Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Tekstong Impormatibo

No description
by

Chelsea Pialago

on 5 January 2017

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Tekstong Impormatibo

Tekstong Impormatibo
Depinisyon
Ang Tekstong Impormatibo ay naglalahad ng mga mahahalaga at tiyak na impormasyon tungkol sa paksa (bagay, tao, lugar o pangyayari).
Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng mga tao.
Karakteristiks
Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa, dapat na makita ito sa kasunod na talata.
Ang impormasyon na ibinibigay ay dapat ang mga mahahalagang detalye at ito ay spesipiko.
Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo
Layunin ng May-akda -
maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat. Maaaring ang layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga bagay na mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba't ibang bagay.
Pangunahing Ideya -
dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mga mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ngpaglagay ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi.
Saan makikita ang mga Tekstong Impormatibo?
Ang mga akdang impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin,
textbook
, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng
encyclopedia
, gayundin sa iba't ibang
website
sa
internet
.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
Pantulong Kaisipan -
Mahalaga na rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong kaisipan o mga detalye upang makatulong na mabuo sa kaisipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais matanim o maiwan sa kanila.
Mga istilo sa pagsulat, kagamitan at sangguniang magtatampok sa mga bagay na binigyang diin
- makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitang/sangguniang magbibigay diin sa mahahalagang bahagi ng teksto.
Ano ang layunin ng balita?
Paano nakatutulong ang balita sa pang-araw-araw nating buhay?
Bukod sa balita, anu-ano pang mga bagay ang nagbibigay sa atin ng impormasyon?
Anong klaseng teksto ang iyong nakita?
Marami sa mga may malasakit sa turismo at kalikasan ang nakakaalam na ang pinakamalaking isda ay ang "Butanding" na mas kilala sa wikang Ingles na "Whale Shark" ay naninirahan at nakikipaglaro sa mga turista at kababayan ng Donsol, Sorsogon mula Disyembre hanggang Mayo taun-taon. Sadya talagang mapalad ang mga taga-Donsol sapagka’t hindi nila natutuhang kainin ang mga Butanding. ‘Di tulad sa ibang parte ng Pilipinas kung saan ang Butanding ay kinakatay at kinakain. Ang mga Butanding sa Donsol ay tinuturing na isang bagong kaibigan na nagbibigay ng hanapbuhay sa mga naninirahan doon. Ang Butanding ay hindi kumakain ng mas malalaking nilalang tulad ng mga malalaking laman-dagat, isda o tao. Sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko, ang kinakain ng Butanding ay mga plankton (maliliit na hayop), at mga hipon. Wala siyang matatalas na ngipin tulad ng ibang pating, at ang kanyang pagkain ay hinihigop ng kanyang napakalaking bibig (mga 8 metro ang lapad) at sinasala ng kanyang mga hasang. Maraming kailangang sundin upang ipakita ang paggalang sa mga Butanding tulad ng hindi paghipo o pagsakay. Hindi gumagamit ng mga scuba gear, at iba pang gamit na makapagtataboy sa kanila. Hindi rin gumagamit ng “flash photography”. Dapat pa ding alalahaning sila ay mga "wild” at hindi turuan. Minsan tumatagal ang mga "encounter" dahil ang mga Butanding ay kumakain. Natatapos ang mga "encounter" ‘pag nagdesisyon ang mga Butanding na lumangoy palayo.
Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Itoay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog.Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipinambayad ng mga datu.Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo.
Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging,mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na halaman.Ang pangisngisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawihan.Kilala naman ang abayan ng La Paz dahil sa masarap na batsoy. Ang Ilo-Ilo ay isa sa mga yamang ipangmamalaki ng Pilipinas hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa makasaysayang pook na matatagpuan sa lalawigang ito.
Ilo-ilo, yaman ng pilipinas
MGA KATANUNGAN:
1.Anu-anong impormasyon ang laman ng tekstong iyong binasa?
2.Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
3.Anu-ano ang mga paniniwala ukol sa Lalawigan ng Iloilo?
4.Ano ang ipinambabayad ng mga datu?
5.Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
6.Ibigay ang mga produktong nagmumula sa Iloilo?
7.Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga-iloilo?
MARAMING SALAMAT PO! :)
Ipinresenta nina:
Mary Chelsea Rose Pialago
Jeanice Kristy Saniel
Pia Mae Plenos
Maria Ezra Kriselle Soltones
Katrina Kathleen Kay Crabajales
Shannon-Mary Tan

Ipinresenta kay:
Gng. Charlotte Ablen
MGA BUTANDING NG DONSOL
Maghanap ng partner at kayo'y gagawa ng interbyu. magtanong kayo ng mga simpleng katanungan tungkol sa inyong partner na hindi niyo pa nalalaman tungkol sa kanila. pagkatapos ay gumawa ng kahit isang talata na pumapatungkol sa inyong napiling partner.
Ano sa Ingles ang "butanding"?

Saan matatagpuan ang mga butanding?

Itinuturi bang nakakatakot ang mga butanding?

Anu-ano ang mga kinakain nila?
Full transcript