Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Grapema (2009

No description
by

pamulu esined

on 12 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Grapema (2009

Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino
PAGBAYBAY NA PASALITA
Pantig at palapantigan (2009&2013)

Pagsulat na pabaybay
Grapema
(a) ang tuldik na pahilis (´) na sumisimbolo sa diin at/o habà,
(b) ang tuldik na paiwa (`),
(c) ang tuldik na pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na tunog.


Hindi titik/hindi letra
*Letra o Titik

Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) titik at kumakatawan ang bawat isa sa isang tunog. Binibigkas o binabása ang mga titik sa tunog-Ingles maliban sa Ñ.
*Ang bantas ay kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga titik at pantig, sa pagitan ng mga salita at mga parirala, at sa pagitan ng mga pangungusap. Binubuo ito ng kuwit (,), tuldok (.), pananong (?), padamdam (!), tuldok-kuwit (;), kudlit (‘), at gitling (-).

2013
Titik. Ang títik o létra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita.
Binubuo ito ng mga patínig o bokablo (vocablo) at ng mga katínig o
konsonante (consonante). Ang serye ng mga titik o letra ay tinatawag
na alpabéto. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong
(28) titik at kumakatawan ang bawat isa sa isang tunog. Binibigkas o
binabása ang mga titik sa tunog-Ingles maliban sa Ñ.
Di-titik. Binubuo ang di-titik ng mga tuldik at mga bantas. Ang
tuldik o asento ay gabay sa paraan ng pagbigkas ng mga salita. Sa
lingguwistika, itinuturing ang tuldik na simbolo para sa impit na tunog
o kayâ sa diin o habà ng pagbigkas. Sa abakadang Tagalog, tatlo ang
pinalaganap nang tuldik: (1) ang tuldik na pahilís (´) na sumisimbolo
sa diin at/o habà, (2) ang tuldik na paiwà (`), at (3) ang tuldik na
pakupyâ (^) na sumisimbolo sa impit na tunog. Kamakailan,
idinagdag ang ikaapat, ang tuldik na patuldók, kahawig ng umlaut at
dieresis ( ¨ ) upang kumatawan sa tunog na tinatawag na schwa sa
lingguwistika.
Ang bantas ay kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa
pagitan ng mga titik at pantig, sa pagitan ng mga salita at mga parirala, 12
at sa pagitan ng mga pangungusap. Mga karaniwang bantas ang kuwít
(,), tuldók (.), pananóng (?), padamdám (!), tuldók-kuwít (;),
tutuldók (:), kudlít (’), at gitlíng (-).
Pagsulat Pagbigkas
to /ti-o/
pag /pi-ey-dyi/
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-e-en-es/
Pagsulat Pagbigkas
bayan /bi-ey-way-ey-en/
plano /pi-el-ey-en-o/
Fajardo /kapital ef-ey-dyey-ey-ar-di-o/
Jihad /dyey-ay-eyts-ey-di/

SALITA
PANTIG
Akronim
MERALCO (Manila Electric Company)
/em-i-ar-ey-el-si-o/
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino)
/key-dobolyu-ef/
CAR (Cordillera Administrative Region)
/si- ey-ar/
ASEAN (Association of Southeast Asian Nations)
/ey-es-i-ey-en/

Daglat

Bb. (Binibini) /kapital bi-bi tuldok/
G. (Ginoo) /kapital dyi tuldok/
Gng. (Ginang) /kapital dyi-en-dyi tuldok/
Kgg. (Kagálang-gálang) /kapital key-dyi-dyi tuldok/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar tuldok/

Inisyals ng tao/bagay

MLQ (Manuel L.Quezon) /em-el-kyu/
LKS (Lope K. Santos) /el-key-es/
AGA (Alejandro G. Abadilla) /ey dyi-ey/
TKO (Technical Knockout) /ti-key-o/
CPU (Central Processing Unit) /si-pi-yu/
AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) /ey-ay-di-es/
DOA (Dead on Arrival) /di-o-ey/

Inisyal ng samahan/institution/pook
KKK (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan)
/key-key-key/
BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) /bi-es-pi/
EDSA (Epifanio de los Santos Avenue) /e-di-es-ey/
PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) /pi-el-em/
MSU (Mindanao State University)
/em-es-yu/
LRT (Light Railway Transit)
/el-ar-ti/

Simbulo ng pang agham/pangmatematika
Fe (iron) /ef-i/
lb. (pound) /el-bi tuldok/
kg. (kilogram) /key-dyi tuldok/
H2O (water) /eyts-tu-o/
NaCI (sodium) /en-ey-si-el/

Pantig
Ang pantíg o sílabá ay isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambal-patinig at isa o mahigit pang katinig. Bawat patinig (a/e/ë/i/o/u) ay isang pantig; samantala, kailangan ng bawat katinig ang isang patinig upang maging pantig. Dagdag pa, may isa lámang patinig sa bawat pantigsamantalang maaaring mahigit sa dalawa ang katinig sa isang pantig.
Kayarian ng Pantig. Alinsunod sa sinundang paliwanag, ang
pantig ay maaaring binubuo ng isang patinig, o isang katinig at isang patinig, o dalawa o mahigit pang katinig at isang patinig. Sumusunod ang mga kayarian ng pantig sa pasulat na simbolo at kinakatawan ng
P
ang patinig at ng
K
ang katinig:
Pagpapantig ng mga salita
Ang pagpapantig ay paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo dito.
Nakabatay ito sa grafema o nakasulat na mga simbolo. Halimbawa, /u·be/
(ube), /ba·hay/ (bahay). Narito ang ilang tuntunin:
Una, kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig sa 13posisyong pang-una, panggitna, at pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig.
Halimbawa: /a·ak·yat/ (aakyat), /a·la·a·la/ (alaala), /to·to·o/ (totoo).
Ikalawa, kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay isinasáma sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasáma sa kasunod na pantig.
Halimbawa: /ak·lat/ (aklat), /es·pes·yal/ (espesyal), /pan·sit/ (pansit), /os·pi·tal/ (ospital). Nasasaklaw nitó pati ang mga digrapo, gaya sa kut·son (kutson), sit·sa·ron (sitsaron), tit·ser (titser).
Ikatlo, kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasáma sa patinig ng sinundang pantig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig.
Halimbawa: /eks·per·to/ (eksperto), /trans·fer/ (transfer), /ins·pi·ras·yon/ (inspirasyon).
Ikaapat, kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay M o
N at ang kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang
katinig (M/N) ay isinasáma sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na pantig.
Halimbawa: /a·sam·ble.a/ (asamblea), /tim·bre/ (timbre), /si·lin·dro/ (silindro), /tem·plo/ (templo), /sen·tro/ (sentro).
Ikalima, kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng
isang salita, isinasáma ang unang dalawang katinig sa sinusundang patinig at isinasáma ang hulíng dalawang katinig sa kasunod na pantig.
Halimbawa, /eks·plo·si·bo/ (eksplosibo), /trans·plant/ (transplant).
Pantig na Inuulit
Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lámang ang inuulit. Halimbawa: /a·ak·yat/ (aakyat), /i·i·big/
(iibig),/ u·u·bu·hin/ (uubuhin). Nagaganap din ito kahit may panlapi ang
salita.
Halimbawa: /ma·a·ak·yat/ (maaakyat), /u·mi·i·big/ (umiibig),
/u·mu·u·bo/ (umuubo).
Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang pantig
lámang ang inuulit. Halimbawa: /la·la·kad/ (lalakad), /ba·ba·lik/
(babalik). Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salitang-ugat.
Halimbawa: /mag·la·la·kad/ (maglalakad), /pag·ba·ba·lik/ (pagbabalik)
.
Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant cluster), ang unang katinig at patinig lámang ang inuulit.
Halimbawa: /i·pa·pla·no/ (ipaplano), /mag·ta·trans·port/
(magtatransport), /pi·pri·tu·hin/ (piprituhin). Nagaganap ito kahit sa kaso ng hindi pa nakareispel na salitang banyaga. Halimbawa: /mag·beblessing/, /i·pa·ko-close/, /i·se-share/. Gayunman, maaaring ituring na varyant ang pag-uulit ng dalawang katinig at patinig, gaya sa /i·pla·pla·no/, /mag·ble-blessing/.
2009
Gamit ng Walong Bagong Titik.
Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulat ang paggamit ng walong (8) dagdag na titik sa modernisadong alpabeto:
C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z.
Pangunahing gamit
ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng Filipinas. Ang mga titik na
F, J,

V,
at
Z
ay napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong wika.
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba

falendag (Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipit

na dahon sa ihipan

feyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo

jalan (Tausug) daan o k a l s a d a
masjid (Tausug, Mëranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim
vakul (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na
ginagamit bílang pananggalang sa ulan at
init ng araw.
kuvat (Ibaloy) digma
vuyu (Ibanag) bulalakaw
zigattu (Ibanag) silangan
Bagong Hiram na Salita.
Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita mulang Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: mga bagong hiram. Ang ibig sabihin, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abakada.
Halimbawa,
hindi dapat ibalik ang F ng orihinal na forma sa Espanyol dahil ginagamit nang matagal ang porma pati ang mga deribatibo nitóng pormal, impormal, pormalismo, pormalidad, depormidad, atbp. Hindi rin dapat ibalik ang pirma sa firma, ang bintana sa ventana, ang kalye sa calle, ang tseke sa cheque, ang pinya sa piña, ang hamón sa jamon, ang eksistensiya sa existencia, ang sapatos sa zapatos
Lumang Salitang Espanyol
. Mahalagang mohon hinggil sa mga
lumang salita mulang Espanyol ang mga nakalista sa Diccionario
Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban. Nakatanghal sa inilistang mga lumang hiram na salita mulang Espanyol ang naganap na pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita.
bakasyón (vacacion),
kabáyo (caballo),
kandilà (candela),
puwérsa (fuerza),
letsón (lechon),
lisénsiyá (licencia)
sibúyas (cebolla+s),
siláhis(celaje+s),
sóna (zona),
kómang (manco),
kumustá (como esta),
pórke
(por que),
Di-Binabagong Bagong Hiram.
Ngunit pigilin ang pagbaybay
paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita mulang Espanyol. Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa matatagpuan sa
dalawang binanggit na diksiyonaryo.
Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang fútbol, fertíl, fósil, vísa, vertebrá, zígzag.
Samantala, dahil sa walong dagdag na titik, maraming salita mulang Ingles ang maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng
pagbago sa ispeling, gaya ng fern, fólder, jam, jar, lével (na hindi dapat bigkasing mabilis, gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang isa itong salitang Espanyol), énvoy, devélop, ziggúrat, zip.
Problema sa C, Ñ, Q, X.
Gayunman, mapapansin sa mga
binanggit na halimbawa ng bagong hiram na salita na hindi pa ginagamit ang lahat ng dagdag na titik. Walang halimbawa ng hiram na salita na may mga titik C,Ñ, Q, at X. Bakit? Narito ang paliwanag. Isang magandang simulaing pangwika mula sa baybayin hanggang abakada ang pangyayaring iisang tunog ang kinakatawan ng bawat titik. Sa kaso ng C, problema ang pangyayari na may dalawang paraan ito ng pagbigkas na maaaring katawanin ng K o S
Halimbawa,
K ang tunog nitó sa unang titik ng coche (kotse) ngunit S naman ang tunog sa unang titik ng ciudad(siyudad).
Sa kaso ng Ñ, napakalimitado kahit sa Espanyol ang mga salita na nagtataglay ng titik na ito. Ang ilang salitang pumasok na sa Filipino ay
natapatan na ng NY, gaya sa donya (doña), pinya (piña), banyo (baño).
Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog ang mga nabanggit na titik—nagiging kw o ky ang Q at ks ang X. Kapag humiram ng pangalang pambalana at nais reispel, ang ginagamit noon pa sa paabakadang pagsulat ay ang katumbas ng tunog ng Q at X.
Ang Q ay nagiging K sa mulang Espanyol na késo
(queso) at KW sa mulang Ingles na kwit (quit) o KY barbikyu
(barbeque). Ang X naman ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa ekstra (extra).
Panghihiram Gamit ang 8 Bagong Titik.
Sa pangkalahatan, sa
gayon, ang lahat ng walong dagdag na titik sa alpabeto ay ginagamit sa
dalawang pagkakataon.
Una
, sa mga pangngalang pantangi
halimbawa,

Charles Cordero, San Fernando, Jupiter, Santo Niño, Quirino, Nueva Vizcaya, Maximo, Zion.
Ikalawa
, sa mga katawagang siyentipiko at teknikal, halimbawa, “carbon dioxide,” “Albizia falcataria,” “jus
sanguinis,” “quo warranto,” “valence,” “x-axis,” “zeitgeist.”
Eksperimento sa Ingles.
Sa pangkalahatan, ipinahihintulot at ginaganyak ang higit pang eksperimento sa reispeling o pagsasa-Filipino
ng ispeling ng mga bagong hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga.
Dapat madagdagan nang higit ang istambay (stand by), iskul (school), iskedyul (schedule), pulis (police), boksing (boxing), rises (recess), bilding (building), groseri (grocery), anderpas (underpass), haywey(highway), trapik (traffic), gradweyt (graduate), korni (corny), “pisbol” (fishball), masinggan (machinegun), armalayt (armalite), bisnes(business), atbp. Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa mga magaaral dahil higit na madali niláng makikilála ang nakasulat na bersiyon ng salita.
Kailan Hindi Pa Maaari ang Reispeling. Ngunit tinitimpi ang pagsasaFilipino ng ispeling ng mga bagong hiram kapag:
nagiging kakatwa o katawa-tawa ang anyo sa Filipino,
nagiging higit pang mahirap basáhin
ang bagong anyo kaysa orihinal,
nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng pinagmulan,
higit nang popular ang
anyo sa orihinal, at
lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo dahil
may kahawig na salita sa Filipino.
Halimbawa, bakâ walang bumili ng “Kok” (Coke) at mapagkamalan itong pinaikling tilaok ng manok. Matagal mag-iisip ang makabása ng “karbon day-oksayd” bago niya maikonekta ito sa sangkap ng hangin. Iba ang baguette ng mga Pranses sa ating kolokyal na “bagets.” Nawawala ang samyo ng bouquet sa nireispel na “bukey.” Nakasanayan nang basahin ang duty-free kayâ ipagtataká ang karatulang “dyuti-fri.”
Espanyol Muna, Bago Ingles. Dahil sa mga naturang problema, iminumungkahi ang pagtitimpi sa lubhang pagsandig sa Ingles. Sa halip, maaaring unang piliin ang singkahulugang salita mulang Espanyol, lalo’t may nahahawig na anyo, dahil higit na umaalinsunod ang wikang Espanyol sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles.
Higit na magaang basáhin (at pantigin) ang estandardisásyon (estandardizacion) mulang Espanyol kaysa “istandardiseysiyon” (standardization) mulang Ingles, ang bagáhe (bagaje) kaysa “bageyds” (baggage), ang birtúd (virtud) kaysa “virtyu” (virtue), ang ísla (isla) kaysa “ayland” (island), ang imáhen(imagen) kaysa “imeyds” (image), ang sopistikádo (sofisticado) kaysa “sofistikeyted” (sophisticated), ang gradwasyón (graduacion) kaysa gradweysiyon” (graduation).
Gamit ng J. Sa pangkalahatan, ang bagong titik na J ay ginagamit sa tunog na /dyey/. Ibig sabihin, hindi na ito gagamitin sa panghihiram mulang Espanyol ng mga salitang ang J ay may tunog na /ha/ at
tinatapatan ng H, gaya ng ginawa noon sa justo at juez na may anyo na
ngayong hústo at huwés
Ilalapat, sa gayon, ang bagong titik na J sa mga
katutubong salita na may tunog /dyey/, gaya ng jálan at jántung ng Tausug, sínjal ng Ibaloy, at jínjin at íjang ng Ivatan. Gagamitin din ito sa mga bagong hiram na salita, gaya ng jet, jam, jazz, jéster, jínggel, joy, enjóy ng Ingles, jujítsu ng Hapones, at jatáka ng Sanskrit. Ngunit hindi sakop nitó ang ibang salitang Ingles na nagtataglay ng tunog /dyey/ ngunit hindi gumagamit ng J, gaya sa general, generator, digest, region na kung sakaling hiramin man ay magkakaroon ng anyong “dyeneral,”“dyenereytor,” “daydyest,” “ridyon.” Hindi naman kailangang ibalik ang J sa mga salitang Ingles na matagal nang isinusulat nang may DY, gaya sa dyípni (jeepney), dyánitór (janitor), at dyáket (jacket).
Pagsulat at salitang Hiram
1. Panatilihin ang orihinal ang mga katutubong wika sa pilpinas.

2. Panatilihing Orihinal ang salitang hiram sa wikang banyaga.


3. Sa pagbigkas sa wikang espanyol, baybayin ito sa ABAKADA.

4. Pag uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na "e", hindi ito pinapalitan ng "i". Kinakabitan ng pang ugnay na "ng" at ginagamitan ng gitling.
5. Sa pag uulit ng salitang ugat na nagtatapos sa "o" hindi ito pinapalitan ng letrang "u". Ginagamitan ito ng gitling sa pagitang ng salitang ugat.
6. Kapag hinuhunlapian ang huling pantig ng salitang ugat na nagtatapos sa "e" ito ay nagiging "i" at ang "o" ay "u".
7. Makabuluhan ang tunog na"e" at "o" kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa mga katutubo o hiram na salita.
8. Hindi pwedeng palitang ng "i" ang "e" at ng "u" ang "o". Dapat pa ring gamitin ang baybay namatagal na o laging ginagamit.
Ang Panghihiram.
1. Tumbasang kasalukuyang leksikon sa filipino ang mga salitang hiram o banyaga.
Role = Tuntunin

Narrative = salaysay

Skill = kasanayan

Banquet = salusalo

Tranquil= panatag, tiwasay, payapa.
2. Gamitin ang mga natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa pilipinas at panatilihin itong orihinal.
3.1 baybayin ang salita ayon sa ABAKADA.
vocabulario = bokabularyo

telefono = telepono

celebracion = selebrasyon

maquina = makina

psicologia = sokolohiya
3.2 Sa mga salitang Espanyol na may "e" panatilihin ang "e".
estudyante - hindi istudyante

estilo - hindi idtilo

espiritu - hindi ispiritu

estruktura - hindi istruktura

desgrasya - hindi disgrasya

espasyal - hindi ispesyal
3.3 Sa mga ssalitang hiram na espanyol na may "o", panatilihin ang "o".
politika - hindi pulitika

opisina - hindi upisina

tradisyonal - hindi tradisyunal

koryente - hindi kuryente

tornilyo - hindi turnilyo


3.4 m mga salitang hiram na nagbabago ang kasunod na katinig, ang "o" ay nagiging "u" sa mga salitang sinusundan ng "n" o pailong na katinig. Ang "n" ay magiging "m".
Espanyol Filipino
convencion Kumbensyon
conferencia kumperensya
convento kumbento
conforme komporme
convulsion Kumbulsiyon
4. Mga salitang hiram sa Espanyol at Ingles Kung hindi tiyak ang pagttumbas, hiramin ang orihinal na Espanyol at Ingles.
Espanyol Filipino Ingles
imagen imahen image
dialogo diyalogo dialogue
prioridad priyoridad priority
5. Panghihiram sa wikang Ingles
Habeans corpus tourpee

bouquet spaghetti

depot reservoir
6. Panatilihin ang orihinal na baybay ngg mga salitang patangi, teknikal,pang-agham at simbolong pang aghan at matematika.
Manuel L.Quezon varicose vein

Binan Laguna chemotography

Ablaze Bldg. video tape

Jose Reyes Hospital x-ray

Jhonson Wax carbon dioxide
Unang kataliwasan:
kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita. Nahahati sa
dalawang pantig ang kambal-patinig at nása ikalawang pantig ang diin o
tuldik. Mabilis ang bigkas mula sa una tungo sa ikalawang pantig ngunit
tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nitó, dalawa ang patinig kayâ
nangangailangan ng dalawang pantig. Ganito rin naman ang dahilan sa
tradisyonal na baybay noon pa ng katutubong diptonggo,
Ikalawang kataliwasan:

kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita.May layuning pedagohiko ang kataliwasang ito. Ang pagpapanatili sa unang patinig ay isang paraan ng
“pagpapaluwag” sa mga pantig at upang matulungan ang mag-aaral (lalo
23na ang di-sanay sa Espanyol) sa pagpapantig ng salita.
Ikatlong kataliwasan:

kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H. Ang H ay isang mahinàng
katinig kayâ naglalaho ito kapag walang kasámang patinig, gaya sa
naganap na paglalaho nitó sa perwisyo (prejuicio). Imposible, sa gayon,
ang anyong “kolehyo” o “rehyon” dahil magiging “koleyo” o “reyon” ang
karaniwang aktuwal na bigkas kapag hindi binigyan ng tanging diin ang H
na walang kasunod na patinig.
Ikaapat na kataliwasan:
kapag ang kambal-patinig ay nása dulo ng salita at may diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal. Halimbawa,
ekonomIYA (economía), pilosopIYA (filosofía), heograpIYA (geografía). Sa mga naturang halimbawa, may lumitaw nang varyant na
“ekonomya” at “pilosopya” (kung minsan, “pilusupya”) ngunit malimit na ginagamit ito nang may pakahulugang iba sa orihinal na kahulugan ng mga ito bilang mga disiplina o sangay ng karunungan. Ang ekonomyá (mabilis ang bigkas) ay matalik na kaugnay ng pagtitipid; ang pilosopyá, gaya sa “pamimilosopya,” ay higit na ukol sa mapagmalabis na paggamit ng pangangatwiran.

Malalakas na Patinig.
Sa kabilang dako, hindi nagdudulot ng ganitong sigalot ang mga kambal-patinig na may malakas na unang patinig (A,E,O). Maliban sa ilang varyant, maaaring baybayin ang mga ito nang walang singit na Y o W. Halimbawa, aórta (aorta), paráon (faraon), baúl (baul), haúla (haula); ideá (idea), ideál (ideal), teátro (teatro), león (leon), neón (neon), teórya (teoria); poéta (poeta), poesíya (poesia). Maaaring ituring na varyant lámang ng ideá ang ideyá, ng ideál 24 ang ideyál.

Gayunman, dapat pansinin ang nakagawiang pagturing sa diptonggong AU na katulad ng AO, at kaugnay ng panukala ni Rizal noon, ang ikalawang patinig ay pinatutunog na W. Ito ang sanhi sa popular na varyant ng haúla na háwla. Malinaw ding ito ang nasusunod sa mga kasalukuyang anyo ng máwsoléo, (mausoleo), áwditóryo (auditorio), áwditíbo (auditivo), báwtísmo (bautismo), káwdílyo (caudillo). Pansinin ding nagaganap ito kapag ang diin ay nása unangpatinig ng diptonggo.

Kasong kambal Katinig
KAMBAL-KATINIG AT DIGRAPONG SK, ST, SH, KT
Walang KT.
Gayunman, hindi tinanggap ang KT (CT) dahil hindi
diumano pinatutunog ang T sa tabi ng K sa loob ng isang pantig. Sa
gayon, áspek ang aspect, korék ang correct, at maaaring sábjek ang
subject. Narito pa ang ilang halimbawa:

ábstrak (abstract)
ádik (addict)
konék (connect)
kóntrak (contract)
Digrapong CH at SH.
Ang digrapo ay kambal-katinig na
binibigkas nang may isang tunog, gaya ng CH sa cheese, check, chopstick,
at ng SH sa shooting, shampoo, shop, workshop, ambush, brush. Ang CH
ay matagal nang tinapatan ng TS sa Tagalog kapag nanghiram sa
Espanyol. Kayâ kung isasa-Tagalog ang tatlong halimbawa ng CH
mulang Ingles ay magiging tsis, tsek, tsap-istík ang mga ito.
Ang totoo, dapat tapatan ng TS sa halip na CH ang ganitong tunog sa mga balbal na imbentong gaya ng tsánsa, tsáka, tsíka, tsitsà, at tsibúg
Halimbawa:
tsísmis (chismes) tsánel (channel)
tsápa (chapa) tsánselór (chancellor)
tsampáka (champaca) tsupér (chofer)

May SH ang Ibaloy.
Ang malaking problema, isang lehitimong
tunog ang SH sa mga wika sa Cordillera. Sa wikang Ibaloy, natatagpuan ang SH sa umpisa, gitna, at dulo ng salita. Halimbawa, shuwa (dalawa). Sa 2013 forum, ipinasiya na isaalang-alang ang SH bilang isang tunog ngunit hindi tutumbasan ng katapat na bagong titik. Ang ibig sabihin, mananatili ito sa anyo nitó ngayon bilang katutubong digrapo at
babaybayin sa mga titik S at H
May TH at KH ang Mëranaw.
Isang bagong pasok na kaso ang
pagpapatunog sa H, na kumakatawan sa nagaganap na aspirasyon, o
pahingal na pagpapatunog sa katinig o patinig, sa digrapong TH at KH.
Sa lumang abakadang Tagalog ay hindi pinatutunog ang aspiradong H ng TH at KH. Kayâ iniispeling noon na “maraton” ang marathon. Ngunit
binago ito; ang ibig ngang sabihin, tinanggap sa 2013 forum upang
gamitin ang aspirado o pahingal na bigkas sa H. Hindi ito dahil sa Ingles
na gaya ng aspiradong bigkas sa tin at kit.
PALITANG E/I AT O/U
Disiplina sa Pagbigkas ng E/I at O/U.
Bahagi sa pagdisiplina sa
ating dila ang tuntunin upang maibukod ang E sa I at ang O sa U. Pahihintuin ng naturang disiplina ang balbal na ugaling gawing I ang E sa umpisa ng mga salita, gaya sa “iskandalo” sa halip na eskandalo, “istasyon” sa halip na estasyon, “istilo” sa halip na estilo, “minudo” sa halip na menudo, atbp. Bagaman nakapagtatakang hindi napalitan ng I ang unang E sa estero, estranghero, erehe, at eredero. Kung didisiplinahin, mapipigil ang paabakada kunong “liyon” sa halip na leon, “nigatibo” sa halip na negatibo. Mapipigil din ang ugaling palitan ng U ang O sa gaya ng “kuryente” sa halip na koryente, “Kuryano” sa halip na Koreano, “dunasyon” sa halip na donasyon, “murado” sa halip na morado, “kumpanya” sa halip na kompanya, “sumbrero” sa halip na sombrero, “pulitika” sa halip na politika.
Senyas sa Espanyol o sa Ingles.
Sa kaso ng E/I, magiging senyas
ang E sa mga salitang Espanyolnanagsisimula sa ES upang ibukod sa mga salitang Ingles na halos katunog ngunit nagsisimula sa S, gaya sa sumusunod:

Halimbawa:
eskándaló (escandalo) iskándal (scandal) estasyón (estacion) istéysiyón (station) espesyál (especial) ispésyal (special) esmárte (esmarte) ismárt (smart) eskuwéla (escuela) iskúl (school) estandárte (estandarte) istándard (standard)
Kapag Nagbago ang Katinig.
Sa kaso ng O/U, ipinahihintulot ang pagpapalit ng O sa U kapag nagbago ang kasunod na katinig sa loob ng pantig. Nagaganap ito sa pagpapalit ng N sa M kapag pag-uumpisa ang kasunod na pantig sa B/V at P/F. Halimbawa, ang anyong kumperensiya ng conferencia. Napalitan ng U ang O kaugnay ng naganap ng pagpapalit ng kasunod na N sa M dahil sumusunod sa P/F.
Epekto ng Hulapi.
Nagiging I ang E at nagiging U ang O kapag
nása dulo ng salita at sinusundan ng hulapi. Halimbawa, ang E sa “babae” ay nagiging I sa kababaihan; ang O sa “biro” ay nagiging U sabiruin.
Halimbawa:

balae—balaíhin bale—pabalíhin
tae—nataíhan onse—onsíhan
kalbo—kalbuhín pasò—pasùin
takbo—takbuhán tabò—tabùan

Kailan Di Nagpapalit.
Taliwas sa lumaganap na akala, hindi
awtomatiko ang pagpapalit kayâ hindi nagaganap sa ibang pagkakataón,
gaya sa sumusunod:

Kapag Bago ang kahulugan.
Dito nagaganap ang palitan ng I sa E at U sa U kapang walang gitling ang inuulut na salita at nagddulot ng bagong kahulugan.
sálo-sálo—magkakasáma at magkakasabay na kumain
salusálo—isang piging o handaan para sa maraming tao
Huwag Baguhin ang Dobleng O.
Iminumungkahi rin ang paggalang sa ilang salita na may dobleng O (oo) kahit sinusundan ng hulapi, gaya sa noó na lagyan man ng hulapi ay nananatiling noohín. Iminumungkahi ring pairalin ito sa ilang salita na may UO gaya sa tuón at tuós na dapat baybaying pagtuonán at tuosín
Halimbawa:
noón—kanoonán
noód—panoórin
doón—paroonán
poót—kapootán
poók—poók-pookín

Kasong Din/Rin, Daw/Raw.
Ang pagpapalit ng D tungo sa R ay
nagaganap sa mga pang-abay na din/rin at daw/raw. Sang-ayon sa
tuntuning pinalaganap ng Balarila, nagiging rin ang din o raw ang daw
kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (W at Y)
“D” Kahit Kasunod ng Patinig. Dapat ding banggitin na may salitang gaya ng dulás at dalî na malimit na binibigkas at isinusulat nang may D kahit may sinusundang A, gaya sa madulás o mádulás [bagaman may pook na “Marulas” (madulas) at “Marilao” (madilaw) sa Bulacan] at sa madalî, mádalìan, madalián. May kaso rin ng magkahawig na salita na may nagkakaibang kahulugan dahil sa D o R, gaya sa mga pang-uring madamdámin (tigib sa damdamin) at maramdámin(madalîng masaktan
ang damdamin). Sa ganitong pangyayari, magandang isaalang-alang ang pinalaganap na paraan ng paggamit sa daw/raw at din/rin.

Subalit tandaan:
Hindi ito dapat ituring na tuntunin sa pagsulat. Ang ibig sabihin pa, hindi dapat ituring na pagkakamali ang paggamit ng din at daw kahit sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig at malapatinig.
Gamit ng "NANG"
Una, ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng noong.
Ikalawa, ginagamit ang nang kasingkahulugan ng upang o “para.”
Ikatlo, ginagamit ang nang katumbas ng pinagsámang na at “ng.”
Ikaapat, ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan o sukat (pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano).
Ikalima, ginagamit ang nang bilang pang-angkop ng inuulit na salita.
Ingatan ang Pinagdikit na “na” at “ang”: Malimit mapagkamalang nang ang kontraksiyon ng na at ng ang, gaya sa pangungusap na
“Laganap nang himagsik pagbaril kay Rizal.” Kailangang isulat ito nang may kudlit (’) upang ipahiwatig ang naganap na kontraksiyon ng na at ng ang, gaya sa “Laganap na’ng himagsik pagbaril kay Rizal.”

Pasok ng ST at SK
Sa akdang tagalog noon di pinapatunog ang ikalawang katining . Si naganap na forum noong 2005 hanggang 2013 piagtibay ang pangyayari na pinatutunog ang ST at SK. Sa gayon maari ng baybayin ang desk at disk na
DESK
at
DISK.

Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang-ugat. Wasto ang birò-birò at hindi nararapat ang “biru-biro.” Maaaring nagaganap ang pagpapalit ng I sa E o ng U sa O sa karaniwang pagbigkas ng mga Tagalog ngunit hindi kailangan isulat, maliban kung bahagi ng realismo sa wika ng isang akdang pampanitikan.
Hindi kailangang bagihin ang E at O kapag sinundan ng pang ugnay na (-ng).
. Tumpak ang “babáeng masipag” at hindikailangan ang “babaing masipag”;
Sa Inuulit na Salita. Ginagamit ang gitling sa mga salitang
inuulit:
Mga wastong gamit ng gitling
Sa Isahang Pantig na Tunog. Gayunman, ginagamit ang gitling sa onomatopeikong pagsulat sa mga iisahing pantig na tunog
Sa Paghihiwalay ng Katinig at Patinig. Ginagamit ang gitling upang paghiwalayin ang pantig na nagtatapos sa katinig at ang sumusunod na pantig na nagsisimula sa patinig.
Sa Pinabigat na Pantig. Ginagamit din ang gitling upang bigyan ng bigat o diin ang kakaibang bigkas sa naunang pantig, gaya sa matandang “gáb-i” na kasingkahulugan lámang din ng makabagong “gabí.”
Sa Bagong Tambalan. Ginagamit ang gitling sa mga bagong tambalang salita, walang tiyak na tuntunin kung kailan inaaalisan ng gitling ang tambalang salita.
Iwasan ang “Bigyan-.” Magtipid sa paggawa ng tambalang salita, lalo’t hindi kailangan. Marami ang nagsasabing “bigyang-pugay” samantalang puwede naman at mas maikli pa ang nagpugay; bigyang-parangal” samantalang puwede itong parangalan; “bigyang-tulong” samantalang higit na idyomatiko ang tulungan. Kahit ang “bigyang-pansin” ay puwede nang
pinansin.
Tambalan ang “Punongkahoy.” Dapat malinawan na may
salitang gaya ng punongkáhoy at buntonghiningá na likha mula sa dalawang salita: “puno+ng” at “kahoy” at “bunton+ng” at “hininga.” May bumabaybay sa mga ito na “punungkahoy” at ‘buntunghininga” dahil sa arbitraryong pagsunod sa O na nagiging U sa loob ng pinagtambal na may salita. Ngunit kung babalikan ang tuntunin 7.5, hindi na kailangan ang naturang pagpapalit. Nagkadikit man, wala namang bagong kahulugang
lumitaw sa pagdidikit. Bukod pa, madalî ring makikilála ng mambabasá ang dalawang orihinal na salitang pinagsáma sa punongkahoy at sa
buntonghininga.

Sa Pasulat na Oras. Ginagamit ang gitling upang ihiwalay ang numero sa oras at petsang may ika- gayundin sa pagbílang ng oras, numero man o binabaybay, na ikinakabit sa alas-.
. Sa Kasunod ng “Di.” Ginagamitan ng gitling ang salitang pinangunguhan ng dî (pinaikling hindî) at nagkakaroon ng kahulugang idyomatiko, tila kasabihan, malimit na kasalungat ng orihinal nitó, at malimit na may mapagbiro o mapang-uyam na himig.
Full transcript