkabigo sa pag-ibig ni Rizal sapagkat ang dalaga ay nakatakda ng ikasal sa isang Manuel Cruz.
Leonor Valenzuela
Sa pag-aaral ni Rizal ng medisina ay tumira siya sa bahay ni Donya Concha Leyva. Malapit sa lugar na iyon ang bahay nila Juan at Sanday Valenzuela na may anak na dalaga na si Leonor na kilala sa palayaw na Orang.
Si Leonor ay matangkad na babae na kasing-taas ni Rizal. Dahil sa aking taglay na ganda ng dalaga, si Rizal ay humanga. Madalas silang namamasyal ng binata sa kanilang lugar. Niligiwan siya ni Rizal sa pamamagitan ng mga liham na isinulat sa inbisibol na tinta na ginawa niya buhat sa pinaghalong asin at tubig. Mababasa lamang ang anumang nakalagda kung itatapat ang papel sa liwanag ng kandila o lampara. Sila ni Rizal ay naging magkasintahan sa sandaling panahon lamang.
Leonor Rivera
Si Leonor Rivera ang babaeng naging bahagi ng buhay ni Jose Rizal. Bagaman pinsang buo si Rivera ni Rizal, nagkaroon sila ng romantikong ugnayan na tumagal ng walong mga taon.
Consuelo Ortega y Perez
Nang umalis si Rizal sa Pilipinas, nakatagpo niya sa Madrid si Consuelo. Bagamat hindi maliwanag kung nagkaroon ng unawaan o umibig si Rizal sa babaeng ito, ito ay pinaghandugan niya ng isang tula na " sa iyo, Bb. C.O. y P.". sa kanyang tala arawan naman ay isinulat ni Consuelo ang alaala ng araw na si Rizal ay tumigil sa tahanan ng kanyang magulang. Ang huling pangungusap na isinulat ni Consuelo ay "ang araw na lumipas ay isa sa mga araw na lagi na'y manantili sa aking alaala".
O Sei San
Nagsimula ang pag-iibigan nina Rizal at Seiko nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang Niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ang ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang Pranses at Ingles. Simula noon ay araw-araw na silang nagkikita at tinawag ni Rizal si Seiko na O-Sei-San. Madalas silang mamasyal at sinasabi na ang nagbuklod kina Rizal at Seiko ay ang sining. Nakita rin ni Rizal kay Seiko ang katangian na hinahanap niya sa isang babae mahinhin, maganda, kabigha-bighani, at matalino. Ang nagustuhan naman ni Seiko kay Rizal ay ang pagiging maginoo, may dignidad, matapang, at maraming talento na tao. Bukod sa pagiging magkasintahan ay naging tutor din ni Rizal si Seiko sa wikang Niponggoat gumagabay sa kanya sa pag-oobserba sa mga Village at Shrine sa Tokyo.
Gertrude Beckett
Labing walong taon si 'Gettie' noon ng humanga sa isang Filipino na nangungupahan sa kanilang paupahan. Pero si Rizal ay agad lumisan papuntang Paris upang pigilan ang nararamdaman kay Gettie, Para ipagpatuloy ang kangyang mga gawain para sa Pilipinas, iniwanan niya dito ang group carving upang tanda ng kanilang sandaling pag iibigan.

Josephine Bracken
May anyong europeang-europea maliban sa taas na limang talampakan at kalahating pulgada lamang. Nagpunta si Josephine Bracken sa dapitan para ipagamot ang mata ng kanyang ama-amahang si George. Sa unang pagkikita ay nabighani na si Rizal kay Josephine at ganoon din si Josephine kay Rizal. Sa loob ng isang buwang pananatili ni G. Toufer at Josephine ay nagpasya si Rizal na pakasalan si Josephine.

Nellie Boustead
Palaisip at relihiyosa, palaging pinangingibabaw ang dangal, intelektuwal, at may sariling desisyon. Minamahal ni Antonio Luna si Nelly. Nagkakaroon ng 'di unawaan si Rizal at Nelly ukol sa paniniwala ni Rizal sa relihiyon dahil sa protestante si Nelly. Nang magsabi si Rizal kay Ginoong Boustead ay hindi ito tumutol at ibinigay pa ang kanyang suporta. Pinilit ni Nelly na maging isang protestante si Rizal ngunit di niya ito pinagbigyan, sa bandang huli ay naghiwalay rin silang magkaibigan.
Julia
Nakilala ni Rizal noong Abril 1877. Nakilala siya ni Rizal sa Los Banos, Laguna. Labing anim na taon si Rizal ng makilala ang dalagita. Sa pagkakatayo ni Rizal sa may dalampasigan ay napagmasdan niya ang maraming kababaihang nagsisipaggugo ng kanilang mga ulo. Isang magandang dalagita ang nakita ni Rizal na lumabas mula sa malalagong halaman. Ang dalagang narinig ni Rizal na nagngangalang Julia ay nagsabi sa kanyang lola na nais niyang manghuli ng paru paro bago umuwi ng kanilang bahay. Dahil sa narinig ay nagpakitang gilas si Rizal sa paghuli sa paru-paro ngunit nakawala ang paru-paro. Sinikap n'yang makahuli ng paru-paro at ibinigay ito sa dalaga. Nagkakilala sila ng dalaga at inihatid ang mag-lola sa kanilang bahay sa Los Banos, Laguna. Subalit tulad ng ibang kabataan, ang paghangang kanyang nadama ay agad na nawala ng makilala ang dalagang taga-Lipa, Batangas.
Full transcript