Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Nobela

No description
by

Camela Enbien

on 9 December 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Nobela

Nobela
Banaag at Sikat
ni Lope K. Santos
Mga Tauhan:
Luha ng Buwaya ni Amando V Hernandez
Mga Tauhan:
Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña
Mga Tauhan:
Ang Igorota sa Baguioni Fausto Galauran
Mga Tauhan:
Ibong Mandaragit
ni Amando V. Hernandez
Andoy(Alejandro Pamintuan)-nang sumapi siya sa kilusan ng mga gerilyero ay ginamit niya ang pangalang Mando. Naging gerilyero si Mando nang ipagkanulo siya sa mga Hapon ng amo niyang si Don Segundo Montero, isang mayamang asendero at kolaborador na nakatira sa Look ng Maynila. Dating pinag-aaral si Andoy ng mangangalakal na si Don Segundo, na ang tanging pasuweldo lamang ay ang pantustos sa pag-aaral.
Mga Tauhan:
Si Don Segundo Montero
Bilang mayamang may-lupa at may pagpapahalaga sa pagpapanatili ng katayuan sa lipunan – sa panahon man ng kapayapaan o digmaan – nakipagkasunduan si Don Segundo Montero sa mga bagong mananakop na mga Hapones. Ginamit niya ang kaniyang pananalapi, mga pag-aaring bagay, mga kamaganak at mga tauhan. Maging ang anak niyang si Dolly ay ginamit ang kakanyahan bilang babae at ang pamukas na “pag-ibig” sa pakikisama sa mga Hapon, at nang lumaon, sa mga opisyal na Amerikano rin.
Inulit ni Don Segundo Montero ang kaniyang kakayahang makipagkaibigan sa mga Amerikano, matapos na matalo ng mga Amerikano ang mga Hapones sa kanilang muling pagbabalik sa Pilipinas.

BUOD:
Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Donsa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun. Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel. Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito. Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila. Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan. Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor. Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P.Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.





REAKSYON:
Sadyang may mga taong nga na lihim mong kaaway, kaibigan mo pala pero binabaon at sinisiraan ka na pala, hindi natin maiiwasan ang mga sitwasyong ito, pero dapat kagayan natin si Mando, umiwas tayo dapat sa gulo at ang nasa isipan lagi natin ay ang mga pangap natin sa buhay. Wag tayong mawawalan ng tiwala sa ating sarili at pag-asa sa bawat pagsubok sa buhay, andyan ang Diyos para tulungan at gabayan
tayo.
DELFIN-

Siya ang pangunahing tauhan ng akda.Isa siyang mahirap na peryodista. Niyakap niya ang ilang sosyalistang ideya kaugnay ng unyonismo at makauring pakikibaka.

FELIPE-

Siya ay isang anak-mayaman; radikal bagamat tipong anarkista.

MENI-

Siya ay nakatakdang ikasal kay Delfin na anak ng isa sa pinakamayaman sa Maynila.

TENTAY-
Minamahal siya ni Felipe. Siya ay isang babaeng mahiyain at anak siya ng isang manggagawa.

BUOD:
Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito. Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.



Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay. Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan. Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan. Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan. Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni...



Reaksyon:


Napakaganda ng kwentongng ito. Kung mapapansin mo pwede natin ito ikumpara sa kabuhayan ng mga tao sa ngayon, marami ang Mayaman marami rin ang mahihirap.Ang mga mahihirap ay nagtratrabaho ng mabuti upang may pangkain sila at para sa kanilang pamilya, pero ang mga mayayaman, nasa kanila na ang lahat, ang tanong pinaghihirapan ba nila ang pera gaya ng paghihirap ng mga mahihirap? Yan ang sinasabi sa nobelang ito, dapat ay magbigayan tayo at wag maging makasarili

Badong-
guro sa sampilong
Maestro Putin-
prinsipal sa kanilang nayon
Pina-
ang pinakamagandang dalaga sa
kanilang nayon
Mang Ablo-
pangulo ng PTA/ tatay ni pina
Donya Leona Grande-
ang may-ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa sampilong
Jun-
nagtapos ng medisina
Ninet
- nagtapos ng parmasya
Andres-
isang iskuwater
Dislaw-
ang enkargado at badigard ni don severo grande
Don Severo Grande-
ang unyon ng mga magsasaka
Ba Intern-
pinakamatandang tao sa nayon
Hepe Hugo
-hepe ng pulisya ang nakalagda sa sumbong
Mr. Danyos-
ang dumating sa sampilong
Iska
- nagalit kay kosme
Kosme
- na mangingibig ni iska
Cely-
kapatid ni dislaw
Sedes
- asawa ni andres
BUOD:
Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa. Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.



REAKSYON:
Ang nobelang ito ay tungkol sa karapatan at lakas ng isang tao, hindi lahat ng ng makapangyarihan ay kailang masunod. Dapat ay pantay-pantay ang lahat ng tao.

Isko -
isang lalaki na nagkagusto kay neneng,
nakilala ni neneng sa kasalan.
Neneng -
matalik na kaibigan ni nena,babaeng
itinadhana para kay narciso.
Narciso -
lalaking nagmahal kay neneng ng lubos.
Chayong -
babaeng gusto si narciso, pero napunta
kay miguel.
Miguel -
ama ng dinadalang bata ni chayong, na inakala
na narciso.
Nena -
babaeng matalik na kaibigan ni neneng, nagkagusto
kay miguel, pero napunta kay deogracias.
deogracias -
kababata ni nena at naging asawa.
Aling Anday -
ale ni nena,. nag alaga kay nena simula
ngmaulila, parang ikalawang ina ni nena.
Pepe -
kapatid ni neneng.

BUOD:
Nobela ni Valeriano Hernandez-Peña ang Kasaysayan ng Magkaibigang Nena at Neneng na unang nalathala noong 1903 sa pahayagang Muling Pagsilang. Sumikat ang nasabing nobela, at isinaaklat noong 1905, saka muling inilimbag noong 1911, 1948, at 1971. Si Peña, ayon sa kritikong si Soledad S. Reyes, ang kinilalang "Ama ng Nobelang Tagalog." Inilahad sa nobela ang naging buhay at paglago nina Nena at Neneng, na kapuwa sinubok ng tadhana ang kanilang pagkakaibigan. Nagkaroon ng kasintahan ang dalawang dalaga, ngunit nang magpakasal na'y magkataliwas ang naging bunga ng pagsasama. Pumanatag at umangat si Nena sa piling ni Deogracias, samantalang naunsiyami si Neneng sa banang si Narciso na ang pagkaseloso'y humahangga sa kawalan ng bait. Inakala ni Narciso na nagtaksil sa kaniya si Neneng, kaya nilayasan ang asawa.Nang magbalik siya sa tahanan ay nabatid na yumao na si Neneng dahil sa sukdulang pagkasiphayo sa pag-ibig. Tampok din sa nobela ang istorya ng malungkot na buhay ni Chayong, na ginahasa at ang puri'y inilugso ni Miguel. Sugapa sa sugal si Miguel, bukod sa sinungaling, at nabilanggo dahil sa kasamaan hanggang mabulok saka namatay sa bilibid.



REAKSYON:
Pinakikita ng nasabing nobela ang ilang tema, gaya ng katapatan sa sinumpaan, pagpapahalaga sa puri, pagkakaibigan, at pagtitimpi na ayon kay Reyes ay pawang gagamitin din ng susunod na henerasyon ng mga nobelista.

Serafin Alma De Dios-
ang istudyanteng naligaw sa kagubatan at naging saksi sa pamumuhay ng igorot.
Don Jose-
ama ni Serafin na gustong maging dalubhasa ang anak.
Imay
-igorotang tumulong kay Serafin sa gubat na napaibig kay Serafin
Apo Lakay
-pinuno ng tribo
Man-sip-Ok
-taong gabay sa kanilang tribo;sinisiran si serafin
Kabunyan
- bathala ng mga igorot
Galudan-
punong kawal ng lahi.
Ulufa
-bunsong kapatid ni Imay na naging kaibigan ni Serafin at nagligtas sa mag-irog
Apo Dagni
-kaaway na Ato (pinuno)
Maputing Apo-
misyonerong paring Kristyano na nag-ayos sa alitan ng dalawang Ato

BUOD:
Si Serafin Alma De dios ay kinakailangang maging isang lisensyang doctor dahil sa kagustuhan ng ama. Sa paglalakbay niya patungong Madrid, ang Galleong sinasakyan niya ay inabutan ng bagyo at lumubog. Nagising siya sa isang dalampasigan na hindi niya malaman kung saan. Natagpuan at tinulungan siya ni Imay at dinala kay Apo Lakay. Minungkahi naman ni Man-sip-ok na si Serafin ay isang masamang espiritu. Tinulungan siya ni Imay at dito sinabi na si Serafin ay nagmula sa kalangitan.Naniwala naman si Apo Lakayat binihisan si Serafin. Tinuruan siya ng pamumuha sa tribo at pinagyaman ni Galudan at ni Imay.Nakilala naman ni Serafin ang bunsong kapatid ni Imay na si Ulufa. Isang araw, nagkasakit si Ulufa at hindi mapagaling ni Man-sip-ok si Serafin na siya daw ay isang masamang espiritu. Sa nais malinis ang pangalan, kamatayan ang kapalit kung hindi nito mapagaling si Ulufa. Hindi magtatagumpay si Serafin kung hindi isinigaw ni Imay na magaling na ang kapatid. Tinuruan ni Serafin si Imay na umibig at nagkaibigan ang dalawa. Isang araw, nangaso sila ni Galudan at Serafin. Nakatagpo sila na nakahandusay na tao at pugot ang ulo nito. Ito ay Saklit. Dahil dito, napagusapang gantihan ang pinaghihinalaang may sala sa pagpaslang na si Apo Dagni. Nagsagawa ng ritwal, at si Serafin ang napili. Sa pagsulob niya sa kagubatan, nakakita siya ng malaking Igorot. Sa takot ng igorot, sa balak na pagpatay sakanya ni Serafin, binanggit niya ang Diyps ng Kristyano. Nagulat at nagpasama si Serafin sa taong nagpakalat nito sa Igorot. Nakilala niya ang paring misyonero. Dito nagbati ng pari ang nagaalitang mga Ato.Pinakasal ni Apo Lakay si Imay sa napagkasunduan lalaki. Dito sumunod si Imay sa paglayo kay Serafin sa sama ng loob. Tinugis sila at ibibitay. Tinulungan sila ni Ulufa at tumakas sila. Nagkalindol at namatay ang mga tao sa tribo. Ngunit naghihingalo ang paring misyonero. Bininyagan niya si Imay at pinangalanang Maria Trinidad at ang kanyang pinagsilangan, Valle Trinidad.



REAKSYON:
Ang nobelang ito ay tungkol sa pagmamahalan ng dalawang tao at pagiging isang malakas ay hindi sumusuko sa mga problema
Full transcript