Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Kabanata 7

No description
by

Ysai Galan

on 31 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabanata 7

Pagkatapos ng Digmaan
Kabanata 7
Nakulong si Laurel ng sampung buwan, inabala niya
ang kanyang sarili sa pagsususlat sa aklat ni Birkenhead tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay noong panahon ng digmaan. Ginamitan niya iyon ng estilong memorandum. Sinimulan niya ang pagpapahayag ng kanyang pananaw sa moral at pulitikal, sa pinamagitan ng PRODEO et PATRIA.
Hunyo 23, 1946- Lumisan sa Hapon patungong Pilipinas sina Laurel, Vargas, Aquino, Osias at Jose III.

Hulyo 4, 1946- Nanalo bilang Pangulo si Manuel Roxas laban kay Osmeña.

Pagdating nila Laurel sa Maynila dinala sila sa Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Noong Agosto, Si Senador Vicente J. Francisco pinagkalooban si Laurel ng unang dibisyon ng People Court ng pansamantalang paglaya ngunit tinanggihan ito ng nasasakdal.

Setyembre 2, 1946- humarap sa unang pagkakataon sa hukuman si Laurel upang pangatwiranan ang pansamantala niyang paglaya sa pamamagitan ng pagpipiyansa. Pagkatapos ay nagpahayag siya ng panawagan na payagan siyang makapagpiyansa. Sa gayong pagkakataon ay nagsabi si Tañada na sa ilalim ng Konstitusyon, ang piyansa'y hindi maipagkakaloob kung matibay ang ebidensya ng pagkakasala laban sa akusado.
Setyembre 14, 1946- Pinayagan si Laurel na makapagpiyansa.

Setyembre 20, 1946- iniutos ng unang dibisyon ang kanyang pansamantalang paglaya pagkatapos mabayaran ang piyansang P50,000.


Sa kontrobersyal sa karapatang parity ng mga Amerikano sa mga likas na yaman ng Pilipinas ay hindi sumang-ayon si Laurel subalit sang-ayon si Pangulong Roxas at nagpahayag siyang matatamo ang kapayapaan, kasiyaan at kasaganaan sa pamamagitan ng mga makukuhang biyaya ng Amerika sa paggamit ng minanang yaman ng ating bansa.

Mayo 1947- Ipinatawag si Laurel nang umabot sa kagitingan sa Malacañang ang tension sa pagitan nila ng Pangulo.

Pagdating sa Palasyo, Kasama ni Laurel ang kanyang panganay na anak na si Iskiper Jose P. Laurel, Jr. na pinadaan sa kusina upang hindi makita ng tagapayong Amerikano. Pagpasok nila sa silid-aralin ng Pangulo, sila'y binati ngunit sila'y nagsagutan. Maaring nagpatuloy pa si Roxas sa pagsabi ng masak
Noong mga huling araw ng Mayo 1947, idineklara ni Senador Eulogio Rodriguez na si Dr. Jose P. Laurel ay isa sa mga pinakarapat-dapat at napakatalinong heneral ng bansa na makakatulong sa kanilang labanang pampulitika sa Nobyembre. Si Dr. Laurel daw ay magiging Nacionalista.

Tinawagan ni Laurel at sinabi na siya'y umurong sa kandidatura sa Partidong Nacionalista. Sinulatan din niya si Rodriguez katulad din ng payahag niya kay Roxas.
Nagkaroon ng dalawang paglilitis noong Oktubre 20, 1947 at Enero 20, 1948. Nananabik si Laurel sa progreso sa paglilitis dahil nalalaman niyang siya'y mapapatunayan na wala siyang kasalanan. Labis siyang nabigo dahil sa nilagdaang Proklamasyon Bilang 51 ni Pangulong Roxas noong Enero 28, 1948.

Ang kaso ni Laurel ay na-dismiss pagkatapos pagtibayin ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang proklamasyon.


Abril 15, 1948- Bigla ang pagpanaw ni Pangulong Roxas pagkatapos ng kanyang talumpati kay Kelly Theater sa Clark Air Base. Pinalitan si Roxas ni Elpidio Quirino. Ang plano naman ni Quirino ay ang pagpapanumbalik ng kapayapaan at kaayusan, ang pagpaparami ng produksyon, at ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho.
Bago sumapit ang ika-57 na kaarawan ni Laurel ay ipinahayag niya ang kanyang planong labanan si Roxas sa pampanguluhang eleksyon subalit biglaan ang pagpanaw ni Roxas at sa pagpalit ni Quirino ay lalo pang tumibay ang kanyang pasyang kumandidato sa pagkapangulo.

Sa pagsisimula ng 1949, sinimulan na niyang labanan si Quirino . Ipinahayag niya ang kanyang kandidatura noong Mayo 22 pagkatapos ng kanyang nominasyon bilang opisyal na standard bearer ng Partidong Nacionalista.

Nagsimula na ang panahon ng pangangampanya, ang piniling pangalawang-pangulo ni Quirino ay si Fernando Lopez. Samantala, ang pangalawang-pangulo naman ni Laurel ay si Manuel Briones.
Sina Quirino at Lopez ay sa mga lungsod nangampanya samantalang sina Laurel at Briones naman ay sa mga lalawigan at baryo. Nagunita ng anak ni Laurel na si Salvador na kahit saan magpunta ang ama ay napakainit ng pagtanggap ng mga tao. Ag paratang ay isa lamang sa mga pakana ng mga Liberal upang sila'y magwagi. Nagisip ang mga kalaban ng isang senaryo ng pag-aresto kina Laurel, Recto at Arsenio Lacson(Alkalde ng Maynila). Ngunit ang matinding isyung ginamit ng mga kalaban sa pulitika ni Laurel ay ang pagiging maka-Hapon daw nito sa panahon ng pananakop ng mga hapones. Ang gayong paninira ay marangal at buong tatag na hinarap ni Laurel.
Bumoto ang mga Laurel noong Nobyembre 9. Sa mga naunang suporta na tinggap ng kampo ni Laurel ay nanalo ito ngunit ng dumating ang mga boto mula sa kabisayaan ay naging malaki na ang lamang ni Quirino. Si Recto ay naging pansiyam na lamang mula sa unang pwesto kaya nagprotesta si Recto sa Senate Electoral Tribunal.

Ang halalan ng 1949, ay itinuring na pinakamarumi sa kasaysayan ng Pilipinas. Sinabi niya sa mga batanggenyo na sila'y muling lalaban sa 1951 at 1953 at sila'y mananalo.
Setyembre 1951- sinimulan ni Laurel ang kanyang pangatlong kampanya sa pagka-senador. Itinatag ang National Movement for Free Elections (NAMFREL). Sa muling paglaban ay nagtagumpay si Laurel. Tinanggap niya ang pinakamalaking boto sa eleksyon sa Senado. Nanalo lahat ang mga kandidatong senador ng Partido Nacionalista.
Nang sumunod na taon, kinausap siya ng matibay na haligi ng Partidong Nacionalista na lumaban kay Quirino sa pampanguluhang eleksyon noong 1953 ngunit tinanggihan nito.
Pinatakbo niya si Magsaysay sa pampanguluhang eleksyon. Sa tulong ni Laurel, nagtagumpay nang may malaking kalamangan si Magsaysay. Noong 1954, binigyan ni Magsaysay si Laurel ng kapangyarihang isailalim ang muling pagsusuri ng Trade Agreement noong 1946. Kasama ni Laurel sa delegasyon sina Senador Gil J. Puyat, ang Gobernador ng Central Bank na si Miguel Cuaderno Sr., Lorenzo Tañada, Lorenzo Sumulong, Pedro Subido at Diosdado Langley. Doon na lamang natiyak ni Laurel na naghilom na ang anumang sugat na nilikha ng nakaraang digmaan.
Sa wakas, noong Disyembre 15, 1954 ang pangwakas na hakbang sa rebisyon ng Philippine-United States Trade Act of 1946, ay nilagdaan at pinagtibay ng dalawang bansa.

Bunga ng misyong Laurel, naipagtagumpay ang mga sumusunod:

Ganap na kontrolado ng Pilipinas ang sarili nitong pananalapi;

Pantay ang kapangyarihan ng Pangulo ng Pilipinas at Pangulo ng Amerika;

Isinaayos ang dating probisyon sa mga karapatan sa parity sa pagpapatibay ng pagkilala sa malayang kapangyarihan ng Pilipinas; at

Pagkakaloob ng katumbas na karapatan ng mga Pilipino na gamitin ang mga likas na yaman ng Amerika.

Dumating sa Maynila si Laurel noong Enero 22, 1955. Mula sa paliparan ay nagpatuloy siya sa Malacañang at binati siya roon nang buong kagalakan ni Magsaysay dahil sa naging resulta ng misyon. Ipinagpatuloy niya ang agenda ng repormang pang-edukasyon sa pagbabalik niya sa senado. Isinumite niya ang panukalang batas ng pagtuturo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal sa lahat ng unibersidad at kolehiyo. Pinagtibay ng Senado noong 1955 ang bersyon ng panukalang batas sa pagsasama sa kurikulum ng pag-aaral ng buhay, mga ginawa at mga sinulat ni Rizal sa lahat ng paaralang publiko at pribado, mga unibersidad at kolehiyo.

Nagluksa ang bayan sa pagpanaw ni Magsaysay nang bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957. Hindi nila alam kung sino ang lalaban kay Garcia sa pampanguluhang eleksyon sa 1958. Si Laurel na magreretiro na noon sa Senado sa katapusan ng 1957 ay muling hinikayat na tumakbo bilang pangulo.

Sakitin si Laurel sa edad na 66, ngunit ang pinapahalagahan niya ay ang nais ng pangkalahatan. Gayunpaman, nag-aalala si Donya Pacing sa kalusugan ng kabiyak at mahinahon niyang ipinahayag ang kanyang pagtutol at ipinahayag ni Laurel ang kanyang pag-urong sa labanang pampanguluhan.
Isa sa mga huling ginawa ni Laurel bilang senador ay ang kasalukuyang National Economic Development Authority. Hanggang sa kanyang pagreretiro, naitatag ang Committee of Citizens noong Mayo 1, 1958 at ang Unity Movement for National Survival noong Oktubre 21 noon ding taong 'yon.

Marso 9, 1959, ay pinagkalooban siya ni Pangulong Carlos P. Garcia ng Philippine Legion of Honor na may degree na Chief Commander. Aktibo niyang pinatnubayan ang opisinang Laurel sa batas.

Noong panahon ng commonwealth, tumulong si Laurel na magtatag ng isang samahan sa pag-iipon at pagpapautang. Lumapit siya sa mga kaibigan na sina Tomas Aguirre, Dindo Gonzales, Ernesto Lagdameo, Paquito Ortigas at Jose Sanvictores para mangalap ng puhunan.


Noong Hunyo 15, 1950, ay inanyayahan niya ang ilang kaibiganupang pag-usapan ang paatag ng isang unibersidad. Ang Lyceum of the Philippines University.

Sa ikalawang pulong idinaos noong Setyembre 1950, napagpasyahan ang korporasyon para sa paaralan. Ang napiling lugar ay sa Intramuros, panukulan ng kalyeng Real at Muralla.

Nahalal na Pangulo si Jose P. Laurel at ang anak na si Sotero ay Kalihim Tagapagpaganap at Kalihim ng Lupon.

Ang mag sumusunod ang bumuo ng Board of Trustees:

Claro M. Recto- Punong Mahistrado Avancena;

Embahador Jorge Vargas;

Mayor Leon Guinto Sr. ng Maynila;

Senador Ambrocio Padilla; at

Senador Pedro B. Sabido- nahalal ng ingat-yaman.

Nagbigay si Laurel ng mga
scholarship
sa Lyceum.




Noong Nobyember 5, 1959, dumaing siya ng sakit at pagkahilo hbang pauwi siya sa tahanan niya sa Mandaluyong. Pagdating niya sa bahay ay dumanas siya ng matinding stroke, agad siyang isinugod sa Ospital ng Lourdes sa Mandaluyong at nanantiling coma at nag-agaw buhay ng sampung oras. Sumakabilang-buhay ang magiting at makabayang Pilipino nang 1:00 ng umaga ng Nobyembre 6, 1959 upang makapiling na ang Dakilang Lumikha.
Full transcript