Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Panahon ng Bagong Kalayaan

No description
by

christine monilla

on 19 September 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Panahon ng Bagong Kalayaan

Panahon ng Bagong Kalayaan

Hangang sa Kasalukuyang
Panahon

Liberasyon
Muling sumigla ang panitik ng mga Pilipino pagkatapos ng taong 1945. Nabuksang muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at magasin.
Mga Paksa:
kalupitan ng mga Hapones
kahirapan ng pamumuhay noon
pamahalaang Hapon

kabayanihan ng mga Gerilya
Nagkaroon ng pagpapasigla sa mga manunulat, kabilang dito ang:
Palanca Memorial Award in Pilipino and English
Republic Cultural Award
Gawad ni Balagtas
Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa
Nagkaroon ng kani-kaniyang pahayagan ang mga pamantasan at kolehiyo. Nagkaroon din sila ng mga patimpalak at pagsulat ng mga tula, sanaysay at kwento. Umunlad ang pelikulang Pilipino.
Nagbukas ng mga palimbagan para sa mga lingguhang babasahin gaya ng mga:
Liwayway
Bulaklak
Tagumpay
Ilang-ilang
Malaya
Kayumanggi
Itinatag ang mga samahang pampanitikan tulad ng:
Taliba ng Inang Wika (TANIW)
Kapisan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)
Kapisan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)
Panitikan
Panitik ng mga kababaehang Manunulat
Samahang Balagtas
Samahang Pampanitikan sa Ingles:
Philippine Writers Association
Dramatic Philippines
Philippine Educational Theater Association (PETA)
Arena Theater
The Barangay Writer's Guild
Batas Militar
Noong Setyembre 21, 1972 ay idineklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang batas militar bunga ng malawakang protesta ng mga kabataan noong panahon ng isinauling kalayaan.

Ito ay nagpasimula ng pagpapakilala ng panglo na tanguhin ng kanyang pamahalaan na ang pagkakamit ng kaunlaran ng bansa ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Bagong Lipunan
....."Isang Bansa, Isang Diwa"
Ang Bagong Lipunan (1972-1986)
Bagaman at maraming kathang nalathala sa panahong nauukol sa pagtataguyod ng mga layunin ng Bagong Lipunan, may mga lathain ding naglalarawan ng tunay na nadarama ng marami sa mga Pilipino ng panahong iyon.
Palihim na nailathala ang mga akdang nagpapahiwatig ng paghihimagsik na damdaming namamayani at pagtutol sa nadaramang pagsupil sa ilang karapatang pangtao katulad ng:
Rebulosyon sa Edsa
mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 26, 1986 ito nagtagal, dahil dito nagwakas ang Bagong Lipunan.
Muling nanumbalik ang ganap na kalayaan ng mga mamamayang Pilipino
Kasalukuyang Panahon
isa ito sa makulay na kabanata ng panitikang Pilipino. Dahil na rin ito sa unti-unting pagkakamulat ng mga Pilipino sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa.

mabilis lumawak ang sakop at saklaw ng ating panitikan

maraming manunulat ang nagtangkang magsulat sa ating sariling wika

dahil sa maraming pagbabago ang naganap, nagkaroon ng mayamang mapagkukunan ng paksa ang mga manunulat

at ang karaniwan nilang layunin dito ay ang pagbabago, paghihikayat at pagpapaunlad sa iba't ibang larangan ng buhay Pilipino
Nabubuhay tayo sa makabagong panahon na pinaghaharian ng agham at teknolohiya
Narito tayo sa dekada ng elektriko na nagsisilbing daan tungo sa ganap na pagbabago ng ating mga pagpapahalaga, saloobin, kaisipan at paniniwala.
Malayo na ang narating ng medya na siyang pinakamabisang lunduyan ng panitikang pasulat at pasalita
Kasama na rin rito ang mga pahayagan, magasin telebisyon, radyo at pelikula.
at hindi na rin lamang wikang pampanitikan ang ginagamit ng mga manunulat kundi pati na rin ang antas balbal, kolonyal at lalawiganin
Hindi lamang sa pagamit ng wika naging malaya ang mga Pilipino pati na rin sa paksa at estilo

Namalasak sa panahong ito ang mga kathang nanunuligsa, pumupuri at nanghihikayat

Kasalungat sa panahon ng Batas Militar, walang gaanong sensurang ginagawa at malayang naipahahayag ang mga damdamin ng mga manunulat

Buhay pa rin ang mga katutubong salawikain bagama't makabago na ang paksa at aliw-iw nito
Sa Panahong ito.....
Maikling Kwento
Nagpatuloy pa rin sa pagsusulat ng maikling kwento ang mga manunulat na nagsisulat ng maikling kwento noong panahon ng pananakop ng mga Hapones, sila'y sina
* Teodoro Agoncillo *N.V.M. Gonzales *Andres Cristobal
*Jose Villa Panganiban * Buenaventura Medina Cruz
Nagkaroon ng pagbabago sa paksa at estilo, at nagsisunod sila sa mga Amerikano, Pranses, Ruso at Ingles
Nagtatag sila ng samahang tinatawag na "Panitikan" upang mapagsigla ang mga manunulat. Kabilang dito sila :
*Teodoro Agoncillo *Clodualdo del Mundo
*Genoveva Edroza-Matute *Alejandro Abadilla
*Jesus Arceo *Liwayway Arceo
*Macario Pineda *Antonio Rosales
*Pedro Dandan
Republic Cultural Award
ipinalit na pangalan sa pamahalaang Commonwealth na siyang nagbibigay parangal taun-taon, pagkatapos ng "Ikalawang Digmaang Pandaigdig". Nagkaroon rin ng Palanca Memorial Award for Literature.
si Genoveva Edroza-Matute ay nakalimang ulit na nagkamit ng gantimpalang Palanca. Maliwanag, Masining at mabisa ang kanyang pananagalog. Ipinanalo niya ang mga sumusunod:
*"Kwento ni Mabuti"
*"Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
*"Parusa"
*"Maganda ang Ninang Ko"
*"Pagbabalik"
Ang mga kwentong nagsipagtamo ng Unang Gantimpala sa Maikling Kwento:
Kwento ni Mabuti
* kauna-unahang nakatanggap ng unang gantimpala
* tungkol sa isang guro na kilala sa kanyang mga estudyante bilang "Mabuti"
* marami syang pagsubok na dinaan noon dahilan upang sya ay magkaroon ng kakaibang pagututuro sa kanyang mga estudyante
* isinulat ni Genova Edroza Matute
Ang Mangingisda
Ito ay tungkol sa isang mangingisdang punong-puno ng pangarap. Gusto niyang magkaroon ng lantsa kagaya ni Don Cesar. Ang gamit lamang niya ay isang maliit na bangka. Alam niyang hindi sapat iyon na pambayad ng utang kaya pinangarap niyang magkaroon ng lantsa. Sa kanyang pagnanais ay naisip niyang gumawa ng masama. Gumamit siya ng dinamita sa pangingisda.
Dapat nating tandaan na mas matatamo natin ang tunay na kaligayahan kung gagamit tayo ng tamang pamamaraan. Hindi dapat tayo tumigil na mangarap.
Ang Parusa ni Genoveva Matute
Ang Parusa ay tungkol kay 'Big Boss' na isang negosyante. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay, ang magkaanak. Nalaman niyang ang bago niyang trabahador na si Ventura ang napangasawa ng dati niyang asawa na si Neneng. Pagkapuot ang nananatili kay Big Boss kaya't noong isang araw nang mangailangan
si Ventura ng pera dahil malubha ang kalagayan ng kanyang anak ay hindi siya tinulungan ni Big Boss. Hanggang sa nalaman ni Big Boss na namatay na ang anak na nasa ospital ngunit ito'y hindi pala anak ni Ventura. Ito'y anak ni Neneng sa kanyang unang asawa, si Big Boss.
-Ang pagtatanim ng sama ng loob ang siyang magbibigay ng malaking parusa sa atin.
Banyaga ni Liwaylway Arceo
-Mahalin natin ang sariling atin. Wag makakalimot sa lugar na kinalakihan dahil ito at ito ang ating babalikan.
Ito ay tungkol sa isang Pilipinong nanggaling sa ibang bansa at bumalik sa Pilipinas. Ibang iba na sya manamit at kumilos. Isang araw ay binalikan nila ang dati nyang paaralan. Napaluha na lamang sya dahil tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya makilala ng pook na binalikan niya.
Iluko
Reynaldo A. Duque
*batikang manunulat sa Iluko at Tagalog
*Marami na siyang mga akdang nanalo sa iba’t ibang patimpalak.
*Malawak na ang kanyang karanasan sa larangan ng panitikan
*Naging Editor ng magasing “Liwayway”

Mga naisulat:
Alsado

Hiligaynon
Isabel D. Sebullen
*isang manunulat sa Hiligaynon
*Nanalo siya sa iba’t ibang patimpalak
*Ang kanyang akdang “Aswang” ay nagkamit ng gantimpalang Palanca
*Ang isinaayos na bersyon ng ANDET ay nagkamit ng gantimpala sa Quin B. Baterna Short Story Writing Contest, noong 1996

Naisulat:
Higante

Nobela
Pumasok sa panitikang Pilipno noong panahon ng mga Espanyol. May mga panahong ito ay nanaluktok at may panahon ring nanamlay. Subalit sumigla itong muli dahil sa pagtangkilik ng mga mambabasa.
Sinasabing si Dr. Jose Rizal ang unang nagpakilala ng nobela sa mga mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang dalawang walang kamatayang akda:
*Noli Me Tangere
*El Filibusterismo

sa pagdaan ng panahon:
* nabago at umunlad ang Nobela
*Higit na napapanahon ang paksa at estilo ng paglalahad ng mga pangyayari.
*Nauso na rin ang paglalahad na balik-gunita
*at din a rin gaanong mabagal at maligoy ang daloy ng mga pangyayari

Kadalasan, kapag nagugustuhan ng madlang mambabasa ang nobela, ito ay kanilang isinasapelikula, tulag ng:
Maynila, Sa Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
Sa panahong ito ang mga Nobela ay:
*Higit na radikal na mga nobelista sa paglalahad ng katotohanan ng buhay
*Higit na nagging natural ang pagamit ng wika
*Walang pangimisa panunuligsa sa mga katiwalian ng pamahalaan at kasamaan sa lipunan

Pinatunayan ito ng mga nobela nina
*Edgardo Reyes
*Efren Abueg
*Lualhati Bautista

Itinuring silang mahusay at kilalang nobelista ng makabagong panahon
*Andres Cristobal Cruz
*Liwayway Arceo
*Buenvinido Ramos
Nobelistang nanalo sa Gawad Palanca Award:
1986-1987
“Mga Aninong Hubad” – Cyrus P. Borja

Tungkol ito sa isang lalaking nabaon sa isang malaswang hanapbuhay, ang pagbili ng laman, kumita lamang ng salaping maitutustos sa kanyang pag-aaral
“Mga Limbag sa Lupa ni Muhammad” – Ramon V. Lim
Tungkol sa masasaklap na karanasan ng mga manggagawang nagtratrabaho sa Gitnang Silangan. Gayon rin ang pagsasamantala ng mga ahensya ditto sa Pilipinas at Saudi Arabia na nangangalap ng mga manggagawang maghahanapbuhay roon.
1989-1990
“Kwadrisentensyal” – Rosauro dela Cruz

“Gagamba” – Renaldo Duque

Isang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng nobela ang sinimulang pagpapalimbag ng mga isinaaklat na anyo nito. Tumatalakay ang mga ito sa iba-ibang paksa tulad ng pag-ibig, pakikipagsapalaran, hiwaga at mga suliraning pangkabuhayan at panlipunan kaya kinawiwilihang basahin ito ng mga Pilipino, lalo na ng mga kabataan
Iba pang nobelang naisulat:

“Ang Igorota sa Baguio” – Dr. Fausto J. Galauran

“Dasalang Perlas” – Antonio Sempio

“Canal de la Reina” – Liwayway Arceo

Ang Panulaan at ang mga Manunulat nito
*Alejandro Abadilla
Noong 1949 ay ipinalimbag niya ang “Parnasong Tagalog” na katipunan ng mga tula sa panahon nina Joseng Sisiw at Balagtas hanggang sa kanyang panahon. Ang aklat na katipunan ng kanyang mga tula ay pinamagatang “Ako ang Daigdig”, na ipinalimbag noong 1955
*Jose Villa Panganiban
Nagpalimbag ng isang aklat na katipunan ng kanyang pitumpung tula noong 1960. Ito’y “Mga Butil ng Perlas” na inihandog niya sa kanyang maybahay na si Gng. Consuelo Torres-Panganiban sa pagsapit ng ika-25 anibersaryo ng kanilang kasal
*Teo Baylen
*Jose Villa Panganiban
Ang katipunan ng kanyang mga tulang naisulat sa loob ng tatlumpung taon ay isinaaklat sa pamagat na “Tinig ng Darating”. Pinagkalooban ito ng “Republic Cultural Award” noong 1963
Sumulat ng mga makabagong tula na walang sukat at tugma na may pamagat na “Tanaga at Pantun” noong 1963
Mahalagang bahagi ng panitikang Pilipino ang panulaan. Sabihin nang katutubong mahilig sa pagtula ang mga Pilipino kaya't matatagpuan ang tula sa bawat panahon ng ating kasaysayan
Kapansin-pansing hanggang sa ngayon ay patula pa rin ang kinagigiliwang paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino.
Sa panahong ito, nagkaroon ng panibagong mukha ang ating panulaan. Lubusang namayani ang paggamit ng malayang taludturan, lalo na ng mga makatang kabataan
Ito'y isang paglaya sa pigil na pagpapahayag ng damdamin at saloobin ng makata. kaya't may nagtangka pa ring kumatha ng elihiya, oda at soneto
Ang Dula
"Ang dula ay isang uri ng sining na nagsasalaysay ng isang kwento sa pamamagitan ng pagsasalita at pagkilo ng mga gumaganap na tauhan."
Ginagampanan ito ng mga artista sa tanghalan sa harap ng madla. Bagama't isang anyo rin ng panitikan, naiiba ito sa ibang katha dahil sa paraan ng paglalahad
Naihahawig ito sa isang dula sa isang pelikula, lalo na ngayong may mga dula na ring pinapalabas sa mga telebisyon
Mahigpit nitong kalaban ang pelikula, may mga nagsasabing ang pelikula raw ang pumatay sa dulang Filipino
Iba't ibang klase ng Dula
* Trahedya

* Komedya

*Melodrama
alin mang anyo ay nangangailangan pa rin ng iskrip, tanghalan at tauhang gaganap. Kailangan rin ng musika, ilaw at kasuotan.
Maraming akda o kathang pampanitikan ang nagkamit ng Gawad Palanca. Nagsisilbing malaking inspirasyon para sa mga Pilipinong manunulat ang timpalak-Palanca, kaya lalo nilang pinaghuhusay ang pagkatha hindi lamang
para sa lubusang ikauunlad ng
Panitikang Pilipino
Full transcript