Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Rizal

No description
by

Krissia Nicolas

on 27 September 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Rizal

Dapitan- Dito sila naging matagumpay sa industriya ng pangingisda, kopra at abaka. Sinabi rin niya sa kanyang kapatid na si Saturnina na ditto ay maaari siyang magnegosyo ng mga tela, alahas, at abaka. Marami rin siyang plano para sa baying ito, sinabi niyang maganda ang dalampasigan, sagana sa isda ang dagat ngunit sinauna pa ang paraan ng pangingisda kaya kakaunti lamang ang huli ng mga mangingisda. Si Ramon Carreon, na isang negosyante sa Dapitan ay nagging kasosyo ni Rizal. Pinakamatagumpay na negosyo nila Rizal ang abaka.
Mayo 14, 1893- Itinatag ni Rizal ang negosyo nila Carreon sa paggawa ng apog (400 bag ng apog buwan-buwan).
Enero 1, 1895- Itinatag ang “Asosasyong Kooperatiba ng mga Magsasaka sa Dapitan”. Itinatag nila ito para mabali ang monopoly ng mga Tsino sa pagnenegosyo sa Dapitan. Si Rizal Bilang Mangangalakal Layunin:
•Mapaunlad ang produktong agricultural
•Makakuha ng mas magandang pamilihan para sa mga produkto
•Mangolekta ng pondo para sa pamimili
•Magtulungan ang mga prodyuser at manggagawa sa pagtatag ng isang tindahan kung saan makabibili ng mga pangunahing bilihin sa mababang presyo. Sa Dapitan ay nagpatayo si Rizal ng bahay-paaralan na papasukan ng mga batang lalaki mula sa piling angkan. Sa kanyang liham kay Blumentritt noong Marso 13, 1895, sinabi niya na siya ay may 16 na mag-aaral. Sa halip na siya ay humingi ng bayad-turo ay kanyang pinagagawa ang mga ito sa bukid at sa kanyang mga proyektong pampamayanan. Mula pagkabata ay batid ni Rizal ang kahalagahan ng edukasyon. Tinuruan niya ang mga bata na bumasa at sumulat ng wikang Tagalog at Espanol. Itinuro rin niya sa mga agham ang Heograpia, Kasaysayan, Matematika at Agham . Sinunod ni Rizal ang kaayusan sa pagtuturo sa Ateneo. Ang pinakamagaling sa pag-aaral ay tinatawag na emperor, pinauupo niya ito sa unahan. Ang mga may kahinaan ay binibigyan niya ng mga dagdag na Gawain.
Binigyang diin ni Rizal ang kaisipang “Kung ang isang bayan ay maging malaya, ito ay sa pamamagitan ng karunungan at sipag”. Si Rizal ay nagtungo sa Paris at Alemanya upang magpakadalubhasa sa pangagamot sa mata. Ito’y bunga ng masidhing pagnanasa niya na malunasang ang kanyang mata sa mata.
Kaya nang siya ay ipinatapon sa Dapitan ay agad niyang ginamit doon ang kanyang natutuhan sa ibang bansa. Ang kasikatan niya sa panggagamot ay kumalat sa buong kapuluan kaya siya ay dinarayo ng mga pasyente, mahirap man o mayaman. Bagamat sumisingil siya ng bayad sa mayayaman, nagbibigay naman siya nang walang bayad na panggagamot sa mahihirap. Hinahatulan rin niya ang mga pasyente na gumamit ng halamang-gamot na matatagpuan sa kanilang mga bakuran. Si Rizal ay nagtapos ng pagka-agremensor sa Ateneo. Upang lumawak ang kanyang kaalaman sa inhinyero, siya ay nagbasa ng mga aklat hinggil ditto at ang mga kaalamang ito ay nagamit niya ng maglagay siya ng patubig sa Dapitan.
Pinuri at pinahalagahan ang kakayahan ni Rizal sa inhinyero ni G. H. F. Cameron, isang inhinyerong Amerikano. Ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pag-aaral ng mga wika sa Dapitan. Siya ay sumulat ng balarilang Tagalog at gumawa ng pag-aaral hinggil sa pagkakatulad ng wikang Bisaya at wikang Malay.
Noong Abril 5, 1896, siya ay lumiham kay Blumentritt na nagsasabing, “ Alam ko na ang Bisaya, nakakapagsalita na ako rito nang maayos, kailangan ding malaman ang ibang wikain ng Pilipino.
Si Rizal ay nakakasalita ng mga 22 wika at wikain: Tagalog, Ilokano, Bisaya, Sugbuanon, Espanol, Latin, Griyego, Ingles, Pranses, Aleman, Arabe, Malay, Ebreo, Sanskrit, Ulandes, Catalan, Italyano, Intsik, Hapon, Portuges, Suweko, at Ruso. Samantalang nasa Dapitan, ibinuhos ni Rizal ang kanyang panahon sa sakahan. Bumili siya ng 16 na ektarya ng lupa sa Talisay kung saan ay nagtayo siya ng bahay – paaralan at pagamutan. Doon ay nagtanim siya ng cacao, kape, tubo, niyog at mga punongkahoy.
Sa kanyang sakahan, si Rizal ay gumamit ng makabagong paraan ng pagsasaka. Umangkat siya ng makinaryang pansakahan sa Estados Unidos. Natuklasan ni Rizal na ang Mindanao ay mayaman sa mga ispesimen. Sa tulong ng kanyang mga mag-aaral, kanyang ginalugad ang mga gubat at baybay-dagat upang humanap ng ispesimen ng mga halaman, kulisap, at kabibe. Ang mga ito ay ipinadala niya sa Museo ng Dresden sa Europa. Bilang kabayaran, si Rizal ay pinadalhan ng mga aklat pang-agham at mga kagamitang pantistis ng kanyang mga kaibigang siyentipiko. Si Rizal ay nakatuklas ng mga pambihirang ispesimen idinugtong sa kanyang pangalan bilang parangal sa kanya. Ang mga ito ay ang Draco Rizali (isang pambihirang tutubi), Apogonia Rizali ( isang maliit na uwang), Rachoporous Rizali ( isang pambihirang palaka). Gumawa rin siya ng pananaliksik at pag-aaral sa Antropolohiya at Etnograpiya. Bilang Prediktador

Noong dumalaw ang ilang mga babaeng kapatid ni Rizal sa kanya sa Dapitan, ipinasyal niya ang mga ito sa buong bayan. Kabilang na rito ang simbahan doon.
Sinabi niya na balang araw ang mga paring nakatalikod at nagmimisa sa salitang Latin ay haharap sa mga tao at magmimisa sa sariling wika ng mga tao.
Ang Pilipinas baling araw ay magkakaroon ng isang pamahalaang Federalismo. Bilang Guro Bilang Manggagamot Bilang Inhinyero Bilang Dalubhasa Bilang Magsasaka Bilang Manunuklas Kabanata IX
nina:
Cobocob, Revelyn - Lider
Medallo, Mary Grace
Nicolas, Krissia
Full transcript